LOVE AND BETRAYAL
Hindi ko
inaasahan na ito ang bubungad sa amin dito sa aking tirahan.
Simula noong hindi
sinasagot ni Caleb ang aking mga tawag at mensahe, hanggang sa biyahe kanina pauwi
ng bahay galing sa port, sari-saring mga haka-haka ang pumasok sa aking isipan.
Subalit ni isa man sa mga iyon ay ang eksenang ito.
Napalingon ako kina
Alex at Nick na nasa aking likuran at nakitang nakapako ang kanilang mga mata
sa mga lalaki na nasa sala. Nabasa ko sa kanilang mukha ang kaparehong
reaksiyon na magkahalong pagkagulat at pagtataka.
"Mukhang na-late
tayo sa party, pre, ah,” pagbibiro ni Nick.
"Sshhh!”
pagsuway sa kaniya ng kaniyang nobyo habang pinandilatan siya nito ng mata.
Bitbit ang alaga kong pusa, inihakbang ko ang aking mga paa at nilapitan ko ang eksenang nadatnan namin.
Dahil kasalukuyang
walang takip ang floor-to-ceiling glass wall sa gilid ng condo at malayang
nakakapasok ang sinag ng araw mula sa labas, kitang-kita ko ang maraming basyo
ng bote ng alak na nakakalat sa iba’t ibang parte ng condo at sa aking dinadaanan.
Pinulot ko pa ang isa sa mga ito sa sahig para hindi namin maapakan.
Maraming ring tirang
pagkain ang naiwan sa kusina. May ilang nakabukas na kahon ng pizza ang nasa kitchen
counter, sa hapag kainan at sa lamesa sa sala.
Paglapit ko
sa sala ay mas nakita ko ang mga lalaking pumukaw sa aming atensiyon kanina ng
pumasok kami rito sa aking condo.
Dalawang
African American ang nakahigang magkayakap sa puting sectional sofa samantalang
isang naghihilik na latinong lalaki naman ang nakahandusay sa carpet. Lahat
sila ay hubo’t hubad at walang kahit isang saplot na suot sa katawan.
What the fuck
are these men doing here? Where the hell is Caleb?
Habang abala
ako sa pagkilatis sa mga hindi ko kilalang lalaki na natutulog dito sa aking
condo, aksidente kong naapakan ang isang mahaba, malambot at matabang kulay
rainbow na dildo na nasa sahig. Medyo tinawanan ako ni Alex dahil dito.
Kinunutan ko lang siya ng noo.
Sobra akong
naiinis sa estado ng aking condo ngayon. Sumasakit ang aking ulo sa aking
nasasaksihan. Palagi ko kasing pinanatiling malinis at nasa ayos ang lahat ng
bagay dito sa aking bahay pero ngayon, lahat ay magulo.
Nakakalat ang
mga damit at sapatos ng mga lalaking natutulog sa harapan ko. Mayroon ding mga
gamit na condom sa sahig, iba pang uri ng sex toys, maraming upos ng sigarilyo
at natirang kulay puting pulbos sa coffee table.
Itinuro
pa ni Alex sa akin ang nakapatay kong LCD TV na nakakabit sa dingding dito sa
sala. Dito ay nakasulat ang kulay pula at malalaking letra ng salitang “FUCK
YOU!”.
What
the fuck happened here?
And again, where the hell is Caleb?
“Mukhang
kakaibang party ang nangyari dito ah,” bigkas ni Nick sa aming iniisip.
Kung
nakakapagsalita lang si Bangky, kanina ko pa ito tinanong at pinagkuwento kung
anong nangyari rito habang wala kami.
Kasalukuyang
itinatayo nina Alex at Nick ang dalawang dining chairs na nakatumba sa sahig
nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng banyong malapit dito sa sala.
Nakita naming lumabas dito ang isang singkit na maputing lalaki na hubo’t hubad
din. Nagulat pa siya ng kami’y kaniyang makita.
Pamilyar
ang itsura niya sa akin. Baby face ang kaniyang mukha at toned at makinis ang
katawan. May ilang tattoo sa kanang braso. Mukha siya pinaghalong Chinese at
Pilipino. Hula ko ay ito ang kaibigan ni Caleb na sinundo niya noong bisperas
ng Bagong taon pagkatapos niya kaming ihatid sa port.
“Oh!
Hi, Theo! Hi guys! Nakabalik na pala kayo. How was your trip?” tanong niya sa
akin.
Tinitigan
lang namin siya ng ilang segundo.
“I’m sorry. I
don’t know if you remember me pero ako nga pala si Bryan, Caleb’s friend,”
pakilala niya sa amin at nakipagkamay. Nagpakilala rin ang aking mga kasama.
Tama
nga ako. Siya ‘yung lalaking nakita ko at tumawag sa akin ng ‘babe’ noong mag
Facetime kami ni Caleb bago maglayag ang aming barko. Medyo iba lang ang itsura
niya ngayon dahil nakasuot siya ng sunglasses noong nagvi-video call kami ng
aking isang nobyo.
Hanep
din itong lalaking ito. Hindi man lang nag excuse para magdamit o takpan man
lang ang kaniyang maliit na burat.
“Where’s
Caleb?” tanong ko sa kaniya.
"Nasa
kuwarto niyo,” sagot niya.
“Excuse
me.”
Ibinaba
ko muna si Bangky at iniwan ko na sila para puntahan ang lalaking hindi
sumasagot sa aking mga tawag at mensahe. Wala ako sa mood makipag socialize sa
kaibigan niya ngayon.
Nang
buksan ko ang pintuan ng aming kuwarto, isa pang hindi inaasahang eksena ang
gumulat sa akin.
May
dalawang puting Amerikanong nakahiga sa magkabilang gilid ng aming kama. Ang
isa sa kanila ay nakapatagilid at bahagyang nakabaluktot. Tanging ulo at
balikat lang niya ang nakikita. Samantala, ang isa naman ay nakahilata at
nakataas pa ang isang kamay kung saan nakaunan ang kaniyang ulo. Parehong
natatakpan ng puting comforter ang kanilang katawan. Pareho silang mukhang
natutulog.
Sa
pagitan nila ay may kapansin-pansing malaking nakabukol mula sa ilalim ng
comforter. Wala akong nakikitang ulo o anumang bahagi ng katawan na nakalitaw
sa gitna ng dalawang lalaki pero alam kong may isa pang tao na nasa pagitan
nila.
Paulit-ulit
gumagalaw ang isang bahagi ng nakausbong sa kama. Taas baba ang pagkilos ng
nasa ilalim ng comforter sa tantiya ko ay balakang ng lalaking nakapikit at
nakaunan sa kaniyang kamay. Wari’y alam ko na ang nagaganap sa ilalim ng
nakatakip sa kama.
Mas
tumindi ang inis na nasa aking dibdib. Ramdam ko ang pagdiin ng aking mga
bagang at pagkuyom ng aking mga panga. Tila nagdidilim ang aking paningin.
Ipinikit
ko ang aking mga mata at huminga ng malalim habang nakatayo sa paanan ng aming
kama. Sinisikap kong kontrolin ang aking emosyon at maging mahinahon habang
hindi ko pa nakukumpirma ang aking mga hinala.
Fuck!
Tell me I’m only dreaming. Tell me this is not real, paulit-ulit
kong sabi sa aking isipan habang nakasara ang aking paningin. Umaasang pagmulat
ko ay mag-iiba ang aking makikita sa aking harapan.
Subalit
muli akong nadismaya ng ibukas ko ang aking mga mata. Hindi ako nananaginip.
Paglipas
ng ilang segundo, napagpasyahan kong harapin ang sapantaha na nasa aking isipan.
Gamit
ang aking mga kamay, marahas kong hinila ang comforter na nakataklob sa aming
kama para ilantad ang nasa ilalim nito. Nakumpirma nito ang lahat ng mga iniisip
ko.
Una,
tatlo nga silang nasa ibabaw ng aming kama. Pangalawa, tulad ng mga lalaking
nasa labas ng kuwarto, lahat sila ay wala ring kahit anong saplot sa katawan.
Pangatlo, ang lalaking kanina ko pang hinahanap ay ang taong nasa gitna ng dalawang
nakapikit na lalaki. Ika-apat, kasalukuyang tsinutsupa ni Caleb ang lalaking nakahilata
sa kaniyang kanan.
What
the fuck?!
Hindi
ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi ako selosong tao pero hindi ko
maikakailang nagagalit ako ngayon habang nakikitang ang lalaking nakatakda kong
pakasalan tatlo araw mula ngayon ay kasalukuyang sumusubo at may hawak na burat
ng ibang lalaki. Kahit balak ko nang makipaghiwalay sa kaniya, masakit pa rin
sa akin na makita siya sa ganitong sitwasyon lalo pa’t nangyayari ito sa loob
ng aming kuwarto.
“Hi,
babe! Welcome home!” casual na bati sa akin ng aking fiancé na para bang wala
lang itong aking nadatnan.
Hindi
ito nakatulong sa paghupa ng galit na aking nararamdaman.
Ini-stress
ko ang sarili ko mula kanina kakaisip na baka may nangyari ng masama sa kaniya
kaya hindi niya sinasagot ang aking mga tawag at mensahe tapos ‘yun pala,
andito lang siya at nagpapasarap kasama ng ibang lalaki.
“Anong
ibig sabihin nito?” pagalit kong tanong sa lalaking patuloy pa rin sa pagsalsal
sa titi ng katabi niyang lalaki.
Bago
pa siya makasagot ay narinig kong nagsalita ang lalaking may ari ng burat na
kaniyang hawak. “Why did you stop?”
Mabilis
naman niyang napansin ang aking presensiya.
“Oh!
Hey! What’s up, bro? Wanna join us? We can share him,” alok niya sa akin.
Medyo
nagpanting ang aking tainga sa aking narinig.
Huwag
mo akong ma-bro-bro putangina mo ka!
“You
wanna share my fiancé? Is that what you fucking said? Who the fuck are you?”
pasigaw kong balik na tanong sa kaniya.
Hindi
ko na mapigilan ang galit na nasa aking dibdib. Nang lalapitan ko siya ay siya
naman niyang biglang bangon sa kama at humakbang palayo sa akin.
“Sorry,
bro! I didn’t know,” medyo natataranta niyang sabi habang nakaharap ang
kaniyang mga palad sa akin.
Sinabi
ng ‘wag mo akong tawaging ‘bro’ eh!
“Get
the fuck out of my house! NOW!” muling kong pagsigaw sa hubad na lalaking
nakatayo sa aking harapan.
Nagmadali
naman siyang umalis sa aking harapan. Isa-isa niyang pinulot ang kaniyang mga
damit na nasa sahig dito sa aming kuwarto.
Napansin
ko ang baseball cap na dinampot niya malapit sa aking paanan.
Biglang
sumagi sa aking isipan ang lalaking nakasalubong namin nina Alex at Nick sa
hallway sa labas ng aking condo pagkatapos ko silang sunduin sa airport halos dalawang
linggo na ang nakararaan. Nakasuot din iyon ng kaparehong baseball cap na
pinulot ng lalaking kasama namin ngayon. Hindi ko man nakita ang mukha ng
nakasalubong namin noon, malakas ang kutob ko na iisa lang sila nitong lalaking
tsinutsupa ni Caleb kanina.
“Hey,
bro! Wake up! Let’s go!” sabi ng lalaki sa isa pang lalaki na kasalukuyan pa
ring nakahiga sa isang gilid ng kama.
“Huh?”
“Let’s
go now!” sinenyasan niya ang kaniyang kausap na andito ako ngayon sa kuwarto.
Nang
makita ako ng nakahigang lalaki ay nagmadali na rin itong bumangon at kinuha
ang kaniyang mga damit bago kumaripas na lumabas sa aming kuwarto.
Nabalik
ang aking atensiyon kay Caleb na nakaupo pa rin sa gitna ng aming kama. Halos
hindi siya gumalaw sa kaniyang puwesto ng bumangon ang mga lalaking kasiping
niya kanina.
“Explain
to me what the fuck is going on here!” mariin kong utos kay Caleb ng maiwan
kaming dalawa rito sa aming kuwarto. “At sino ‘yung mga ‘yun?”
“Don’t
tell me na nagseselos ka, babe,” sabi niya. Gumapang siya sa kama palapit sa
akin.
Dahil
nakatayo lang ako sa tabi ng kama, lumuhod siya sa gilid sa tapat ko at inihawak
ang kaniyang mga palad sa magkabila kong pisngi. Binigyan niya ako ng mariin na
halik sa labi. Hindi ko tinugon ang kaniyang halik. Imbes, itinulak ko siya
palayo sa akin.
Sa
tindi ng galit ko ngayon, hindi kayang pahupain ng kaniyang halik ang aking
nararamdaman.
“Nag-enjoy
ka ba sa batchelor party mo?” tanong niya sa akin habang bumabangon sa biglang
pagkakahiga niya sa kama.
“Caleb,
huwag mong ibahin ang topic! Anong ibig sabihin nitong nadatnan ko rito? At
sino ‘yung mga lalaking natutulog dito sa kama at doon sa sofa natin?” pagalit
kong tanong sa kaniya.
“Relax
ka lang, babe. Nagkasiyahan lang kami kagabi kasi…”
“Nagkasiyahan?”
pagputol ko sa kaniyang sinasabi.
“Putangina!
This is more than nagkasiyahan! Caleb, hindi ako bobo para hindi maintindihan
ang nangyayari rito. May pa ‘no hanky-panky’ ka pang bilin noong umalis ako pero
ikaw itong nakikipag sex sa kung sinu-sinong lalaki habang wala ako!
“Tapatin
mo nga ako! Hindi ito ang unang beses na makipag sex ka sa iba habang tayo, tama
ba ako? Gaano katagal ka na bang nagtataksil sa akin? Ni hindi mo man lang
nirespeto itong aking condo. Dito mo pa talaga ginawa ang mga kabulastugan mo!”
pasigaw kong sabi sa kaniya. Tuluyan ng sumabog ang galit na aking
nararamdaman.
“Nagtataksil?
Respeto? Wow! Big words! Especially coming from you!” sabi niya bago niya ako
iniwan sa aking puwesto para magtungo sa banyo.
Napaisip
ako sa kaniyang sinabi.
“Anong
ibig mong sabihin?” tanong ko kay Caleb ng sundan ko siya sa banyo. Lumingon
lang siya sa akin habang ako’y nakatayo sa may pintuan ng banyo.
Kahit
papaano, nakokonsensiya ako sa pagtataksil ko sa kaniya pero ‘di hamak namang
mas higit itong kaniyang ginawa lalo na kung totoong noon pa man ay ginagawa na
niya ito.
Napansin
kong kakaiba ang dating ng kaniyang mga mata. I sense something is different
about him. O baka naman nasa isip ko lang ito dahil ako ang nagbago.
Dinaanan
at nilagpasan lang niya ako pagkatapos niyang umihi. Dumiretso siyang lumabas
ng aming kuwarto na walang pa ring saplot.
What
the fuck!
“Bumalik
ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw ko sa kaniya.
Imbes
na hintayin siyang bumalik ay sinundan ko siya sa kusina kung saan siya
nagtungo. Hinawakan ko ang kaniyang kaliwang braso at pilit ipinihit ang
kaniyang katawan.
“Sagutin
mo ‘yung tinatanong ko sa ‘yo! Kailan mo pa ako pinagtataksilan?” pag-ulit ko
sa aking tanong.
Hindi
ko na alintana na marinig kami ng iba naming kasama rito. Ang tanging nais ko
lang ay makumpirma ang aking hinala at ang tapusin ang aming relasyon.
“Matagal
na! ‘Yun ba ang gusto mong marinig ha? Gusto mong malaman na maraming beses na
akong nakipagsex sa ibang lalaki simula ng maging tayo. Dito, sa parking lot,
sa fire exit, at kung saan saan pa! Ngayong alam mo na, what good does it make?
Para mabawasan ang dinadala ng konsensiya mo? Please lang, ‘wag ka ngang
magmalinis sa akin. I know you cheated on me too!” tugon niya.
I
wonder kung ang nangyari sa amin ni Baste sa cruise ang tinutukoy niya.
“Huwag
mong ibalik sa akin ang tinatanong ko sa ‘yo. Ikaw ang pinag-uusapan natin
dito. Tingnan mo nga ‘yang mga lalaki mong hanggang ngayon ay natutulog pa rin
sa sala. Binaboy mo itong bahay ko!” Itinuro ko ang tatlong lalaki na nakahiga
pa rin sa sala.
Napansin
kong nasa tapat ng hapag kainan sina Nick at Alex. Sakto namang lumabas mula sa
guest bedroom ang kaibigan niyang si Bryan. Nakasuot na siya ngayon ng t-shirt
at shorts.
“This
is about you as much as it is about me. And what’s wrong with these men? At
least ang mga ito, kaya akong dalhin sa langit. Hindi tulad ng ex mong puro
kamalasan ang dala.”
“Huwag
mong idamay si Baste dito sa pag-uusap natin,” mabilis kong pagdepensa sa
lalaking nagsakrispisyo para sa amin ni Dad.
“Sige,
protektahan mo pa siya. Magsama-sama kayo ng mga kaibigan mo. Lalo na ikaw,
Alex.” Itinuon niya ang kaniyang atensiyon sa aking matalik na kaibigan na
kasalukuyang nakatayo at nakahawak sa isa sa mga upuan sa harap ng dining
table.
Ramdam
ko ang tindi ng tensiyon dito sa loob ng aking bahay. Ilang beses na kami
nag-away dati, kadalasan dahil sa mga pagseselos niya, pero ito ang
pinakamatindi naming pagtatalo.
“Don’t
deny it. Alam kong ikaw ang nagsama sa ex niya sa cruise niyo. Hindi na kayo
nahiya! Akala ko ba magkaibigan tayo pero bakit niyo nagawang traydorin ako?
You all betrayed me!”
“Caleb,
hindi ko sinasadyang…” umpisang sabi ni Alex.
“Alex,
stay away from this. Hayaan mong kami ang lang mag-usap dito,” pagputol sa kaniyang
pagpapaliwanag.
“Anong
pruweba mo sa mga ibinibintang mo?” tanong ko kay Caleb na hanggang ngayon ay
wala pa ring suot na damit. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa
harapan ng kitchen counter at kumukuha ng isang slice sa mga natirang pizza sa
ibabaw nito.
“Marami
akong proof sa pagtataksil mo sa akin. For your information, with the help of
Bryan, may pinapunta kami sa cruise para ireport sa amin lahat ng mga
kabulastugang pinaggagagawa niyo roon. I know everything and I have pictures to
prove them. Nasira nga lang ang phone ko kaya hindi ko maisusupalpal sa mga
mukha niyo ang mga larawan na iyon pero alam ko ang lahat. Kaya huwag na kayong
magmaang-maangan pa. Bistado ko na kayo!”
Fuck!
Akala ko pa naman, safe na kami doon sa cruise. Nagkamali pala kami.
“Obviously,
wala ng patutunguhan itong pag-uusap natin. Wala na ring patutunguhan ang
relasyon nating dalawa. Bago pa tuluyang mawala ang natitirang respeto natin sa
isa’t isa, mabuti pang maghiwalay na tayo. Huwag na nating ituloy ang kasal,”
mariin kong sabi sa kaniya.
“Ganun-ganun
na lang ‘yon? Para ano? Para kayo ng kabit mo ang magsama at magpakasal? Never,
Theo! Never! After everything, I cannot allow that to happen. Sa akin ka lang!
Itutuloy natin ang kasal natin sa Huwebes sa ayaw mo man o sa gusto.”
“Hindi
mo ako mapipilit magpakasal sa ‘yo, Caleb. We are. As far as I am concerned, tapos
na sa atin ang lahat. Kaya kung ako sa ‘yo, tanggapin mo na iyon sa ayaw mo man
o sa gusto.”
“We’ll
see. I’m sure, you’ll change your mind. This is not the end of us. Sooner or later,
you’ll come begging me to accept you back.”
Hindi
ko na sinagot ang kaniyang sinabi. Tinitigan ko lang siya ng masama habang may
kaunting ngiti na mababakas sa kaniyang mukha.
Ang
kapal din ng mukha ng lalaking ito para isiping darating ang oras na
magmamakaawa ako sa kaniya. Hinding-hindi mangyayari iyon. Kahit sa panaginip,
hinding-hindi ko gagawin iyon.
“Iligpit
mo na lahat ng gamit mo at umalis ka na dito sa condo ko. Pagbalik ko, ayaw na
kitang makita. Isama mo na rin ‘yang mga lalaki mo at lahat ng kalat mo rito,”
pagtatapos ko sa aming pagtatalo.
“You
assholes, you can leave now too!” sabi ko sa tatlong lalaki na hindi ko
namalayang nagising na pala. Marahil dahil sa malakas naming sigawan.
“Caleb!
Nick! Kunin niyo na ang mga gamit niyo at alis na tayo” pagyaya ko sa aking mga
kaibigan.
Pumasok
sila sa guest bedroom para kunin ang kanilang mga gamit na naiwan dito bago
kami mag cruise.
Kailangan
ko munang umalis para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko kayang manatili rito
habang andito silang lahat at nakikita ang kanilang kalat.
Bahagya
kong iginala ang aking mga mata pero hindi ko nakita si Bangky. Mamaya ko na
lang siya babalikan.
Ilang
minuto lang at nakita ko na ang aking mga kaibigan habang bitbit ang kanilang
mga bagahe. Kinuha ko ang isa sa mga bag at lumabas na kami sa aking condo.
“Fuck!”
pasigaw kong sabi habang kami’y naglalakad patungo sa elevator. Sinipa ko pa
ang trash can na aming nadaanan.
“Pre,
kaya mo bang magmaneho? Gusto mo, ako na ang mag drive?” pag alok ni Nick
pagdating namin sa parking garage.
“Sige,
pre. Salamat.”
Si
Alex na ang umupo sa likuran samantalang ako ang umupo sa front passenger seat.
Inilagay ko na rin sa Waze ang address ng kanilang hotel para alam ni Nick ang
daan patungo sa kanilang tutuluyan.
Ramdam
ko ang pagpisil ng kamay ni Alex sa aking kaliwang balikat. Hinawakan ko naman
ang kaniyang kamay bilang pasasalamat sa kaniyang pagsuporta.
“Sorry,
guys, kung pati kayo nadamay sa away namin. Lalo na ikaw, Bestie. Pasensiya ka
na.” paghingi ko ng paumanhin sa mga kaibigan ko.
Nahihiya
ako na pati sila ay nasisi sa problemang kinasasangkutan namin nina Caleb at
Baste. Alam kong wala sa kagustuhan nilang makagulo. Subalit kahit papaano,
masaya ako na andito ang matalik kong kaibigan para suportahan ako ngayon.
“Wala
‘yun, pre. Okay ka lang ba?” ani Nick.
“Oo
nga, Bestie. Huwag mo kaming alalahanin. Kung may maitutulong kami, magsabi ka
lang,” tugon naman ni Alex.
“I’m
okay, guys. Thank you!”
Tahimik
lang kami sa kotse habang binabagtas ang daan. Tanging ang kanta ni Olivia
Rodrigo mula sa radyo at ang babaeng boses mula sa Waze app ang aming
naririnig.
Nakita
kong may tatlong missed calls sa aking telepono mula sa kaibigan kong si Jack.
Hiwalay
na kami ni Caleb. Canceled na ang kasal namin, mensahe ko
kay Baste.
Did
everything go well?
sagot ng mahal ko.
Yes.
Okay naman,
pagsisinungaling ko.
GTG.
Anyway, I’ll see you later tonight. Dinner tayo nina Alex. I’ll let you know,
ok? Love you!
🥰, huli kong
mensahe sa kaniya.
Pagkaraan
ng ilang minuto ay narating na rin namin ang hotel na kanilang tutuluyan ng
ilang araw bago sila bumalik ng Pilipinas sa Sabado.
Love
you too and I miss you, Papi. Mag-iingat ka. 😘 basa ko sa reply niya bago kami bumaba ng aking
kotse.
Pagkatapos
mag check in at mailagay ang kanilang mga bagahe sa kanilang kuwarto ay
napagpasiyahan naming tumambay sa bar sa may lobby ng hotel na ito.
“Ano
na’ng balak mo ngayon, Bestie?” tanong ni Alex habang nakahilerang nakaupo sa
harapan ng bar habang may hawak na tig-iisang baso ng alcohol.
“I’ll
stick with the plan. Hiwalayan si Caleb at hindi ituloy ang kasal,” ani ko.
Inasahan
ko naman na hindi magiging madali ang magiging pakikipaghiwalay ko sa aking
fiancé pero hindi ko naman inakala na magiging ganitong kumplikado ang
sitwasyon.
“Ang
tanga-tanga ko! Bakit hindi ko agad na-realize na matagal na niya akong niloloko?
I should have read the signs,” paglalabas ko ng aking frustration.
“Bakit,
pre? May napapansin ka na ba dati pa?” pag-usisa ni Nick.
Kanina
ko pa iniisip sa biyahe papunta rito sa hotel kung may mga palatandaan ng
kaniyang pagtataksil sa akin simula ng maging kami.
“’Yung
isa sa mga lalaki na lumabas sa kuwarto namin kanina, nakasalubong ko na siya dati
sa hallway ng unit ko. Hindi ko naman inisip na sa amin pala siya nanggaling
noong time na ‘yun kahit alam kong hindi namin siya kapitbahay. Tapos, minsan,
umuwi si Caleb na may pula sa leeg niya. Sabi ko na nga ba tsikinini ‘yun eh.
Fuck!” pagbabalik tanaw ko sa mga naalala kong posibleng senyales ng kaniyang
pagtataksil.
“Huwag
mo ng sisihin ang sarili mo, pre. Ganiyan naman talaga kapag inlove eh. ‘Di ba
nga, sabi nila, love is blind. Kaya hayaan mo na ‘yun. At least, may reason ka
na ngayon para sabihin na dahil sa ginawa niya kaya hindi na matutuloy ang
kasal niyo,” payo ng nobyo ng matalik kong kaibigan.
May
punto naman siya pero hindi pa rin madaling tanggapin.
Potek!
Kaya ayaw ko dating makipagrelasyon eh dahil sa mga ganito. Ang daming
kumplikasyon. Walang kasiguraduhan. Lahat ay hindi nagtatagal.
“Bestie,
may naisip lang ako. Huwag kang magagalit ha. Since hiwalay na kayo ni Caleb, uhm,
sana naman mali ako pero naisip mo ba na baka si Caleb ang namba-blackmail kay
Sebastian?” tanong ni Alex.
Hindi
ko itinatanggi na minsan ng sumagi sa isipan ko ang sinabi niya. Base sa binanggit
ni Baste, ilan lang naman kasi ang kilala ko na parehong nasa buhay ko sa
Pilipinas at dito sa Amerika eh. Subalit dahil wala naman akong maisip dati na
dahilan para pagdudahan ang dati kong fiancé, mabilis ko initsapuwera ang
posibilidad na ito.
“’Di
ko alam. Pero after ng natuklasan ko kanina, I guess, anything is possible.”
Sana
naman mali ang hinala ni Alex dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag
nakumpirmang si Caleb nga ang namba-blackmail kay Baste.
Naubos
ko na ang aking inumin kaya nag order pa ako ulit sa bartender.
“Kaya
ikaw, Nick, ‘wag na ‘wag mong lolokohin itong bestfriend ko ha. Winawarningan
na kita ngayon pa lang. Kapag nalaman ko na niloloko mo itong tukmol na ito,
susugurin talaga kita kahit nasaan ka man,” babala ko sa artistang nobyo ng
kaibigan ko.
“Oo
naman, pre! Honest and loyal yata ako. Hindi ba, Poji?” sagot niya tapos inakbayan
niya ang kaniyang syota.
Sana
nga hindi matulad sa amin ni Caleb ang relasyon nilang dalawa. Sa dinami-daming
lalaki na nakarelasyon ni Alex, ngayon ko lang siya nakita na lubusang masaya. Sana
magtagal ang kanilang pagsasama.
“Bestie,
about sa kasal niyo. Paano nga pala ‘yun? Kung sigurado na kayong canceled na talaga
ang wedding niyo, hindi ba dapat sinisimulan niyo ng sabihan ang mga invited
niyo, pati na rin yung sa venue at sa magkakasal sa inyo?” pag-usisa ng aking
kaibigan.
Potek!
Oo nga pala. Dapat asikasuhin na namin ‘yun. Pero saan at kanino ako
mag-uumpisa?
Habang
tuliro ang aking isipan tungkol sa binanggit ni Alex, bigla namang nag ring ang
aking telepono. Nakita kong tumatawag ang nanay ni Caleb.
“Hello
po, Tita,” magalang kong bati.
“Theo,
sorry to bother you. Is Caleb with you?” tanong niya sa akin.
“Hindi
po, Tita, eh. Hindi po kami magkasama ngayon.”
“Ah,
ganoon ba? Kanina ko pa kasi tinatawagan ang batang iyon pero hindi sumasagot.
Dumidiretso lang sa kaniyang voicemail. Itatanong ko lang sana kung susunduin
pa ba niya kami rito sa airport ngayon o magta-taxi na lang kami ng tito mo,”
sabi ng kausap ko.
Fuck!
Ngayong araw na ito nga pala ang dating nila.
Naalala
ko na ganoon din ang sitwasyon ko kanina. Hindi rin sinasagot ng anak nila ang
aking mga tawag. Naalala ko rin ang sinabi ni Caleb kanina na hindi gumagana
ang telepono niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi namin siya ma
contact.
“Uhm…
Nasira po kasi ang cellphone niya. Ako na lang po ang susundo sa inyo. Text
niyo na lang po sa akin kung saan ko kayo i-meet,” sabi ko sa magiging biyenan
ko sana.
Kahit
kasi hiwalay na kami ng anak nila, ayaw ko naman idamay ang mga magulang niya.
Naging maayos naman kasi ang pakikitungo nila sa akin lalo na noong bata pa
kami ng anak nila.
“Sure
ka ba, Theo? Anyway, salamat ha. Mag-ingat ka sa biyahe and we’ll see you
later,” huli niyang sabi bago naputol ang aming tawag.
Ininom
ko na ang natitirang alak na laman ng aking baso at nagpaalam sa aking mga
kaibigan. Mamaya ko na lang ulit sila kikitain.
Pagkatapos
ng halos kalahating oras ay narating ko na ang Miami International Airport kung
saan naroroon ang mga magulang ni Caleb.
“Thank
you, Theo. Is Caleb okay?” tanong ni Tito pagkatapos naming pumasok sa aking
kotse.
“Opo,
Tito. May inaasikaso lang siya,” pagsisinungaling ko.
“Dad
na lang at Mom na lang ang itawag mo sa amin. Tutal naman, ilang araw na lang
at magiging official na parte ka na ng family namin,” tugon niya.
“Ready
na ba kayo sa kasal niyo? I hope you boys are not having second thoughts about
it huh. Anyway, do you need anything else?” pag-usisa ni Tita na nakaupo sa
backseat.
“Okay
na po ang lahat,” matipid kong sagot.
Hindi
ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal na
ipinunta nila rito. Siguro hahayaan ko na lang na si Caleb ang magsabi sa
kanila.
“Kumusta
po ang flight niyo?” pag-iba ko ng usapan.
“Medyo
turbulent pero okay naman. Masakit lang sa ulo kasi ‘yung baby sa likod namin na
iyak ng iyak. Kawawang baby. First time yatang sumakay ng eroplano. Anyway,
speaking of baby, napag-usapan niyo na ba ni Caleb kung kailan niyo balak magka
baby?” salaysay ni Tito.
“Wala
pa po sa plano namin ‘yun, Tito, I mean Dad.”
“Don’t
wait too long. Alam mo namang tumantanda na kami. We would love to have more
grandchildren. They make us feel younger.”
Potek!
Iniiba ko na nga ang topic pero bumabalik pa rin amin ng anak nila.
“Sige
po. Nagugutom po ba kayo? Gusto niyo po bang kumain muna?” pag-iba ko ulit ng
direksiyon ng aming usapan.
“Mamaya
na lang siguro pero thank you. Nag meryenda kami kanina sa airport bago ang
flight namin eh. If you don’t mind, Theo, puwede bang dumiretso muna tayo sa
hotel namin. Gusto sana muna namin magpahinga,” pakiusap ng katabi ko.
“Akala
ko po sa condo kayo mag stay.”
“Hindi
ba nasabi sa ‘yo ni Caleb? Mag hotel na lang kami para magkakasama kami nina
Ate Carmen, pati na rin ng kuya at ate mo. Bukas pa ang dating nila rito,”
sagot niya.
Well,
obviously, hindi ako na-informed ng anak nila.
Okay
na rin ‘yun para hindi nila mapansin ang totoong estado ng relasyon namin ni
Caleb. Isa pa, nakakahiyang makita nila ang estado ng aking condo kung ganun pa
rin iyon kagaya ng nadatnan ko kanina.
Ganoon
na nga ang aming ginawa. Inihatid ko sila sa hotel na kanilang tutuluyan.
Malapit lang naman ito sa condo ko. Tinulungan ko na rin silang dalhin ang
kanilang mga bagahe papunta sa kanilang kuwarto at pagkatapos ay napagkasunduan
naming magkita ulit mamaya for dinner.
Iniisip
ko pa lang kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na hiwalay na
kami ng anak nila, sumasakit na ang ulo ko. Nahihiya ako sa kanila sa
pagsisinungaling ko.
Ayaw
ko mang gawin pero kailangan kong makausap o makita ulit si Caleb para ipaalam
sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga magulang.
Sinubukan
ko ulit siyang tawagan pero dumidiretso pa rin ito sa kaniyang voicemail. Itinext at nag-DM na rin ako sa kaniya
sakaling buksan niya ang kaniyang laptop.
Pagkatapos
ng ilang minutong paghihintay, napag desisyunan kong bumalik sa aking condo
para sabihan siya ng personal.
Gaya
kanina, sinalubong ako ni Bangky ng buksan ko ang pinto ng aking condo. Wala na
ang mga lalaking nakahiga kanina sa sala pero nananatili ang mga naiwang kalat
sa kapaligiran.
“Caleb!”
pagtawag ko sa lalaking aking pinuntahan dito.
Walang
sumagot o nagpakita sa akin. Isa-isa kong pinuntahan ang mga kuwarto at ang
balkonahe pero hindi ko siya natagpuan. Tanging ako lang naririto ngayon.
Sandali
akong tumambay sa balcony at uminom ng natitirang chardonnay. Inubos pala nina
Caleb ang lahat ng alak sa aking bar, kabilang na ang mga alak na galing sa
Pilipinas na iniregalo sa akin nina Alex at Nick noong Pasko.
Ang
dami ng nangyari ngayong araw na ito. Pakiramdam ko, nawala na agad ang
pagiging relaxed ng katawan ko mula sa cruise na aming pinuntahan dahil sa stress
na dulot ng lahat ng naganap simula kaninag umaga.
Kasalukuyan
kong inilalagay isa-isa ang mga natirang kalat sa isang malaking plastic bag ng
marinig kong bumakas ang pintuan at narinig ko ang malakas na tawanan ng mga
bagong dating. Mukhang nagulat pa sila ng makita ako rito.
Potek!
Condo ko ito tapos sila pa ang magugulat na naririto ako.
“Finally!
You’re back!” sabi ko sa kanila.
“You
missed me already, babe?” tugon ni Caleb.
Automatic
na umikot ang aking mga mata sa aking narinig.
Ipinatong
niya ang isang Apple bag sa ibabaw ng kitchen counter at umupo sa harap nito.
“Your
parents came. Inihatid ko na sila sa hotel nila. We’re meeting them in an hour
for dinner. And please take those trash bags out to the chute,” sunud-sunod
kong sabi sa kaniya habang abala siya sa pagkalikot sa bago niyang telepono.
“Ako
na ang maglalabas,” alok ni Bryan.
Pagkatapos
kong iligpit ang mga kalat, nagtungo na ako sa banyo sa aking kuwarto para
maglinis ng katawan at maghanda para sa aming dinner.
Hiwalay
kaming umalis ni Caleb ng condo. Siya na ang susund sa kaniyang mga magulang tapos
sinabi kong kikitain ko na lang sila mamaya sa restaurant kung saan kami kakain
ngayong gabi.
“Love
you, Papi. Sorry kung hindi ako makakasama sa dinner ninyo mamaya. But I
promise, I’ll see you after,” sabi ko kay Baste ng ihatid ko siya kina Alex.
I
swear! Mas gugustuhin kong sila ang makasama ko ngayong gabi subalit dahil sa
aking sitwasyon, kailangan ko pang magpanggap na okay ang lahat sa amin ni
Caleb sa harapan ng kaniyang mga magulang. Kailangan pa naming kumuha ng tamang
tiyempo para sabihin sa kanila ang tungkol sa aming nakanselang kasal.
Naging
maayos naman ang aming hapunan. Mahirap ang naging pagpapanggap pero nakayanan
at nalampasan naman.
Pagkatapos
kumain, niyaya ni Caleb sina Tito at Tita sa aming condo na hindi naman nila hinindian.
Wala tuloy akong choice kung hindi samahan din sila sa aking bahay. Buti na
lang at nalinis ko ito kanina.
“Sabihin
mo na sa kanila na canceled na ang kasal natin dahil kung hindi, ako ang
magsasabi sa kanila,” sabi ko kay Caleb pagkarating namin sa aming condo.
“Sigurado
ka na ba talaga, babe, na ayaw mo na akong pakasalan?”
“Please
stop calling me ‘babe’. Our relationship is over, and our wedding is definitely
canceled,” mariin kong sabi sa aking kaharap.
“Okay.
If you say so. I’ll tell them later pagkahatid ko sa kanila sa hotel nila,”
sagot niya.
“You
better be.”
Binigyan
ko sila ng mabilis na tour sa aking condo. Pagkatapos nito ay nanatili kami sa
sala.
“Theo,
may tanong ako. Iniinom ba ni Caleb ang mga gamot niya?” tanong sa aking ni
Tito nang magbanyo ang kaniyang anak.
“Opo,
Tito,” tugon ko kahit hindi ako sigurado.
Iniinom
nga ba niya ang mga gamot niya?
“Bakit
niyo po naitanong?” pahabol ko.
“Wala
naman. May iba lang kasi sa kaniya ngayon. Pero ‘wag mo ng intindihin ‘yung
tinanong ko. Ang importante ay tuluy-tuloy ang pag-inom niya ng mga gamot
niya,” salaysay niya.
Pagkaraan
ng ilang minuto ay narinig kong tumunog ang aking telepono. Kita kong tumatawag
ang kaibigan kong pulis sa Pilipinas. Nakabalik na rin si Caleb dito sa sala.
“Hello,
pre!” bungad ko ng sagutin ang kaniyang tawag.
“Sa
wakas! Sumagot ka rin!” sagot niya sa akin.
“Pre, pasensiya ka na kung hindi ko
nasagot ang mga tawag mo. Kakagaling lang kasi namin ni Alex mag-cruise eh.
Kumusta?" bungad ko kay Jack.
"Sana
all nakakapag cruise, pre. Sana all talaga. Anyway, okay lang naman ako, pre.
Hindi ko lang alam kung magiging okay ka kapag narinig mo ang sasabihin ko sa
'yo."
Kinabahan
naman ako sa aking narinig. Minsan ko lang makausap ang kaibigan kong pulis na
ito eh.
"Saglit
lang, pre."
Nag
excuse ako kina Caleb at lumabas muna ako sa balcony.
"Sorry,
pre. Ano nga 'yung sasabihin mo?"
"Uhmm...
Didiretsuhin na kita, pre, ha. Nakarating kasi sa kaalaman ko na may kumakalat ka
palang sex video online. Alam mo ba 'yun?" tanong niya sa akin.
Ito
na siguro ang video na binanggit ni Baste na ipo-post sa internet ng kung sino
mang namba-blackmail sa kaniya.
"Hindi
ko alam, pre," pagsisinungaling ko habang nakatanaw sa karagatan sa
kalayuan.
"Ganun
ba? 'Wag kang mag-alala. Pinaimbestigahan ko na at sa tulong ng kakilala ko,
medyo may kaunting information na kami ng posibleng source noon. May kaaway ka
ba ngayon na puwedeng may masamang motibo laban sa 'yo para ipakalat ang video mong
'yun?"
"Wala
naman akong kaaway, pre. Anyway, anong klaseng information ang nakuha ng
kaibigan mo? Nalaman niyo ba kung sino ang nag post ng video?"
"Oo
and hindi. Base sa ginawang pagte-trace ng kaibigan ko sa mga IP address at
kung anu-ano pa, nalaman niya na ang location sa Miami, Florida kung saan
pinost yung video. Ang nakakagulat lang, pre, ikaw pala ang nakatira
doon."
What
the fuck? Imposibleng ako ang nag post ng video na 'yun. Hindi kaya? Napaikot
ako sa aking kinatatayuan at napatingin ako sa mga tao na nasa loob ng aking
condo.
“Pero
sa pag-iimbestiga pa namin, lumabas din ang pangalang Caleb Nathaniel Ramos. Hindi
mo sinasabi na may boyfriend ka na pala ulit, pre?” pagpapatuloy niya.
“Ex-boyfriend,”
mahina kong bigkas habang nakatingin sa lalaking tinutukoy niya.
Hindi
ko balak itama ang label namin pero bigla na lang ito lumabas sa aking bibig.
“Ah,
ganoon ba. Maayos ba ang paghihiwalay niyo ng ex mo?”
“Sa
totoo lang, hindi. Uhm, pero kanina lang kami nag break, pre. Kailan ba in-upload
ang video?” pag-usisa ko.
“Noong
Sabado, January one” sagot niya. “Kelan ba nag-umpisa ang cruise niyo?”
“December
thirty-one.”
“Kasama
niyo ba ‘yung si Caleb Ramos sa cruise?” follow-up niyang tanong.
“Hindi
namin siya kasama.”
“Hindi
ito kumpirmado, pre, pero ang suspetiya ko ay ang ex mo ang nag upload sa
internet ng video mo. Unless may iba pang nasa bahay mo noong December
thirty-one,” paniniwala ng kausap ko.
“Saglit
lang, bunso, malapit na ‘to,” dinig kong sabi ni Jack.
“Anong
sabi mo, pre?” paglilinaw ko.
“Ah,
sorry, pre. Tinatawag kasi ako ng bayaw ko. Anyway, mauna na ko. Tumawag lang
ako para ma-inform kita ng natuklasan namin. Kung may tanong o may kailangan
ka, tawagan mo lang ako.”
“Salamat,
pre.”
“Ay,
teka, pre! Puwede mo bang i-send sa akin ‘yung link ng website kung saan ko
puwede mapanood ‘yung video na sinasabi mo?” pahabol ko.
“Sige,
pre. Ite-text ko na lang sa ‘yo. Mag-iingat ka, pre, ha lalo na sa ex mo. Haha!
At ikumusta mo na lang ako kay Alex. Bye, pre!” pagtatapos ng kausap ko.
Pagkatapos
ng ilang segundo ay natanggap ko agad ang ipinadalang link ni Jack. Mabilis ko
itong pinindot at pinanood ang sex video na kaniyang sinabi.
Kapareho
ito ng ipinanood sa akin ni Baste kahapon. At least may 100% approval rating
ito base sa labindalawang votes.
Ilang
beses kong pinindot ang pause button sa ilang eksena para tingnan ang itsura ng
lalaking ka-sex ko sa video pero hindi talaga ito makita mula sa anggulo ng
kamera. Pilit ko ring inisip ang mukha niya pero hindi ko talaga iyon maalala.
Pagkatapos
muling panooring ang video, napaisip ako. Kung si Caleb nga ang nag-upload nito
sa internet at ito ang isa sa mga ipinapanakot ng blackmailer ni Baste sa
kaniya, ibig sabihin tama ang suspetiya nina Jack at Alex.
I
guess there’s only one way to find out.
“Can’t
I talk to you for a second?” tanong ko kay Caleb pagbalik ko sa sala. “In
private.”
Sumunod
siya sa akin papunta sa kuwarto. Isinarado ko ang pintuan.
“Didiretsuhin
na kita. Nakarating sa akin na may sex video ako online at dito sa address
natin in-upload ‘yung video noong Sabado. May kinalaman ka ba rito?” direkta kong
tanong sa lalaking pinaghihinalaan ng mga kaibigan ko.
“Babe,
I don’t know what you’re talking about,” mabilis niyang sagot habang nakatingin
sa sliding door papunta sa balcony. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso sa
harapan ng kaniyang dibdib.
Ramdam
kong may itinatago ang kausap ko.
“Stop
the bullshit, Caleb! I know you’re lying! Dalawa lang tayong nakatira dito kaya
ikaw lang ang puwedeng mag upload noon. So I’ll ask you one more time and tell
me the fucking truth! Ikaw ba ang nag upload ng video ko online?” hindi ko na
napigilang tumaas ang aking boses. Ubos na ang pasensiya ko sa taong ito.
“’Wag
kang sumigaw, babe. Baka marinig ka ng mga magulang ko.”
“Sinabi
ng ‘wag mo akong tawaging ‘babe’ eh!” Hindi ko sinunod ang kaniyang pakiusap. “Kapag
hindi ka pa umamin, ako na mismo ang magsasabi sa kanila ng totoo tungkol sa
mga pinaggagagawa mo!” panakot ko sa kaniya.
“Okay
fine! Sasabihin ko na sa ‘yo. It really wasn’t me. It was Bryan. Siya ang nag
upload ng video niyong dalawa?” pag amin niya.
“Naming
dalawa? Anong ibig mong sabihin?” nagtataka kong tanong.
“Siya
ang ka-sex mo sa video. Don’t you remember?” pagtatapat niya na may bahagyang
ngiti sa kaniyang mga labi.
What
the fuck?
Kaya pala familiar ang itsura niya sa akin all this time dahil isa pala siya sa
mga one-night stand ko sa Pilipinas.
Naguguluhan
ako sa aking narinig. Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan.
“Bakit
naman niya ipinost iyon online? At bakit hindi mo man lang siya pinigilan?”
“It’s
simple. Dahil sa ex mo.” Nag-iba ang mukha niya ng sabihin niya ito.
Sandali
akong natahimik ng banggitin niya si Baste. Madali ko naman napagtanto ang
kaniyang tinutukoy.
“So
ikaw ang namba-blackmail kay Baste!” malakas kong banggit ng aking realization.
“I
thought you’ll never realize, babe!” Mukhang natutuwa siya sa nangyayari.
“So
totoo nga.”
Kumuyom
ang aking mga kamao. Pakiramdam ko ay tumaas ang dugo ko. Malalim ang aking
pagbuntong hininga. Hindi man niya diretsahang inamin pero kinumpirma na rin ng
sagot niya ang aming hinala.
Lumakad
ako palapit sa kaniya at marahas ko siyang itinulak sa pader na malapit sa
kaniya. Hindi ako bayolenteng tao pero hindi ko napigilan ang sarili kong gawin
sa kaniya ito.
“Putangina
mo! Bakit mo nagawa sa amin ito?” pasigaw kong tanong sa kaniya habang
sinasakal ng isa kong kamay ang kaniyang leeg.
Wala
na akong pakialam kung marinig ng kaniyang mga magulang ang aming pagtatalo.
“Hindi
mo ba nakikita? Ginawa ko lahat ito dahil mahal kita. I just want us to be
happy,” tugon niya kahit nahihirapan siya sa paghinga.
“Happy?
You made my life miserable! Kung totoong mahal mo ako, hindi mo gagawin sa akin
ito! You’re a fucking selfish, insane and pathetic motherfucker!” pag insult ko
sa kaniya. Mas hinigpitan ko ang pagpisil ng aking palad sa palibot ng kaniyang
leeg.
“Babe…
Stop… Babe…” pakiusap niya.
“Tangina!
Sinabi ng ‘wag mo akong tawaging ‘babe’ eh!” pag-ulit ko.
“FUCK!”
malakas kong sigaw ng alisin ko ang aking kamay sa kaniyang leeg bago ko pa
tuluyang pigilan ang kaniyang paghinga.
Naging
mabilis ang kaniyang paghinga para mabawi ang hangin na aking pinigilang
makapasok sa kaniyang baga. Pinagmasdan ko siya habang hawak-hawak niya ang
kaniyang leeg.
“Ito
na ang huli beses kong sasabihin ito sa ‘yo. Itigil mo na ang kagaguhan mo at
layuan mo na kami! Get the fuck out of our lives!”
“Okay,
babe. Sabihin mo sa ex mo na malaya na siya. Hindi ko na siya pakikialamanan.
Pero this I tell you. Kapag hindi mo itinuloy ang kasal natin sa Huwebes, lahat
ng sinabi ko sa ex mo ay gagawin ko at higit pa doon. Pati ang sikreto ng iba
mong mga kaibigan ay ilalabas ko rin!”
“Nakakaawa
ka! Pero hindi na gagana ang pananakot mo sa akin. Ako na ang makakalaban mo
kapag itinuloy mo pa ang mga kagaguhan mo. Tandaan mo ‘yan!” babala ko sa
kaniya.
Naglakad
na ako papunta sa pintuan.
“Caleb,
it’s not too late for you. Humanap ka na ng iba mong mamahalin at pakakasalan
dahil katulad ng sinabi ko sa ‘yo kanina, tapos na sa atin ang lahat. Please
pack all your things and leave my condo. Alang-alang sa mga pinagsamahan natin,
please stay away from us,” huli kong sabi bago ko pinihit ang seradura ng
pintuan at iniwan si Caleb.
Nakita
kong nakatingin ang kaniyang mga magulang sa akin pagdating ko sa sala.
“I’m
sorry po, Tito, Tita. I need to go. Have a good night po,” magalang kong paalam
sa kanila.
Katulad
kanina, I need a change of environment. Kailangan ko munang umalis sa aking
condo.
Mabilis
kong tinungo ang aking kotse na nakaparada sa parking garage.
“Saan
kayo?” tanong ko kay Baste ng tawagan ko siya sa telepono.
“Dito
sa restaurant malapit sa hotel nina Alex.”
“Okay.
I’m on my way there,” sabi ko sa kaniya.
“Are
you okay, Papi?” pag-usisa niya.
“Of
course. Anyway, I’ll see you in a little bit. I love you.”
“I
love you too, Papi.”
Pagkaraan
ng ilang minuto ay narating ko na ang kanilang lokasyon.
“Hey
guys!” bati ko sa magnobyo.
Umupo
ako sa bakanteng upuan sa tapat nila.
“Bestie!”
balik na bati sa akin ni Alex.
“Tapos
na kayo kumain?”
“Oo.
Hinihintay na lang namin ang bill. Ikaw, kumusta ang dinner mo kasama ng ex at
ex in-laws mo?”
“Well,
dinner was good. After-dinner was a different story,” sagot ko.
“Bakit?
Anong nangyari?” pag-usisa ni Alex.
“Where’s
Baste?”
“Ah!
Nag C.R. lang, pre. ‘Wag kang mag-alala. Babalik din agad ang papi mo,” ani
Nick.
“’Wag
niyo muna ito sasabihin sa kaniya pero alam ko na kung sino ang namba-blackmail
sa kaniya.”
“What?
Sino?” mabilis na tanong ni Alex.
“It’s…
Caleb,” pag-amin ko.
“I
knew it! Shit!” sambit ni Alex na para bang nasagutan niya ang one-million
question sa isang game show. Nakabukas ang kaniyang bibig at tinatakpan niya
ito ng kaniyang kanang kamay.
Kita
ko naman sa mukha ni Nick ang pagkagulat.
“Paano
mo na-confirm, Bestie?”
Ikinuwento
ko na sa kanilang dalawa ang nangyari sa aking condo kani-kanina lang.
“That
motherfucker!” sabi ni Nick pagkatapos marinig ang isinalaysay ko sa kanila.
“Ano
na’ng balak mong gawin ngayon? Paano kung ituloy niya ang mga sinabi niya?” sunud-sunod
na tanong ni Alex.
“Hindi
ko pa alam. Pero subukan lang niyang gawin ang mga iyon, ako ang makakalaban
niya,” sagot ko bago ako ininom ang straight up martini na dinala ng aming
server kanina habang ako’y nagkukuwento.
“Mahirap
‘yang sitwasyon mo, pre. Paano kung hindi siya umalis sa condo mo? Kailangang
pag-isipan mong mabuti ang next move mo lalo pa’t alam na natin ngayon na hindi
mapagkakatiwalaan ang hayop na Caleb na ‘yun,” tagubilin ni Nick.
Napaisip
ako sa kaniyang sinabi. Tama nga siya. Hindi ako dapat maging kumportable at
kailangan kong maging handa para masiguradong matigil na ang pananakot ng dati
kong nobyo at para maprotektahan ang mga taong mahal ko.
“Teka,
akala ko ba nag banyo lang si Baste. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya
bumabalik dito?”
Lampas
labinlimang minuto na akong nakaupo rito pero hindi ko pa rin nakikita ang
boyfriend ko. Masyado akong nadala sa pagsalaysay ng nangyari sa pagitan namin
ni Caleb.
“Hmm.
Oo nga noh?! Puntahan ko muna siya sa banyo,” sabi ni Alex bago niya kami
iniwan ni Nick.
“Delikado
ang sitwasyon mo, pre. Hindi natin alam kung ano pa ang puwedeng gawin nung si
Caleb. Basta kung may kailangan ka, magsabi ka lang.”
“Salamat,
pre.”
Pagkatapos
ng ilang minuto ay bumalik na si Alex sa aming puwesto.
“’Di
ko alam kung saan nagpunta si Sebastian. Wala siya sa banyo.”
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment