Sunday, February 6, 2022

CHAPTER 46

 


LOVE AND SACRIFICE



THEO

Tila nawala ang tama ng alcohol sa aking katawan pagkatapos marinig ang kaniyang kuwento. Hindi ko inakala na ganoon kalalim ang problema niya sa kaniyang mga magulang. Hindi ko rin inakala na bukod sa kaniyang mga maleta, may iba pa siyang dinadala noong inihatid ko siya sa airport.

"So, back to my question. Why did you leave me without saying goodbye? At saka, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon sa email at sa sinabi sa 'yo ni Eric?" tanong ko sa lalaking katabi ko.

Andito pa rin kami sa bandang harapan ng pinaka itaas na palapag nitong barko. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng chaise lounge chair na nasa aking kanan habang nakaharap sa akin.

"Inisip ko kasi noon na kung sasabihin ko sa ‘yo ang sinabi sa akin ni Eric sa labas ng club ni Alex, alam kong hindi ka papayag na wala kang gagawin tungkol doon, which is what I was trying to prevent. I didn’t want you to do something na eventually ay ikakapahamak mo at ng Daddy mo. Tulad ng sinabi ko sa ‘yo, ayaw ko ng maulit ang nangyari kay Lola kahit kanino sa inyo. That’s why I decided not to tell you about it. I decided to take it upon myself and protect all of you at all costs.

"Believe me. Wala akong intensiyon na iwan ka at hindi ka na balikan. Plano ko, gagamitin ko lang si Eric para maiayos ang sitwasyon. Noong una, akala ko, I had it under control. Unfortunately, I was wrong," sagot ni Sebastian. Medyo humina ang kaniyang boses ng sabihin niya ang huling pangungusap.

"Why? What do you mean? Ano'ng nangyari?" follow-up kong tanong sa kaniya.



"Isang araw pagkatapos naming makarating ng Chicago, nakatanggap ulit ng email si Eric. Link na 'yun ng sex video mo online. Naka-post na siya sa Pornhub pero may takip pa ang mukha mo at ng lalaking ka-sex mo noon. Tapos na-confirm nga ang hinala ko. Ang relasyon ng ating ama ang tinutukoy niyang sekreto ni Dad na ilalabas nila. Meron din silang video nilang dalawa na magkayakap. Sinabi sa email na ang pagpost at pagkalat ng video mo na wala ng takip ang iyong mukha at ng sikreto ng ating mga ama ang sunod na niyang gagawin if hindi namin susundin ang gusto niya," salaysay niya.

"Na hihiwalayan mo ako bago matapos ang buwan na 'yun?"

"Yes and no. This time, the person who sent it changed his terms. Gusto niyang huwag na akong magpakita at makipag-communicate sa 'yo. ‘Tapos ‘wag na 'wag ko raw sasabihin sa 'yo ang tungkol doon."

"So, kaya never mong sinagot ang mga messages at tawag ko?"

"Yes," mahina at tila nahihiya niyang sagot.

Habang pinapakinggan ang kaniyang mga paliwanag, tila bumalik ako sa madilim na kabanata ng buhay pag-ibig kong iyon. Naalala ko na naman ang sakit na aking naramdaman noong iniwan niya ako ng walang sabi-sabi. Akala ko ay tapos na ako roon. Saglit kaming natahimik.

"Alam mo, sobra mo akong pinag-alala noong una, noong hindi mo sinasagot ang mga messages at tawag ko. Tapos later on, napalitan na iyon ng pagtataka at galit. Lalo na noong nalaman ko na magkasama kayo ni Eric sa flight niyo at sa Chicago," pagtatapat ko.

"I know. I am very sorry for worrying you and I completely understand if you hated me. Alam ng Diyos na hindi iyon ang goal ko pero nangyari lang 'yun dahil sa sitwasyong kinakaharap namin," sinsero niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"By the way, paano mo nalamang magkasama kami ng flight?" nagtataka niyang tanong.

"Tinawagan kasi ako ni Alex na may Asiana flight daw na nagka-engine failure. Natatandaan ko, nasa condo mo ako noon. Tapos noong ibinabalita na sa news ang nangyari sa eroplano niyo, may live feed sila sa TV ng nangyayari sa airport sa Hawaii at ipinapakita nila ang ibang pasahero. Saktong nakunan kayo ng kamera. That was the time when I was trying to call you. Kitang-kita ko kung paano mo lang tinitigan ang iyong telepono habang nagri-ring bago mo inilagay iyon sa bulsa mo. Tapos biglang sumulpot sa live feed si Eric noong nilapitan ka niya."

Tahimik lang siyang nakikinig sa aking sinasabi. Kinuha niya ang bote ng tubig na nakatayo sa sahig at uminom siya mula rito.

"Ironically, tulad ngayon, umiinom ka rin ng tubig. Binigyan ka kasi ni Eric ng bottled water noong pinapanood ko kayo,” banggit ko sa kaniya dahil sa pagbalik ng tagpong iyon sa akin alaala.

"Tapos noong minsang sinubukan ulit kitang tawagan gamit naman ang phone ni Alex, 'di ko alam kung sinabi sa 'yo ni Eric, pero sinagot niya ang tawag namin. Nagulat pa nga ako noong una dahil parang medyo nasanay na akong hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sinabi niya na ginawa niyo lang akong challenge para sa ‘yo at pinagpustahan niyo lang daw ako. Is that true?" tanong ko sa kaniya.

"Siyempre, hindi. Lahat ng nangyari sa atin at lahat ng sinabi ko sa ‘yo bago ako umalis, totoo lahat ng mga iyon. Hindi ka namin pinagpustahan. In the first place, Eric and I were not in good terms noong nagkakilala tayo sa coffee shop at kahit noong kinikilala pa lang natin ang isa’t isa kaya wala akong rason para gawin sa ‘yo ‘yun. Pero iyon na nga lang ang naisip namin na sabihin sa ‘yo para na rin maging madali at tumigil ka na sa pag contact sa akin.

"Alam mo, bago kayo nagka-usap ni Eric noon, iyak ako ng iyak sa kaniya noon. Nakatulugan ko na nga lang ang pag-iyak eh. Nagpunta ako sa hotel room niya kasi hirap na hirap ako sa sitwasyon ko noong mga oras na iyon. Nagpatung-patong na ang aking emosyon noon. Nai-stress ako sa pakikipag interact ulit sa aking pamilya. Tapos, alam kong sobra kitang nasasaktan noong mga sandaling binabalewala ko ang mga tawag at messages mo habang malayo ako sa ‘yo. Idagdag pa ang iniisip kong possibility na baka nga hindi na kita makita o makausap kailan man,” naluluha niyang kuwento. Dinig ko ang pagsinghot niya.

"Sana kasi nag text ka man lang kahit isang beses at sinabi mong ayaw mo na. Sana kahit paano naging honest ka na tigilan ko na ang pag contact sa ‘yo. Mas naging madali siguro para sa akin kung sa ‘yo na nanggaling na ‘di ka na babalik. ‘Yun naman kasi ang napagkasunduan natin ‘di ba noong nasa resort tayo. Na kapag nagka-problema tayo, we’ll be honest, and we’ll trust each other,” magkahalong pagpapaalala at panunumbat ko sa kaniya ng pangako namin sa isa’t isa. Isa pang pangako na hindi niya tinupad.

"Ang hirap kasi na ang dami kong tanong noon pero wala naman akong sagot na makuha. Imagine, dumaan ang Thansgiving Day pero hindi ka man lang nagparamdam. Ilang beses ko ring tinanong sina Alex at Caleb noon kung sa tingin ba nila ay may nagawa akong mali kaya iniwasan mo ako. Even si Daddy, tinanong ko, pero, tulad ko, wala rin naman silang maisip na magandang dahilan,” pagbabalik tanaw ko sa panahong kinuwestiyon ko ang aking mga ginawa at aking halaga.

Ipinag krus ko ang aking mga binti at inihalukipkip ko ang aking mga kamay sa aking dibdib.

Nakita kong tumayo ang isang babae at isang lalaki na nakahiga kanina sa mga chaise lounge ‘di kalayuan mula sa amin. Napatingin ako sa paligid. Bukod sa amin ni Sebastian, may isa na lang na lalaki ang nakahiga habang abala sa pagkalikot sa kaniyang cellphone.

"I’m sorry,” paumanhin niya.

“Maniwala ka man o sa hindi, mas nasasaktan ako tuwing nababasa ko ang mga padala mong mensahe tapos hindi ako maka-reply. Para akong paulit-ulit na sinasaksak tuwing makikita ko ang pangalan mo sa aking telepono kapag nagme-message o tumatawag ka.

"Ilang beses kong muntik sagutin ang mga messages at tawag mo pero napipigilan ko o ni Eric ang sarili ko dahil ayaw ko ngang mapahamak kayo lalo pa’t hindi namin alam kung sino ang nagpadala nung email. Ilang beses kong hiniling sa Diyos at kay Lola na sana’y matapos na ang lahat ng ating problema at sana pagbalik ko noon sa Pilipinas ay bumalik na rin tayo sa dati. Kaso, hindi nangyari,” kuwento niya bago tuluyang pumatak ang kaniyang luha.

Hindi ko alam pero sa tingin ko, nagsasabi naman siya ng totoo na pareho kaming nasaktan noong mga panahon na iyon at ngayong binabalikan namin ang aming nakaraan. Parang gusto ko siyang yakapin ngayon pero may kung anong pumigil sa akin para gawin ito.

Now, it makes sense kung bakit siya iyak ng iyak noong bago siya umalis. Mabigat na pala ang kaniyang dinadala. Akala ko dahil sa simpleng pag-alis lang niya.

"Looking back, ang tagal ko ring naghintay noon. I gave you several chances to explain yourself personally on what’s going on. I held on to your promise that you’ll come back. I gave you the benefit of the doubt. Inisip ko na baka wala ka lang signal o baka busy ka lang sa family mo o baka nagsisinungaling lang talaga si Eric.

"I even went to your condo noong dumating ka para sana salubungin ka. Ang corny pero may dala pa akong bulaklak noon para ibigay sa ‘yo. Pero in the end, wala eh. Nga nga! Ginost mo lang ako. You literally shut me out kasi pinalitan niyo ang lock ng unit mo,”muli kong sumbat sa kaniya.

Pagkatapos ko magsalita ay naaalala ko ang sinabi minsan ni Bestie na baka pagtawanan ko ang aking sarili kapag binalikan ko ang aking pinagdaanan. Tama nga siya. Medyo naiinis man ako pero nakakatawa nga ang katangahan ko noong mga panahong kasapi ako ng Camp Sawi.

"That was Eric’s idea. Para nga, less contact sa ‘yo. Nabanggit ko kasi sa kaniya na may susi ka ng condo ko kaya pinapalitan niya sa kaniyang tauhan ang lock ng pinto. Sabi ni Kuya Aaron noong dumating kami, kakaalis mo nga lang daw. Ibinigay niya sa akin ang iniwan mong susi tapos kinikilig siyang ikinuwento na may dala ka nga raw na bulaklak.

"Thank you doon sa bouquet of white roses ha. I loved it! Pinulot ko siya doon sa basurahan na pinagtapunan mo. Sayang naman kasi ‘yun. Ang ganda-ganda! Ilang linggo ko rin siyang prineserve para hindi agad malanta pero ilang araw ko rin ‘yung iniyakan. Mas nakonsensiya kasi ako sa ginawa ko sa ‘yo. Naiinis na nga si Eric dahil iyak ako ng iyak kaya gusto na niya iyong itapon pero siyempre hindi ako pumayag. I actually have a picture of the flowers on my phone if you’re still doubting me,” salaysay niya.

Hindi na kailangan. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo ngayon eh.

“Kung less contact pala ang gusto niyo, eh bakit niyo kami sinundan doon sa gay bar na pinuntahan namin noong gabing iyon?”

"Hindi namin kayo sinundan doon. Nagulat na nga lang din ako ng makita kita doon sa VIP room eh. Birthday noon ng kaibigan ni Eric. ‘Yun ‘yung lalaking nakaupo sa kaliwa mo noong nakapabilog kayo. Na-invite lang si Eric pumunta doon at isinama na rin niya ako. Baka raw kasi dahil sa labis kong pagkalungkot ay kung ano pa ang magawa ko kung iiwan niya akong mag-isa. Somehow, ayos na rin dahil nakita ulit kita. Nakita ko kung paano ka sumayaw noong gabing iyon. Ang galing mo palang gumiling eh. Bakit hindi mo nagawa sa akin iyon dati?”

Hindi ko alam kung nang-aasar siya o seryoso siya sa tanong niya.

"’Di ka kasi bumalik eh.” Oops. Nabigkas ko ng ‘di sinasadya ang nasa isip ko.

"Pero alam mo, ikaw ang iniisip ko noong sumasayaw ako. Sa isip ko, ginagaya ko ang ginawa mong paggiling noon kay Alex. Tapos siyempre, dinagdagan ko na lang,” pagbawi ko. May bahagyang ngiti akong nabakas sa kaniyang mukha ng marinig niya ito.

"Ah! Sayang lang hindi kita nakuhanan ng video noon. May remembrance sana ako ng performance mo. Ang tanging naging remembrance ko lang kasi noong gabing iyon ay ang pagsigaw mo sa akin. Tandang-tanda ko pa ang sinabi mo sa akin noon. Ipinamukha mo sa akin na wala nang tayo at tapos na sa atin ang lahat. Tapos muntik mo pa akong suntukin. Part of me wished na sinuntok mo nga ako noon. Sobrang sakit sa akin ng mga salita mo. Hindi kita sinisisi pero grabe! Durog na durog ako noon pagkatapos marinig ‘yun. Sinabi ko sa sarili ko, even to Eric, na sana ako na lang ang sinuntok mo ng ilang beses imbes na siya. At least kahit papano baka napalitan ng sakit sa katawan ang labis na sakit na nararamdaman ko sa puso ko noon. Mas madali sanang naghilom ang sugat.”

"Sorry.”

Ngayon, nahihiya ako sa mga sinabi kong iyon. Lalo pa’t pagkatapos marinig ang mga paliwanag niya so far. Pero wala akong magagawa. ‘Yun ang nararamdaman ko noong mga panahong iyon. Nauna niyang akong nadurog dahil sa kaniyang hindi pagtupad sa kaniyang mga pangako.

"No! No! You don’t have to apologize. You have all the rights to say those hurtful words to me. I deserved them. I just wished I was stronger and braver to accept the fact that I lost you. Kahit alam ko na kasing galit ka sa akin, iba pa rin ang epekto na marinig ko sa ‘yo ‘yun ng personal at makita sa mga mata mo ang poot at sakit na idinulot ko sa ‘yo. Ilang buwan ko ring dinala sa konsensiya ko ‘yun,” malungkot niyang sabi.

Oo nga no?! Iyon na ang naging huling beses na nakita namin ang isa’t isa bago ulit doon sa ospital noong naging pasyente ko siya. At least, masasabi ko na dahil sa nangyari noong gabing iyon, may nakilala ako na naging inspirasyon sa akin para muling makabangon.

Kumusta na kaya si Richard? Sana naman maayos lang ang lagay niya, pagsagi sa aking isipan ng lalaking nakaranas ding mapagtaksilan.

"So, pagkatapos noon, naging kayo na ulit ni Eric?”

"No. He tried to woo me over again, but it didn’t work. We just remained as friends. Alam niya kasi at naintindihan niya na may nagmamay-ari na ng puso ko. I didn’t want to be unfair to him. Kahit sinabi mo kasi na wala na tayo, I never stopped loving you.”  

Nagtama ang aming mga mata. Alam kong naka-move on na ako sa kaniya pero bakit iba sa pakiramdam marinig ang sinabi niya? Dahil ba sa mga nalaman ko ngayon kaya parang may magkahalong kirot at kilig akong naramdaman noong sinabi niyang he never stopped loving me?

Ilang minuto kaming hindi nagsalita. Saglit naming ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na sumasalubong sa amin. Saglit naming binigyan ang aming mga sarili ng pagkakataong maka-recover sa huli niyang sinabi.

"Alam mo bang na-meet ko ang Mommy mo isang beses noong nagpunta kami ni Dad sa Chicago?” paglihis ko sa aming pinag-uusapan.

"Nabanggit nga ni Dad at ni Ate Vicky. What do you think of her?”

"She’s very pretty and classy. Kamukha mo siya,” aniko.

"’Yan nga ang sabi ng karamihan. Alam mo, she likes you and she wants to meet you again.”

"Natatandaan niya ako?” Nasorpresa akong malaman ito.

"Siyempre. Ikaw pa? Hirap mo kayang kalimutan.”

Potek! Nagti-trip na naman yata itong lalaking ito.

"Kumusta na kayo ng parents mo ngayon?”

"It’s still a work in progress pero mas okay na kumpara noong time na lumayo ako sa kanila at nagpunta ako ng Pinas. I guess that’s one good thing that happened when I left you to go back home in Chicago for Thanksgiving. Nakapag-usap kami at nag-apologize sila sa lahat ng nangyari sa amin. Ngayon, pinapatunayan nila ang sinabi nila na nagbago na sila. They’re now supporting me on the kind of life I want to live and the person I chose to love. Thank you ha,” nakangiting niyang sabi.

"Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin, eh, wala naman akong ginawa?” tanong ko.

"Hindi ah! Ang dami mo kayang ginawa. Ikaw ang nag empake ng bagahe ko. Ikaw ang naghatid sa akin sa airport. Ikaw ang naglaba ng mga bedsheet at comforter ko,” natatawa niyang sagot. At least medyo ngumingiti na siya. Naaninag ko ang mapuputi niyang mga ngipin kahit medyo madilim sa kinaroroonan namin ngayon.

"Baliw!”       

"Alam ko naman ‘yun na baliw ako. Baliw na baliw ako sa ‘yo.”

Kusang umikot ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Tinamaan na naman kasi ng ka-cornyhan ang taong ito. ‘Di pa rin talaga siya nagbabago.

"Pero seriously, thank you talaga. Kung hindi dahil sa pag push mo sa akin na sumama kay Dad para bisitahin ang pamilya ko sa Chicago, baka hanggang ngayon, sarado pa rin ang puso at utak ko sa pagpapatawad sa kanila. Baka hanggang ngayon, magulo pa rin ang relasyon naming lahat.

"You didn’t exactly fix our relationship, but you bridged the gap between all of us. Eventually, we were able to find common ground to start the difficult conversation and address the issues we had in our family,” paliwanag niya.

“Well, I’m happy for all of you. Mabuti naman at naging maganda ang kinalabasan ng paghikayat ko sa ‘yo na bisitahin mo ang pamilya mo sa Amerika. ‘Yun naman kasi talaga ang purpose ko noong mga panahon na iyon – na maayos niyo ang gusot sa inyong pamilya at maging maayos na ulit ang inyong relasyon. Nasasayangan kasi ako sa pamilya niyo, lalo na ngayon na wala na akong mga magulang. I know how important a family is kaya gusto kong maibalik iyon sa iyo at kay Tito Martin,” mahaba kong sagot.

"Tama nga sina Mommy at Daddy, we’re lucky to have you in our lives.”

"Wow! Grabe naman ‘yun! Eh, dahil nga sa video ko, naging kumplikado ang sitwasyon mo.”

"Hindi mo naman kasalanan ‘yun. May mga tao lang talagang gagawin ang lahat, kahit makasira pa ng buhay ng may buhay, para lang makuha ang gusto nila,” tugon niya.

"By the way, may copy ka ba noong video ko? Puwede ko bang makita?”

"I have it in my email. Sige, ipakita ko sa ‘yo ‘pag nasa akin ang phone ko. Iniwan ko sa cabin ko kanina eh,” sabi niya.

Nacu-curious akong makita ang sinasabi niyang sex video ko.

"Okay. Anyway, kumusta na nga pala si Tito Martin? Nag RSVP siya sa kasal namin ni Caleb ah,” banggit ko.

Umihip ang malamig na hangin. Dinampot ko ang aking asul na blazer na nasa aking tabi at ipinatong ko ito sa aking dibdib habang nakahiga pa rin dito sa chaise lounge.

"Oo nga eh. Si Mommy raw ang magiging plus one niya. Dapat ako sana ang gusto niyang isama kaso baka ano pa ang mangyari kung aatend ako kaya mas mabuti na sigurong hindi ako,” paliwanag niya.

"Bakit naman? Umatend ka na kaya. Tutal naman, aatend din ‘yung isang ex ni Caleb eh. I’m sure, okay lang kay Caleb na andoon ka,” pagkumbinsi ko sa kaniya habang inaayos pa rin ang blawer sa ibabaw ko.

Naisip kong wala naman sigurong masama kung iinvite ko siya sa aming kasal. Huli na ng ma-realize ko ang pagiging insensitive ko. Base sa sinabi niya kanina, hindi pa nga pala siya totally nakaka-move on sa paghihiwalay namin. Baka mahirapan lang siya kung makikita niya ang pagpapakasal ko kay Caleb.

"I don’t think that’s a good idea, honestly. But thank you.”

Sandali kaming natahimik. Tanging ang malalakas na pagtama ng mga alon sa harapan ng barko ang aming naririnig.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo sa pagpapakasal mo kay Caleb?” matapang na tanong ng ex ko.

"May rason ba para magbago ang isip ko?” balik kong tanong sa kaniya.

"Uhmm,” atubili niyang sagot pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip. “Mahal mo ba siya?”

Bakit ba ang daming taong nagtatanong kung mahal ko ang fiancé ko? Hindi ba obvious na ang sagot doon kaya kami magpapakasal?

"Yes,” atubili ko ring sagot dahil alam ko ang damdamin niya tungkol dito.

"Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?” mapangahas niyang tanong.

Good question. Honestly, ngayon, hindi ko alam.

"Ano sa tingin mo? I’m marrying him, right?” Muli kong sinagot ang kaniyang tanong ng tanong din.

"Pero pakakasalan mo rin ako noon, hindi ba? Natatandaan ko pa na boto si Daddy David sa ating pag-iisang dibdib,” balik niyang sagot sa akin.

Potek! Idinamay pa niya si Dad dito sa aming diskusyon.

"Noon pa ‘yun. Iba na ngayon. Bakit? Umamin ka na ba sa Daddy mo na hindi ka niya ni-rape?”

Damay-damay na ang aming mga ama.

"Ano naman koneksyon nun sa ating pagpapakasal? But to answer your question, yes. Alam na ni Daddy, at kahit si Mommy, alam na nila ang totoo na hindi niya ako pinagsamantalahan noong gabing iyon. We’re undergoing family counseling kasi nowadays and one of the advice of the counselor was for us to be honest to each other. Kaya umamin na ako sa aking ginawa. Even Dad, he already confessed to Mom about his relationship with your dad, which surprisingly, wasn’t a big surprise to her as what we have thought it will be,” rebelasyon niya.

“Sinabi ba ng mommy mo kung paano niya nalaman?”

"Oo, pero I’d rather not talk about it if that’s okay with you. Out of respect na lang to my parents,” pakiusap niya.

"Of course. I understand.”

Sandali na naman kaming natahimik. Sa dami kanina ng gusto kong itanong sa kaniya, tila nawala sa isipan ko ang lahat ng iyon. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil nagkaroon na ng kasagutan ang mga tanong ko dati. Ang problema lang, nalilito ako sa aking nararamdaman dahil parang nakokonsensiya ako sa nangyari sa amin kapalit ng mga ginawa niya para sa akin at sa aking ama.

Muli siyang uminom ng tubig sa tangan niyang bote. Ako rin ay uminom na rin sa akin.

Medyo mas lumakas ang hangin dito kaya niyaya ko siyang lumipat ng puwesto. Pumayag naman siya.

Isinuot ko ang aking blazer nang ako’y makatayo. Nag-umpisa na kaming maglakad at tinungo ang gitnang bahagi ng barko.

Nauna akong naglalakad habang nakasunod siya sa akin. Nang mapalapit ako sa riles, dumungaw ako sa karagatan. Madilim man pero kita ako ang malalakas na alon kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. Nakakamanghang hindi namin nararamdaman ang mga ito habang nakasakay sa barko.

Bumaba kami ng hagdanan at narating  namin ang pool area kung saan kami tumambay kaninang hapon. Napagdesisyunan naming dito umupo at ipagpatuloy ang aming kuwentuhan. Hindi masyado malamig dito sa puwestong ito. Sakto lang sa pakiramdam.

Ilang sandali kaming natahimik at nagmasid-masid sa aming paligid. Ilan-ilan na lang ang naririto ngayon. Nakapatay na ang halos lahat ng ilaw. Ilan-ilan na lang ang mga pasaherong nagpapalipas ng oras dito ngayon. May ilang staff akong namataan na naglilinis ng lugar. Hinarangan na rin nila ang swimming pool para walang munang makagamit nito.

"Can I ask you something?” pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan namin nang maiayos niya ang kaniyang puwesto.

Nakaupo kami pareho sa tig-isang chaise lounge na nasa gilid ng pool. Parehong nakasandal ang aming likod at nakadiretso ang aming mga binti. Nakataas ng ninety degrees ang kaniyang sandalan samantalang siguro forty-five degrees ang posisyon ng sa akin.

"Of course. Kanina pa nga tayo nagtatanungan eh. Ano’ng tanong mo?”

Ramdam ko ang pag-iba ng mood sa pagitan namin. Hindi na ito kasing bigat tulad kanina.

"Can I call you ‘Papi’ again?”     

"Uhm… Can you call me ‘Theo’ instead? Out of respect na lang sa fiancé ko,” sabi ko.

Naghintay ako ng sagot pero hindi siya umimik. Nilingon ko pa siya pero nakatingin lang siya sa akin. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Inisip ko pa kung nakatulog na ba siya kahit nakabukas pa ang kaniyang mga mata.

Itinuon ko na lang ang aking paningin sa mga kumukutitap na tala sa kalangitan. Naisip ko ang aking mga magulang lalo na ang aking ama. Siguro, kung nakikita niya kami ngayon ni Sebastian, masaya siya dahil nagkaroon na kami ng pagkakataong makapag-usap tulad ng kaniyang bilin sa akin noong siya ay nabubuhay pa.

"Ano’ng reaksiyon mo noong first time mo ulit akong nakita sa ospital?” tanong niya pagkaraan ng humigit kumulang isang minuto. Gising pa pala siya. “Oh wait, did you ever see me between the time when we saw each other in the gay bar and in the hospital?” pahabol niya.

"No. Bago doon sa ospital, ang huli kong kita sa ‘yo ay noong sa gay bar. Bakit ikaw ba?” balik ko sa kaniya.

"Honestly, no. Maraming beses kitang pinapanood mula sa malayo,” pag-amin niya.

"Stalker ka?”

"Medyo. Sa parking lot sa ospital. Sa labas ng bahay mo. Sa labas ng club ni Alex. Sa labas ng bahay ng Daddy mo. Sa mall. Kung saan-saan. Kalimitan, gamit ko ang isa sa mga kotse ni Eric para hindi mo ako mapansin since tinted ang mga bintana ng kotse niya. Kinailangan ko kasing gawin iyon para hindi ako mabaliw sa kakaisip sa iyo. ‘Tsaka, gusto kong masigurado na safe ka,” kuwento niya.

Wow! Wala akong ka-idea-idea na ginagawa niya ‘yun.

"Kita ko tuwing nale-late kang pumasok sa trabaho. Kita ko kapag umuuwi kang lasing galing sa club ni Alex. Kita ko mula sa malayo tuwing nakatambay ka sa may dalampasigan habang lumulubog ang araw. I’m sorry,” muli niyang hingi ng paumanhin.

Matagal ko na siyang napatawad sa mga ginawa niya sa akin. Pero, kahit papano, it’s still nice to hear his apologies.

"Natanggap mo ba ‘yung iniwan kong Christmas gift sa harapan ng pintuan ng bahay mo habang wala ka sa bahay mo?”

"Yung silver necklace na nasa loob ng itim na maliit na box na may ‘Merry Christmas’ lang na nakasulat sa card?” paglilinaw ko.

"Oo.”

"Ah! Tama pala ang inisip ko na ikaw ang nagpadala noon,” aniko.

"Paano mo naman naisip na ako ang nagpadala noon?” nakangiti niyang tanong.

"Ikaw lang naman kasi ang kasama ko noong isinukat ko iyon minsan noong nagpunta tayo sa mall eh. Bukod doon sa tindera, ikaw lang ang may alam na interesado ako sa kuwintas na ‘yun.”

Tumatango-tango siya pagkatapos marinig ang aking sinabi.

"Did you wear it yet?” curious niyang tanong.

"No,” pagsasabi ko ng totoo.

"Bakit naman? Don’t tell me na hindi mo siya gusto dahil alam kong binalak mong bilihin iyon.”

"Hindi ko alam. Siguro dahil alam kong galing sa ‘yo iyon?” patanong kong sagot sa kaniya.

"Ah, okay,” malungkot niyang sabi. “Nasaan na siya ngayon?”

"Nasa drawer ko sa aking kuwarto. Why?”

"Wala lang. Curious lang ako. Buti hindi mo isinangla,” pabiro niyang sabi. “Eh, ‘yung singsing na ibinigay ko sa ‘yo? Nasa sa ‘yo pa rin ba?”

"Oo. Magkasama sila noong kuwintas.”

Napangiti siya sa aking pag-amin. 

"Anyway, tungkol doon sa tanong ko kanina, anong reaksiyon mo noong makita mo ulit ako sa ospital?” pag-ulit niya sa tanong niya kanina.

"Siyempre, nagulat. Wala kasi akong idea na ikaw pala ‘yung ie-eval ko noong time na ‘yun. Actually, pauwi na dapat ako noon kaso ipinahabol ka pa sa akin ng boss ko. Ayun, kakamadali ko, hindi ko na tiningnan ang pangalan ng pasyente. Inalam ko lang ay ‘yung room at diagnosis mo. Kaya nga noong nakita kita, nabitawan ko pa ‘yung hawak kong folder eh,” pagbabalik-tanaw ko noong gabing iyon.

"Ang cute mo nga noon eh. Halatang-halata sa ‘yo ang pagiging uncomfortable mo noong time na ‘yun which was sobrang taliwas sa nararamdaman ko. Sobrang saya at excited ko noon dahil nakausap at nahawakan ulit kita ng personal. Happy ako na makita kang normal pa rin ang buhay mo at walang nangyari sa ‘yong masama.

"You probably didn’t know pero kausap ko si Eric noong dumating ka kaya hindi ko rin napansin noong pumasok ka. Sinabi niya sa akin na nakausap na raw niya ‘yung boss mo na kakilala niya at dadating ka nga raw para simulan ang physical therapy ko.”

Potek! Si Eric pala ang sinabi ng boss ko na nag request sa kaniya noong gabing iyon.

"Buwisit na buwisit nga ako sa ‘yo noon eh. Puro kasi pabalang ang mga sagot mo noong ini-interview kita ng nangyari sa ‘yo. Pagod na pagod ako noong time na ‘yun tapos dumagdag ka pa. Na-cancel tuloy ‘yung gimik namin ni Alex noong gabing iyon.”

"Aww. Sorry.”

"It’s okay. Nalaman niyo ba kung sino ang nakasagasa sa ‘yo noon?”

"Not exactly. We have our suspicions pero wala kaming nakuhang kongkretong ebidensiya.”

"Walang nakuhang impormasyon ang manipulative and powerful mong ex?”

Napatingin siya sa akin nang marinig niya ang aking tanong. Hindi niya ito sinagot.

"So, nagbago na talaga ang ex mo? Hindi na siya tulad ng dati gaya ng mga sinabi mo sa akin noon?” pag-iba ko sa aking tanong pagkaraan ng ilang segundo.

"Noong una, hindi ako naniniwala tuwing sinasabi niya na nagbago na siya. Iniisip ko na siya pa rin ang ex na nilayuan ko rati – singungaling, tuso at, sabi mo nga, manipulative. Pero habang tumatagal, nakikita ko ang mga naging pagbabago sa pag-uugali niya. Lalo na noong tinanggap niya ang pagtanggi kong maging boyfriend niya ulit. Hindi siya nagalit o nag retaliate man lang pagkatapos noon.

“Kung nangyari siguro dati ‘yun, baka kung anu-ano na ang ginawa niyang masama. Pero hindi. Sinuportahan lang niya ako bilang isang mabuting kaibigan hanggang medyo umayos na ang kalagayan ko at medyo nasanay at natanggap ko na ang ating sitwasyon.

"Tapos ang mas nakapagpakumbinsi sa akin talaga na ibang Eric na siya ay noong nagdesisyon siyang kumalas sa grupo nila. Ayaw na raw niyang magtulak ng droga at gusto na niyang magpakatino,” salaysay niya.

“That’s good.”

I guess, people change talaga. Natatandaan ko pa noong mga panahon na laging sinasabi ng lalaking nasa tabi ko na dapat iwasan ko ang ex niya dahil walang mabuting ginagawa ang taong iyon. Wala naman talaga akong issue sa kaniya since hindi ko naman talaga siya kilala at wala naman siyang ginagawa sa akin. Nagalit lang ako sa kaniya noong inagaw niya sa akin si Sebastian at sinabi niyang pinagpustahan lang nila ako.

"Yeah, pero hindi naging ganoon kadali. Once kasi na naging parte ka na ng mga drug syndicates nilang tinatawag, imposible ka ng makaalis. Daig pa nila ang mga kulto na kapag sumali ka at gusto mo ng umalis later on, makakaalis ka. Doon hindi. Kung ang mga mag syota at mag-asawa, puwedeng magkahiwalay, sa kanila hindi dahil sa kanila may forever. Kaya noong nagsabi siya na aalis na siya, doon na naglabasan ang mga balita na may connection nga siya sa drugs.”

"Gumagamit ba siya o nagtutulak lang siya o pareho?” curious kong tanong.

"Noong kami pa dati, gumagamit at nagtutulak talaga siya. Pinilit pa nga niya ako minsan na gumamit din pero hindi ko ginawa. Pero noong nagkasama na ulit kami last year, nalaman ko na tumigil na siya sa paggamit at nagsu-supply na lang siya sa ibang drug dealers,” sagot niya.

"So, anong nangyari?”

"Ayun, nadiin na siya sa kaso noong itinuloy niya ang pag-alis sa grupo. I guess, marami nang nakalap na ebidensiya ang mga pulis para mapakulong siya. Actually, we think, related doon ang pagkaka-aksidente ko.”

"Paano naman?” pag-usisa ko.

"Binigyan na ako ng warning ni Eric noon na posible nga akong madamay. Baka raw kasi isipin ng ibang taga sindikato na marami akong alam tungkol sa kanila since kami lagi ang magkasama ni Eric. O baka akalain nila na maglalabas si Eric o ako ng mga ebidensiya o pangalan ng ibang kasali sa grupo nila. O baka raw pagdudahan nila na idadamay namin sila lalo na noong nakakulong na si Eric. Tapos nagkataon na bigla akong kino-contact ng kaibigan mong pulis na si Jack. He was fishing for information about Eric’s involvement on drugs.”

"Did you give him information?”

"Hindi. Kasi hindi ko kayang mas ipahamak si Eric lalo na noong nakulong siya. Kahit galit ako sa kaniya noon dahil sa nangyari kay Lola, sinubukan naman niyang makabawi. He’s been very good and supportive of me since I left you. Siya na ang naging sandalan ko. Kung hindi siguro dahil sa kaniya, baka kung ano na ang nagawa ko.”

Potek! Ako ang nagsabi kay Jack ng involvement niya kay Eric eh.

"Pero it didn’t matter kahit wala akong ibinigay na impormasyon kay Jack. I think nalaman na ng grupo ang pag contact niya sa akin kasi suspetiya namin pinasubaybayan na nila ako. Baka inisip nila na trinaydor na namin sila kaya siguro sinubukan nila akong ipaligpit sa pamamagitan ng pagsagasa sa akin. At noong hindi sila nagtagumpay, nagpadala sila ng tauhan nila sa ospital para tapusin ang naudlot nilang plano,” dugtong niya.

"Nabalitaan ko nga na may ilang lalaki raw na sumugod sa kuwarto para saktan ka. Kaya ba biglang may nagbantay na pulis sa ‘yo doon?”

"Oo. Sa tulong na rin ni Eric, pinabantayan na niya ako sa ospital. Tapos, eventually, parang naging bodyguards ko sila. Anywhere I went, kasama ko sila. Natigil lang ‘yun noong namatay na si Eric.”

Wow! ‘Yun pala ang kuwento tungkol sa pagkaka aksidente niya at ‘yung nangyari sa ospital. Kasalanan ko pa yata. Siguro kung hindi ko binanggit kay Jack ang tungkol sa connection niya kay Eric, siguro hindi siya kokontakin ng kaibigan kong iyon. Hindi siguro siya naaksidente.

"I want to be honest to you. Ako ang nagsabi kay Jack ng ugnayan mo kay Eric at ako rin ang naghikayat kay Alex na ibigay niya ang phone number mo sa kaniya,” pag-amin ko.

"It’s okay. Hindi mo naman alam eh.”

"Kaya nga sana sinabi mo sa akin na ganoon na pala ang nangyayari sa ‘yo para naman nasuportahan kita,” banggit ko.

"I thought about it. Sinubukan kitang kausapin pero mailap ka masyado. Pero naisip ko, para ano pa kung malalaman mo ang nangyayari sa akin noon? Para madamay ka pa? Hindi na! Tama nang ako na lang.”

Ang dami namang pinagdaanan ng taong ito! Ever since naging kami, nagkasunud-sunod na ang mga problema niya. Lucky pa rin ba siyang matatawag kung dahil sa akin ay naging kumplikado ang buhay niya? Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt at awa sa kaniya.

Tumayo siya at ini-adjust ang kaniyang inuupuan. Ibinaba niya ang kaniyang sandalan para maging flat ang kaniyang chaise lounge chair. Humiga siya rito ng patagilid nang nakaharap sa akin. Itinukod niya ang kaniyang siko at sinuportahan ng kaniyang kamay ang kaniyang ulo.

"Sinu-sino ang may alam ng mga pinagdaanan mo?”

"’Yung kumpletong kuwento, ikaw lang at si Dad,” saad niya.

"Pero sinabi ni Dad at ni Alex, sinabi mo rin daw sa kanila,” nagtataka kong sabi.

"Oo, pero hindi kasing kumpleto nang pagka-kuwento ko sa inyo. ‘Yung kay Alex, summary lang ng dahilan kung bakit kita iniwan ang nasabi ko sa kaniya noong magkasabay kaming umalis ng ospital pagkatapos naming dalawin ang daddy mo. ‘Yung kay Daddy David naman, mas detalyado na. Bale, sabay ko sinabi sa kaniya at kay Dad ang nangyari at nangyayari sa akin noong time na ‘yun. ‘Yun ay bago mo kami naabutang tatlo sa kubo malapit sa dagat sa bahay niya sa Anilao,” kuwento niya.

"So, sinabi mo kay Dad na kaya mo ako iniwasan dahil para protektahan mo kami?”

"Oo.”

"Anong sabi niya sa ‘yo?” curious kong tanong. Gusto kong malaman kung anong payo ang ibinigay sa kaniya ng aking ama.

"Nagpasalamat siya at sinabi niya na sana raw hindi ko ginawa ‘yung pagsasakripisyo ko at ang pagsisikreto ng pinagdaanan ko. Sana raw binigyan ko kayo ng pagkakataong matulungan ninyo ako para hindi ko pinagdaanan ‘yun mag-isa. Tapos hinikayat niya akong kausapin ka at ipagtapat sa ‘yo ang lahat. They think you’ll take me back after you hear what I went through.”

"So, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”

"Sasabihin ko na talaga sa ‘yo noong time na ‘yun. Pero dahil nga, nalaman kong namatay si Eric, hindi ko na nagawa dahil nagmadali na akong umalis.”

“Eh, pagkatapos noon. Bakit hindi mo na ako kinontak para sabihin sa akin ang totoo?”

"Masyado na akong naging abala sa pag-aasikaso ng burol at libing ni Eric. I don’t know if you know, pero wala na kasi siyang pamilya o kamag-anak eh. Kaya ako na ang nag-ayos ng lahat.”

"After noon?” patuloy kong pagtatanong.

"Kinailangan ko namang umalis na ng bansa dahil sa banta sa buhay ko, I think mula sa mga sindikato ng droga. Hindi talaga napatunayan ng mga taga-bilibid pero sa tingin ko, ang sindikato ang nagpapatay kay Eric. ‘Tapos saktong nagparamdam na naman ‘yung blackmailer ng videos niyo. Ipinaalala niya sa akin ang dapat na paglayo ko sa ‘yo at ang banta niyang ilalabas niya ‘yung mga videos at secrets na hawak niya kung hindi ko gagawin ‘yun.”

"Pero nagpunta ka pa sa libing ni Dad.”

"Oo. Kaya hindi ako nakapag stay doon ng mas matagal dahil baka nga ituloy nung blackmailer ang sinabi niya. Pagkatapos ng lahat, ayokong may mangyari masama sa iyo at masira ang magandang reputasyon na naiwan ng daddy mo. Ayokong masayang ang sinakripisyo ko kaya hindi na ako nagpakita o nagparamdam sa ‘yo. Umalis na rin ako ng Pilipinas at sa tulong ni Dad, nagpalipat-lipat ako sa iba’t ibang bansa at states sa US until recently when I returned home in Chicago.”

"So bakit sinasabi mo na sa akin ngayon? Doesn’t this put you at risk again?”

"Maybe. Sumusugal lang ako ngayon. Tutal naman, nasa gitna tayo ng Atlantic Ocean, siguro hindi niya malalaman na nagpakita ako sa ‘yo.”

"Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nagpatuloy pa rin ang pagba-blackmail sa ‘yo tungkol sa akin at kina Dad?”

"I don’t know. I think he really wants me to be out of your life permanently.”

"He?”

Hindi niya sinagot ang aking tanong.

"So, nalaman mo kung sino ang nagba-blackmail sa ‘yo?”

"I’m not one hundred percent sure, but I’m pretty certain, my suspicion is correct.”

"Tingin mo, hindi talaga si Eric ang may pakana noon?”

"Noong una, siya talaga ang pinagdududahan ko. Pero after some time, I figured na hindi talaga siya ang namba-blackmail sa akin. Tapos ‘yun ngang huli, patay na si Eric noon eh so imposible talagang siya ang nananakot sa akin.”

"So kung hindi si Eric, sino ang suspetiya mo?”

"Huwag na. Sa akin na lang ‘yun.”

“Sabihin mo na rin sa akin. I promise, I’ll keep it a secret,” aniko.

"Huwag na.”

"Sige na. Kilala ko ba itong taong ito?”

"Yes.”

"Uhm… Sa Pilipinas o sa Amerika.”

"Both.”

"Potek! Sino nga?” pagpupumilit ko. Sobra na akong naku-curious kung sino ang lalaking sa tingin niya ay namba-blackmail sa kaniya.

"Huwag na muna nga kasi. Saka na kapag siguradung-sigurado na ako. Sa ngayon, basta, mag-ingat ka na lang sa mga kakilala mo.

Ang hirap naman gawin ‘yun kung wala akong idea kung sino ang dapat kong pag-ingatan o layuan. Napa-paranoid tuloy ako ngayon.

Taimtim akong napaisip kung sino ang malapit sa akin noong nasa Pilipinas ako at ngayong nasa US na ako na posibleng makagawa noon. Sina Alex at Caleb? Imposible naman ‘yun. Si Nick kaya? Mga kamag-anak ko? Fuck! Ang hirap naman nito.

Natuon ang aking pag-iisip sa video na kaniyang binabanggit. Naaalala ko ang sexual encounter kong iyon. Iyon lang naman kasi ang pakikipagkantutan ko habang nakaharap sa EDSA. Sa hotel room iyon ng lalaking nakilala ko sa isang coffee shop habang hinihintay ko sina Alex. Hindi ko na matandaan ang pangalan at eksaktong itsura ng lalaking iyon pero naalala ko na mukhang Chinese ang itsura niya.

"Eh kung hayaan mo na lang kaya? Wala naman sa akin kung lumabas na ‘yung video na ‘yun. Dami ngang may mga sex videos ngayon eh, just look at Twitter. At saka, alam na rin naman ng family mo ang relasyon ni Tito Martin kay Dad so wala ng magiging kaso.”

"Naisip ko rin ‘yan pero hindi pa rin. I think, itong taong ito, he’s capable of doing worse than releasing the videos and secrets online. Again, ayaw kong mapahamak ka. And how about your Dad’s reputation? Sayang naman.”

Tama nga siya. Handa ba akong makumpurmiso ang naiwang magandang reputasyon ni Dad?

“Sino nga kasi ‘yung pinaghihinalaan mo?” naiinis ko nang tanong sa kaniya.

"Sige. I’ll tell you who he is kung hindi mo na itutuloy ang pagpapakasal mo at magiging Papi na ulit kita.”

Potek! Para akong nakikipag negotiate sa isang terorista.

Hindi na ako nagpumilit. Sa tingin ko ay hindi niya talaga sasabihin sa akin ngayon kung sino ang tinutukoy niyang nagba-blackmail sa kaniya. Saka ko na lang ulit siya kukulitin tungkol doon.

Napahikab ako ng malaki habang iniisip ang mga tanong na ito. Pati ang katabi ko ay nahawa at naghikab na rin siya.

"Antok ka na?” tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ba?” sinagot niya ang tanong ko ng isa ring tanong.

"Medyo,” sabi ko. Napatingin ako sa aking suot na relo at nakitang halos alas tres na pala ng umaga.

"Tulog na tayo?” dagdag ko.

"Tayo? Tayo na ulit?” mabilis niyang tanong.

"I meant, tara na.”

"Okay,” nakangisi niyang pagsang-ayon.

Tumayo na kami sa aming puwesto at nagtungo na sa loob ng barko. Kaunti na lang ang nakikita naming tao rito. Malamang, halos lahat ay tulog na dahil sa pagod sa pagsalubong sa Bagong taon.

Ilang minuto pa at naabot na namin ang elevator. Nang bumukas ito ay sabay na kaming pumasok. Walang laman ito.

"Anong floor ka?” tanong ko sa kaniya para mapindot ko ang numero ng palapag kung saan siya pupunta.

"Ihatid na muna kita.”

"’Wag na! Kaya ko pa naman. Hindi ako maliligaw.”

"Puwede ba akong manligaw?”

“Tumigil ka nga diyan. Anong floor mo nga?”

"Fourteenth. 1408 ang cabin ko,” sabi niya. Ibibigay rin naman pala niya, dami pang pasakalye.

Nanatili na kaming tahimik na nakatayo habang umaakyat ang elevator na aming sinasakyan.

"Elevator ka ba?” pag-agaw niya sa aking atensiyon.

For sure, may pick-up line na namang kasunod ito.

"Bakit?” sinakyan ko na lang ang trip niya.

"Because I’ll go up and down on you.”

Napaikot ang aking mga mata sa corny niyang linya.

Ilang sandali pa at bumukas na ang pintuan.

"Good night. I’ll see you later,” paalam ko sa kaniya pagkalabas ko ng elevator. Tumalikod at nag-umpisa na akong maglakad nang magsara na ang pintuan.

Pagkatapos ng ilang segundo ay naramdaman kong may nakasunod sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Sebastian palapit sa akin. Huminto ako at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Are you following me?” tanong ko kay Sebastian na kaharap ko na ngayon.

"Yes. Sabi kasi ni Daddy David, follow my dreams.”

Potek! Hindi talaga makausap ng matino itong lalaking ito. Puro pick-up lines ang alam.

"Balik ka na. Magkikita naman ulit tayo mamaya eh.”

"Hatid lang kita sa cabin mo. That’s all I am asking. Please.” Ipinagdikit niya ang kaniyang mga palad sa harapan ng kaniyang dibdib.

"Alright.” Wala na akong nagawa at pinagbigyan siya sa kaniyang paki-usap.

Nagpatuloy ang aming paglalakad hanggang marating namin ang pintuan ng aking cabin sa dulo ng hallway.

"This is me,” itinuro ko ang numero ng aking cabin na nakapaskil sa gitna ng pinto.

Mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito. Hinayaan ko na lang siya at niyakap ko na rin siya. Somehow, may ginhawang dulot ang pagpulupot ng kaniyang mga bisig sa aking katawan. Nanatili kami sa posisyong ito ng ilang minuto.

"Matulog ka na. Good night na. I’ll see you later,” sabi ko sa kaniya pagkatapos maghiwalay ang aming mga katawan.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa aking cabin. Muli akong nagpaalam sa kaniya.

"Okay. Good night, Papi. I love you,” huli niyang sabi bago ko tuluyang isinara ang pinto. Hindi na ako tumugon.

Pumasok ako sa aking kuwarto at isa-isang hinubad ang aking suot. Napagpasyahan kong maligo muna ng mabilis bago matulog. Wala na talaga ang epekto ng alak sa aking katawan.

Bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kanina habang pumapatak ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman ngayong gabing ito. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang taong tinutukoy niya na kailangan kong pag-ingatan.

Ngayon ko napagtanto kung bakit ilang beses akong sinabihan nina Dad na kausapin si Sebastian tungkol sa nangyari sa amin. I wonder, what if nakapag-usap nga kami ng mas maaga, ano kaya ang sitwasyon na meron kami ngayon?

Pagkatapos marinig ang paliwanag ni Sebastian, hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon. Ilang beses ko nang sinabi na naka-move on na ako. Pero ngayong nalaman ko ang totoo, may pag-aalinlangan ako kung tunay nga bang naka-move on na ako. Para kasing may pamilyar na emosyon na nagbalik sa akin. Emosyong huli kong naramdaman noong masaya kaming magkasama bago nangyari ang kaniyang paglisan.

Mahal ko ang aking fiancé pero hindi ko maitatanggi na para bang bumalik ang pagmamahal ko kay Sebastian. Hindi ako salawahan pero bakit parang inaasam ko na sana ay dalawa ang puso ko?

Sumagi sa aking isipan ang mga sinabi ni Dad noong nabubuhay pa siya.

Malalaman mong nagmamahal ka kapag para sa 'yo, ang kaligayahan ng minamahal mo ay nagiging mas mahalaga na kaysa sa kaligayahan mo… Handa kang gawin ang lahat para lang mapasaya mo ang taong iyon kahit ibig sabihin pa noon ay kailangan mong i-sacrifice ang ilan sa kaligayahan mo.   

Kung pagbabasehan ang sinabi ni Dad, walang duda ang pagsasakripisyo ni Sebastian ng kaniyang kaligayahan para lang sa ikakabuti namin. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran. Hindi ko alam kung paano ko siya lubos na mapapasalamatan.

Potek! Hindi ko pala siya napasalamatan kanina sa lahat ng mga ginawa niya sa amin nina Dad. Sa ilang oras naming pag-uusap kanina, hindi ako makapaniwala na hindi ko siya, kahit isang beses, napasalamatan.

Nagmadali na ako sa paglilinis ng aking katawan. Nagsipilyo na rin ako bago lumabas ng banyo. Nagsuot lang ako ng tsinelas, board shorts at asul na t-shirt. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng underwear.

Mabilis kong binaybay ang kahabaan ng hallway papuntang elevator. Nagmamadali kong tinungo ang cabin number na binanggit niya kanina.

Ilang minuto ang lumipas at nasa harapan ko na ang numero na natatandaan kong sinabi niya kanina – 1408.

Hindi ko alam kung bakit pero inayos ko muna ang aking sarili bago ko kinatok ang pintuan. Ilang minuto ring nagtagal ang paggawa ko nito bago ito tuluyang bumukas. Tumambad sa aking harapan si Sebastian na ngayon ay hubo’t hubad na.

Potek! Ganito ba ito sumagot sa mga kumakatok sa pintuan niya?

Pagkatapos mapatingin sa kaniyang balakang ay pilit kong ibinalik ang aking paningin sa kaniyang itaas na ulo. Napalunok pa ako ng laway bago ako nakagsalita.

"Nagising ba kita? I’m sorry,” bungad ko.

"No, it’s okay. Patulog pa lang naman ako,” sagot niya.

"Do you want to come in?” dagdag niya.

Pinaunlakan ko ang kaniyang paanyaya. Humakbang ako paharap at pumasok sa kaniyang cabin.

Kapareho ng kay Alex ang cabin niyang tinutuluyan. Mayroon din itong isang king-size bed sa gitna at sliding door sa dulo papunta sa kaniyang balcony. Tanging ang headboard lamp sa bandang kanan ng kaniyang kama ang nakasindi.

"Do you need anything?” pagtawag niya sa aking pansin habang lumilingon ang aking ulo sa paligid.

Muntik ko na yatang nakalimutan ang dahilan ng pagpunta ko rito.

"Ah, yes... Sorry... Uhmm… Na-realize ko lang na… Uhmm…” Potek! Bakit ba ako nauutal ngayon?

"Gusto mo ng tubig?” alok niya sa akin.

"No, thank you. As I was trying to say, gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo sa lahat ng ginawa mo para sa akin at para kay Dad. I don’t feel worthy of your sacrifice, but nevertheless, I really appreciate it. I hope one day, I can repay all the good things you’ve done for us,” sinsero kong sabi sa kaniya. Nakatayo kami rito sa tabi ng gilid ng kaniyang kama.

"Naku, wala ‘yun. Small things,” nakangiti niyang sagot.

"Seryoso ako. Salamat talaga ng sobra-sobra,” sambit ko habang nakatingin sa kaniyang nakangiting mga mata.

"Seryoso rin ako. I love you,” pag-ulit niya ng sinabi niya kanina.

Potek! Bakit kinikilig ako ngayon?

Hindi ko alam ang aking isasagot marahil dahil hindi ko alam ang aking nararamdaman ngayon. Sobra akong naguguluhan. Mahal ko pa rin ba siya? Hindi ko dapat ito maramdaman sa kaniya since ikakasal na ako ilang araw mula ngayon.

“I love you, Papi,” pag-ulit niya. Ngayon ay nakahawak na ang kaniyang kanang palad sa aking kanang pisngi.

Pilit ko mang itanggi pero masaya ako na marinig muli ang mga katagang ito mula sa kaniya.

Namalayan ko na lang na dumampi na ang kaniyang malalambot na labi sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko siya magawang pigilan. Kusa na lang pumikit ang aking mga mata at nagpaubaya na ako sa aking tunay na nararamdaman.

 

 

 

 

Itutuloy…

2 comments:

  1. For sure, si Caleb yung nagbabanta sakanya. Simula palang duda na ako sakanya tapos yung Bryan pa yung kasama sa sex video na kaibigan pala nya.

    ReplyDelete
  2. Ask ko lang po kung ano po schedule ng updates? Every month po ba kada chapter?♡︎

    ReplyDelete