Saturday, July 3, 2021

TOTDGA CHAPTER 35

 




HAPPY BIRTHDAY


Pagkaraan ng halos forty-five minutes na biyahe, narating din namin ang aming destinasyon. Dahil huling gabi ng Sabado ng Pride month ngayon, as expected, busy at puno ang club ni Bestie. Sa labas pa lang ng entrance ay maraming bading ang nakatayo at naghihintay makapasok.

"Theo, pre! Tagal mong nawala ah! Kumusta? Kanina pa kayo hinihintay ni Boss. Halika, pasok kayo!" Sabi ng isa sa mga empleyado ni Alex na naka-assign ngayon dito sa entrance. Tinatakan niya ang aming palapulsuhan bago pumasok sa club.

Sinalubong kami ng malakas na tugtog ng DJ. Kasalukuyan niyang pine-play ang remix ng kanta ni Olivia Rodrigo na Good 4 U.

Pinuntahan na namin ang usual spot namin dito. Naabutan namin dito ang mga kaibigan ni Alex na sina Red at Adrian. Missing in action ang isa nilang ka-tropa na si Fred.

"Dude! Kumusta ka na? Buti nakarating ka ngayon. Kumusta na ang erpat mo?" Bati ni Red sa akin.

"Nasa ospital pa siya ngayon para sa follow-up niya. Tumakas lang ako tonight. Sobrang miss ko na kasi ito eh." Sagot ko sa kanya habang umuupo sa reserved couch namin dito sa VIP area.

"Miss ka na rin namin pre! Heto oh! Inom kayo!" Inabutan nila kami ni Caleb ng tig-isang baso na may lamang vodka. "Cheers!" Ininom ko ito ng isang tunggaan lamang.

Pinagmasdan ko ang paligid at masaya ako na andito ulit ako. Lahat ng table ay okupado ng mga grupo ng magkakaibigang nag-iinuman. Bawat sulok ng dance floor ay may mga lalaking nagsasayawan. Sa ngayon, kakalimutan ko muna ang aking mga problema at ieenjoy ang tagpong ito.

After staying in Anilao for more than three weeks, masasabi kong na-miss ko talaga ang ganitong eksena. Taliwas sa payapa at malinis na paligid sa probinsiya, dito ay sobrang ingay at puno ng usok ang paligid. Kakaibang high ang dala ng malakas ng tugtog, malilikot na ilaw at mataas na energy ng mga tao dito.

Binalitaan nila ako ng mga na-miss kong eksena dito nitong mga nakaraang linggo. Patuloy ang paglagay nila ng alak sa aking baso habang silang ay nagkukuwento. Wala talaga akong balak maglasing ngayon since kelangan naming bumalik ng maaga sa ospital bukas. Subalit ang hirap mahindian ang aking mga kaibigan. Katulad ng lagi kong sinasabi, bahala na si Batman.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Bestie sa aming puwesto. Tulad ng dati, walang tigil ang aming kuwentuhan at tawanan habang inuubos ang maraming bote ng alcohol na nasa aming harapan.

Nagyaya silang magpunta sa dance floor kaya naman sabay-sabay kaming tumayo at nagtungo doon.

Nag-umpisang tumugtog ang remix ng bagong kanta ni Ed Sheeran na Bad Habits.

🎶My bad habits lead to late nights endin' alone
Conversations with a stranger I barely know
Swearin' this will be the last, but it probably won't
I got nothin' left to lose, or use, or do.
My bad habits lead to wide eyes starin' at space
And I know I'll lose control of the things that I say
Yeah, I was lookin' for a way out, now I can't escape
Nothin' happens after two, it's true, it's true
My bad habits lead to you. 🎶

Kasabay ng indak ng malakas ng musika ang paggalaw ng aming mga katawan. Songs after songs.

Pagkatapos tumugtog ang isang kanta ng BTS ay pinatugtog ng DJ ang Birthday song. Akala ko ay para sa iba ito pero ng tumingin ako sa malaking LCD screen sa harapan ay nakita ko ang nakasulat na 'Happy Birthday, Theo!'. Napatingin na lang ako kay Bestie at halos magkabilang tainga ang kanyang ngiti.

Halos taon-taon namang sine-celebrate ko ang aking kaarawan dito pero dahil sa dami kong iniisip, nawala sa isip ko ang posibilidad na gawin ito ni Bestie. Sa Miyerkules pa naman ang talagang birthday ko.

Nakita ko ang isa niyang staff na palapit sa aming puwesto at may dala-dala itong cake na may nakasinding parang lusis sa ibabaw. Sabay-sabay ng kumanta ng 'Happy Birthday' ang halos lahat ng tao na naririto ngayon sa club. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid at lahat ng atensiyon ng tao ay nasa akin.

Ng matapos ang kanta ay pumikit ako saglit para i-wish ang paggaling ni Dad tapos hinipan na ang nakasindi sa ibabaw ng cake. Nahirapan pa akong patayin ang sindi nito. Ng matagumpay kong mahipan ang lusis, ay nagsigawan ng malakas ang lahat ng naririto. Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga kaibigan. Nasa ganito kaming ayos ng magbagsakan ang ilang malalaking puting lobo mula sa kisame.

Mas lalong na-excite ang lahat dahil dito. Kaya kasabay ng nakakaindak na techno music na sinimulang patugtugin ng DJ ay ang pagtalon-talon at pagsasayaw ng mga naririto sa dance floor. Nawala na ang tama ng alcohol na kanina ay nararamdam ko. Sobrang taas ng level ng adrenaline sa aking katawan ngayon. Ng lumingon muli ako sa paligid ay nakita ko ang mga lobo na tumatalbog-talbog at pinagpapasa-pasahan pa rin ng mga tao dito sa dance floor.

Pawis na pawis na kami ngayon. Dahil sa siksikan dito sa dance floor ay kung kani-kanino ng mga katawan ang sumasagi sa akin. Kung anu-anong malambot at matigas na parte ng katawan ng mga katabi ko ang naramdaman ko.

Pagkaraan ng ilan pang minutong pagsasayaw ay nagyaya na ang aking mga kasama na bumalik sa aming table.

Halos lahat ng makasalubong namin ay bumabati sa akin ng 'Happy birthday'. Instant celebrity tuloy ako dahil sa sorpresa ni Bestie.

Pag-upo namin sa aming couch ay muling bumuhos ang mga alcohol. Inumpisahan na rin naming kainin ang cake na dinala ng empleyado ni Alex kanina sa dance floor. Tumigil na ako sa pag-inom ng medyo nahihilo na ako. Dahil sa tagal ko ng hindi umiinom ng ganito, medyo bumaba na ang alcohol tolerance ko. Kaya naman, tubig na lang ang tinungga ko habang kumakain ng cake. Kinantiyawan pa nila ako pero naaintindihan naman nila ang aking sitwasyon kaya hinayaan na nila ako. And besides, it's my birthday kaya I can do whatever I want. Hahaha!

Tulad ng sabi nila, time flies fast when you're having fun. Namalayan ko na lang na alas dos na ng umaga. Kaya nagpaalam na ako sa kanila at niyaya na si Caleb umuwi. Hinatid na kami ni Alex palabas ng club. Bago tuluyang umalis, dumaan muna ako sa restroom para umihi.

Paglabas ko ay naabutan ko si Alex at Caleb na kausap ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita o nakilala.

"Bro, kaibigan ko from the US, si Bryan. Bry, this is Theo." Pakilala ni Caleb sa katabi niyang tsinitong lalaki. Nakipagkamay ako sa kanya tapos binati niya rin ako ng 'Happy birthday'. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na kami sa kanya.

Muli kong niyakap si Alex bago kami naghiwalay at pinuntahan ang kotse ni Caleb. Nagtalo pa kami ni Caleb kung sino ang magmamaneho pero sa huli, ako na ang humawak ng susi niya. Nakapahinga na ako sa pag-inom ng alcohol kaya mababa na ang aking tama samantalang si Caleb ay lasing na.

Dahil madaling araw na, halos wala nang sasakyan sa kalye. Kaya naman, madali kaming nakarating sa aking bahay. Dahil nga sa pagkalasing ng aking kaibigan, hindi ko na siya pinauwi at dito na lang sa aking kuwarto ko siya pinagpahinga. Tulad sa Anilao, magkatabi kaming natulog.

Alas otso y media na ng ako ay magising. Masakit ng kaunti ang aking ulo pero tolerable naman. Nakita kong tulog na tulog pa rin ang aking kaibigan dito sa aking tabi. Naghihilik ito at tumutulo pa ang laway ng gago. Kinunan ko siya ng picture at video para may pang-blackmail ako sa kanya kung kailangan.

Bumangon na ako at nagpunta sa aking banyo para umihi, maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nagsuot ako ng sando at shorts bago tuluyang lumabas ng aking kuwarto. Naabutan ko si Tita Luz na nagluluto ng agahan sa kusina.

"Good morning, hijo!" Bati niya sa akin habang nag-iinat ako.

"Good morning po, Tita! Kumusta po ang tulog niyo?"

"Maayos naman. Medyo nakabawi ng kaunti sa tulog. Ikaw, anong oras ka na ba nakauwi kagabi?" Tanong niya na parang magulang ko.

"Almost three na po yata." Sabi ko habang umuupo sa upuan sa tapat ng breakfast counter. Pinapanood ko siya sa pagluluto ng itlog.

"Ah ganun ba. Gusto mo ng kape?" Alok niya sa akin.

"Sige po."

Inabot niya ang aking coffee maker at nagsalin siya ng kape sa isang tasa. Tinanong pa niya ako kung gusto ko ng asukal o creamer pero ako na ang nagkusang kumuha ng asukal at nagtimpla sa aking kape. Bumalik ako sa aking upuan at sinimulang ininom ang aking kape.

"Pasensiya ka na nga pala kung pinakialamanan ko ang kusina mo." Sabi niya.

"Naku! Wala po yun, Tita. Feel at home lang po kayo rito."

"Salamat. Ang ganda ng bahay mo ah. Very home-y. Magaan sa pakiramdam." Pagpuri niya sa aking tirahan.

"Salamat po."

Bukod sa location, iyon ang nagpakumbinsi sa akin na bilihin ito. Naalala ko pa na pito o walong bahay at condo ang tiningnan ko bago ko napagdesisyunan na ito ang titirahan ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang pakiramdam ko ng una akong tumapak sa loob ng bahay na ito.

Ng matapos magluto si Tita ng egg omelet at ham ay lumabas si Tita Rose ng kuwarto. Mukhang bagong ligo na ito at nakabihis na. Sabay-sabay na kaming kumain ng nilutong agahan. Napagkasunduan naming bumalik sa ospital in forty five minutes.

Sa pagpupumilit nila, hinayaan ko na lang sina Tita ang maglinis ng aming pinagkainan. Iniwan ko na sila para bumalik sa aking kuwarto. Nakita ko ang ilang laruan ni Bangky kaya hindi ko maiwasang ma-miss ang alaga kong pusa. Naabutan kong mahimbing pa ring natutulog ang aking kaibigan. Nagtungo na lang ako sa aking banyo at naglinis ng katawan.

Nakapagbihis na ako at lahat pero tulog pa rin si Caleb. Pagkatapos pagdebatehan kung gigisingin ko siya o hindi dahil paalis na kamin nina Tita, napagdesisyunan kong iwan na lang siyang natutulog sa aking kama. Nag-iwan na lang ako sa kanya ng mensahe.

May nadaanan kaming simbahan papunta sa ospital at nagyaya sina Tita na magsimba muna kami rito. Pagkatapos maiparada ang aking kotse ay sabay-sabay na kaming pumasok sa simbahan. Saktong paumpisa pa lang ang misa.

Pagkatapos mag-communion ay lumuhod na ako para magdasal.

Lord, thank you po sa lahat ng mga blessings niyo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. It's been a crazy year pero I am still thankful sa lahat ng mga biyaya niyo sa amin. Patawarin mo po ako sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko. Alam kong marami akong mga nagawang pagkakamali sa inyo kaya I beg for your forgiveness. Please continue to guide me para po maiwasan kong gawin ang mga ito at para maisabuhay ang lahat ng teachings niyo at ng anak niyong si Jesus Christ.

Lord, humihiling po ako sa inyo na sana po ay patnubayan niyo ang aking ama. Sana po maging maayos ang mga resulta ng mga tests niya ngayong na araw na ito. Naging effective po sana yung gamot na iniinom niya at mawala o mabawasan na po sana ang cancer sa katawan niya. Sana po ay gumaling na siya. Lord, please give him the strength and courage to overcome this illness. Alam kong everything is possible with You kaya nagsusumamo po ako sa iyo Lord na sana ay bigyan niyo pa ako ng pagkakataong makasama pa ng mas matagal si Dad. Kami na lang dalawa ang naririto kaya I pray that You will grant him the miracle that only You can provide. Please, Lord, end his pain and suffering and make him healthy again.

Lord, please also keep me, si Tito Martin, sina Tita at ang mga kaibigan ko strong as we help my Dad get through his sickness. Ilayo niyo rin po sana kaming lahat sa anumang sakit at kapahamakan. Patuloy niyo po sana kaming patnubayan sa lahat ng mga desisyon na gagawin namin. Pati na rin po ang mga medical professionals na nag-aalaga kay Dad ngayon, please bless them too.

Lord, alam kong may dahilan ang lahat ng mga nangyayaring ito. Kung sakaling mang may iba po kayong plano kay Dad, please give us the clarity and peace to accept whatever plan you have in store for him or us. Masakit mang isipin at tanggapin pero kung iba po talaga ang plano niyo, sisikapin kong unawain ang desisyon niyo. Kayo na po ang bahala sa kanya, Lord. Ipinapaubaya ko po ang kalagayan niya sa inyong mga kamay. Mahal na mahal ko pa ang aking ama and if ever man, please don't make my Dad suffer any longer. Please don't let us also suffer anymore.

Na-realize kong himihikbi na pala ako at tumutulo na ang aking mga luha ng maramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Tita Rose sa aking likod. Iminulat ko ang aking mga mata at pinahid ang aking mga luha. Tumingin ako sa kanya, tumango at ngumiti ng bahagya. Tumingin ako sa malaking krus na nasa altar sa harapan at ipinapatuloy ang aking dasal.

Lord, I ask all of these in Jesus' name. Amen.

Bumangon na ako sa aking pagkakaluhod at umupo sa tabi ni Tita Rose.

Pagkatapos magsimba ay dumiretso na kami sa ospital. Tanging si Tito Martin lang ang naabutan namin sa kuwarto. Sinundo raw si Dad para sa CT scan niya.

Pagkalipas ng isang oras ay ibinalik na nila si Dad. Tulog ito ng ipinasok siya dito sa kuwarto, either dahil sa pagod o dahil sa itinurok sa kaniya na dye contrast na ginamit para sa examination niya. Hinayaan na lang namin siyang makapagpahinga.

Ng sumapit ang tanghalian, nagising siya para kumain ng mga binili naming pagkain for lunch. Pinilit pa namin siya pero kaunti lang talaga ang kinain niya. Wala raw siyang gana.

Nanatili lang kami sa kuwarto ni Dad ngayong Linggo ng hapon. Nagsuka si Dad halos trenta minutos pagkatapos kumain. Then, magkahiwalay na dumating sina Caleb at Alex pagkatapos ng tanghalian. Inabala namin ang aming mga sarili sa paglalaro ng baraha. Sumali rin si Tito Martin sa amin. Pati ang mga pinsan kong sina Grace at Cheska ay dumalaw rin kasama ng kanilang asawa at boyfriend.

Pagsapit ng gabi ay nagpaalam ng umuwi sina Tita. Gusto sana ni Tito Martin na bantayan si Dad ulit tonight pero nakumbinsi ko siyang magpahinga muna at ako na lang ang mag-aasikaso kay Dad ngayong gabi.

Naiwan sina Alex at Caleb kasama ni Dad habang inihatid ko sa bahay ang mga kapatid ni Dad at ang nobyo nito. Ng alam kong okay na ang kanilang lagay ay bumalik na ako sa ospital. Nagpaalam naman si Alex para umuwi kaya kami na lang ni Caleb ang natira dito.

Dahil siguro sa pagkabagot sa panonood ng TV, medyo naging pilyo ang aking utak. Habang kumakain ng Nestlé drumstick, nakakaakit kong dinilaan ito na para bang dumidila ako ng burat. Napansin ito ng aking kaibigan at napangiti ito. Ginaya niya ang aking ginawa at isinubo pa ang ice cream na hawak na para siyang tsumutsupa. Ramdam ko na ang pagpintig ng aking alaga sa loob ng aking shorts.

Ipinapagpatuloy namin ang pag-akit sa isa't isa habang inuubos ang apa na aming hawak. Tigas na tigas na ang aking burat na kasalukuyan ko na ring hinihimas-himas. Dahil nasa loob kami ng silid ng aking ama kaya pinigilan namin ang aming mga sarili na gumawa ng malaswang bagay. Sinenyasan pa ako ni Caleb na pumasok kami sa banyo pero tumanggi ako.

Subalit dahil sa pagtaas ng libido ko ngayon, ako na rin ang nahulog sa sarili kong patibong. Niyaya ko na lang siyang lumabas ng kuwarto at maghanap ng lugar kung saan kami pwedeng magparaos. Humantong kami sa fire exit sa dulo ng hallway ng floor na ito.

Sinigurado muna namin na walang ibang tao ngayon sa ibang floor ng fire exit na ito. Ng matiyak na kami lang dalawa ang naririto ay inumpisahan ko ng buksan ang zipper ng aking suot na asul na shorts.

Lumuhod si Caleb sa aking harapan at siya na ang nagbaba nito papunta sa aking tuhod. Hinimas-himas at inamoy-amoy niya ang nakabukol kong matigas na ari sa loob ng aking boxer briefs. Napansin niya ang basang parte kung saan naroon ang ulo ng aking burat at dinilaan niya ito.

"Tsupain mo na ako." Utos ko sa aking kaibigan na busy pa rin sa pagsamba sa aking burat. Baka kasi may dumating kaya gusto kong tapusin na agad ito.

Ibinaba na niya ang aking boxer briefs at hinawakan ang punong bahagi ng aking ari. Iginalaw niya ang kanyang kamay at jinakol niya ito ng bahagya bago tuluyang isinubo sa kanyang bibig.

Sa pangalawang pagkakataon this weekend, muli ko na namang naramdaman ang mga malalambot niyang labi sa palibot ng aking burat. Tiningnan ko siya at abala siya sa pagsuso sa aking mahaba at matabang alaga. Sabay niya itong jinajakol at tsinutsupa.

Gusto kong umungol pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin ito. Tanging tunog ng paglabas pasok ng aking tite sa kanyang bibig ang maririnig dito kung nasaan kami naroroon ngayon.

Nagpatuloy ang pag aabuso ko sa kanyang bunganga. Sinasalubong na ng aking balakang ang pag atras abante ng kanyang ulo. Nakawak ang pareho kong mga kamay sa likod ng kanyang ulo samantalang nakalapad naman sa puwetan ko ang kanyang dalawang palad.

Ng medyo mapagod ang kanyang bibig ay iniluwa niya ang aking burat pero ipinagpatuloy niya ang pagjakol dito. Tumingala siya sa akin habang hinahabol ang hininga. Pansin ko ang maluha-luha niyang mga mata.

"You wanna fuck me?" Pabulong niyang tanong sa akin habang abala pa rin ang kanyang kamay sa pagjakol sa basang kong burat.

"Wala akong dalang condom. Do you have one?" Balik kong tanong sa kanya.

Binitawan niya ang aking burat at dinukot niya ng kanyang pitaka sa kanyang pantalon. Kinuha niya rito ang isang pakete ng condom.

Siya na ang kusang nagbukas nito gamit ang kanyang ngipin at ibinalot ito sa nakatirik na burat sa harapan niya. Pagkatapos ay tumayo siya at ibinababa ang kanyang pantalon at briefs sa kanyang hita.

Tumuwad siya sa aking harapan. Dumura siya sa kanyang palad at ipinahid niya ito sa kanyang butas. Ganun din ang aking ginawa. Dinuraan ko rin ang aking kanang kamay at ipinahid ko ito sa aking burat.

Lumapit na ako sa kanya at itinutok ang aking ari sa kanyang bukana. Pinuntirya ko ang kanyang butas at inumpisahan ko ng ipinasok ang ulo ng aking burat sa kanyang masikip na butas. Medyo nahirapan pa ako kaya pinatakan ko muna ng ilang beses ang aking burat ng aking laway bago tuluyang ibinaon ito sa puke ng aking kaibigan.

"Okay ka lang?" Pabulong kong tanong sa kanya pagkatapos kong maibaon ng tuluyan ang aking sandata. Nakatuwad siya sa aking harapan habang nakahawak sa bakal sa gilid ng hagdanan.

"Yeah."

Hinawakan ko siya sa kanyang baywang at inumpisahan ko ng igiling ang aking balakang. Kita ko ang paglabas pasok ng aking burat sa kanyang butas. Tulad kahapon, kakaibang sensasyon ang naidudulot ng kanyang butas sa aking katawan. Para akong kinukuryente tuwing naglalabas pasok ang ulo ng aking burat sa kanyang hiyas.

Ilang minuto ko ring siyang kinantot sa posisyong ito. Minsan ay hindi napipigilan ni Caleb ang pag-ungol kaya sinusuway ko ito. Ayaw kong marinig ng iba ang aming ginagawa. Subalit hindi pa rin namin maiwasang hindi gumawa ng ingay dahil sa malakas ng pagtama ng aming mga balat tuwing magsasalpukan ang aking mga baywang at ang kanyang puwetan.

Itinigil ko ang paggalaw ng aking balakang at tumayo lang ako sa aking puwesto. Hinayaan kong siya lang ang gumalaw at maglabas pasok ng aking burat sa kanyang makipot na butas. Ginabayan ko ang kanyang pagkilos gamit ng aking mga kamay sa kanyang baywang.

Tumindi ng tumindi ang init at libog na aking nararamdaman. Ilang minuto na rin kaming naririto sa loob ng fire exit. Pakiramdam ko ay inaapuyan ang aking katawan dahil sa intensidad ng aming pagtatalik. Nararamdaman ko na ang nalalapit kong pagsabog.

"Lapit na ako." Sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa pagkantot.

"Iputok mo sa mukha ko." Sagot naman niya habang tinatanggap ang paglabas pasok ng aking burat sa kanyang lagusan.

Mabilis kong hinugot ang aking ari at tinanggal ang condom na nakabalot dito. Muli siyang lumuhod sa harapan ko.

Jinakol ko ng ilang segundo ang aking titi bago tuluyang sumirit ang aking tamod. Nagkalat ito sa kanyang mukha. Tumama ang iba sa kanyang mata, ilong, pisngi at buhok. Karamihan naman ay nasalo ng kanyang bibig.

Hingal na hingal ako kaya napasandal ko sa pader na nasa likod ko. Muling isinubo ni Caleb ang matigas ko pa ring burat at sinupsop niya ito. Sinaid niya ang natitirang tamod sa paligid at loob nito.

Habang subo ang aking burat, abala naman ang kanyang kamay sa pagjakol ng kanyang ari. Pagkaraan ng ilang segundo ay umungol siya kahit puno pa ang bibig niya dahil sa nakapasak na burat ko. Tumalsik ang kanyang tamod sa sahig.

Itinaas ko na ang aking shorts at underwear pagkatapos ay tinulungan ko siyang linisin ang nagkalat na tamod sa kanyang mukha. Pinahid ko ang mga ito gamit ang aking nga daliri at dinala papunta sa kanyang bibig. Malugod niyang nilunok ang mga ito na para bang hindi siya uminom at kumain ng ilang araw. Nag-ayos na kami ng aking sarili bago bumalik sa kuwarto ni Dad.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita namin si Dr. Mendez na palabas sa isang kuwarto. Nabigla pa ito ng makita kami ni Caleb.

"Hi Theo! Hi Leb!" Bati niya sa amin.

"Hi Dok!" Sagot ko.

"Hello!" Maikling bati ni Caleb.

Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa amin ni Caleb. Tingin ko ay alam niya ang aming ginawa.

"Okay lang kayong dalawa?" Tanong niya.

"Oo naman, Dok. Ikaw okay ka lang ba?" Sambit ko habang sinisikap na umakto ng normal.

"Leb, can we talk?" Napansin kong tumaas ang isa niyang kilay ng bahagya habang nakatingin ito sa bandang balikat ni Caleb kung saan may mantsang pabilog na basa. Marahil natalsikan ito ng tamod ko kanina.

"Sorry but we need to go. Text me na lang. Bro, let's go." Supladong sagot ng aking kaibigan sa kanya. Nauna nang naglakad si Caleb palayo.

"May sumpong yata ang kaibigan mo. By the way, nakabukas ang zipper mo." Sabi niya sa akin.

Fuck! Nakakahiya! Mabilis kong isinara ang zipper ng aking shorts. Sigurado akong may idea na ito kung ano ginagawa namin ng kaibigan ko. Nagpaalam na agad ako sa kanya at sinundan si Caleb pabalik sa kuwarto ni Dad.

Naabutan namin ang nurse ni Dad na chinecheck ang vital signs ng aking ama habang mahimbing pa ring natutulog ito.

Nag-stay pa si Caleb dito ng halos isang oras bago siya nagpaalam para umuwi.

Umupo ako sa tabi ni Dad at inayos ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Ibang-iba na ito kumpara dati. Halatang-halata na ang kanyang pangangayayat. Pati ang paninilaw ng kanyang balat at kapansin-pansin na rin.

Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako na nakapatong ang aking ulo sa gilid ng kama ni Dad. Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa aking buhok. Una, akala ko'y nanaginip lamang ako dahil habang ako ay natutulog, hinahaplos din ni Mommy ang aking buhok sa aking panaginip. Subalit ng idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong kamay pala ni Dad ang nakapatong sa aking ulo.

"Sorry. Nagising ba kita, hijo?" Tanong ni Dad sa akin.

"Bakit po gising pa kayo? May kailangan po ba kayo? Gusto niyo po bang pumunta ng banyo?" Sunod-sunod kong tanong sa aking ama. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dos cinco pa lang ng madaling araw.

"Wala naman, hijo. Napanaginipan ko kasi ang Mommy mo. Anyway, matulog ka na ulit. Pasensiya ka na kung naistorbo kita." Sabi niya. Gising na ulit ang diwa ko kaya mamaya na ulit ako makakatulog.

"Really, Dad? Ako rin eh. Napanaginip ko rin po si Mommy ngayon-ngayon lang. Akala ko nga po, siya ang humahaplos ng buhok ko eh." Kuwento ko sa kanya.

"You know, I don't believe on coincidences right? Anyway, sobrang miss mo na ang mommy mo no?" Tumango lang ako.

"Ako rin, hijo. Everyday, I wish na kasama pa rin natin siya ngayon. Alam mo noong bumalik siya ng Brazil pagkatapos naming magkahiwalay, masyado siyang nalungkot dahil malayo siya sa 'yo. Kung pwede ka lang daw niyang dalhin doon, ginawa na niya pero siyempre hindi ako papayag kung sakali man."

"Bakit nga po ba hindi niya ako pwedeng dalhin doon?"

Malaking misteryo sa aking kung bakit ako iniwan ni Mommy dito sa Pilipinas. Dahil naawa ako kay Dad, itinigil ko na ang pangungulit sa kanya noon tungkol dito. Tutal naman, naging mabuti siyang ama sa akin eh. Noong tinatanong ko naman si Mommy tuwing magkakausap kami sa telepono o kapag bumibisita siya dito sa Pilipinas, ang lagi lang niyang sinasabi ay hindi ko maiintindihan at iniiba niya agad ang aming usapan.

"Hijo, mahabang kuwento kasi yan. Pero alam kong matagal mo ng gustong malaman ang sagot sa tanong mong 'yan kaya I'll try to summarize it for you." Pauna niyang sabi.

"Noong magkakilala kasi kami ng Mommy mo ay engaged na siya sa anak ng business partner ng lolo mo. Hindi pabor ang lolo mo sa relasyon namin. Ilang beses nilang sinubukang paghiwalayin kami. Noong malaman nilang nagpakasal kami, mas naging complicated ang lahat. Kumalas sa kumpanya ng lolo mo ang business partner niya at tapos nagpakamatay pa ang dating fiancé niya. Dahil dito, nalugi ang kumpanya ng lolo mo. Then, itinakwil si Marcia ng pamilya niya tapos pinagbantaan ang buhay namin ng dating business partner ng lolo mo. Kaya napilitan kaming umalis ng Brazil at lumipat dito sa Pilipinas. Ng magkahiwalay kami ni Marcia, tinanggap ulit siya ng pamilya niya sa kundisyong hindi ka niya pwedeng dalhin doon. Iyon ang dahilan kung bakit ka naiwan dito sa akin." Salaysay ni Dad.

Somehow, it makes sense pero grabe naman pala ang pinagdaanan ng relasyon nila. Me and you against the world pala ang peg ng love story nila.

Hindi ko na nakilala ang mga magulang ni Mommy dahil namatay na sila bago pa kami pumunta ng Brazil noong ma-ospital si Mommy. Mabuti na rin siguro iyon since ayaw pala nila sa amin ni Dad.

"Pasensiya ka na. Pakiramdam ko, naging collateral damage ka sa lahat ng masasamang experiences ko. Alam mo ba, isa sa lagi kong ipinagdarasal ay na sana maging iba ang ending ng story ng buhay mo at ng kung sino mang mamahalin mo dahil hindi tamang ikaw ang magbayad sa mga pagkakamali ko. Your future does not need to be tragic too just because your past was or just because mine was. Tandaan mo, it's okay for you to ask or expect for a happy ending, hijo. You deserve to a happy ending." Words of wisdom ni Dad.

Kailangan talagang maging maganda ang mga results ng mga tests ni Dad. Sino na lang ang magsasabi sa akin ng mga ganito kapag nagkataon.

"Ibang happy ending, Dad, pwede?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Loko ka talaga!" Natatawa niyang sagot.

Nagpatulong na muna siya para pumunta ng banyo. Inalalayan ko siya sa paglalakad paalis at pabalik ng kama. Iniabot ko na rin ang baso ng tubig dahil medyo tuyo daw ang pakiramdam ng bibig niya.

"Kumusta na ang love life mo? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Caleb ha." Nasa tsismoso mode yata si Dad ngayon.

"Ganun pa rin naman po Dad. Honestly, kung may nagbago man, iyon po ay yung physical connection namin sa isa't isa." Sagot ko sa kanya.

"That's good. Mahal mo na ba siya?" Pag-usisa niya.

"Paano mo po ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Akala ko po kasi minahal at nagmahal na ako dati pero parang mali pala ako ng akala."

"Hijo, malalaman mong nagmamahal ka kapag para sa 'yo, ang kaligayahan ng minamahal mo ay nagiging mas mahalaga na kaysa sa kaligayahan mo. 'Yung tipong masaya ka kapag nakikita o nalalaman mong masaya siya. Handa kang gawin ang lahat para lang mapasaya mo ang taong iyon kahit ibig sabihin pa noon ay kailangan mong i-sacrifice ang ilan sa kaligayahan mo." Paliwanag niya.

That makes sense.

"Mahal ko po kayo, Dad." Sinsero kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ng aking mga kamay ang kanyang kaliwang kamay.

Importante kasi ang kaligayahan at kapakanan niya kaysa sa kaligayahan ko. Handang handa akong isakripisyo ang kaligayahan ko para lang maging masaya si Dad ngayon.

"Mahal din kita, hijo." Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa akin.

Dahil hindi pa kami makatulog kaya ipinagpatuloy na lang namin ang aming kuwentuhan. Maraming bagay ang aming napag-usapan tulad ng pagrereview ko at mga plano ko, kung may plano akong magkaanak in the future, kung ilan at kung ano ang ipapangalan ko, at marami pang iba.

Pumasok pa ang nurse ni Dad at binigyan siya ng gamot para sa sakit. Noong medyo umeepekto na ito, napagkasunduan naming matulog na siyang muli. Halos alas tres y media na ng umaga ng humiga ako sa sofa dito sa kanyang kuwarto.

Nagising ako ng muling pumasok ang nurse ni Dad para i-check ang kanyang kalagayan at para painumin ulit siya ng kanyang mga gamot. Pagtingin ko sa orasan ay lampas alas otso na ng umaga.

"Good morning, hijo!" Bati sa akin ni Dad. Hawak na niya ang kanyang diyaryo at binabasa ito.

"Good morning, Dad! Any good news?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa banyo.

"Wala nga eh. Magulo pa rin ang Pilipinas." Dinig kong sabi niya bago ko isinara ang pinto.

Pagkatapos maghilamos at magsipilyo, nagpaalam ako kay Dad na bibili lang muna ako ng kape sa baba.

Dumaan ako sa therapy gym namin at kinumusta ang aking mga katrabaho. As much as I miss my work, mas importante sa akin ngayon ang makasama ang aking ama.

Somehow, medyo nakakaramdam ako ng pagsisisi. Kung sana hindi ko na lang iniwan si Dad para magtrabaho dito sa Maynila. Sana ay sumama na lang ako sa kanya sa Anilao para mas maraming oras sana kaming naiukol sa isa't isa. Hindi katulad ngayon, para kaming naghahabol sa panahon na hindi namin alam kung kailan matatapos. Sabi nga nila, laging nasa huli ang pagsisisi.

Pagkatapos bumili ng kape at agahan, bumalik na ako sa kuwarto ni Dad. Bago tuluyang pumasok sa silid ng aking ama, sumaglit muna ako sa nurse's station at napag-alamanan kong after lunch pa darating si Dr. Aguilar.

Pagkatapos pakainin siya ng almusal at asikasuhin ang mga pangangailangan ng aking magulang, nagpa-alam muna ako na uuwi muna ako saglit para magpalit ng damit at para na rin sunduin ang kanyang mga kapatid at si Tito Martin.

Pagkalipas ng tatlong oras ay nakabalik na kami dito sa ospital. Nakasabay pa namin si Dr. Aguilar sa elevator at ipinakilala ko na sina Tita sa kaniya. Pagkatapos ay nauna na kaming pumunta sa kuwarto ni Dad dahil may dadaanan pa raw siya.

Isang oras ang lumipas at nakarinig na kami ng katok sa pintuan at nakita naming pumasok na ang doktor ni Dad kasama ang kanyang nurse.

"Magandang hapon Dr. Olivarez. Kumusta ang pakiramdam mo?" Bati niya sa aking ama.

"Good afternoon, Dok! I've had better days. Nakatulong yung pag-drain ng tiyan ko. Medyo nabawasan ng kaunti ang sakit ng tiyan at likod ko. Pero pakiramdam ko, nanghihina ako ngayong araw na ito." Balik na bati ni Dad. Mahina ang boses niya.

Tulad ng dati, in-assess ulit niya ang katawan ng aking ama. Tahimik lang kami nina Tita at Tito na nagmamasid sa tabi.

"So, I have good news and bad news for you. Which one do you want first?" Tanong ni Dok kay Dad pagkatapos niyang i-palpate ang tiyan ng huli.

"Bad news na muna." Lahat kami ay nag-aabang kung ano ang kanyang dalang balita.

"Okay. I am sorry to say but your pancreatic cancer had spread to more than half of your liver now. We also now noted some on the lower part of your lungs. We concluded that the cancer drugs you were taking were not able to stop the growth of your cancer." Paliwanag ng oncologist ng aking ama.

That's not bad news. That's worst news. Tangina! Sobra sakit marinig ang balitang ito. Gusto kong sumigaw at humagulhol pero mas pinili kong magpakatatag. Kita ko ang pagkabigo sa mukha ng aking ama. Sina Tita naman ay hindi na napigilang maluha habang magkaakbay sa isa't isa. Diretso lang at walang expression ang mukha ni Tito Martin.

Namayani ang nakakabinging katahimikan dito sa silid ng aking ama. Walang nagsasalita. Tila lahat kami ay pinoproseso ang sinabi ng doktor na nasa aming harapan.

"So, ano na plano ngayon?" Pagbasag ni Dad sa katahimikan.

"Unfortunately, limited na ang mga options natin ngayon. Pwede mo pa ring ipagpatuloy ang cancer drugs na inumpisahan mo. But keep in mind, this will only buy you some extra time. Alam ko na sinabi namin sa 'yo dati na meron ka pang dalawa o tatlong buwan. Kaso, with the spread of your cancer to your other organs, I'm afraid it's now shorter. It could just be weeks or days." Fuck! Ilan bang worst news ang dala ng doktor na ito? "The other option is just palliative care." Dagdag niya.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Tito Martin sa balikat ko. Alam kong paraan niya ito para palubagin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"What's the good news?" Tanong ni Dad.

"Pwede ka ng umuwi ngayong araw na ito. We just have to take care of all the orders and paperwork depende kung anong treatment plan ang gusto mong gawin."

Huminga muna ng malalim si Dad at pumikit saglit, tila nag-iisip.

"Gusto kong itigil na pag-take nung cancer drugs. We'll just do palliative care."

Walang umangal o tumutol sa amin sa desisyon ni Dad. Either in shock pa rin kaming lahat dahil sa masamang balitang narinig o marahil nauunawaan namin ang pinanggalingan ng desisyon niya.

"Okay. If that's decision, I will get the orders para makauwi ka na sa lalong madaling panahon. Meron pa ba kayong mga tanong para sa akin?"

Walang umimik sa amin. Tahimik lang kaming lahat.

"Kung wala na kayong tanong, mauuna na ako. You can always call me in case may maisip kayong tanong." Ibinigay niya ulit ang card niya kay Dad.

"It's been great meeting you Dr. Olivarez. I am sorry again. I wish I have better news for you but I wish you all the best." Nakipagkamay na siya sa aming lahat bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Nakita kong nilapitan nina Tita si Dad sa kanyang higaan at niyakap nila ito. Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas ako sandali.

Tuluyan ng pumatak ang aking mga luha pagkatapos kong isara ang pintuan ng kuwarto ni Dad. Wala sa sarili akong naglakad at tinungo ang elevator hanggang tuluyang makalabas ng ospital.

Kailangan kong lumayo muna. Kailangan kong mapag-isa para mailabas ang bigat na aking dinadala. Kailangan kong iproseso ang lahat ng nangyari.

Pinuntahan ko ang aking kotse sa parking lot at nanatili muna ako sa loob nito.

Dito ko inilabas ang luha at pighati na aking nararamdaman. Hinampas-hampas ko pa ang manubela ng aking kotse dahil sa tindi ng frustration na gustong lumabas sa aking dibdib. I feel so defeated ngayon. Gusto kong tulungan si Dad pero wala akong magawa para pabutihin ang kalagayan niya. Alam kong sinubukan niyang lumaban pero sa huli, naging talunan pa rin kami.

Simula ng nag-umpisa ang kalbaryo naming ito, unti-unti ko ng inihahanda ang sarili ko sakaling mangyari ito. Of course, I had always been praying for the best outcome. Pero at the back of my mind, may kaunting boses na nagtatanong ng what if hindi maging successful ang treatment ni Dad, ano ang gagawin ko. Kaya naman, somehow, matagal-tagal ko na ring in-entertain ang idea na pwede ngang humantong kami sa sitwasyong ito.

Subalit, kahit gaano pa katagal o kahit ilang beses kong ipaalala sa sarili ko na pwedeng mangyari ito, never pala talaga akong magiging ready sa sitwasyong ito. Sobrang sakit at ang hirap pa ring tanggapin at isipan na ang pinakamamahal ko sa buhay ay mawawala na. Hindi ko pa rin lubos matanggap na malapit na ang katapusan.

Nagtagal ako rito sa loob ng kotse ko ng halos kalahating oras. Natigil lang ang pagdadalamhati ko ng makitang tumatawag si Tita Luz.

[Theo, ayos ka lang ba? Kelangan mo ba ng kasama?]

"No, Tita. Nagpapahangin lang po ako. I'll be back there in a few minutes." Sagot ko sa kanya.

[Okay, hijo. Huwag kang lalayo masyado ha. Mag-iingat ka.]

"Opo."

Muli akong kumuha ng tissue sa box at pinunasan ang aking mga luha. Tumingin ako sa salamin at inayos ang aking buhok bago lumabas ng kotse. Naglakad na ako pabalik sa kuwarto ni Dad.

"Saan ka galing?" Nag-aalalang tanong ni Tita Rose sa akin. Nakita kong inililigpit na nila ang mga gamit namin dito sa kuwarto bilang paghahanda sa pag-uwi ni Dad.

"Nagpahangin lang po ako sa labas, Tita." Tumingin ako kay Dad na kasalukuyang malungkot na nakatingin pala sa akin.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa kama sa tabi niya.

"I'm sorry." Madamdamin niyang sabi.

"You don't have to apologize, Dad. I understand. Don't worry, andito lang ako. Hindi kita iiwan." Hinawakan ko ang kanang kamay niya. Pilit akong nagpapakatatag at pinipigilang pumatak ang aking mga luha. Pilit kong itinatago ang aking pagdadalamhati.

Pagkatapos ng humigit kumulang cuarenta y cinco minutos ay binigyan na nila ng clearance si Dad na makauwi. Inalok namin siya ng wheelchair pero tulad ng dati, mariin siyang tumanggi. Inalalayan na lang namin siya sa paglalakad papunta sa lobby kung saan ko sila sinundo ng aking kotse.

Dumaan muna kami sa aking bahay para kunin ang mga bagahe nina Tita. Pinadalahan ko na rin ng mensahe ang dalawa kong matalik na kaibigan at sinabihan silang pabalik na kami sa bahay ni Dad sa Batangas.

Tahimik lang kaming lahat sa biyahe. Ramdam ko ang lungkot ng bawat isa. Tanging tugtog sa radyo ang tanging maririnig sa loob ng aking kotse.

Lampas tatlong oras inabot ang aming biyahe dahil sabigat ng trapiko sa ibang lugar na aming nadaanan. Tinawagan ko na kanina si Manang kaya inaasahan na niya ang aming pagdating. Sinalubong niya kami sa gate ng makita niya ang pagparada ng aking kotse sa harap ng bahay ni Dad.

Dumiretso ng kuwarto niya si Dad. Inasikaso muna namin siya at siniguradong maayos ang kanyang kalagayan. Inihiga namin siya sa kanyang kama at pagkatapos ay iniwan ko na siya kasama ni Tito Martin.

Tiningnan ko na rin ang kalagayan ni Bangky na kasalukyang nasa loob ng aking kuwarto. Naabutan ko siyang nakahiga sa aking kama. Lumapit naman siya sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya. Sobra kong na-miss ang alaga kong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang katawan habang nakaupo sa gilid ng aking kama at nag-umpisa na siyang mag-pur. Pagkaraan ng halos quince minutos ay iniwan ko muna siya at bumaba muna ulit ako.

"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko kina Tita ng puntahan ko sila sa magiging kuwarto nila. Ito ang dating office ni Dad dito sa unang palapag ng bahay.

"Wala naman. Salamat, Theo." Sagot ni Tita Luz habang ina-unpack nila ang kanilang mga bagahe.

Iniwan ko na sila at nagpunta naman ako sa kusina para kumustahin sina Manang.

"Sarap ng niluluto mo Manang ah." Tinikman ko ang sinigang na liempo sa sampalok na nasa kalan. "Parang ikaw, Manang, may asim."

"Maasim ba ako utoy? Naligo naman ako kanina eh." Inamoy niya ang sarili niya. Na-offend yata siya sa sinabi ko at hindi niya na-gets ang joke ko.

"Ibig ko pong sabihin, Manang, malakas pa rin ang dating mo. May asim ka pa." Paglilinaw ko sa kanya. "May maitutulong ba ako dito?"

"Nambola ka pa, utoy. Bumalik ka na nga doon. Kaya ko na ito." Pagtaboy niya sa akin.

Potek! Gusto kong maging abala para ma-distract ako sa mga iniisip ko.

Umakyat na lang ako sa aking kuwarto. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng running shoes. Napagpasyahan kong tumakbo sa may dalampasigan.

Madilim na ng ako ay nakabalik sa bahay. Naghahain na si Manang at tinutulungan siya ni Tita Luz. Dumiretso muna ako sa taas at sinabing maliligo muna ako sandali.

Pagbalik ko ay nakaupo na silang lahat sa palibot ng hapag kainan. Nag-uumpisa na silang maghapunan. Umupo na ako sa aking usual spot at sinabayan na sila sa pagkain.

"Mas lalong kang gumaling Auring sa pagluluto mo. Kung puwede lang kitang dalhin sa Amerika, inagaw na kita sa kapatid ko." Ngumiti si Manang at napatingin siya kay Dad.

"Ate, hindi mo siya puwedeng agawin sa akin. Loyal yata si Auring sa akin, no." Sambit ng aking ama.

Ilang subo lang ang kanyang kinain. Nanatili lang siya sa kanyang upuan at nakipagkuwentuhan sa amin habang kumakain.

Katulad ng dati, nagdasal ulit kami ng rosaryo pagkatapos maghapunan. Sabi nga nila di ba, habang may buhay, may pag-asa. Miracles happen at hindi pa rin kami sumusuko na puwedeng mangyari ito sa aking ama. Ng matapos ang aming pagdarasal ay umakyat na ulit si Dad sa kanyang kuwarto para magpahinga.

Habang nanonood ng palabas sa TV ay nagpunta ako sa kusina para kumuha ng dalawang beer sa refrigerator. Ibinigay ko ang isa kay Tito Martin at sabay namin itong ininom.

Naisip kong magbasa ng libro ko pero masyadong magulo ang utak ko ngayon para mag-aral. Ng ako na lang ang naiwan dito sa sala at nagpunta na sa kanya-kanyang kuwarto ang mga kasama ko rito sa bahay, pinatay ko na ang TV at naisipan kong lumabas sa likod bahay. Bago lumabas ay dumaan ulit ako sa kusina at kumuha ng dalawa pang bote ng beer.

Maliwanag ang paligid dahil sa bilog na buwan. Ngayon ko lang nalaman na full moon pala ngayon. Maraming tala sa langit at inisip kong isa si Mommy sa mga talong iyon. Kumalma ng kaunti ang aking kalooban habang iniisip na pinagmamasdan at ginagabayan ako ng ina ko ngayon.

Bigla kong naalala ang dati kong nobyo. Mahilig kasi iyon sa mga bituin, buwan at mga planeta eh. Inisip kong ang Lola niya ang isa rin sa mga talang kumikislap sa kalangitan ngayon at ginagabayan rin siya nito.

Umupo ako sa buhangin sa dalampasigan at pinanood at pinakinggan lang ang mga alon sa karagatan. Somehow, narerelax ako sa tunog ng paghampas ng mga ito sa dalampasigan.

Hindi ko na napansin kung gaano na akong katagal na nakaupo dito. Medyo iba ang simoy ng hangin. Sa tingin ko ay uulan na naman ngayong gabi. Kaya bago pa bumuhos ang ulan, napagpasyahan ko ng bumalik sa loob ng bahay. Pagkatapos masiguradong naka-lock na ang lahat ng pinto ay umakyat na ako sa aking kuwarto.

Natagalan pa bago ako nakatulog. Pagod na ang aking katawan pero gising na gising pa rin ang aking diwa. Nakipaglaro ako sandali sa aking pusa na nasa aking tabi.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Nagising na lang ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking katawan.

Naging tahimik ang araw na ito. Pumunta ako sa clinic ni Dad noong umaga dahil may ipinakuha siyang ilang papeles.

Noong hapon naman, tumambay kaming lahat sa tabing dagat habang ineenjoy ang inihandang meryenda ni Manang. Naligo pa sa dagat sina Tita. Na-miss daw kasi nila ang dagat ng Batangas. Andito rin si Bangky. Naaaliw siya sa mga buhangin. Tingin ko ay iniisip niyang nasa isa siyang malaking litter box.

Masaya akong makita na masaya lang ang lahat. Nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Taliwas sa mood kahapon. Hindi ko maiwasang hilingin n asana ay ganito na lamang kami palagi, masaya at walang iniisip na mga problema.

Pagsapit ng hatinggabi ay nag-umpisa ng naging maingay ang aking telepono. June 30 na at napupuno na ang aking inbox ng mga pagbati na natatanggap ko mula sa ilan kong mga kaibigan. Magkahiwalay na tumawag sina Alex at Caleb para batiin ako sa aking kaarawan. Nagsabi pa sila na pupunta sila dito sa Sabado since pareho silang busy ngayong araw na ito.

Potek! Bente otso na ako. Single pa rin di tulad ng iba kong mga kaedad na may mga asawa't anak na. Napaisip tuloy ako kung ano ang gusto kong mangyari ngayong taon na ito. Sa totoo lang, hindi ko alam. Naka-depende ito sa kalagayan ni Dad.

Kinaumagahan, alas nueve na ng umaga ako nagising habang dinidilaan ni Bangky ang aking pisngi. Nakatulog na pala ako kagabi habang nagmumuni-muni.

"Good morning po." Bati ko sa aking ama at sa mga kapatid niya ng makita silang nakaupo sa sala habang ako ay bumababa ng hagdanan. Si Dad ay nasa usual spot n'ya at nagbabasa siya ng diyaryo.

"Good morning! Happy birthday, hijo!" Pagbati ni Dad sa akin. Pati sina Tita ay binati na rin ako.

Nagpunta muna ako kusina at kumuha ng kape. Bumalik ako sa sala bitbit ang aking tasa.

"Maaari mo bang samahan si Auring at ang mga Tita mo sa palengke ngayon?" Tanong ni Dad.

"Sige po." Sabi ko pagkatapos humigop ng mainit na kapeng barako.

"Salamat. Can you be ready in 30 minutes?" Tanong ni Tita Rose habang hawak ang kanyang cellphone. Naglalaro pala siya dito.

"Opo."

Pagkaubos ko ng aking kape ay dinala ko na ito sa kusina. Tapos, umakyat na ulit ako sa aking kuwarto para maglinis ng katawan.

Handa na sila ng bumalik ako sa sala. Kinuha ko lang ang aking susi at nagtungo na kami papuntang palengke.

Sumunod lang ako sa kanila kung saan man sila magpunta. Naging taga-bitbit nila ako ng mga pinamili nilang mga karne, gulay, prutas, itlog at iba pa. Minsan tinatanong nila kung ano ang mga gusto kong kainin o bilihin. Kung hindi ko alam ang date ngayon, iisipin kong may parating na kalamidad dahil sa sobrang dami ng aming pinamili. Napuno ang loob ng trunk ng kotse ko ng mga binili namin.

Wala kina Dad at mga kaibigan ko ang nagbabanggit ng party para sa aking birthday. Huling beses na may nasabi sila tungkol dito ay noong nasa ospital pa kami. Part of me ay iniisip na sumuko na sila sa pagkumbinsi sa akin na mag-celebrate ngayon. Pero another part me is thinking na may pinaplano silang sorpresa.

Medyo sumakit ang ulo ko kaya pagkatapos maibaba ang lahat ng aming mga pinamili ng makabalik kami sa bahay ay umakyat na ulit ako sa aking kuwarto at natulog muli. Tanghali na ng ako'y magising.

Pagtingin ko sa aking cellphone ay puno ito ng mga pagbati, mula sa aking mga kaibigan, pinsan, katrabaho at ex.

Sebastian: Happy birthday! I wish I can be there with you to celebrate this special day. I just hope all your wishes and dreams will come true. Stay happy and always take care of yourself. Regards to Tito David. xoxo

Na-touched ako sa mensahe niya sa akin sa Instagram. I hope he is happy too. Nag-reply lang ako ng 'Thank you' bago ko in-stalk ang kanyang account. November pa last year ang kanyang huling post. Nag-follow back na ulit ako sa kanya.

Pagkatapos mag banyo at asikasuhin si Bangky ay bumaba na ako. Nagulat ako sa aking nakita. Abala ang lahat sa paghahanda ng mga lulutuin. Nagbabati ng itlog si Tita Rose habang naghihiwa naman ng carrots si Daddy. Sina Tita Luz at Manang ay abala sa kusina. Nasa likod bahay naman daw si Tito Martin at nag-iihaw.

Tama pala ako ng suspetsiya kanina. Balak nila akong sorpresahin ngayon. Wala ng magagawa kung aangal pa ako kaya umupo na lang ako sa tapat ng hapag kaininan at tinulungan si Carla sa pagbibilog ng malagkit para sa gagawing bilo-bilo.

Tinutulungan ko si Tita Luz sa pagbuhat ng malaking kaldero ng marinig ko ang malakas na tugtog sa may sala. Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pagtili ni Manang. Madali kong ibinaba ang hawak ko at mabilis akong nagpunta sa sala para alamin ang dahilan ng kanyang pagsigaw.

Dumating pala sina Caleb at Alex at kasama niya si Nick. Ito pala ang tinilian ni Manang. Potek! Akala ko naman kung ano na ang nangyari.

"Akala ko ba sa Sabado pa kayo pupunta rito?" Tanong ko sa aking mga sinungaling na kaibigan.

"Well, surprise! Happy birthday, Bestie!" Maligalig na bati ni Alex habang hawak ang maraming lobo at Bluetooth speaker. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Happy birthday, bro!" Bati ng aking "BFWB" pagkatapos ibaba ang hawak niyang Contis na box na sa tinigin ko ay may lamang cake.

"Happy birthday, pre!" Pagbati sa akin ni Nick ng makabalik siya sa sala pagkatapos niyang dalahin sa kusina ang kanyang mga bitbit kanina na pagkain.

Papaupuin ko na sana sila ng sinabi ni Nick na marami pa silang dala na nasa kotse. Sinamahan ko na siya para kunin ang mga ito.

"Buti nakapunta ka ngayon. Salamat ha!" Sabi ko kay Nick habang palabas kami ng gate.

"Oo nga eh. Mabuti nga na-cancel ang photo shoot namin kaya nabakante ang schedule ko. Kumusta ka na, pre?" Tanong sa akin ng guwapong boyfriend ng kaibigan ko. Nakasuot siya ng jeans at kulay asul na t-shirt na fit sa kanyang katawan. Bagay talaga sila ni Alex, pareho silang hot.

"Ayos naman, pre. Eto, tumatanda na." Sagot ko sa kanya.

Binuksan niya ang trunk ng kotse ni Alex at tumambad sa amin ang maraming bote ng alcohol at beer. Potek! Good luck sa mga atay namin nito.

"Hindi niyo naman inubos ang alak sa Maynila, noh?"

"Haha! Kilala mo naman yung bestfriend mo eh." Sagot niya.

Isa-isa na naming ipinasok ang mga ito. Pati si Caleb ay tumulong na rin sa amin.

Nagtulong-tulong na kami sa pagluluto at pag-aasikaso para sa inihanda nilang surprise party para sa akin. If I had a choice, ayaw ko talaga magparty ngayon. Kung meron man, sana simple lang. Pero base sa paghahandang ginagawa namin, malayo ito sa pagiging simple.

Pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos na ang majority ng aming mga niluluto. May ilan na lang na nasa loob pa ng oven at sa ibabaw ng kalan pero malapit na rin ang mga ito na maluto. Pinaakyat na nila ako sa aking kuwarto para maligo at maghanda.

Habang naliligo, sinabi ko sa sarili ko na i-enjoy na lang ang celebration na ito. Baka kasi ito na ang huling beses kong ice-celebrate ang aking birthday kasama ni Dad. Nagsuot ako ng pulang V-neck shirt at black jeans.

Dinig ko ang malakas na pinapatugtog ang Don't Stop 'Til You Get Enough ni Michael Jackson habang palabas ako ng aking kuwarto.

Everything is all set na ng bumaba ako. Nakapaskil na ang malaking sign na 'Happy 28th Birthday Theo'. Nakatali na rin ang iba't ibang kulay na lobo sa paligid. Naka-on na ang party lights na dala ni Alex. Nakahanda na ang mga pagkain sa hapag kainan.

Masayang nagkukwentuhan ang lahat. Nakita ko pang nagpapa-picture sina Manang at ang anak niya na si Carla kay Nick. Inabutan ako ng bote ng beer ni Tito Martin ng makita niya akong pababa ng hagdanan.

Dahil alas sais na ng gabi kaya napagpasyahan naming kumain muna. Isa-isa na kaming nagtungo sa dining room at pumuwesto paikot sa hapag kainin.

"Daming handa ah! Ayaw mo pa mag-party niyan ha!" Bulong ni Alex sa akin habang hinihintay ang lahat. Siniko ko na lang siya.

Nasa harapan namin ang maraming inihandang pagkain. Merong lumpiang Shanghai, pansit, embutido, kaldereta, pork barbeque, inihaw na pusit at liempo, bilo-bilo, nilupak at leche flan. Nasa lamesa na rin ang lasagna at mango bravo cake na dala nina Alex at Caleb. Kinuhan ko ng picture ito.

Pakiramdam ko ay bibitayin ako bukas at ito na ang last meal ko.

Pagkatapos magdasal ni Tita Rose ay nag-umpisa na kaming sumandok ng mga pagkain. Kukuhanan ko sana si Dad pero inako na ito ni Tito Martin. Ang iba ay nanatili sa dining room samantalang ang iba naman sa amin ay sa sala pumuwesto.

"Happy birthday ulit, hijo! Bati sa akin ni Dad ng tabihan ko siya sa sofa.

"Salamat, Dad. Sana po hindi na kayo nag-abala pa. Pero salamat."

Natuwa ako ng makitang marami siyang kinakain. Actually, masaya ako ngayon. Kasama ko ang mga pinakamamahal ko sa buhay at nakikita ko silang masaya lahat.

Naging abala si Alex sa pagkuha ng mga picture at sa pag-selfie pagkatapos kumain. Kumuha na rin kami ng group picture.

"Let's have the cake!" Suhestiyon ni Tita Rose.

Kinuha nina Manang at Caleb ang cake sa hapag kainan. Hininaan ni Alex ang volume ng music. May nakapatong na '2' at '8' na nakasinding kandila sa ibabaw ng inilabas nila ito.

🎶 Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, Happy birthday
Happy birthday to you! 🎶

Hinipan ko na ang mga kandila pagkatapos nilang kumanta. Nag wish na rin ako.

"Bestie, here's for you. Galing sa amin ni Nick." Iniabot ni Nick sa akin ang isang malaking box na nakabalot sa puting wrapper at may itim na lace habang kumakain ako ng mango-falvored na cake.

Binuksan ko ang kanilang regalo at nakita ko ang isang Louis Vuitton leather duffle bag. Napa-wow pa sina Tita ng makita nila ito. Galante kasi talaga magbigay ng regalo ang kaibigan kong ito. Nagpasalamat na ako sa kaniya at sa "kaibigan" niyang si Nick. Yun kasi ang pakilala ni Alex kay Nick sa mga kasama namin dito. Para raw sa career ng nobyo niya.

Sunod namang nag-abot sa akin ng regalo ay si Caleb.

"Bro, FYI lang. Don't expect na kasing mahal ng regalo ni Alex ang regalo ko ha. Because it's not." Sabi niya pagkabigay niya sa akin ng isang rectangular box.

Pinunit ko ang pulang wrapping paper na nakabalot dito. Laman nito ang isang pair ng puting Adidas classic sneakers. Meron din too ng kasamang itim na leather belt. Niyakap ko ang aking kaibigan at nagpasalamat sa kanya.

Potek! Hindi ko inaasahan ang mga regalo nilang ito. Ang pagpunta pa lang nila dito ay sapat na sa akin. Hindi na nila kailangang bigyan pa ako ng mga ganitong regalo.

Akala ko ay tapos na ang pagbibigay ng mga regalo ng biglang nagsalita si Tito Martin.

"Theo, I have this too for you pero hindi yan galing sa akin ha. That's from my son." Sabi niya.

Nakita ko pang napa-'Oh' ang bibig ni Alex ng marinig si Tito. Narinig ko pang itinanong ni Tita Rose kay Dad kung sino ang anak ni Tito at sinabing ex ko.

Binasa ko ang nakasulat sa card sa ibabaw ng maliit na box. Hope to talk to you soon. Happy birthday!

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang box na may lamang Apple Airpods. Naalala ko tuloy noong una kong nakilala si Sebastian. Nakapasak sa mga tainga niya ang ganito niya. Nagpasalamat at niyakap ko na rin si Tito Martin pagkatapos.

Naging maingay na ulit ang lahat. Nagpunta ang ilan sa kusina para kumuha ng inumin. Naging abala si Bestie sa pag mix ng mga inumin. Pansamanta siyang naging bartender namin.

Napagpasyahan naming mag-videoke. "Due to insistent public demand", napilitan si Nick na siya ang maunang kumanta. Pinili niyang kantahin ang Pusong Bato ni Jovit Baldovino.

"Yan ba ang theme song niyo?" Pabulong kong tanong sa katabi ko habang pinapakinggan ang magandang boses ni Nick.

"Baliw! Hindi no!" Mabilis na sagot ni Alex.

Nakita kong kinukunan ng video ni Carla ang pagkanta ni Nick. Dahil sobrang natuwa ang lahat, naka-tatlong kanta ang boyfriend ni Alex. Mabuti na lang mabait ito at walang diva attitude.

Sumunod na kumanta si Tito Martin ng My Way ni Frank Sinatra. Sana walang mamatay ngayong gabing ito dahil dito.

Hindi ako nakaligtas sa mga kasamahan ko rito kaya kumanta na rin ako ng Love Yourself ni Justin Bieber.

Pagkatapos kong kumanta ay nagpaalam na si Dad. Magpapahinga na raw siya. Si Tito Martin na ang naghatid sa aking ama sa kanyang kuwarto.

Ipinagpatuloy na namin ang aming kantahan at inuman. Pinulutan namin ang ilan sa handa namin tulad ng inihaw na pusit at liempo.

Halos ala una na ng mapagpasyahan naming matulog na. Sa kuwarto ko na natulog ang aking mga matalik na kaibigan at si Nick. Inaayos na lang namin ang air bed sa sahig para may mahigaan ang mag-nobyo. Si Caleb naman ay tumabi sa akin sa kama.

Isa na namang masamang panaginip ang gumising sa akin. Sa panaginip ko, bumalik ako sa pagiging bata at nagpunta raw kami nina Daddy at Mommy sa Taal. Sumakay kami ng bangka para pumunta sa isla sa gitna ng Taal Lake. Habang umaandar ang bangka, nahulog ako sa tubig ng hindi sinasadya. Tinatawag ko sina Mommy at Daddy pero hindi nila ako tinulungan. Tinitigan lang nila ako habang papalayo ang bangka sa lugar kung nasaan ako. Pinilit kong lumangoy pero parang may kung anong humihila sa akin pailalim. Sinikap kong makaahon pero patuloy lang ako sa paglubog. Nagising na lang akong hinahabol ang aking hininga. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin dahil sa pagkalunod.

Bumangon ako at nakitang alas cuatro quince pa lamang. Marahan akong bumangon para hindi magising ang ibang tao dito sa aking kuwarto.

Bumaba ako sa unang palapag at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Dala-dala ang basong puno ng tubig, naglakad ako papunta sa sala. Napako ang aking atensyon sa dingding na puno ng mga lumang larawan naming pamilya. May isa dito na kuha noong seventh birthday party ko. Masayang masaya ang itsura ko at nakasuot ako ng Power Rangers na costume.

Habang pinagmamasdan ang mga litrato, bumalik ang mga masasayang alaala naming tatlo nina Mommy at Daddy. Habang inaalala ang mga masasayang nakaraan, mas lalo kong na-miss ang panahong kasama pa namin ang aking ina. Habang nalulungkot ako sa pagkawala ni Mommy, mas lalo akong nangamba para sa kalagayan ng aking ama.

Para mabawasan ang aking pagkabahala, naisipan kong lumabas at magpahangin sa may dalampasigan.

Medyo madilim pa ang kapaligiran. Patay pa ang lahat ng ilaw mula sa mga kabahayanan. Ang tanging liwanag sa paligid ay ang sinag na nagmumula sa bilog na buwan.

Ng ibaba ko ang aking paningin mula sa langit papunta sa karagatan ay nagulat ako sa aking nakita. Akala ko ay namamalik mata lamang ako.

Natatanaw ko ang pamilyar na pigura ng lalaking nakatalikod at nakaupo sa kahoy na silya habang nakaharap sa karagatan. Humakbang na ako para puntahan ito.

"Dad? Anong ginagawa mo dito? Bakit ang aga mo po nagising?""Tanong ko sa aking ama.

"Hindi ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka na?" Balik niyang tanong sa akin.

"Bad dreams." Umupo ako sa buhangin sa tabi niya.

"Napapadalas yata ang mga panaginip mo ah. Naalala mo pa ba yung JAPAN na lagi kong sinasabi sa 'yo dati noong bata ka pa? Nagdadasal ka ba bago matulog?"

Just Always Pray At Night.

"Opo naman, Dad. Nagdadasal ako gabi-gabi." Naiinis kong sagot.

"Relax, hijo. Nagbibiro lang ako." Sabi niya. "Anyway, nag-enjoy ka ba sa birthday party mo kagabi?"

"Yes, Dad. Nag-enjoy po ako. Salamat po!"

"Mabuti naman. You know, I love you very much, right, hijo? I love you more than my life." Sinsero niyang sabi.

"I know, Dad. I love you very much too."

"Sorry kung na-disappoint ulit kita ha. Pasensiya ka na kung hindi ko na itinuloy ang paggagamot ko. Alam naman natin pareho na hindi na makakatulong sa akin ang mga iyon eh. I'm sorry, hijo."

"Naiintindihan ko po, Dad. Kung iyon po ang gusto niyo, susuportahan ko po kayo. If you're ready to go, it's okay. Huwag niyo po akong alalahanin. I am a fighter just like you. I'll be fine. Ang gusto ko lang po ay huwag na kayong mahirapan. Masakit po sa akin ang makitang nasasaktan ka. Just please, Dad, kapag nakita mo si Mommy, kapag nakasama mo na siya sa langit, please tell her that I miss her very much. That I love her very, very much." Lumuluha kong sabi.

Matagal ko ng pinag-iisipan ang mga ito. Medyo nagsi-sink in na ang mga sinabi ni Dr. Aquilar noong isang araw. Of course, kung may choice ako, mas pipiliin kong makasama ko siya habang buhay. Pero dahil sa nasasaksihan kong paghihirap niya simula ng ma-diagnose siya, na-realize ko na it will be selfish for me kung pipilitin ko siyang magpagamot kahit hindi na effective ang mga treatments niya. Nagpapasalamat na lang ako na nagkaroon ako ng pagkakataong makasama siya sa mga nalalabi niyang araw at nabigyan ako ng chance na maipadama at masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa akin.

"I will, hijo. Always remember na I am very proud of you. You are the best son that any parent can have. Masuwerte ako na ikaw ang naging anak ko. Tandaan mo, no matter what, I will always be here with you." Madamdamin niyang sabi.

"Salamat Dad. Thank you for everything you've done for me. Alam kong hindi naging madali sa 'yo na palakihin akong mag-isa. I know you sacrificed a lot for me. I can never repay you for all of that. Masaya lang ako malaman na somehow I made you proud. At hindi lang ikaw ang masuwerte, Dad. I am very lucky too to have you as my father. You are the best and I want you to know that. Everything that I am now is because of you. I love you po, Dad." Mahaba kong salaysay sa kanya.

"Thank you, hijo. Can you give me a hug?" Pakiusap niya.

Bumangon ako sa kinauupuan ko at niyakap ko ng mahigpit ang aking ama. Ganun din ang ginawa niya. Ibinalot niya ang kanyang mga braso sa akin. Ilang minuto kaming nagyakapan habang tuluyan ng umaagos ang aming mga luha.

"Giniginaw ka Dad? Ikuha muna kita ng balabal. Saglit lang. I'll be back." Sabi ko sa kanya pagkatapos maghiwalay ng aming mga katawan.

"Sige, salamat. I love you, hijo. Happy birthday ulit sa 'yo." Sabi niya ng inabot at hinawakan niya ang aking kamay.

"I love you too." Huli kong sabi bago ko siya iniwan.

Pagpasok sa bahay ay nakita ko ang kanyang jacket na nakapatong sa ibabaw ng sofa. Dinampot ko ito tapos binalikan na ang aking ama.

Katulad kanina, laking gulat ko ng makita ang aking ama paglabas ko ng pintuan. Subalit di kapareho ng kanina, ibang gulat ang aking nadarama.

Tumakbo ako mula sa aking kinatatayuan papalapit sa kinauupuan ng aking ama. I was hoping na namamalik-mata lang ako sa aking nakikita.

Pagtayo ko sa harapan niya ay tumambad sa akin ang bangungot na kinatatakutan ko. Nakabagsak ngayon ang kanang braso ni Dad sa gilid ng upuan at nakalapat ang kanyang kamay sa buhangin. Nakahilig ang kanyang ulo sa kanan habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Dinampot ko ang kaliwang kamay niya at pinakiramdaman ang kanyang pulso. Marahan kong ipinuwesto ito sa kanyang tiyan pagkatapos. Ipinatong ko ang kanyang jacket sa kanyang harapan.

"Paalam, Dad. Pahinga ka na. I love you very much."











Itutuloy....


2 comments:

  1. Naawa ako kay Baste at medj naiinis kay Theo. Pareho naman silang nasaktan dati pero di man lang nya pakinggan si Baste sa mga kelangan nya malaman about nangyare all of those fuck up years nila. Anyways ang galing mo author :>>

    ReplyDelete