Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - PROLOGUE


TGIF! This week had been so hectic and tiring. Sobrang toxic sa work. Andami kasing pasyente tapos dumagdag pa na nag-aabsent ang isa kong katrabaho this week. Kaya naman napasa sa akin ang ilan niyang mga pasyente. I am sure nagsasakit-sakitan na naman yung gago na yun! Ugali na kasi nyang gawin ito. Di ko nga alam kung bakit di pa yun natatanggal sa trabaho dahil sa poor attendance niya. Bad trip talaga! Lagi tuloy akong napapa-overtime araw-araw. 

Pag-uwi ko sa bahay this past few days ay pagod na pagod na ako. Kagabi nga eh, nag drive-thru na lang ako ng dinner. Pagkatapos inasikaso ang pusa kong si Bangky then diretsong shower na then tulog. Di ko na nagagawa ang usual routine ko sa pag-aalaga sa sarili ko at para marelax at mag-unwind. Kaya tuloy sobrang taas ng stress level ko.

Ngayon nga ay dapat either nagswiswimming na sana ako sa pool ko. O di kaya ay nasa gym at nagpapapawis na dapat ako ngayong umaga. Instead, tumatakbo na lang ako ngayon dito sa treadmill sa kuwarto ko habang naka-boxers pa. Isiningit ko kahit 15 minutes lang bago pumasok sa trabaho. Sanay kasi ang katawan ko na nag-eexercise ako every day. Pero dahil nga sobrang busy, either treadmill or pag sit-ups na lang ang nagagawa ko this week. Ayos na rin ito sa ngayon kaysa sa wala. Babawiin ko na lang sa mga susunod na araw.


Pagkatapos ko tumakbo ay agad kong hinubad ang aking boxers at dumiretso na sa shower. Gusto ko pa sana i-enjoy ang mainit na tubig mula sa shower na sobrang nagpaparelax sa akin ngayon pero kailangan ko nang magmadali para maghandang pumasok dahil kelangan ako sa work ng mas maaga today. I debated pa kung i-trim ko ang balbas ko pagkatapos maligo pero dahil nga kapos na sa oras, I decided na hayaan na lang kahit medyo malago na. Okay pa naman tingnan. Mamayang pag-uwi ko na lang i-groom. Sinuot ko na ang aking blue scrubs and I put on some perfume. Ni-refill ko na rin ang water and dry food bowls ni Bangky bago ako umalis. Di talaga ako sanay na nagmamadali sa umaga. Puta! Sirang sira ang work-life balance ko this week.

I decided na mag drive-thru muna sa McDo on my way to work para bumili ng breakfast ng tumunog ang cellphone ko. Agang-aga, don't tell me work-related ito. Sabi ko sa sarili ko. I usually enjoy going to work pero ngayon maisip ko pa lang ang trabaho ay nai-stress na ako. Binasa ko ang mensahe at galing pala kay Alex. 

"Hey bestie! Don't forget we're going out for dinner and clubbing tonight! Pick me up at 8! Kita kits!" May smiley at emoji ng drinks pa sa dulo. 

"OMG! I can't wait! I badly need to unwind and have some drinks! Pinayagan ka na ba ng jowa mo? Haha" Sagot ko sa kanya habang nakapila sa drive thru.

Medyo seloso kasi ang current boyfriend nya. Kahit ako ay pinagseselosan ng kumag! Insecure kasi sa sarili nya kaya kung makabakod kay Alex ay talo pa si Jaworski! Pero dahil siya ang trip ng best friend ko ngayon kaya iniintindi at sinusuportahan ko na lang. Alam ko naman na di sila magtatagal. Kilalang kilala ko na ang best friend ko. I already predicted 2 more weeks max ang itatagal ng relasyon nila.

"Of course! Sinigurado kong tamaan ang G-spot ng loko kaya naman nanginginig pa sa pagsabi ng 'Yes' kagabi." Matulis talaga ang bestfriend ko. He always make me proud! Haha

"TMI!" Maikli kong sagot dahil nag green na ang light sa intersection. 

"Don't worry. Hanap tayo ng hook up para sa iyo tonight para matapos na ang dry season mo!" Basa ko sa text nya ng nakarating na ako sa parking lot ng trabaho ko. 

Hayop talaga! Pinaalala pa ng loko ang kawalan ko ng sex this week. Isa pa ito sa nagpapastress sa akin. Di kasi ako sanay na ganitong katagal na walang sex. Dati-rati ay almost everyday akong nakakakantot pero ngayon last Sunday pa ang huli kong hook up. Kaya puro pagmamasturbate na lang ang ginagawa ko this past few days kahit di ako masyado satisfied pag ginagawa ito. Gusto kasi ng burat ko ang real sex. Di kayang ibigay ng kamay ang sensation na naidudulot ng oral or anal sex. Kahit nga kinukulit ako ng mga fuck buddies ko, hindi ko talaga sila mapagbigyan ngayon dahil sa sobrang pagod ko sa trabaho.

"Somebody will be super lucky tonight! Athough he might end up in a wheelchair after I fuck him. Haha Anyway, trabaho muna ako. Later!" Text ko sa kanya habang nakaupo sa tapat ng desktop computer ko sa office, hinihintay itong mag boot up at kinakain ang breakfast na binili ko kanina. 

Naisip kong i-invite rin for tonight ang isa ko pang kaibigan na si Caleb pero naalala ko na naka out of the country nga pala ito ngayon kaya hindi ko na lang siya itinext. May issue at kadramahan din kasi yun ngayon eh. 

As expected, its been a long day. Tapos ko na lahat ng treatment ng mga pasyente na naka-schedule sa akin today at ngayon naman ay tinatapos ko na lang ang documentation. 

"Theo, I know you're almost done for today but I need a big, big, big favor from you. I need you to evaluate one more patient before you leave." 

Putsa! Alas sais y media na! Hindi pa ba sapat na favor ang pagtrabaho ko ng 48 hours this week? Pagod na ang katawang lupa ko! Sabi ng isip ko. 

"Di ba pwedeng bukas na lang i-start ang physical therapy ng pasyente na yan?" Alam ko na ang sagot sa tanong na ito pero I was hoping na iba ang sasabihin niya. 

Masakit na kasi ang mga balikat at likod ko. Baka ako na ang mangailangan ng therapy pagkatapos nito. Buti na lang nakapagpa-appointment ako bukas sa aking massage therapist. 

"Sorry, he can't wait. Request ng nasa itaas. Please. Thank you Theo! The best ka talaga!" Nambola pa ang gaga.

Well, my best friend cannot wait too! Sabi ng isip ko. Tinext ko na lang si Alex na malelate ako sa pagsundo sa kanya.

Tinapos ko na ang aking mga paperwork at dinampot ang folder na iniwan ng manager ko. Pinuntahan ko na agad ang kuwarto ng bagong pasyente sa Orthopedic wing para matapos na agad. Fracture of right femur daw ang diagnosis. Cause of injury: TikTok. Joke lang. Hula ko lang yun. 

Kumatok ako sa pintuan ng kuwarto at sinabi kong 'Physical Therapy'. Pagkatapos kong may marinig na may sumagot ay mabilis na akong pumasok. 

Nakatalikod sa akin ang pasyente habang nakaupo ito sa kama at may kausap sa telepono.

"Hi! I'm Theo and I'll be your physical therapist today." pagpapakilala ko after matapos ang tawag n'ya sa telepono. 

Nakatalikod pa rin ito sa akin at medyo nagulat pa ng marinig ako dahil hindi pala nito narinig ang pagkatok at pagpasok ko. 

Subalit ng lumingon s'ya ay ako ang sobrang nagulat. Nabitawan ko pa ang folder na hawak ko. 

Hindi ko inaasahan na itong taong ito pala ang madadatnan ko rito. Pinulot ko ang folder sa sahig at chineck ang pangalan ng pasyente. Baka naman nasa mali akong kuwarto. Di ko na kasi masyado binasa ang chart kanina sa pagmamadali ko. Tanging wing, room number at diagnosis lang ang aking inalam.

SEBASTIAN O. SANTANA

Ito nga ang pangalan ng pasyenteng inihabol ipa-evaluate sa akin ng aking buwisit na manager.

Ito ang pangalan ng tanging lalaki na aking sinabihan ng 'I love you'. 

Ito ang pangalan ng first and only person who broke my heart.

 

No comments:

Post a Comment