LOVE AND KARMA
BASTE
"Bas, kumusta ka na?" bungad na bati sa akin ng isang pamilyar na
boses ng sagutin ko ang kaniyang tawag. Kakaparada ko pa lang ng aking kotse.
Tiningnan ko pa ang
aking telepono para kumpirmahin kung sino ang aking kausap. Numero lang niya
ang nakasulat dito pero siguradung-sigurado ako kung sino ito. Hinding-hindi
ako puwedeng magkamali. Isang tao lang ang tumawag sa akin ng "Bas",
ang aking ex na si Eric.
"Paano mo nakuha
ang number ko?" Hindi ko na dapat ito itinatanong. Dahil sa posisyon niya
sa gobyerno, madali lang sa kaniya ang makakuha ng impormasyon na kailangan
niya.
"I miss you,
Bas."
Hindi ako sumagot.
Iniisip kong putulin na ang tawag na ito.
"Puwede ba
tayong magkita at mag-usap?" dagdag niya.
"Wala na tayong kailangang pag-usapan. Pakiusap lang, huwag mo na akong tawagan." Pinindot ko na ang 'End Call' button. Umagang-umaga, sira na kaagad ang araw ko.