QUESTIONS AND ANSWERS
Baste: Mag-take off na kami papi. Last chance na talaga. Are you sure you're letting me go?
Me: Papi, sandali lang naman ito. I'll see you in two weeks.
Baste: Ok. Goodbye, papi. I love you so much.
Me: I'll talk to you later. I love you too. ❤
Ito ang huling palitan namin ng text messages ni Baste na paulit ulit kong binabasa ngayon. Kanina ko pa hinihintay ang tawag o mensahe niya. A la una trienta y tres na kasi ngayon kaya base kasi sa tracker ng flight nila ng Dad niya, nasa Incheon International Airport na dapat sila. Kanina pa kasi nag-land sa Seoul, South Korea ang eroplano na sinakyan nila since doon ang connecting flight nila bago sila tuluyang magtungo ng Amerika. Ilang beses ko na rin siya sinubukang tawagan pero di siya sumasagot. Ring lang ng ring ang kanyang telepono. Pati ang mga messages ko ay wala ring siyang reply.