Saturday, May 29, 2021

TOTDGA - CHAPTER 31

 



UNEXPECTED NEWS


"Kumusta na po si Dad?" Bungad kong tanong kay Manang pagpasok ko sa kuwarto ng aking magulang dito sa ospital kung saan siya dinala.

Naabutan ko siya na nakaupo sa silyang malapit sa kama ni Dad habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin ng makita niya akong pumasok.

"Nagpapahinga na siya ngayon. Kinabitan nila siya ng suwero kanina at binigyan na rin ng mga gamot para mabawasan ang sakit ng kanyang tiyan. Sinabi ng doctor na kelangan niyang manatili muna rito habang ginagawa pa nila ang kanilang mga pagsusuri." Magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin sa aking ama habang mahimbing itong natutulog.

"Kumain po ba siya? At kayo po, kumain na rin po ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa aking ama na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

"Oo. Kumain na ako utoy. Kumain na rin ang Daddy mo kanina pero kaunti lang ang kinain niya. Wala raw kasi siyang gana eh."

Sunday, May 16, 2021

TOTDGA - CHAPTER 30


ROOM 521


[Hijo, kumusta na nga pala ang pagrereview mo? Baka naman, puro pagdidisco ang inaatupag mo ha.]

"Disco talaga Dad? Iba na ang tawag ngayon. Clubbing na ang uso ngayon Dad." Pagtama ko sa kanyang sinabi. "Anyway, maayos naman po Dad. Heto nga po ngayon, nagbabasa ako eh."

Nagpa-rehistro na ako noong April para makapag-take ng National Physical Therapy Examination sa Amerika pagkatapos kong makumpleto ang lahat ng mga requirements. Simula kasi ng makabalik kami ni Dad dito sa Pilipinas mula sa trip namin sa Miami noong Enero ay hindi na ako tinantanan ng aking mga tiyahin at mga pinsan, lalung-lalo na si Jack, para kumuha ng lisensya doon at para makapagtrabaho doon kung saka-sakali. Mukhang pati si Dad ay nahimok na nila sa kanilang nais dahil pati ito ay nakiisa na sa pagtulak sa akin para mag-exam doon. Mainam na rin daw na meron akong lisensiya roon para handa na in case magbago ang isip ko.

Sa totoo lang, wala naman talaga sa aking mga plano ang magtrabaho doon dahil nga sa hindi ko maiiwan si Dad dito sa Pilipinas. Ayaw naman niyang mag-move doon dahil daw matanda na siya at andito talaga ang buhay niya sa Anilao. Sa beach house daw niya gustong mag-retire. At hindi pa raw siya handang talikuran ang kanyang pagiging doctor doon which is naiintindihan ko naman. Hindi talaga madaling iwanan ang estado ng buhay niya doon. Stable na siya roon. Kung lilipat siya sa Amerika, baka mabagot lang siya roon dahil hindi naman siya pwedeng magpractice sa bansang iyon.

Wednesday, May 5, 2021

TOTDGA - CHAPTER 29

 


CASPER



"Hi Papi!"

Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na tubig ang aking pagod na katawang lupa ng muli kong marinig ang salitang 'papi' at ng muli kong makaharap ang lalaking nangloko sa akin. Kaya pala medyo pamilyar ang nunal na nakita ko sa kanyang batok. Pero hindi ko naman inisip na likuran niya ang kaharap ko kanina. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko rito ang lalaking aking kinalimutan na.

Anim na buwan na rin simula ng huli kaming nagkita o nagka-usap ng personal tapos ito agad ang ibubungad niyang bati sa akin? Tangina naman! Nang-aasar ba ang tarantadong ito?

Hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala akong na-estatwa sa aking kinatatayuan at hindi nagsasalita. Nakatitig lang ako sa lalaking nakangiti at nakaupo sa aking harapan at hindi makapaniwalang kaharap ko itong taong ito na dati-rati'y aking hinahanap-hanap. Itong taong ito na ibinaon ko na sa limot.

Nabalik lang ulit ako sa aking huwisyo ng marinig ko ang malakas na pag-ring ang aking telepono na nakasuksok sa bulsa ng aking scrubs.

Thank you Jesus!