Sunday, June 13, 2021

TOTDGA - CHAPTER 33

 




HE'S DEAD


"Bro, leave me alone! Nagre-review ako!" Pagsaway ko kay Caleb na nakadapa sa aking paanan. Ayaw niya kasi akong tantanan sa paglandi sa akin habang ako'y nakaupo rito sa aking kama at nakasandal sa headboard nito.

Tangina! Hindi ako pinansin ng gago! Patuloy pa rin siya sa pag-amoy ng kanang paa ko. Inihahaplos pa niya ang aking talampakan sa kanyang mukha.

Buti na lang malinis ang paa ko ngayon since kakatapos ko lang maligo. Ang init kasi kaya tumambay ako sa shower kanina pagkatapos mananghalian. Tanging pulang sando at asul na boxers lang ang aking suot ngayon.

Naisip kong tadyakan itong umiistorbo sa akin pero medyo naawa naman ako. Mukha kasing enjoy na enjoy siya sa paghithit ng paa ko kaya hinayaan ko na lang.

Sinikap kong ituon na lang ang aking atensyon sa aking binabasa at pilit isinasawalang bahala ang kanyang ginagawa. Kaso, he's making it hard for me. Really hard. Unti-unti ng nagigising si Theo, Jr.

Ibinaba ko ng kaunti ang hawak kong libro at sinilip ang aking kaibigan. Hawak-hawak ng kanyang mga kamay ang aking mga paa at hinihimas-himas niya ang mga ito habang walang tigil niya itong salitang sinisinghot. Minsan ay sabay pa niyang inilalapit ang aking mga paa sa kanyang ilong at sabay niya itong inaamoy. Pakiramdam ko ay napakabango ng aking mga paa base sa satisfaction na nakikita ko sa mukha niya.

Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanyang ginagawa. Biglang siyang tumingin sa akin at nahuli niya akong pinapanood ko siya. Madali kong muling itinaas ang aking libro para matakpan ang aking mukha at magtago sa likod nito.

Sinubukan kong magbasa ulit pero hindi ko na talaga maintindihan ang mga nakasulat sa aking libro. Tanging nasa isip ko na lamang ay ang pagpapaligaya ni Caleb sa aking mga paa. Idagdag pa ang pagkabuhay ng aking sandata.

Ilang beses ko nang binabasa ang isang sentence at hindi ko pa rin siya lubos na nauunawaan. Kaya sumuko na ako. Isinara ko na ang aking libro at ipinatong ito sa aking side table. Nakita ni Caleb ang aking ginawa. Mapanukso siyang tumitig sa akin.

Hayok na hayok na siya sa pagsinghot ng aking mga paa. Para na siyang adik na adik sa amoy nito. Inilalamas pa rin niya sa kanyang mukha ang aking dalawang talampakan habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi ko maikakailang nakakalibog ang itsura niya. Sarap na sarap kasi siya sa kanyang ginagawa. Para siyang dinadala sa langit ng kung ano mang aroma meron ang aking mga paa. Namalayan ko na lang na nasa loob na ng aking boxers ang aking kanang kamay at marahang hinahagod ang aking matigas ng burat.

Inumpisahan ko na siyang tulungan sa paggalaw ng aking mga paa. Medyo itinutulak ko na ang mga ito sa kanyang mukha at ikinikiskis pa sa kanyang ilong, baba at mga pisngi at labi. Hindi na mapakali ang aking mga paa at sinasalubong nito ang malikot na ulo ng aking matalik na kaibigan. Hinahatak pa niya ang mga ito palapit sa kanyang mukha tuwing sinusubukan kong ilayo ang mga ito. Para siyang bata ngayon na mahigpit ang kapit sa kanyang mga laruan at nakikipaghilahan tuwing may gustong mang-agaw o maglayo sa kanya ng mga ito.

Tangina! Grabeng libog ang naidudulot nito sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na may nagbigay ng atensyon sa aking mga paa pero kakaiba ang epekto ng ginagawa at itsura ni Caleb ngayon sa akin. Inilabas ko na ang aking ari mula sa aking boxers at hinubad ang aking sando.

Sinimulan ng dilaan ni Caleb ang hinlalaki ng aking kaliwang paa. Isinubo niya ito ng nakakaakit. Pagkatapos, inilabas-pasok niya ito sa kanyang bibig ng ilang beses at mas naging mapusok na ang aking kaibigan. Sinusupsop na niya ito na parang tsumutsupa siya ng isang napakasarap na burat.

Mula sa hinlalaki ay umurong ang kanyang mga labi ng kaunti at sabay naman niyang isinubo ang aking ikalawa at ikatlong daliri. Paulit ulit niya itong ginagawa hanggang lahat ng daliri ay kanya ng naisubo. Minsan ay isa, minsan naman ay dalawa o tatlong daliri ang sabay-sabay niyang pinaglalaruan sa loob ng kanyang bibig.

Habang abala siya sa pagsubo ng mga ito ay patuloy naman sa paggalaw ng isa kong paa. Itinutulak, ikinikiskis at ipinapahid ko ito sa kanyang mukha, tainga, buhok o leeg. Pati nipples niya ay pinuntirya rin ng aking mga daliri. Patuloy rin ang aking kamay sa pagtaas baba habang sakal nito ang kahabaan ng aking ari.

"Aaaahhh... Ang sarap ng mga paa mo, babe." Sambit niya habang hinihimod niya ang aking mga paa.

Pinapasadahan ng kanyang dila ang aking talampakan tapos muling pupunta sa aking mga daliri then sa ibabaw ng aking paa. Hayok na hayok siya sa pagdila at pagsupsop ng mga ito. Nai-imagine kong ari ko ang kanyang subu-subo at dinidilaan tuwing nasa loob ng kaniyang bibig ang aking mga daliri. Pati ang pagitan ng aking mga daliri ay hindi niya pinaligtas. Hinimod niya nga mga ito na para bang wala ng bukas.

Paulit-ulit lang niya ginagawa ang lahat ng ito. Singhot dito, dila doon. Supsup doon, himod dito.

Basang-basa na ngayon ang aking mga paa. Lahat ba naman kasi ng parte nito hanggang sa kasuluk-sulukan ay hindi pinaligtas ng kanyang malikot na dila. Ang palibot ng kanyang mukha ay puno na rin ng kanyang laway. Pulang pula na ang kanyang mga labi na nakadagdag sa nakakaakit niyang itsura. Pati ang ulo ng aming ari ay basa na rin dahil sa paunang katas na lumabas dito.

Ilang minuto rin kaming nagpatuloy sa ganitong posisyon. Pinaglalaruan na rin ni Caleb ang kanyang titi. Nakahubo't hubad na siya ngayon at nagkalat na sa sahig ng aking kuwarto ang kanyang sando, shorts and brief.

Ipinatong at idiniin ko ang aking kaliwang paa sa kanyang ari. Hinimas-himas ko ang kanyang burat gamit ang aking paa. Ginagawa ko ito habang hawak pa rin niya ang aking kanang paa at patuloy niya itong hinihimod at pinagsasamantalahan ang lahat ng parte nito.

Humigit kumulang sampung minuto na kami sa kahalayan na ginagawa namin. Nararamdaman ko na ang nalalapit kong pagsabog. Sobrang tindi na ng libog sa aking katawan. Ang bilis na ng galaw ng aking kamay sa pag-jakol ng aking matigas na burat

"Lapit na ako, bro. Ugghhhh." Ungol ko sa kanya. Ipinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawang pagdila at pagsupsop sa mga daliri ng aking mga paa. Wala rin siyang tigil sa pagjakol ng kanyang titi.

Ilang minuto pa at pumulandit na ang mainit kong tamod sa aking tiyan. Umabot pa ang ilan sa aking dibdib at leeg ng sumirit ang mga ito. May ilan ding tumalsik sa aking kobre kama.        

Sumunod na ring nilabasan si Caleb. Ipinutok niya ito sa aking paa.

Akala ko ay tapos na ang aming mainit na pagtatagpo ngayon. Hindi pa pala.

Muling hinimod ng aking matalik na kaibigan ang paa ko na puno ng katas. Dinilaan at sinimot niya ang lahat ng inilabas niyang tamod na nasa ibabaw nito. Wala siyang tinira kahit isang patak. Walang makakahula ngayon na tinalsikan niya ang aking paa ng tamod dahil sa galing ng paglinis niya rito.

Ng wala na siyang malasahang tamod sa aking paa ay gumapang siya paakyat at pinuntahan ang aking burat. Ito naman ang sunod na pinagtuunan ng pansin ng kanyang bibig.

Hawak-hawak niya ang katawan ng semi-erect kong ari ng dinilaan niya ang katas na umaagos mula sa mala-makopang ulo nito. Sinupsup niya ito at buong ipinasok sa kanyang mainit na bibig. Hinigop niya ang ulo na para bang sinasaid ang tamod na naiwan sa kabilang dulo ng aking tubo. Parang vacuum ang kanyang bunganga sa tingi ng pagsipsip niya sa aking ari.

Ng mapagtanto niyang wala ng lumalabas dito ay iniluwa na niya si Junior at marahang ipinatong ito sa mga patubo kong bulbol. Muli siyang umurong pataas at gamit ang kanyang malambot na dila, nilinis niya ang malapot na tamod na nagkalat sa aking tiyan. Pinasadahan ng kanyang malikot na dila ang mga pandesal sa aking tiyan na natalsikan ng aking katas papunta sa aking dibdib at leeg. Tinunton niya ang lahat ng tamod na aking inilabas at kinain ang mga ito. Pati ang tumalsik sa kama ay hindi nakaligtas sa matalas niyang pang-amoy. Wala talaga siyang itinitira. Para bagang ginugutom at hindi namin siya pinapakain habang andito siya sa Anilao kung pagbabasehan mo ang tindi ng pagkahayok niya sa paghimod ng aking katawan at pagkain ng aming tamod.

"Di ko alam na may foot fetish ka pala!" Ani ko kay Caleb ng ipatong niya ang kanyang ulo sa aking bisig pagkatapos niyang linisin ang aking katawan. Yumakap siya sa aking dibdib at ipinatong ang kanyang hita sa aking harapan.

Ipinasok ko na ulit ang aking alaga sa loob ng aking boxers samantalang nanatiling hubo't hubad ang aking katabi.

"Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin, bro!" Makahulugan niyang sagot sa akin. Pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang ilang buhok sa aking dibdib.

Kasalukuyang nasa ganito kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto. Pareho kaming napatingin sa direksiyon nito. Tangina! Akala ko naka-lock ang pintuan nito.

"Bestie, sup–"

Hindi natapos ni Alex ang kanyang sasabihin ng makita niya ang puwesto namin ni Caleb dito sa aking kama.

Surprise talaga!!!

Bigla kong itinulak palayo sa akin si Caleb ng makita ang isa ko pang matalik na kaibigan na nakatayo sa may pintuan. Pareho-pareho kaming nagulat dahil sa aming sitwasyon.

"What the fuck, guys?" Hindi makapaniwalang sambit ng aking kaibigan habang nakakunot ang kanyang mga kilay. "Nakakaistorbo ba ako?"

"Hi, bro! Wanna join us?" Nakakalokong alok ni Caleb. Tinapik pa niya ang kama sa tabi niya. Ang gago lang!

Oh well, wala na kaming magagawa. Nangyari na ang di dapat mangyari. Nginitian ko na lang ang aking bagong dating na kaibigan.

"Bangky!!!" Pagsigaw ko ng pangalan ng aking pusa ng makita ang cat carrier bag na bitbit ni Alex.

Mabilis pa sa alas quatro akong bumangon sa aking pagkakahiga at excited na nilapitan ang aking bagong dating na kaibigan. Kinuha ko sa kanya nag kanyang dala. Wala na akong pakialam kung anong iniisip niya ngayon. Oo, natutuwa ako na makita si Alex pero mas natutuwa ako ngayon na makita ang pusa ko na nasa loob ng dala niyang bag.

"Bangky, baby!!! Did you miss daddy? Hmmmm..." Sambit ko sa aking alaga habang nakaluhod at yakap-yakap ito.

Sobrang na-miss ko ang aking pusa since halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita mula ng bumalik kami rito ni Dad sa Anilao. Kaya naman noong nabanggit ni Alex na pupunta siya ngayon ay napagdesisyunan kong ipadala si Bangky rito. Next week pa kasi ako makakabalik sa Maynila eh kapag dinala si Dad sa follow-up niya. Nahihiya na ako kay Bestie sa abala sa pag-aasikaso niya sa baby ko. Alam ko namang busy rin siya sa buhay niya.

Si Alex na talaga ang umako para alagaan siya nitong mga nakaraang araw. Kampante naman akong aalagaan niya ito ng maayos na parang sa kanya. Napamahal na rin kasi si Bangky sa aking kaibigan. Sabi ko nga kay Bestie na siya ang ninong at pangalawang magulang ni Bangky kaya wala siyang choice kundi alagaan at mahalin ito.

"Alex, thank you for bringing and taking care of my baby." Sabi ko sa kanya ng tumayo ako at tapikin ang kanyang kaliwang balikat. Bitbit ko si Bangky sa aking kanang braso at nakadikit sa aking dibdib. Tahimik at magiliw lang nitong tinatanggap ang aking mga halik at pangigigili sa kanya.

"Kumusta ang biyahe mo?" Tanong ko sa kanya para sana maalis sa isip niya ng kanyang nadatnan.

"Ayos naman. Were you guys fucking?" Hindi pa rin siya maka-move on sa naabutan. Hindi pala effective ang tactic ko.

"Nagyoyoga lang kami bro." Pagsisinungaling ni Caleb.

"Yeah, right! Hindi ako bobo. Gago!" Napangiti na lang ako ng makitang inikot ni Alex ang kanyang mga mata pagkatapos sabihin ito. Nagago pa niya si Caleb. Hahaha!

"Caleb, magbihis ka na!" Ma-otoridad kong utos sa kaibigan kong hubo't hubad na nakahiga pa rin sa aking kama. Bago pa kung saan mapunta ang kanilang asaran.

Ipinababa ko muna si Bangky sa sahig at kinuha ang aking sando sa kama at kumuha na rin ako ng shorts sa aking tukador.

"Mamaya na, bro. Nag-iinit, este, naiinitan pa ako eh." Pang-aasar na sagot ng gago.

Pagkatapos magbihis, pinulot ko ang nagkalat na damit ni Caleb.

"Gago, bumangon ka na diyan! Magdamit ka na!" Sabi ko ng ibato sa kanya ang kanyang sando, shorts and brief.

Atubili pa siyang bumangon at isinuot ang mga ito. Hindi na namin siya hinintay. Hinila ko na si Alex palabas ng kuwarto.

"What was that? Kayo na ba?" Pag-interrogate sa akin ni Alex ng makababa at makaupo sa sofa sa wala.

If I don't know any better, baka inisip ko na na nagseselos ito sa amin ni Caleb. Pero malayong mangyari iyon dahil hindi kami talo nito. Plus masaya na siya kay Nick. Kung nagkataon, baka tamaan lang kami ng kidlat.

"Hindi no!"

"So, ano yun? Sex-sex lang? Walang label?"

"May label naman. Bestfriends with benefits." Pilosopo kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka ba diyan? Alam mo namang may gusto siya sa 'yo, di ba?" Paalala sa akin ni Bestie.

Hindi ko siya sinagot. Itinuon ko lang ang aking atensyon sa pusa kong nasa ibabaw ng aking mga hita. Masuyo ko lang hinahaplos-haplos ang kanyang mga balahibo.

"I hope ready ka sa magiging consequence nito." Makahulugang payo niya. "Anyway, nasaan si Tito? Kumusta na siya?"

"Nasa kuwarto niya si Dad. Natutulog at nagpapahinga. Pinaliguan ko kasi siya kanina after lunch. Ayun medyo napagod and at the same time, gumaan ang pakiramdam. Anyway, in regards sa cancer niya. ganun pa rin yung lagay niya. We're praying na maging maganda yung maging effect nung gamot na iniinom niya. Sana medyo tumigil na yung growth ng cancer cells sa kanyang katawan para hindi na ito kumalat pa. I guess, we'll find out later this week pagbalik niya sa ospital." Salaysay ko sa kanya.

Hindi pa rin bumababa si Caleb. Malamang naligo na muna 'yun. Naglalakit nga rin ng pakiramdam ko ngayon pero mamaya na lang ako maliligo. Asikasuhin ko muna itong Bestie ko.

Ina-update ako ni Alex tungkol sa kanyang love life ng biglang tumunog ang aming doorbell.

Ako na ang nagtungo sa gate para tingnan kung sino ang dumating. Iniwan ko muna si Bangky kay Alex.

"Magandang hapon utoy. Dumaan lang kami rine para ibigay sana are kay Dok." Bati sa akin ng isa sa mga kapitbahay namin na naging pasyente ni Dad sa kanyang clinic ng buksan ko ang gate.

"Salamat po, Aling Anita. Nag-abala pa po kayo. Kaso nagpapahinga po ngayon si Dad eh." Sabi ko sa kanya habang tinatanggap ang isang bilao ng kalamay na kanilang dinala.

"Okay lang utoy. Pakibigay mo na laang sa ama mo iyan. Balik na laang kami siguro bukas o sa makalawa." Napatingin ako sa batang babae na kasama niya ngayon. Nahihiya at nagtatago ito sa likuran ng kanyang ina.

"Sige po. Salamat po ulit."

Halos araw-araw ay may dumadalaw dito sa bahay na mga dating pasyente ni Dad. Pati ibang kakilala at kaibigan ni Dad dito sa Anilao at sa mga karatig bayan ay nagpupunta rin dito para kumustahin siya. Sa tingin ko, kalat na ang balitang may sakit ang aking ama.

Bukod sa mga bisita, marami ring nagpapadala ng mga pagkain para sa aking magulang. Mga iba't ibang klase ng prutas, kakanin, lutong pagkain at kahit mga bagong huli mula sa dagat. Dati pa namang may mga nagbibigay ng ganito sa amin bilang pasasalamat sa tulong na ipinagkakaloob sa kanila ni Dad pero mas marami ngayon. Halos doble o triple ng dati. Pwede na ngang hindi kami mamalengke sa dami ng mga pagkaing dumarating araw-araw eh. Minsan nga ito na rin ang inihahain namin sa mga bisita.

"Gusto mo ng kalamay?" Alok ko kay Alex pagbalik ko sa loob ng bahay.

"Sure! Tagal ko na ring di nakakain niyan eh." Excited niyang sabi.

Papunta na sana kami ng dining room ng makitang pababa sa hagdanan sina Dad at Caleb.

"Alex, hijo!" Mainit siyang niyakap ng aking ama.

"Tito! Kumusta na po kayo? Kung hindi ko lang alam na may sakit ka, I would have never guessed! You still look great po, Tito. Kung available ka po this weekend, pwede kita isama sa print ad photo shoot namin." Pagbola ng aking matalik na kaibigan sa aking ama.

"Aww! Hijo, you're so sweet. Pero, ipapaubaya ko na lang yang mga photo shoot na yan sa inyo ng boyfriend mo. Napanood ko siya noong isang gabi ha, and I must say, bagay na bagay kayo." Papuri ni Dad.

"Thank you, Tito! Subukan kong dalhin siya rito bukas pagkatapos ng shooting niya. Nasa Nasugbu siya ngayon eh."

"Ah ganun ba? Sige, hijo. Isama mo siya rito. I would love to meet him. Alam mo ba, noong kabataan ko, nakatabi ko sa eroplano si Fernando Poe, Jr. Tapos nagkakwentuhan kami at ikinuwento niya sa akin..." Umpisa ng kwento ni Dad. Iniwan ko na sila since ilang beses ko na narinig ang kwento niyang iyon tungkol sa yumaong si FPJ. Niyaya ko na si Caleb na pumunta sa dining room. Tinulungan niya akong kumuha ng mga plato at kubyertos.

Nag-miryenda na kami ng kalamay na hinatid kanina ng kapitbahay ni Dad. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang silid kainan ng bahay na ito. Makita lang na nakangiti ang aking ama ay napapangiti na rin ako. I love seeing him happy tulad ngayon na para bang walang iniindang sakit.

Nagyaya si Alex na tumambay sa tabing dagat pagkatapos naming magmiryenda kaso masyadong mainit ngayon. Hindi kaya ng katawan ni Dad ang ganitong klaseng panahon kaya nanatili na lang kami rito sa loob ng bahay at sa sala na lang kami nagpunta. Pinainom na rin ni Caleb ng gamot si Dad habang kami ay naririto. Masuwerte talaga ako na meron akong nurse na kaibigan na handa akong tulungan sa pag-aalaga sa aking ama.

Mabilis lumipas ang oras at hindi namin namalayan na madilim na sa labas. Naghain na si Manang ng hapunan at aming pinagsaluhan ang niluto niyang kare-kare. Tuwang-tuwa si Alex kaya naparami ang kanyang kinain. Isa kasi ito sa mga paborito niyang pagkain eh.

Pagkatapos naman maghapunan ay nag-umpisa na kami mag-rosaryo. Inumpisahan namin itong gawin mula noong isang gabi sa pangunguna ni Manang Auring. Baka raw kasi makatulong ito para magka-milagro at gumaling na ang ama ko. Kahapon nga ay nag-alay na rin kami ng misa sa simbahan. Plano sanang sumama ni Dad kaso biglang hindi naging maganda ang kanyang pakiramdam kaya naiwan na lang siya rito sa bahay kasama si Caleb.

Inaliw namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng paglalaro ng Cards Against Humanity pagkatapos magdasal. Medyo nawiwindang pa si Dad sa ibang nakasulat sa mga baraha pero hindi naman siya umangal at nakisabay na lang sa aming mga kalokohan. Game na game siya sa paglalaro.

Lumalim na ang gabi at nagpaalam na ang aking ama para matulog. Pati si Alex ay nagpaalam na rin. Akala ko ay dito siya matutulog pero hindi pala. Pupuntahan daw niya si Nick sa Nasugbu at doon na rin siya magpapalipas ng gabi. Nangako naman siyang babalik bukas.

Kinabukasan, nagising ako sa tawag ni Alex at sinabing hindi sila makakadalaw ni Nick dito dahil sa isang emergency.

Pagpunta ko naman sa kuwarto ni Dad ay naabutan ko si Caleb na inaasikaso siya dahil sa kanyang pagsusuka.  Tapos matindi na naman daw ang sakit ng kanyang tiyan. Pati likod niya ay masakit din. Pinainom na namin siya ng kanyang mga gamot na kalaunan ay nakabawas naman ng iniinda niya pero hindi ito tuluyang nawala.

Isa pa sa mga inirereklamo niya ay ang halos apat na araw na siyang hindi tumatae. Expected na namin na mangyayari ito dahil constipation ang isa sa mga side effects ng mga iniinom niyang gamot. Kaya naman, gumamit na kami ng supositoryo at pinainom na rin siya ng ilang gamot para malunasan ito. Nakatulong naman ang mga ito dahil tuluyan niyang nailabas ang kanyang naipong dumi ng ilang araw. Laking ginhawa raw ang kanyang naramdaman kaya naman madali siyang nakatulog pagkatapos.

Ang hirap makitang nahihirapan si Dad ng ganito. Alam kong lumalaban lang siya para sa akin at naa-appreciate ko iyon ng sobra. Pero tuwing nasasaktan o nagsusuka siya, napapaisip ako kung nagiging makasarili na ba ako. Kelangan ko na bang hayaan at isuko ang aking ama sa kanyang sakit?

Halos buong araw nanatili si Dad ngayon sa kanyang kuwarto. Hinayaan na lang namin siya doon at hindi na pinilit bumaba. Dinalahan na lang namin siya ng pagkain dito. Tapos, paminsan-minsan, binibisita namin siya either nina Manang or Caleb para siguraduhing maayos ang kanyang kalagayan.

Naging mas maayos ang kondisyon ni Dad noong sumunod na araw. Medyo bumalik na ang dating sigla ng aking ama. Pero hindi pa rin nawawala ang sakit ng kanyang tiyan at likod.

Kasalukuyan kaming nanonood ng TV pagkatapos kumain ng tanghalian ng dumating na ang aming hinihintay, si Tito Martin. Ilang araw na rin kasing bukambibig ni Dad ang kanyang pagdating. Obvious na excited ang aking ama na makita ulit ito.

Magkasama kami ni Dad na nagtungo sa gate para salubungin ito ng marinig ang tunog ng doorbell.

Sa sandaling buksan namin ang gate, mahigpit silang agad nagyakapan. Nanatili lang ako sa kanilang tabi at hinayaan silang namnamin ang tamis ng kanilang muling pagkikita. Ilang minuto rin silang nanatiling magkayakap.

"Hi Theo!" Bati niya sa akin ng maghiwalay ang kanilang katawan. Pinupunasan pa niya ang luha sa kanyang mga mata. Kita ko sa kanyang mukha ang lubos na pag-aalala. Marahil napansin niya ang malaking pagbabago sa katawan ng aking ama.

"Hello po, Tito! Welcome po." Bati ko ng inabot ang kanyang kamay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagiging awkward sa ama ng ex ko.

Tumingin pa ako sa likod niya at alamin kung may iba siyang kasama. Ng wala akong nakita ay medyo nakahinga ako ng maluwag.

Tinulungan ko na siya sa pagbuhat ng kanyang mga bagahe mula sa nirentahan niyang kotse papasok sa bahay.

Nauna na siyang pumasok sa bahay kasama ni Dad. Nakita ko kasing parating sa amin ang kartero kaya hinintay ko na siya para kunin ang mga koreo niyang dala para sa amin.

"Kumusta si Sebastian? Nagkita na ba kayo?" Dinig kong tanong ni Dad sa balikbayan niyang bisita ng maabutan ko silang nag-uusap sa sala.

"No. Sinubukan ko ngang tawagan kasi I was hoping to see him after I landed sa Manila kaso hindi siya sumasagot. Kaya dumiretso na ako rito. Have you seen him recently?"

"Last time na nakita ko siya ay noong nasa ospital ako sa Quezon City two weeks ago. Nagte-therapy siya kasi nabalian daw ng buto. Si Theo pa nga ang nag-therapy sa kanya eh. Di ba, hijo?"

"Opo, Dad." Matipid kong sagot.

"I'm worried about him. Tatlong linggo na ring hindi kami nagkakausap eh." Sabi niya. "Oh, by the way Theo, may jacket ako para sa 'yo."

Tumayo siya at kinuha ang pulang Lacoste windbreaker jacket mula sa kanyang maleta.

"Thank you po." Sabi ko ng tanggapin ang kanyang pasalubong.

"Akyat po muna ako." Pag-iwas ko kay Tito Martin at para na rin magkaroon sila ng oras para sa isa't isa. Ilang buwan na rin ng huli silang nagkita eh. Bukod sa paminsan-minsang pag-uusap nila sa telepono.

Pagpasok ko sa aking kuwarto ay nakita si Caleb na natutulog. Tinabihan ko siya at umidlip na rin ako.

Mula kasi kagabi, dito na sa aking kuwarto nag-stay ang aking kaibigan. Inilipat na namin dito ang kanyang mga gamit dahil si Tito Martin na ang gagamit ng kuwarto kung saan siya natutulog. Tutal naman, babalik na si Caleb ng Maynila bukas. Tulad ng mga nakaraang gabi, halos hindi ako pinatulog kagabi ng malibog kong kaibigan. Halos ayaw niyang tigilan ang pagpapasarap gamit ang aking burat. Naka-tatlong rounds din kami kagabi bago siya tumigil.

Pati ang office room ni Dad sa baba ay inayos na namin bilang paghahanda sa pagdating nina Tita Luz at Tita Rose. Doon kasi sila mag-stay habang andito sila. Nilagyan na lang namin ito ng air bed para sa kanilang hihigan.

Ng magising ako ay wala na si Caleb sa aking tabi. Naabutan ko si Manang na nagluluto sa kusina at sinabi niyang nasa may dalampasigan daw ang aking kaibigan samantalang nasa kuwarto naman niya si Dad.

Pag-akyat kong muli sa ikalawang palapag ay may narinig akong ingay sa loob ng kuwarto ng aking ama. Medyo kinabahan ako at inisip na baka may nangyari ng masama sa aking ama. Madali kong binuksan ang kanyang pinto subalit laking gulat ko sa aking nakita. Ang pinanggalingan pala ng ingay na aking narinig ay salungat sa aking inaakala.

Nakita kong nakaupo si Dad sa kama at nakasandal sa headboard habang nakaupo si Tito Martin sa kanyang ibabaw at nakaharap sa kanya. Nagtataas baba ito sa ari ni Dad habang sila ay magkayakap at naghahalikan. Pareho silang walang saplot sa katawan. Parehong bigla silang napatigil at napatingin sa akin ng mapansing bumukas ang pinto. Fuck!

"Oh sorry! Sorry po, Dad!" Sabi ko at bigla kong isinara ang pintuan.

Tangina! Ang tanga-tanga mo, Theo! Bakit kasi hindi ka kumatok muna?! Uggghhhhh!!!! Pagsisisi ko sa aking isipan. Ungol pala nila ang ingay na narinig ko kanina. Nawala sa isip ko na dumating na nga pala si Tito Martin.

Nagmadali akong bumaba. Kumuha ako ng beer sa ref para medyo makalimutan ang aking nasaksihan. Tapos ay pinuntahan ko si Caleb na nakita kong nakaupo sa may aplaya.

"Are you okay, bro? Aga nito ah!" Tanong niya sa akin ng umupo ako sa tabi niya at tinanggap ang iniabot kong bote ng beer.

"Thank you for helping me with Dad ha." Sambit ko sa kanya pagkatapos umiinom ng beer. Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong.

Napagdesisyunan kong sarilinin na lang ang nangyari kanina at huwag sabihin sa aking kaibigan. Hindi ko naman sila hinuhusgahan. Alam kong matatanda na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa.

Minsan ko na ring naabutan si Dad sa ganitong akto. Bata pa ako noon at nakita ko sila ni Mommy sa banyo sa mainit na tagpo ng buksan ko ang pinto. Siyempre, hindi pa naman big deal sa akin iyon noong mga panahon na 'yun dahil wala pa akong malisya at hindi ko pa alam ang mga ganung bagay.

"Bakit ang drama mo yata ngayon. Don't tell me lasing ka na bro?!" Pang-aasar sa akin ng aking katabi dito sa buhanginan.

"Ulol!" Asar talo kong sagot.

"Thankful lang ako sa lahat ng itinulong mo. Siguro kung wala ka rito, baka sobrang stressed na ako." Dagdag ko.

"Wala yun bro. So, do you want me to stay longer?" Ilang beses na rin niya akong kinukulit na ipa-extend niya ang kanyang bakasyon at ilang beses ko na rin siyang tinanggihan.

"No, 'wag na. We should be okay here. Plus, andito na si Tito Martin kaya may katulong na kami ni Manang kay Dad. Kelangan mo ng bumalik sa trabaho mo. Baka matanggal ka pa eh, konsensiya ko pa yun."

"So you mean, dahil andito na yung boyfriend ni Tito, hindi mo na ako kailangan? Ganun na lang ba ako kadaling palitan?" Hugot ng katabi ko.

"That's not what I meant, bro."

"Kapag ba bumalik na rin ang ex mo, itsa puwera na ulit ako sa 'yo?" Dugtong pa niya.

"Bro, anong pinagsasabi mo? Lasing ka na ba? Isang bote pa lang ng beer ang iniinom mo ah. Alam mong hindi ako ganung klase ng kaibigan, bro. You are my bestfriend at mahalaga ka sa akin. I will never push you away." Hinawakan ko ang kanyang kaliwang hita para medyo mapakalma siya.

"Sorry, bro. Basta pag may kelangan ka, just give me a call."

Natahimik kami at pinanood ang mga batang naglalaro sa may di kalayuan.

"Do you want me to be there with you 'pag dinala mo na ulit si Tito sa ospital para sa follow-up niya?" Muli niyang pag-alok.

"Ikaw bahala. Pero kung may duty ka, huwag na. Unahin mo muna ang trabaho mo. After na lang ng shift mo saka mo kami puntahan."

Naubos na namin ang beer na aming iniinom. Nanatili pa kami rito ng ilang minuto bago namin napagkasunduang tumakbo sa dalampasigan.

Pumasok na kami sa bahay at nagpalit ng damit at nagsuot ng running shoes. Tapos ay sinimulan na namin ang aming afternoon run.

Pagbalik sa bahay ay naabutan namin si Manang na abalang naghahain na ng hapunan. Sinabihan ko siyang maliligo muna kami dahil pawis na pawis ang aming mga katawan.

Sabay na kaming naligo ni Caleb at in-enjoy ang maligamgam na tubig na lumalabas sa shower. Humirit pa si Caleb ng tsupa habang nasa shower. Nag-quickie na lang kami dahil nagugutom na ako.

Pagbaba namin ay nasa harapan na ng hapag kainan sina Daddy at hinihintay kami. Umupo na ako sa aking puwesto sa kanan ni Dad aat tumabi naman sa kanan ko si Caleb. Inukopa kasi ni Tito Martin ang upuan sa kaliwa ni Dad kung saan laging umuupo ang aking kaibigan nitong mga nakaraang araw.

Inumpisahan na naming pinagsaluhan ang sinampalukang manok na niluto ni Manang. Nabanggit ni Manang na may nagbigay daw sa amin ng manok kanina kaya ito ang kaniyang niluto.

Ramdam ko ang pagiging awkward ng aking ama habang kumakain. Malamang nahihiya rin ito tulad ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko na ito masyado pinagtuunan ng pansin dahil ang mahalaga sa akin ay kumakain siya ng walang pilitang nagaganap. Siguro nagpapakitang gilas dahil kararating lang ng kanyang boyfriend.

"Manang, ang sarap talaga ng mga luto mo. Sobrang na-miss ko 'to. Wala kasing nagluluto ng ganito sa bahay namin sa Chicago eh." Pagpuri ni Tito Martin sa niluto ni Manang Auring.

"Madali laang naman lutuin iyan. Kung gusto mo, pwede kitang turuan. O di kaya naman, si Kuya David ang magturo sa 'yo. Magaling din siyang magluto nito eh." Sagot ng pinagkakatiwalaang kasambahay namin.

"Sige, Manang. Salamat!" Tugon ni Tito Martin.

"Theo, kelan ang exam mo sa Amerika? Nabanggit ng Daddy mo na nagre-review ka raw ngayon para dun."

"Sa August pa po." Maiksi kong sagot.

"Anong plano mo after mo makapasa?" Follow-up question niya.

"Wala pa po. Balik lang po siguro ulit dito sa Pilipinas since andito si Dad."

"Hijo, tuparin mo ang mga pangarap mo. Huwag mo akong alalahanin." Sabat ni Dad sa aming pag-uusap.

"Dad, ang pangarap ko lang ay gumaling ka at makasama ka pa ng mahabang panahon. All other dreams can wait." Sagot ko.

"Caleb, right? What do you do?" Pagpansin niya sa aking katabi.

"I'm a nurse po. I work in the same hospital where Theo works at."

"Ah ganun ba. May accent ka. Galing Amerika ka rin ba?" Pagpuna ni Tito Martin sa tono ng pagsasalita ng kaibigan ko. Lumalabas talaga ang kanyang American accent lalo na kapag nagsasalita siya ng English.

"Opo. I'm from California."

"Ah talaga ba? Tagal ko na ring hindi nakapunta ng Cali eh. Dabid, naalala mo pa ba nung nagkakilala tayo sa San Francisco? That was almost 30 years ago." Nakatingin siya kay Dad.

"Of course. Paano ko makakalimutan ang pagbangga mo sa kotse ko noong nasa Castro tayo?" Pagbalik tanaw ng aking magulang.

"Sabi ko naman sa 'yo di ba? Hindi aksidente 'yun. I purposely did it para makilala kita. Worth it naman di ba?" Nakangiting sagot niya.

"Maybe." Sambit ni Dad habang nakangiti ng nakakaloko.

"Di ka pa rin nagbabago." Pinisil ni Tito Martin ang kaliwang pisngi ni Dad.

Potek! Dito pa sa harap ng pagkain naglandian ang dalawang ito.

Tinapos na namin ang aming pagkain at tulad ng mga nakaraang gabi, nagrosaryo ulit kami. Sumali naman si Tito Martin sa amin.

Pagkatapos magdasal ay nagpaalam na si Tito Martin para magpahinga at matulog. Pagod daw kasi siya dahil sa kanyang biyahe.

Kinabukasan, sobrang aga ko nagising. Napanaginipan ko kasi si Mommy tapos hindi na ako nakatulog pagkatapos. Napagpasyahan kong magjogging na lang sa tabing dagat.

Pagbalik ko sa bahay ay nakita kong nakaupo sa kubo si Tito Martin habang may hawak ito na tasa.

"Good morning, Theo! Ang aga mo nagising ah." Bati niya sa akin.

"Oo nga po eh. Pero sanay naman po ang katawan ko sa ganitong oras ng gising eh. Kayo po, kumusta ang tulog niyo?" Balik kong tanong sa kanya. Pinupunasan ko ang pawis sa aking mukha gamit ang laylayan ng suot kong sando.

"Ayos naman. Hirap talaga pag tumatanda na. Dati-rati, kayang-kaya ng katawan ko ang mga long flights na ganito. Pero ngayon, ramdam ko agad ang epekto ng jetlag dahil sa change of time zones." Salaysay niya.

"Mag-relax na lang po muna kayo sa ngayon. If you need anything, just let us know."

"Theo, salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko ha. Alam kong hindi naging maganda ang paghihiwalay niyo pero sana napatawad mo na siya. Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya sa 'yo."

"Wala po 'yun. Ginawa ko lang po ang trabaho ko. At matagal ko na pong napatawad ang anak niyo." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin.

"Pasensiya nga rin pala sa nangyari sa Chicago. Nabigla lang ako at naipit sa sitwasyon. Wala kasing alam si Maria about sa 'yo at sa ama mo eh. Sana maintindihan mo." Pagbalik-tanaw niya.

"Ayos lang po yun. Kalimutan niyo na po yun." Tumango-tango lang siya. "Pero may tanong po ako. Bakit niyo po inilihim sa amin ni Dad na mag-ama kayo?"

"Iyon kasi ang hiling ni Sebastian. Hindi naman lingid sa kaalamanan mo na hindi naging maayos ang relasyon namin nitong mga nakaraang taon, di ba? I was trying, actually, I still am trying to re-build our father-son relationship kaya kahit anong sabihin niya, sinusunod ko. Kaya noong nagkita kami sa hospital noong naka-confine ka, he asked me not to tell anybody about our relationship. Pasensiya ka na." Paliwanag niya.

"Sinabi po ba niya kung bakit ayaw niyang ipaalam?"

"No, and I didn't ask. Sinunod ko na lang ang hiling niya without asking any questions." Sambit niya.

"Okay na po ba kayong dalawa?"

"Our relationship is better pero it's still not perfect. Hindi tulad ng sa inyo ng Dad mo. But I am working on it." Sabi niya. Ramdam ko ang sincerity sa boses niya na gusto niyang magkaayos silang dalawa ni Sebastian.

Medyo nabalot kami ng kaunting katahimikan bago muli siyang nagsalita.

"Kilala mo ba yung Congressman Ledesma?" Out of nowhere niyang tanong.

"Not personally po. Bakit niyo po naitanong?"

"Wala naman. Nababasa ko kasi sa mga balita ang tungkol sa kaso niya and I am worried about my son. Once ko pa lang 'yun na-meet. Nung papunta kami sa Chicago last year." I remember that time. Nakita ko pa nga sila sa live feed sa TV na magkakasama silang tatlo noong mag-emergency landing ang kanilang eroplano sa Hawaii.

"Hindi pa rin po ba sumasagot sa tawag niyo si Sebastian?" Pag-usisa ko tungkol sa aking ex.

"Hindi pa rin eh." Aniya. "Anyway, how are you holding up? You're Dad's condition must be very stressful for you." Paglihis niya ng topic.

"I'm trying to keep myself together. Para kay Dad. Kailangan po kasi eh."

"If hope you don't mind, I want to help you take care of him. Okay lang ba sa 'yo?" Tanong niya.

"Okay lang po."

Sandaling natigil ang aming pag-uusap ng dumating si Caleb. Pero ipinagpatuloy na rin namin agad ang aming usapan tungkol sa kalagayan ni Dad. Sumali na rin sa aming kwentuhan ang aking kaibigan.

Pagkaraan ng ilang minuto at bumalik na kami sa loob ng bahay para mag-almusal. Gising na rin si Dad at naabutan namin siya na nasa usual spot niya sa sala at nagbabasa ng diyaryo.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ang aking kaibigan para sa kanyang pag-alis. Gaya ng inaasahan, humirit ito ng souvenir para sa biyahe niya pabalik ng Maynila. Bilang isang mabuting kaibigan, pinabaunan ko siya ng mainit na tamod pagkatapos naming magtalik habang naliligo.

After lunch, nagpaalam na siya sa aking ama. Ilang araw lang naman ay magkikita ulit kami sa ospital.

Pagkaalis niya ay nagtungo ako sa bayan para bumili ng ilang gamot at gamit sa pagluluto.

Pagbalik ko sa bahay ay naabutan ko si Carla na nag-aaral sa sala at gumagawa ng kanyang mga assignments. Umupo ako sa sofa malapit sa kanya at inabot ang isa niyang mga notebook. Tiningnan ko ang kanyang pinag-aaralan.

Find the value of x.

Tangina! Kaya marami ang hirap maka-move on kasi bata pa lang tayo ay na-program na tayo na laging hanapin ang halaga ng mga ex.

Ibinaba ko na ang kanyang notebook at hinanap ang ibang tao dito sa bahay.

"Nasan si Dad, Carla?" Tanong ko sa kanyan ng hindi ko siya makita dito sa loob ng bahay.

"Nasa kubo po yata, kuya." Sagot niya. Iniwan ko na siya at nagpunta sa likod bahay.

Nakita ko nga si Daddy sa loob ng kubo kasama si Tito Martin. Habang papalapit ako, saka ko lang na-realize na may kasama pa pala silang isang tao doon. Si Sebastian. Hindi ako alam na andito pala ito ngayon.

"Gagawin ko po ang ipinangako ko sa inyo noon. Mahal na mahal ko po siya, Tito." Dinig kong sabi ni Sebastian ng makarating ako sa kubo.

Ako kaya, minahal ba niya talaga ako?

Nagulat pa silang tatlo ng makita nila ako. Nagulat din ako dahil lahat sila ay umiiyak.

Why the hell are they crying? What's going on?

"Hijo, anjan ka na pala. As you can see, dumalaw nga pala si Sebastian. Halika, upo ka. Samahan mo kami rito." Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Bakit kayo umiiyak?"

"Hijo, may gustong sabihin sa 'yo si Sebastian." Sabi ni Dad. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Lumipat ang tingin ko sa aking ex. Kasalukuyan siyang nakatingin lang sa buhangin habang nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita.

Naghihintay ako magsalita si Sebastian ng mag-ring ang kanyang telepono. Kinuha niya ito mula sa bulsa ng kanyang kulay beige na shorts.

"Excuse me po. I need to take this." Sabi niya bago siya naglakad palayo sa amin. Sinundan ko siya ng aking paningin hanggang makarating siya malapit sa dagat.

Tahimik lang sina Dad at Tito Martin. Naririnig ko pa ang kanilang pagsinghot dulot ng pag-iyak nila kanina. Ano kaya ang pinag-usapan ng mga ito? I guess, I'll find out pag nagbalik na si Sebastian.

"Dad, gusto mo ikuha kita ng tubig?"

"I'm okay, hijo. Meron ako rito." Inabot niya ang bote ng mineral water na nasa tabi niya na di ko agad nakita.

Muling napunta ang aking mga mata sa lalaking nakatayo sa di kalayuan. Nakita ang pagbago ng kanyang mukha ng muling lumingon siya sa aming puwesto. Inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang noo habang nakadikit pa rin sa kanyang kanang tainga ang kanyang telepono at hawak ito ng kanyang kanang kamay. Para siyang sobrang stressed sa kausap niya sa telepono.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita kong natapos na ang kanyang tawag. Nasa mukha niya ngayon ang dalawa niyang palad at medyo umiiling-iling pa ito. Sinipa pa niya ang buhangin sa kinatatayuan niya.

"Is everything okay, anak?" Tanong ni Tito Martin kay Sebastian pagbalik niya rito sa kubo. Marahil napansin din nito ang mga inakto ni Sebastian.

"No, Dad."

"What happened? Sino tumawag sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang ama sa kanya.

"He's dead." Hindi malinaw na sambit ni Sebastian.

"Who is dead, anak?" Pag-usisa ni Tito Martin.

"Eric is dead."

Napanganga ako sa pagkabigla sa aking narinig. Actually, lahat kami ay nagulat sa kanyang sinabi. Wala sa aming nakapagsalita.

Tumayo si Tito Martin at niyakap niya ang kanyang anak. Nakatulala lang si Sebastian. Sa isip ko ay nagtataka ako kung bakit wala akong makitang lungkot sa mga mata niya eh namatay ang boyfriend niya.

"I have to go. Sorry. Mauna na po ako." Kalmado niyang sabi.

"Sige, hijo. Mag-iingat ka at maraming maraming salamat ulit." Sabi ni Dad.

"Wala po yun. Balik na lang po ako 'pag may chance at kapag pwede na." Sagot niya.

Nakita kong papalapit na rin sa amin ang dalawang pulis.

"Condolences sa 'yo." Sabi ko sa kanya ng tumayo na rin ako. Niyakap niya bigla ako ng mahigpit. Napayakap na lang rin ako sa kanya dahil naaawa ako sa sitwasyon niya. Hindi ko na inisip na yung boyfriend niyang namatay ang ipinagpalit niya sa akin dati.

Ilang minuto rin umabot ang pagdidikit ng aming mga katawan bago siya humiwalay. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin. Inihatid siya ni Tito Martin papunta sa harapan ng bahay. Naiwan na lang kaming dalawa ni Dad dito sa kubo.

"Ano kaya ang nangyari?" Tanong ni Dad pagka-upo namin.

Naging halos routine na namin ni Dad na tumambay dito o sa may dalampasigan tuwing hapon kapag maayos ang kanyang pakiramdam para namnamin ang ganda ng kapaligiran.

"Hindi ko rin po alam, Dad." Naguguluhan din ako sa mga pangyayari. Paano nga kaya namatay yung boyfriend niya eh hindi ba nasa kulungan pa 'yun?

"Hijo, kailangan mong maka-usap si Sebastian. Bigyan mo siya ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa 'yo." Malumanay niyang sabi.

"Magpaliwanag tungkol saan, Dad?"

"Tungkol sa nangyari sa inyo." Ah!

"Tagal na po nun Dad. Wala na sa akin 'yun eh. Napatawad ko na po siya. Napatawad ko na po sila." Sagot ko sa aking ama.

"Alam ko naman yun, hijo. Pero iba pa rin na marinig mo mula sa kanya kung ano nangyari. You owe it to yourself in giving him that opportunity."

"'Yun po ba ang dapat sasabihin niya kanina? Nagkwento po ba siya sa inyo?"

"Oo, hijo."

"Ganun po ba. Ano po sinabi niya sa inyo?

"Mas mainam ng sa kanyang manggaling, hijo." Sabi niya.

Sige po, Dad. I'll talk to him sa sunod na makita ko siya." Pangako ko sa aking ama.

"Do you still love him, hijo?" Medyo nagulat ako sa diretsong tanong niya. Bakit naman all of a sudden ay naitanong niya ito?

"Things are different now Dad. Naka-move on na ako."

"Kayo na ba ng kaibigan mong si Caleb?" Patuloy niyang pag-usisa.

"Hindi po, Dad. Mag-bestfriends lang kami nun."

"Tandaan mo ito, hijo. Ano man ang mangyari, real love will never quit on you. Hindi lahat ng taong magsasabi sa 'yo ng 'I love you' ay kayang pangatawanan ang totoong ibig sabihin nito. May ibang sasamantalahin lang ang sitwasyon mo o ang kahinaan mo para mapaniwala kang mahal ka nila." Makahulugang pangaral ng aking ama.

"What do you mean, Dad?"

"I am just saying, minsan, mas mainam na tingnan at paniwalaan mo ang ginagawa nila para sa 'yo at hindi ang kung anong sinasabi nila sa harapan mo." Sagot niya.

"Sige po, Dad. Tatandaan ko po 'yan. Salamat." Mami-miss ko ang mga payo at usapan naming ganito kung sakali mang mawala na siya. Pakiramdam ko, maliligaw ako ng landas kapag ako na lang mag-isa.

Nanatili pa kami dito sa kubo ng ilang sandali bago nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay.







Itutuloy....


No comments:

Post a Comment