Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - PROLOGUE


TGIF! This week had been so hectic and tiring. Sobrang toxic sa work. Andami kasing pasyente tapos dumagdag pa na nag-aabsent ang isa kong katrabaho this week. Kaya naman napasa sa akin ang ilan niyang mga pasyente. I am sure nagsasakit-sakitan na naman yung gago na yun! Ugali na kasi nyang gawin ito. Di ko nga alam kung bakit di pa yun natatanggal sa trabaho dahil sa poor attendance niya. Bad trip talaga! Lagi tuloy akong napapa-overtime araw-araw. 

Pag-uwi ko sa bahay this past few days ay pagod na pagod na ako. Kagabi nga eh, nag drive-thru na lang ako ng dinner. Pagkatapos inasikaso ang pusa kong si Bangky then diretsong shower na then tulog. Di ko na nagagawa ang usual routine ko sa pag-aalaga sa sarili ko at para marelax at mag-unwind. Kaya tuloy sobrang taas ng stress level ko.

Ngayon nga ay dapat either nagswiswimming na sana ako sa pool ko. O di kaya ay nasa gym at nagpapapawis na dapat ako ngayong umaga. Instead, tumatakbo na lang ako ngayon dito sa treadmill sa kuwarto ko habang naka-boxers pa. Isiningit ko kahit 15 minutes lang bago pumasok sa trabaho. Sanay kasi ang katawan ko na nag-eexercise ako every day. Pero dahil nga sobrang busy, either treadmill or pag sit-ups na lang ang nagagawa ko this week. Ayos na rin ito sa ngayon kaysa sa wala. Babawiin ko na lang sa mga susunod na araw.