Sunday, May 16, 2021

TOTDGA - CHAPTER 30


ROOM 521


[Hijo, kumusta na nga pala ang pagrereview mo? Baka naman, puro pagdidisco ang inaatupag mo ha.]

"Disco talaga Dad? Iba na ang tawag ngayon. Clubbing na ang uso ngayon Dad." Pagtama ko sa kanyang sinabi. "Anyway, maayos naman po Dad. Heto nga po ngayon, nagbabasa ako eh."

Nagpa-rehistro na ako noong April para makapag-take ng National Physical Therapy Examination sa Amerika pagkatapos kong makumpleto ang lahat ng mga requirements. Simula kasi ng makabalik kami ni Dad dito sa Pilipinas mula sa trip namin sa Miami noong Enero ay hindi na ako tinantanan ng aking mga tiyahin at mga pinsan, lalung-lalo na si Jack, para kumuha ng lisensya doon at para makapagtrabaho doon kung saka-sakali. Mukhang pati si Dad ay nahimok na nila sa kanilang nais dahil pati ito ay nakiisa na sa pagtulak sa akin para mag-exam doon. Mainam na rin daw na meron akong lisensiya roon para handa na in case magbago ang isip ko.

Sa totoo lang, wala naman talaga sa aking mga plano ang magtrabaho doon dahil nga sa hindi ko maiiwan si Dad dito sa Pilipinas. Ayaw naman niyang mag-move doon dahil daw matanda na siya at andito talaga ang buhay niya sa Anilao. Sa beach house daw niya gustong mag-retire. At hindi pa raw siya handang talikuran ang kanyang pagiging doctor doon which is naiintindihan ko naman. Hindi talaga madaling iwanan ang estado ng buhay niya doon. Stable na siya roon. Kung lilipat siya sa Amerika, baka mabagot lang siya roon dahil hindi naman siya pwedeng magpractice sa bansang iyon.


Kaya naman, medyo on and off pa ang aking pag-aaral simula noong April. Hindi ko pa ito masyadong sineseryoso. Katulad na lang noong nakaraang linggo. Halos hindi ko nabuklat ang aking mga libro dahil sa sobrang pagod sa pagkayod para kumita ng pera. Hindi na kinaya ng katawan at utak ko ang magbasa pagkauwi ng bahay.

Subalit kapag naiiisip kong unti-unti ng nalalapit ang araw ng aking exam, unti-unti ko na ring narerealize na kelangan ko ng pilitin at i-program ang aking sarili na mas dalasan ang pagbabasa at mas seryosohin ang pag-aaral. Since pumayag na akong gawin ito, dapat itodo ko na ang aking paghahanda para naman hindi ako mabokya. Sayang din kasi ang oras at pera na ginugol ko para rito. Hindi rin kasi biro ang mga nagastos ko para makapagpa-register sa exam na ito. Plus itong mga oras na inuubos ko para sa pagrereview. Tapos kelangan ko pang pumunta sa Amerika para doon i-take ang pagsusulit na ito. Nakakapanghinayang talaga kaya kelangan ko ng pagbutihan. 

[That's good hijo. Kelan nga ba ulit ang exam mo?]

"Sa August 23 pa po Dad." Sabi ko sa aking ama habang nakadapa sa aking kama.

Meron pa akong dalawang buwan at kalahati para maghanda sa examination na yun since halos kakaumpisa pa lang ng June ngayon.

[Ah! Mahaba pa naman pala ang panahon mo para mag-aral ka. Kayang-kaya mo 'yan. Pero mainam na rin yan hijo na mag-aral ka na ng pakonti-konti ngayon pa lang para hindi ka magahol sa oras later on. Anyway, sige, hayaan na muna kitang mag-focus sa pagrereview mo. I'll just talk to you again tomorrow.]

Lately, halos araw-araw kaming nag-uusap si Dad. Kahit saglit lang pero at least sapat na 'yun para makapag-kumustahan kami sa isa't isa.

"Okay po, Dad. Siya nga pala, nag-dinner na ba kayo? Baka hindi na naman kayo kumain ha. Sabi ni Manang, hindi raw kayo masyado kumakain. Kaya kayo medyo nangangayayat eh." Pangaral ko sa kanya. Minsan kasi matigas ang ulo nitong aking ama. Kung anong bawal, 'yun ang ginagawa.

[Tapos na hijo. Don't worry about me. Hehe]

Potek! Tinatawan lang ako at hindi yata sineseryoso ni Dad ang aking pangaral sa kanya.

"Seryoso ako Dad. Puntahan ko na lang kayo diyan this weekend. Para wala kang kawala. Sisiguraduhin kong madami kang kakainin." Tama! Yun nga ang gagawin ko. Doon ko na lang ipagpapatuloy ang aking pag-aaral sa kubo niya sa tabi ng dagat. Wala naman akong lakad eh. Busy si Bestie sa bagong love life niya at nasa Amerika pa rin si Caleb.

[Hahaha! Manang-mana ka talaga sa Mommy mo! Anyway, ikaw ang bahala hijo. Good night na sa 'yo. I love you!]

"Goodnight. Love you too Dad."

Ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Pero dahil siya na lang ang aking kadugo dito, kelangan ko siyang pagtiyagaan at paglaanan ng panahon at pasensiya.

Ipinagpatuloy ko na ang aking pagrereview ng Neuroanatomy. Pagkatapos ng isang oras ay huminto muna ako at bumangon para kumuha ng tubig sa kusina. Pakiramdam ko ay natututuyuan ako kahit hindi naman ako kumikilos sa aking pagkakadapa dito sa kama. Ang hirap na kasing i-memorya ng karamihan sa mga ito lalo pa't hindi ko naman siya madalas nagagamit sa trabaho.

Habang nakasandal sa kitchen counter at umiinom ng tubig mula sa aking baso ay naalala ko ang nangyari kanina sa trabaho.

Pagkatapos kong i-treat ang lahat ng aking pasyente ay pinuntahan ko na si Sebastian. Inihuli ko talaga siya para kung sakaling ma-stress man ako ay saglit lang dahil uuwi na ako pagkatapos.

Tinanong ako ng matipunong pulis na nakabantay sa kanyang kuwarto kung ano ang aking pakay. Pagkatapos sabihin at ipakita ang aking ID ay hinayaan na niya ako.

Kumatok ako sa kanyang pinto pero wala akong tugon na narinig. Tinanong ko pa ang pulis na nakaupo sa labas ng kanyang kuwarto kung naririto siya at sinabi niyang nasa loob ang lalaking aking pakay. Ilang beses pa ulit akong kumatok pero wala talagang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lamang sa aking kinatatayuan ay ang tunog na nanggagaling sa TV na nasa loob ng kuwarto. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na ako. Na-confirm ko ngang naka-on ang kanyang TV pero wala siya sa kanyang kama o sa kanyang silya.

Sunod kong pinuntahan ang kanyang banyo para tingnan kung andun siya. Medyo nakasiwang ang pintuan nito at kita kong nakabukas ang ilaw dito. Nagulat ako sa aking nakita at narinig ng mas lumapit at sumilip ako rito.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!" Malakas na ungol ang aking narinig ng silipin ko ang kanyang banyo. Kasalukuyan siyang nakatayo at nakatukod sa magkabila niyang kili-kili ang dalawa niyang saklay habang hawak-hawak ang kanyang matigas na ari. Mabilis kong napagtanto ang kanyang ginagawa.

Nakababa sa kanyang tuhod ang suot niyang puting briefs at gray na jogging pants. Nakita ko na naman ang matambok niyang puwetan. Nakapikit at nakatingala siya habang gumagalaw ang kanyang kanang kamay. Kita ko ang pagsirit ng kaniyang tamod sa loob ng toilet bowl na nasa kanyang harapan habang patuloy niyang hinihimas ang kanyang alaga. Nagpatuloy siya sa paglalaro nito hanggang mailabas ang lahat ng kanyang malapot na katas. Nagulat pa ako ng dinilaan niya ang naiwang tamod sa ilang daliri ng kanyang kamay. Kaso ang mas nakakagulat ay ng bigla siyang lumingon sa aking direksiyon at nagtama ang aming mga mata habang ginagawa niya ito. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang tindi ng libog na kanyang dinadala.

Fuuucccck! Nahuli niya akong pinapanood ang ginagawa niyang pagpapaligaya sa kanyang sarili. Baka isipin niya ay binobosohan ko siya!

Hindi ko naman sinasadya na makita siya sa ganung tagpo. Sigurado akong hindi rin niya inaasahan na makita akong nakasilip sa labas ng kanyang pintuan. Well, kasalanan niya ito! Dapat kasi ay sinisigurado niyang nakasarado at naka-lock ang pinto ng kanyang banyo kung gagawa niya ng ganitong milagro. Paano na lang kung yung ibang babaeng nurse dito sa hospital ang makahuli sa kanya habang ginagawa niya ang kanyang kahalayaan? Eh di mas nakakahiya yun!

Mabilis akong umatras at lumayo mula sa pinto. Nagtungo na lang ako sa harapan ng TV at nagkunwaring nanonood dito habang hinihintay siyang lumabas. Wala talaga sa telebisyon ang aking atensyon. Bagkus, ito ay nasa lalaking nasa loob ng banyo. Ramdam ko kasi na may nagising na bahagi ng aking katawan pero pilit ko itong nilabanan. Narinig ko na ang pag-flush ng kanyang toilet bowl at ang paglagaslas ng tubig sa kanyang sink. Ilang minuto ang lumipas at lumabas na siya ng kanyang banyo na nakangiti.

"Hi papi, I mean, Theo! Kanina ka pa ba rito?" Bati niyang tanong sa akin. Nakataas na ang kanyang suot na jogging pants pero nakabakat pa rin ang umbot ng kanyang ari sa harapan nito. Bigla kong inalis ang aking atensyon mula rito.

"No. Kakapasok ko lang. Sorry if I —"

"It's okay. Don't worry about it. It's my fault." Pagputol niya sa akin. Walang bakas ng pagkahiya sa kanyang mukha. "Anyway, ready for round two?"

"Excuse me?" Mabilis at naguguluhan kong tanong. Tama ba ang narinig ko? Round two?

"Round two! Hindi ba kaya ka andito para sa second PT session ko with you?" Paglilinaw niya habang nakangiti.

"Ah yeah. You a right. Start na tayo!"

Ganun na nga ang aming ginawa. Halos isang oras din ang aking itinagal sa kanyang kuwarto. Sari-saring exercises ang aming ginawa para muling lumakas ang kanyang mga muscles at maibalik ang kanyang balanse. Mas maayos na ngayon ang kanyang paglalakad kumpara noong Biyernes. Nabawasan na raw kasi ang sakit sa kanyang kanang hita at balakang.

Taliwas noong nakaraang Biyernes, sa labas na ng kanyang kuwarto ko siya pinalakad tutal maayos na ang kanyang suot at hindi na naka-expose ang kanyang likurang bahagi. Madami pa siyang kinayawang mga babaeng staff habang tine-train ko siyang maglakad ng maayos dito sa hallway ng Orthopedic unit ng hospital. Ilang beses ko pa siyang sinabihang mag-concentrate sa kanyang ginagawa. Feeling celebrity lang ang gago! Mukhang madami na namang nalinlang si Casper dahil sa pagiging friendly niya.

Nagpaalam na ako ng makabalik kami sa kanyang kuwarto. Niyaya pa niya ulit akong tumambay muna roon pero muli akong tumanggi. Wala kasi sa plano ko ang magpagabi sa hospital ngayong araw na ito dahil nga balak ko pang mag-aral.

Nabalik na lang ang aking pag-iisip sa iniinom kong malamig na tubig ng maramdaman kong ikinikiskis ni Bangky ang kanyang balahibo sa aking magkabilang binti at paa. Yumuko ako at binuhat ang aking pusa. Nag-umpisa na siyang mag-pur ng himasin ko ang kanyang ulo at katawan habang karga-karga siya. Binigyan ko pa siya ng ilang cat treats na kanyang paborito. Spoiled na spoiled talaga ito sa akin.

Bumalik na ako sa aking kuwarto at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako dahil paggising ko ay alas sais na ng umaga. Iniligpit ko ang libro na nasa aking harapan at naghanda na para pumasok sa trabaho.

"Bestie, napatawag ka?" Bungad ko kay Alex habang naglalakad sa hallway dito sa hospital. Lunch break na at pabalik na ako sa aking desk para i-meet ang aking mga katrabaho. Balak naming pumunta sa Jollibee para doon mag-lunch.

[Wala naman Bestie! Gusto ko lang sabihin sa 'yo na masaya ako.]

"I'm happy for you! So okay na ulit kayo?" Dinig ko sa boses niya ang saya na kanyang nararamdaman. At least for a change, masaya siya. Usually kasi malungkot at umiiyak ang kaibigang kong ito eh.

[Inaayos pa namin ang ibang issues namin pero at least mas open na siya. Kasama ko nga siya ngayon eh. Wait! Teka lang! Mag-FaceTime tayo!]

Bigla niyang pinutol ang aming pag-uusap at muli niya akong tinawagan para mag-FaceTime. Di man lang niya ako tinanong kung okay sa akin. Buti na lang wala akong pasyente ngayon.

"Nasaan ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya ng makita ang dagat sa likuran niya.

Sana all nasa beach.

"Dito sa Subic. May photoshoot kami ngayon. Kasama ko si Nick. Ayun siya oh." Iniharap niya ang camera ng kanyang phone sa direksyon kung saan naroroon ang kanyang tinutukoy. Mukhang ongoing pa ang photoshoot nila at kasalukuyang kinukunan si Nick kasama ang dalawang modelong babae.

"Oh ba't 'di ka kasama sa pictorial?"

"Kakatapos ko lang. Sila naman ngayon. Gusto ko na ngang sabunutan yung isang mujer na kasama niya eh. Yung nakapula sa right side niya. Kanina pa nilalandi ang babe ko." Babe? Yun na pala ang tawagan nila ngayon.

"Hahaha! Maghunus-dili ka Bestie! Huwag kang mag-eskandalo diyan lalo pa't kakabalik lang niya sa 'yo." Paalala ko sa kanya.

"I know. I'm trying my best. Kung alam mo lang!"

"I know pero kaya mo yan, Bestie! Anyway, I need to go. I'll talk to you later! Ingat kayo jan. Behave ka lang, okay?" Sabi ko sa kanya pagpasok ko sa aming office. Nakita ko ang aking mga katrabaho na halos nakapalibot sa lamesa dito.

"Yes Bestie. Ok. Bye!" Inilagay ko na ang aking cellphone sa bulsa ng aking scrubs habang naglalakad papalapit sa lamesa.

"Oh, saan galing ang mga 'yan?" Tanong ko sa kanila ng makita ang maraming pagkain na nasa aming harapan.

"Galing daw sa pasyente sa room 521. Kilala mo ba yun? Tsinetsek pa ni Ma'am Raine sa nurse's station kung sino ang nasa room 521." Sabi ni ma'am Melissa habang inaalis ang mga balot ng mga pagkain. Nilingon ko si ma'am Raine na nasa kabilang side ng aming office at kasalukuyan siyang may kausap sa telepono.

Of course I know!

Hindi pa nga pala nila alam na pasyente ko ang ex ko at siya ang nasa room 521. Sinabihan ko kasi si ma'am Jen na huwag munang ipagsabi ang tungkol kay Sebastian. Mamaya ko pa sana ipapaalam sa kanila ang tungkol sa kanya dahil balak ko siyang dalhin dito sa therapy gym namin para dito gawin ang treatment niya ngayong araw na ito. Kaso, mukhang inunahan pa ako ng gago!

"Oo, kilala ko. Pasyente ko yung nasa room 521." Sabi ko sa kanila.

"Sino?" Sabat ni sir Mark. Ang tsismoso talaga nito.

"Si —" Naputol ako ng biglang nagsalita si Ma'am Raine pagkababa niya ng telepono.

"Sebastian Santana raw!" Malakas niyang sabi. Potek! Kelangan sumisigaw? Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang boses ng babaeng ito. Kaliit-liit na tao pero ang lakas ng boses niya.

"Sebastian Santana? Familiar yung name niya." Sagot ni Ma'am Melissa.

"Na-meet niyo na siya dati pero don't worry. Dalhin ko siya dito sa gym mamayang hapon. Para makapag-thank you na rin kayo ng personal." Sabi ko sa kanila habang tinatanggap ang paper plate at plastic spoon at fork na iniabot sa akin ni sir Carlo.

Iba talaga pag may boyfriend na congressman. May pa-Ambers.

Dumating na rin ang aming boss na si ma'am Jen. Inumpisahan na naming kainin ang sari-saring pagkain na nasa aming harapan. Meron ditong pancit Malabon, pichi-pichi, chicken lollipops, pork barbeque at fried lumpiang Shanghai. Pinakyaw niya yata ang nasa menu ng Ambers at ipinadala rito.

Pinilit pa nila akong i-describe sa kanila ang pasyente sa room 521 para raw maalala nila ito at sabihin kung saan nila ito nakilala pero sinabi ko na lang na antayin na lang nila pag dinala ko siya rito mamayang hapon. Sigurado akong masosorpresa sila pag nakita nila ulit ang ex ko. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa magiging reaksiyon at mga sasabihin nila sa akin.

Busog na busog kaming lahat pagkatapos kumain. Dahil sa dami ng dineliver na pagkain ay hindi namin lahat ito naubos. Pinagtulung-tulungan namin inilagay ang mga natirang pagkain sa aming refrigerator. Pagkatapos ay pinili ng ilan sa amin na umidlip habang hindi pa tapos ang aming lunch break.

Sumapit na ang ala-una at balik trabaho na ulit kami. Napagdesisyunan kong unahin na ang nasa room 521 kaya doon muna ako nagtungo.

Sinigurado kong may marinig na sagot pagkatapos kong kumatok sa kanyang pintuan bago ako pumasok. Mahirap na. Baka kung ano na namang eksena ang aking maabutan dito.

"Hello Theo! You look hot today. Kumusta ang lunch mo?" Nakangiti niyang bati sa akin.

"It was good. Di ka na sana nag-abala pang magpadeliver. Ang dami mong inorder. Pero salamat! Dahil doon, gusto ka raw makilala ng aking mga katrabaho. I know you've met them before pero 'di nila alam na ikaw yung nagpadala ng food. alam nila ang name mo pero hindi ka nila maalala. No offense. Kaya tara! Punta tayo sa gym at dun natin gawin ang treatment mo. Gusto nila magpasalamat sa 'yo personally." Pagyaya ko sa kanya. Nakita ko ang ilang parehong pagkain galing Ambers sa kanyang kuwarto. Mukhang hindi lang siya ang kumain base sa ilang paper plates na nasa basurahan. Marahil ay pinakain din niya yun ang ibang staff dito sa unit kasama na yun nakabantay ngayon na pulis.

Nag-ayos lang siya sandali at inalalayan ko na siya sa paglalakad papunta sa aming therapy gym. Nagpasalamat din sa kanya ang ibang nurses na aming nakasalubong kaya sigurado na akong pinakain din niya ang mga ito.

"May nagtatangka pa rin sa buhay mo?" Sabi ko sa kanya habang naghihintay ng elevator.

"Wala na 'yun. How about sa 'yo? May nagbabanta rin ba sa buhay mo?" Balik niyang tanong sa akin habang nakatingin sa akin.

"Wala. Bakit naman may magtatangka sa akin? Hindi naman ako katulad niyo na may koneksiyon sa pulitika eh." Sabi ko sa kanya.

"Good. May boyfriend ka na ba ngayon?" Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang tanong. Lakas din ng loob ng taong ito na tanungin ako tungkol sa love life ko 'no? Baka nakakalimutan na niya ang ginawa niya sa akin.

Bumukas na ang pintuan ng elevator kaya hindi ko na nasagot ang kanyang tanong. Pumasok na kami rito. Dahil may ilang taong laman ito kaya tahimik lang kaming nakatayo rito. Ako na ang pumindot ng floor na aming pupuntahan.

Tangina! Bakit interesado ang lalaking ito kung may boyfriend ako? Para ipamukha sa akin na masaya siya sa nobyo niya? Ito ang ilan sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan habang hinihintay muling bumukas ang pintuan ng elevator.

Ilang minuto lang ay bumukas na ulit ito. Sinabihan ko na siyang lumabas at maglakad papunta sa aming gym. Hindi na niya inulit ang kanyang tanong kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.

"Sabi ni Dr. Mendez, pwede na raw akong makauwi bukas pero kailangan ko raw ipagpatuloy ang aking physical therapy." Salaysay niya habang naglalakad. Salamat naman at matatahimik na ulit ang aking buhay. "If ever, pwede ba akong bumalik dito at dito ako magpa-outpatient physical therapy?" Hindi pa pala.

"Yeah. I think so. Ipa-schedule mo lang kay ma'am Jen kung kelan mo gustong bumalik. Pero hindi ba masyadong malayo itong Quezon City sa tinitirahan mo?" Shit! Iniisip ko pa rin na sa Makati siya nakatira tulad ng dati. Hindi ko nga pala alam kung saan sila nakatira ni Eric.

"Okay lang kahit malayo. Malapit naman ako sa 'yo." Ano raw?! Pota! Dapat ba akong kiligin sa sinabi niya?

Hindi ko na siya sinagot at patuloy na naming binagtas ang hallway papunta sa aming gym. Ilang minuto lang ay narating din namin ito.

"Casper?!!!" Bungad na tawag ni ma'am Raine sa aking kasama. Sabay kaming napalingon ni Sebastian sa kanya. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong pasigaw ang pagkakasabi niya nito pero ang totoo at normal lang na volume niya iyon.

Natawa na lang ako ng makitang siniko siya ng katabi niyang si ma'am Melissa. Napabigkas tuloy siya ng 'sorry' at nag-peace sign pa ito sa akin. Matalim lang na tingin ang isinukli ko sa kanya.

Pinaupo ko ang aking pasyente sa bike at inutusan siyang gawin niya ito ng labinlimang minuto. Nagpunta muna ako sa aking desk para uminom ng tubig.

Isa-isang naglapitan ang aking mga katrabaho sa akin. Alam ko na ang kanilang pakay. Mukhang nagtagumpay ako sa pag-sorpresa sa kanila!

"Bakla ka! Bakit di mo sinabing yung ex mo pala ang pasyente mo na nagpadala ng pagkain dito kanina?" Umpisang tanong sa akin ni ma'am Melissa. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Well, now you know. Hahahaha! And by the way, Sebastian ang pangalan niya, hindi Casper." Sabi ko habang nakatingin kay ma'am Raine.

"Sorry naman. Nabigla lang naman ako nung makita siya eh. Pero ano nangyari sa kanya at bakit siya naririto?" Pag-usisa niya.

"Syempre hindi ko pwede sabihin sa inyo. Kung gusto niyong malaman, siya na lang tanungin niyo." Patient confidentiality kasi.

"So okay lang sa 'yo na ikaw ang nagti-treat sa kanya ngayon kahit niloko at iniwan ka niya dati?" Tanong naman ni sir Allan? Feeling ko ini-interrogate nila ako.

Bakit parang kasalanan ko?

"Ayos lang. Wala naman kaso sa akin 'yun. Tutal matagal na 'yun at naka-move on na ako." Sagot ko sa kanila. It's half-lie and half-truth. Totoong naka-move on na ako. Pero kung may choice lang ako, mas pipiliin kong hindi na ako ang mag-treat sa lalaking ito.

"Oh wow! Totoo ba yan? Wala ng kahit konting kirot? Baka naman nagkiss and make up na kayo ha?! Hindi mo lang sinasabi sa amin. Kilala ka namin sir Theo. Napakamasikreto mo tungkol sa mga karelasyon mo." Pag-iintriga ni ma'am Melissa.

"Totoo nga! Pero nasa sa inyo na 'yung kung maniniwala kayo. Kung ayaw niyong paniwalaan, eh 'di huwag. Hindi ko kayo pinipilit. Pero for the record, tapos na sa amin ang lahat at naka-move on na ako. Kaya move on na rin kayo!" Pagkaklaro sa kanilang estado ng aming relasyon.

"Eh 'di sir, okay lang sa 'yo kung karirin ko siya at ako naman ang maging jowa niya? Ang guwapo pa rin niya eh!" Kinikilig na hirit ni sir Mark, ang isa pang bading sa department namin.

"Oo naman sir! Sa'yong sa'yo na siya."

"Wow! Moira, ikaw ba yan? Hashtag Paubaya." Nagtawanan na kami dahil dito.

"Oh ano? May mga tanong pa ba kayo? Dahil kung wala na, magtatrabaho muna ako."

"Last question, sir. Daks ba siya?" Isa pang hirit ni sir Mark. Ang landi lang talaga nito.

"Di ko na maalala sir eh. Sorry. I guess that's for you to find out na! Hahaha!"  Pagsisinungaling ko. Di naman ako ma-kiss and tell na tayo. Kaya bahala na siyang tumuklas kung malaki ba ang size ng ari ng ex ko.

Iniwan ko na sila at binalikan si Sebastian na kasalukuyan pa ring ginagawa ang aking inutos sa kanya. Naglapitan na rin ang aking mga katrabaho sa kanya at nagpasalamat sa pagkaing kanyang ipinadala kanina. Natatawa na lang ako sa ilan sa mga hirit nila. As expected, madaling nakuha ni Sebastian ang loob ng aking mga katrabaho. Bagay na bagay talaga sa ex ko ang taguri nila sa kanya na "the friendly ghost".

Pagkatapos nilang landiin ang aking pasyente ay ipinagpatuloy ko na ang kanyang treatment. Tinuruan ko siya kung paano umakyat baba sa hagdan o sa ano mang baytang habang gamit ang kanyang mga saklay. Kung anu-ano pa ang aking itinuro sa kanya para maging handa siya sa kanyang pag-uwi bukas kung saka-sakali man.

Kinausap na rin niya si ma'am Jen at inayos ang kanyang magiging schedule. Base sa narinig ko, kung madi-discharge siya bukas, araw ng Miyerkules, babalik siya rito para sa kanyang outpatient therapy sa isang araw. Bale ngayon na ang magiging huling inpatient treatment niya.

Makalipas ang isang oras na pamamalagi niya rito sa aming therapy gym ay bumalik na kami sa kanyang kuwarto. Base sa progress niya mula nung maoperahan siya, sa tingin ko ay handa na nga siyang umuwi at ipagpatuloy na lang ang kanyang therapy bilang outpatient. Kelangan lang niyang siguraduhin na hindi ma-infect ang kanyang sugat para magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.

"Hindi mo na sinagot yung tanong ko kanina." Sambit niya ng maka-upo na siya sa kanyang kama.

"Ha? Ano nga ulit yung tanong mo?" Pagmamaang-maangan ko. Naaalala ko naman talaga. Umaasa lang ako na iba ng tanong ang sasabihin niya. Akala ko kasi nakalimutan na niya eh.

"Sabi ng mga katrabaho mo, single ka raw ngayon. Totoo ba?" Potek! Nakabingwit na pala ito ng impormasyon tungkol sa aking love life. Napaka-tsismoso at tsismosa talaga ng mga katrabaho ko!

"Alam mo na pala eh. Bakit mo tinatanong pa?" Balik kong tanong sa kanya.

"Gusto ko lang marinig galing sa 'yo." Aniya.

"Mauna na ako. Marami pa akong kailangang gawin eh." Pag-iwas ko sa pagtatanong niya.

"Huwag mo muna ako iwan. Dito ka muna please. Kwentuhan muna tayo." Medyo natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang nang-iwan. Nakalimutan mo na ba?" Huli na ng ma-realize kong naisatinig ko pala ang nasa isipan ko. Fuucck! Baka isipin niya ay bitter pa rin ako sa pag-iwan niya sa akin.

"Sorry. Can we talk about it? Pwede ba akong magpaliwanag?"

"I don't want to be rude pero I really have to go now. I'm sorry. Naghihintay pa ang mga pasyente ko sa akin. Ingat ka na lang pag-uwi mo. I guess, I'll just see you on Thursday." Paalam ko sa kanya.

Gustuhin ko mang magstay para malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan pero hindi pa ako handang marinig ang kanyang mga paliwanag. To be honest, hindi na importante sa akin iyon. Tanggap ko na ang nangyari. Napatawad ko na s'ya. I think It's better to leave it like that. Baka kasi kapag pinag-usapan namin 'yun eh bumuka ulit ang naghilom ko ng sugat at bumalik lang ang galit ko sa kanya.

"A ganun ba? OK." Dismayado niyang sagot. "Can I ask for a hug?"

Nagtalo pa ang isipan ko kung pagbibigyan ko ang pakiusap niya. Ang awkward lang kung yayakapin ko siya. Baka akalain niya ay gusto ko 'yon. Pero kung hindi naman ako pumayag, baka isipin naman niya ay di pa ako nakaka-move on.

"Alright!" Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng normal na yakap na ibinibigay ko sa mga pasyente kong humihingi nito. Yung klase ng yakap na walang emosyon at koneksyon. Nanatili lang siyang naka-upo sa gilid ng kama habang tinatapik-tapik ko ang kanyang likuran. Ang weird palang muling makayakap ang lalaking kinamuhian ko dati.

Pagkatapos ng sandaling pagdidikit ng aming mga katawan ay humiwalay na ako. Awkward moment ang sumunod na naganap.

"Thank you for everything." Pagbasag niya sa katahimikang namagitan sa amin.

"No problem. Ginagawa ko lang trabaho ko. As I said, ingat ka pag-uwi mo. Una na ako!" Paalam ko sa kanya.

"Ingat ka din. I'll see you on Thursday!" Tinanguan ko lang siya at naglakad na palapit sa pintuan.

"By the way, tama sila. Wala akong boyfriend ngayon." Sabi ko kay Sebastian ng huminto ako at lingunin siya bago tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto.

For some reasons, napangiti ako pagkalabas ko ng kuwarto ni Sebastian. Magaan ang aking pakiramdam. Marahil dahil napatunayan kong wala na akong galit na nararamdaman sa ex-boyfriend ko. Wala na akong bigat na dinadala. I sincerely wish him well.

Ipinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho ngayong araw na ito. Ilang beses pa akong inasar ng aking mga katrabaho pero expected ko na ito. Hindi ko na lang sila masyado pinagtuunan ng pansin at hindi na ako nagpa-apekto.

Dumiretso ako sa office ng Love Yourself, Inc. para magpa-HIV test. Habang hinihintay ang results, hindi ko maiwasang maalala ang nalaman ko last week tungkol kay Sebastian. Nakakalungkot na positibo na siya ngayon. Sana lang ay umiinom siya ng mga gamot para bumaba ang level ng virus sa kanyang katawan.

Tulad ng aking inaasahan, negatibo pa rin ang resulta ng aking test. Patuloy pa rin kasi ako sa pag-inom ng PrEP araw-araw at palagi pa rin akong gumagamit ng condom kapag nakikipagtalik.

Katulad ng nakagawian, nagtungo ako sa gym pagkatapos. Nanatili ako rito ng humigit kumulang isang oras. Palabas na ako ng nag-ring ang aking telepono. Nakita kong nagrerequest ng FaceTime call si Caleb.

"Hey Mr. Ramos! Glad to know you're still alive! Kumusta ang pagso-soul searching mo?" Bungad kong bati sa kanya.

"Bro! Kumusta kayo jan? Miss ko na kayo." Sambit niya.

"May nakaka-miss din sa 'yo rito LEB!" Natawa ako sa pagbanggit ko ng tawag ni Dok sa kanya.

"Hay naku bro! Pakisabi mo sa kanya to please leave me alone. Anyway, let's not talk about him. How about you? Namimiss mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Bakit naman kita mamimiss?" Inaasar ko lang siya. Of course, I miss my bestfriend.

"Bro, seryoso ako sa sinabi ko sa 'yo before ako umalis. I am willing to wait. Just give me a chance." Salaysay niya.

Nakita kong tumatawag si Manang Auring.

"Bro, pag-usapan na lang natin 'yan pagbalik mo rito. Pasensya na pero I need to go. Tumatawag si Manang Auring. Sagutin ko muna baka may emergency." Minsan lang kasi tumawag ang kasambahay ni Daddy.

"Okay, sige bro. I'll talk to you later. Bye!" Pinutol na niya ang FaceTime call at sinagot ko ang tawag ni Manang.

"Hello Manang! Kumusta po! Napatawag po kayo." Bati ko sa kanya.

"Utoy, sabihan laang sana kita na dinala namin ang Daddy mo dito sa ospital. Tinitingnan pa siya ngayon ng mga doktor." Salaysay niya. Ramdam ko ang pag-alala sa boses niya.

"HA?! Napaano po si Daddy? Bakit siya nasa ospital?" Gulag kong tanong sa kanya.

Ito ang mahirap sa sitwasyon namin ni Dad na magkalayo kami ng tinitirahan. Sa mga panahong ganito ay hindi ko agad siya mapupuntahan.

"Hindi siya pumasok ngayong araw na ito dahil masama raw pakiramdam niya. Tapos sumakit ng matindi ang tiyan niya kaninang hapon kaya ipinatawag niya si Dr. Rosales. Nagpunta si Dok sa bahay at pinainom siya ng gamot pero hindi nabawasan ang sakit ng tiyan ng Daddy mo kaya sinabi ni Dok na dalhin na siya sa ospital." Kwento niya.

"A ganun po ba Manang. Sige po, punta na po ako diyan ngayon. Paki-update na lang po ako pag may bago kayong nalaman." Paki-usap ko sa kanya. Pinilit kong magtunog kalmado kahit sa totoo lang ay natataranta na ako.

Nagmadali akong nagmaneho pauwi ng bahay para kumuha ng ilang gamit at asikasuhin si Bangky bago ako umalis. Ng maayos na ang lahat ay tinunton ko na ang daan papunta sa Anilao.





Itutuloy...


2 comments:

  1. Akala ko isinawalangbahala mo na lang yung HIV status ng ex mo. Good thing negative ka. Maybe nahawa sya after ghosting you.

    ReplyDelete
  2. I think i know na kung bakit nag Positive si Baste

    ReplyDelete