THEO
Tila
nawala ang tama ng alcohol sa aking katawan pagkatapos marinig ang kaniyang
kuwento. Hindi ko inakala na ganoon kalalim ang problema niya sa kaniyang mga
magulang. Hindi ko rin inakala na bukod sa kaniyang mga maleta, may iba pa
siyang dinadala noong inihatid ko siya sa airport.
"So,
back to my question. Why did you leave me without saying goodbye? At saka,
bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon sa email at sa sinabi sa 'yo ni
Eric?" tanong ko sa lalaking katabi ko.
Andito
pa rin kami sa bandang harapan ng pinaka itaas na palapag nitong barko. Nakaupo
si Sebastian sa gilid ng chaise lounge chair na nasa aking kanan habang nakaharap
sa akin.
"Inisip
ko kasi noon na kung sasabihin ko sa ‘yo ang sinabi sa akin ni Eric sa labas ng
club ni Alex, alam kong hindi ka papayag na wala kang gagawin tungkol doon,
which is what I was trying to prevent. I didn’t want you to do something na eventually
ay ikakapahamak mo at ng Daddy mo. Tulad ng sinabi ko sa ‘yo, ayaw ko ng maulit
ang nangyari kay Lola kahit kanino sa inyo. That’s why I decided not to tell
you about it. I decided to take it upon myself and protect all of you at all
costs.
"Believe
me. Wala akong intensiyon na iwan ka at hindi ka na balikan. Plano ko,
gagamitin ko lang si Eric para maiayos ang sitwasyon. Noong una, akala ko, I
had it under control. Unfortunately, I was wrong," sagot ni Sebastian.
Medyo humina ang kaniyang boses ng sabihin niya ang huling pangungusap.
"Why? What do you mean? Ano'ng nangyari?" follow-up kong tanong sa kaniya.