Saturday, August 6, 2022

CHAPTER 48

 

LOVE AND BETRAYAL





Hindi ko inaasahan na ito ang bubungad sa amin dito sa aking tirahan.

Simula noong hindi sinasagot ni Caleb ang aking mga tawag at mensahe, hanggang sa biyahe kanina pauwi ng bahay galing sa port, sari-saring mga haka-haka ang pumasok sa aking isipan. Subalit ni isa man sa mga iyon ay ang eksenang ito.

Napalingon ako kina Alex at Nick na nasa aking likuran at nakitang nakapako ang kanilang mga mata sa mga lalaki na nasa sala. Nabasa ko sa kanilang mukha ang kaparehong reaksiyon na magkahalong pagkagulat at pagtataka.

"Mukhang na-late tayo sa party, pre, ah,” pagbibiro ni Nick.

"Sshhh!” pagsuway sa kaniya ng kaniyang nobyo habang pinandilatan siya nito ng mata.

Bitbit ang alaga kong pusa, inihakbang ko ang aking mga paa at nilapitan ko ang eksenang nadatnan namin.

Saturday, July 16, 2022

CHAPTER 47

 




LOVE AND DECISIONS





Tila bumagal ang paggalaw ng orasan nang lumapat ang mga labi ni Sebastian sa akin ng hindi ko inaasahan. Tulad ng mga nangyayari na eksena sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, nai-imagine ko na para bang nagdilim ang aming kapaligiran at may maliwanag na spotlight na nakatutok sa aming dalawa upang bigyang diin ang muling pagdidikit ng aming mga labi. Pakiramdam ko ay dinala kami ng matamis na halik ni Sebastian sa isang lugar kung saan kaming dalawa lang ang naroroon.

Tila nabuhay ang mga paru-paro sa aking tiyan at gustung-gusto nilang makawala ngayong nararamdaman ko ang init ng kaniyang halik. Hindi naman bago sa akin ang ganitong eksena pero iba ang epektong ibinibigay sa aking katawan ng muling pagdikit ng kaniyang malalambot na labi. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa isang pangyayari sa akin noong nasa second year high school pa ako. Iyon 'yung time na unang beses kong nakahalikan ang lalaking ka-schoolmate ko na sobrang crush na crush ko habang nakaupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno ng acacia at hinihintay ang pagdating ng aking sundo. Tulad noong sandaling iyon, magkahalong kaba at saya ang sabay kong nararamdaman ngayon.

Tila sasabog ang aking dibdib sa bilis ng pagtibok ng aking puso dahil sa kakaibang kuryenteng dulot ng pagdikit ng hubo't hubad na katawan ni Sebastian sa akin. Ang aking puso ko na akala ko ay nakalaan na sa iisang tao na nakatakda kong pakasalan ilang araw mula ngayon. Subalit ngayon, dahil sa lalaking ito na nakatayo sa aking harapan na kasalakuyan akong hinahalikan, itong aking puso ay labis na naguguluhan at nagiging salawahan. Pilit pa rin nitong itinatanggi ang nagising na pag-ibig na ngayo'y muli kong nararamdaman kay Sebastian. Pag-ibig na akala ko ay matagal nang naglaho sa aking puso at isipan.

Isang maling akala.

Sunday, February 6, 2022

CHAPTER 46

 


LOVE AND SACRIFICE



THEO

Tila nawala ang tama ng alcohol sa aking katawan pagkatapos marinig ang kaniyang kuwento. Hindi ko inakala na ganoon kalalim ang problema niya sa kaniyang mga magulang. Hindi ko rin inakala na bukod sa kaniyang mga maleta, may iba pa siyang dinadala noong inihatid ko siya sa airport.

"So, back to my question. Why did you leave me without saying goodbye? At saka, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon sa email at sa sinabi sa 'yo ni Eric?" tanong ko sa lalaking katabi ko.

Andito pa rin kami sa bandang harapan ng pinaka itaas na palapag nitong barko. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng chaise lounge chair na nasa aking kanan habang nakaharap sa akin.

"Inisip ko kasi noon na kung sasabihin ko sa ‘yo ang sinabi sa akin ni Eric sa labas ng club ni Alex, alam kong hindi ka papayag na wala kang gagawin tungkol doon, which is what I was trying to prevent. I didn’t want you to do something na eventually ay ikakapahamak mo at ng Daddy mo. Tulad ng sinabi ko sa ‘yo, ayaw ko ng maulit ang nangyari kay Lola kahit kanino sa inyo. That’s why I decided not to tell you about it. I decided to take it upon myself and protect all of you at all costs.

"Believe me. Wala akong intensiyon na iwan ka at hindi ka na balikan. Plano ko, gagamitin ko lang si Eric para maiayos ang sitwasyon. Noong una, akala ko, I had it under control. Unfortunately, I was wrong," sagot ni Sebastian. Medyo humina ang kaniyang boses ng sabihin niya ang huling pangungusap.

"Why? What do you mean? Ano'ng nangyari?" follow-up kong tanong sa kaniya.

Monday, January 24, 2022

CHAPTER 45

 


LOVE AND KARMA


BASTE


"B
as, kumusta ka na?" bungad na bati sa akin ng isang pamilyar na boses ng sagutin ko ang kaniyang tawag. Kakaparada ko pa lang ng aking kotse.

Tiningnan ko pa ang aking telepono para kumpirmahin kung sino ang aking kausap. Numero lang niya ang nakasulat dito pero siguradung-sigurado ako kung sino ito. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali. Isang tao lang ang tumawag sa akin ng "Bas", ang aking ex na si Eric.

"Paano mo nakuha ang number ko?" Hindi ko na dapat ito itinatanong. Dahil sa posisyon niya sa gobyerno, madali lang sa kaniya ang makakuha ng impormasyon na kailangan niya.

"I miss you, Bas."

Hindi ako sumagot. Iniisip kong putulin na ang tawag na ito.

"Puwede ba tayong magkita at mag-usap?" dagdag niya.

"Wala na tayong kailangang pag-usapan. Pakiusap lang, huwag mo na akong tawagan." Pinindot ko na ang 'End Call' button. Umagang-umaga, sira na kaagad ang araw ko.