Sunday, January 24, 2021

TOTDGA - CHAPTER 24


PROMISES 


Potek! Asan na nga ba ang boyfriend ko? Sabi niya may kukunin lang siya sa aking kotse pero lampas bente minutos na ang dumaan at di pa bumabalik sa aming booth ang aking nobyo. Iniwan ko muna ang aking mga kaibigan at pinuntahan sa labas ng bar ang aking nobyo. 

Nagulat ako sa aking nakita. 

Mula sa kinatatayuan ko sa entrance ng club, kitang kita ko na nakayakap si Eric sa aking boyfriend. Paano nangyari ito? Akala ko ba kinasusuklaman niya ito pero bakit nakayakap ito sa kanya ngayon?

Nanatili lang ako sa aking puwesto at pinanood sila. Mukhang nagpaalam na ang ex ni Baste pagkahiwalay ng kanilang mga katawan. Pumasok na kasi ito sa kotse niya at umalis. Actually, dumaan pa ang kotse nito sa aking harapan at ang kapal lang ng mukha niyang kindatan pa ako. Di ko napigilang bigyan siya ng aking middle finger. 

Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking nobyo na ngayon ay pinagsisisipa ang gulong ng aking kotse. Potek! Balak pa yata niyang sirain ang kotse ko. Saka lang niya ako napansin ng itigil niya ang kanyang ginagawa at inikot ang kanyang katawan. All this time kasi ay nakatalikod siya sa aking direksyon. 

"May problema ba?" Bungad ko na tanong sa kanya ng lumapit siya sa akin. 

"How long have you been standing there?" Balik niyang tanong sa akin. 

"Long enough para makita ang ginagawa niyo ng ex mo dito sa parking lot ng club ng bestfriend ko." Sarkastiko kong sagot sa kanya. 

"It's not what you think."

"Sige, sabihin mo sa akin. Ano dapat na isipin ko?" 

"Nag-usap lang kami. Bigla lang siyang sumulpot tapos may ipinakita siya sa akin tapos ayun, umalis na siya. Yun lang." Paliwanag niya. 

"Ano ipinakita niya sa yo? Yung supot at kulubot niyang burat? Yun ba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. 

"Hindi! Ano ka ba? Wag mo na intindihin yun. Trust me papi, please?" Pakiusap niya. 

"I trust you Baste at alam mo yun! Kaya sana lang huwag mong sirain ang pagtitiwala na iyon." Seryoso kong sabi sa kanya. "Anyway, bumalik na tayo sa loob. Hinahanap ka na nila. Sa bahay na natin ituloy ang usapang ito."

Ayokong nakakita ng mga mag jowang nag-aaway in public. Nahihiya ako. Kaya naman tinapos ko na ang pagtatalo namin bago pa kami mapansin ng ibang tao. Nauna na akong pumasok sa club at bumalik sa aming booth. 

"Nasaan jowa mo?" Pag-usisa ni Bestie.

"Pabalik na. Kumusta na ang mukha mo?" Balik ko sa kanya. 

"Eto, guwapo pa rin."

"Lasing ka na! Umuwi ka na. Umuwi na kaya tayong lahat. Ikaw, wala ka bang pasok bukas?" Pagbaling ko kay Alex. Sa totoo lang, wala na ako sa mood magsaya. 

"Off ako. Okay ka lang ba? Bakit mukhang iritable ka?" Tanong sa akin ni Alex.

"O--" Di ko natapos ang aking pagsagot dahil sa pagputol ni Bestie.

"Sebastian, are you okay? Anong nangyari sa kamay mo?" Pag-usisa ni Alex sa kababalik ko lang na boyfriend. Lahat kami ay napatingin sa kanyang kanang kamao. Puno ito ng galos at dugo. Potek! Wala naman iyon kanina nung magkausap kami ah! Saan at paano niya nakuha ito?

"Ah wala ito. Nagasgas lang sa kotse. May tinulungan kasi ako sa labas." Pagsisinungaling niya sa harap ng aking mga matalik na kaibigan. 

"Okay na ang guwapo mong mukha mo di ba? Pahiram nito." Kinuha kong bigla ang ice bag na hawak ni Alex at hindi ko na hinintay sumagot ito. Ipinatong na lang ang supot ng yelo sa ibabaw ng kamay ni Baste.

"What's with tonight? Boxing Day ba ngayon? Hindi ba sa December pa yun sa ibang bansa?" Pagbibiro ni Alex. Obvious na di niya pinaniwalaan ang alibi ng aking nobyo. 

Inubos na namin ang dalawang natitirang bote ng alak na nasa aming harapan. Pagkatapos nito ay nagkayayaan na kaming umuwi. 

Kaya ko pa namang magmaneho kaya kahit medyo maraming nainom, iniuwi ko na si Baste sa kanyang condo gamit ang aking kotse. Lasing na lasing kasi ito. Pagdating sa kanilang building ay tinulungan pa ako ng security guard sa pagdala sa kanya papunta sa elevator.

Wala na siya sa sariling niya ng maglakad ito habang inaalalayan ko palabas ng elevator papunta sa kanyang condo unit. Di na siya sumasagot ng maayos kahit ilang beses ko itinanong kung nasaan ang susi niya. Kinailangan ko pa siyang kapkapan at kunin sa bulsa ng kanyang pantalon ang susi dahil kung hindi, baka dito kami sa labas ng unit niya matulog. 

Idinirestso ko na siya sa kanyang kuwarto at dahan-dahan ko siyang inihiga sa kanyang kama. 

"Papi..." Tawag niya sa akin habang inaalis ko ang kanyang suot na sapatos. Nilapitan ko ito pero nakita kong nakapikit ito at mukhang nanaginip. "Sorry kung kailangan kitang iwan. Kailangan ko lang gawin ito ngayon. I'm sorry papi. Sorry talaga." Wala sa sarili niyang sabi habang hinuhubad ang kanyang suot na long sleeve shirt at jeans.

"Ssssshhhhh... It's okay papi. Matulog ka na. I'll be here." Sabi ko sa kanya. Iniwan ko na siyang tulog at tanging suot lamang ay ang kanyang puting underwear. 

Pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos maligo ay nagpunta ako sa kusina para uminom. Nag-iwan din ako ng isang basong tubig sa night stand sa tabi ni Baste. 

"Good night!" Hinalikan ko siya sa noo ng tabihan ko siya sa kama. Inayos ko ang putting comforter na nakabalot sa kanyang halos hubad ng katawan.

Itinukod ko ang aking siko at sinuportahan ng aking kamay ang aking ulo. Pinanood ko lang siyang mahimbing na natutulog. Hinaplos haplos ko ang buhok ng amoy tsiko kong nobyo. Pinadaan ko ang aking hintuturo sa kanyang mukha - simula sa gitna ng kanyang noo, papunta sa matangos niyang ilong at nagtapos sa kanyang mga labi at baba. 

"Papi, huwag ka na umalis. I-cancel mo na lang trip mo. Dito na lang tayo. Hihingi na lang ako ng days off at mag-out of town tayo. Akyat tayo sa bundok at sabay nating panoorin ang pagkislap ng mga tala sa kalangitan. Sabay nating salubungin ang bukang liwayway habang magkayakap. Hayyy... Ano ba ang ginawa mo sa akin. Iniisip ko pa lang ang pag-alis mo, nalulungkot na ako. Nami-miss na agad kita." Litanya ko habang kaharap si Baste. 

Malakas ang loob kong sabihin ang mga ito dahil alam kong di naman niya ako naririnig. Sinasagot lang niya kasi ako ngayon ng kanyang mga hilik. Mga hilik na kung dati nangyari ay maaaring kaasaran ko ng sobra dahil sa lakas nito. Mga hilik na pwedeng umistorbo sa aking pagtulog at maging dahilan ng pagkapuyat ko. Pero ngayon, ang mga hilik niya ay parang musika sa aking mga tainga. Ibig sabihin kasi nito na buhay pa ang lalaking minamahal ko. Ibig sabihin kasi nito ay kasama at katabi ko pa siyang matulog. Ibig sabihin kasi nito ay mayayakap ko pa siyang ngayong gabi at mararamdaman ang init ng kanyang katawan.

Potek! Ganito ba talaga ma-inlove? Ito na ba ang sinasabi ni Caleb na swimming pool ng pag-ibig na pwede akong malunod? Dati ay pinapanood ko lang si Alex na ma inlove sa mga lalaki niya. Pero iba pa rin pala talaga ang ma-experience ito ng first hand. Walang advice mula sa magulang o kaibigan o di kaya naman self-help books o romantic movies na pwedeng mag prepare sa isang tao sa ganitong pakiramdam. It's an out of this world feeling na mahirap ipaliwanag. Something na deserved maranasan ng lahat. Kahit pa ang hinaharap nito ay walang kasiguraduhan. Kahit pa maaaring magdulot ito ng kasawian. Dapat pa rin itong maramdaman ng bawat nilalang.

Ilang minuto rin akong nanatili sa posisyong ito na tinititigan lang ang kanyang mukha. Ng mapagpasyahan ko ng matulog, muli kong hinalikan ang aking nobyo. Pero this time ay hidi na sa noo kundi sa kanyang mga malalambot at mapupulang mga labi. Pagkatapos ay humiga na akong nakayakap sa kanya. 

Kinaumagahan ay nagising akong nakita si Baste na nakatagilid at nakatukod ang siko sa kama, kagaya ng posisyon ko kagabi bago ako matulog. Mukhang gumaganti ito at ako naman ang pinapanood niyang matulog. 

"Ugghhhh!!!! Good morning!" Bati ko sa kanya habang nag-iinat. 

"Good morning papi. Mukhang sarap ng tulog mo ah."

"Ikaw nga ang masarap ang tulog kagabi eh. Naghihilik ka pa ng malakas!" Balik ko sa kanya. 

"Huh? Di ako naghihilik no?!" Pagde-deny niya. 

"Sigurado ka? May ebidensya ako. Haha" Kinunan ko kasi kagabi ng video ang kanyang paghihilik. "Kanina ka pa gising?"

"Medyo. Nakapagpa-DNA test na nga ako eh." Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit all of a sudden ay nagpa-DNA test siya? Napansin siguro niya ang malaking question mark sa aking mukha.

"Well, nakuha ko rin naman agad ang DNA results at alam mo ba, it turns out I'm 100% your boyfriend." Maagang hirit niya. 

"Potek! Aga ng pick up line mo ah! Pwede bang magmumog muna ako bago mo ako hiritan ng ganyan? Hmmm... Ang cute cute mo talaga!" Pinisil ko ng matindi ang kanyang pisngi dahil sa gigil hanggang siya na ang sumuko at pilit tinanggal ang aking mga daliri. Napansin ko ang mga sugat sa kanyang kamao nghaplusin niya ang mapupula niyang pisngi. "Kumusta na ang kamay mo?"

"Ah ok naman. Di naman na masakit."

"Ano ba kasi nangyari diyan?" Tanong ko sa kanya. 

"Honestly, uhhmm... sinuntok ko kasi yung pader ng club ni Alex after mo ako iwan sa labas." Nahihiya pa niyang sagot. 

"Lagot ka kay Alex! Bakit mo naman ginawa yun?"

"Wala naman damage sa club niya. Bad trip lang kasi ako kagabi dahil sa pagsulpot ng hayop na Eric na yun." Pagtatapat niya. 

"Bakit nga ba sumulpot yung kaboteng yun? Anong kailangan niya sa yo?" Muli kong tanong sa kanya. 

"Same as before. Pinipilit pa rin niya akong balikan siya. Pero sinabi ko na sa kanyang hindi na ako available. Na boyfriend mo na ako." Kwento niya. 

"E bakit magkayakap kayo?"

"Correction papi. Hindi kami magkayakap. Siya lang nakayakap sa akin. Hindi ako. Anyway, sabi niya kasi 'one last hug' daw. Pinagbigyan ko na para tantanan na niya ako." Sagot niya. 

"Ah. Mukhang malaki talaga tama sa yo ni Congressman no?" 

"Masarap kasi boyfriend mo eh." Biro niya. 

"Wow! E di ikaw na! Sana all masarap!" Nagtawanan na lang kami at niyakap niya ako ng mahigpit. Nanatili kaming magkayakap dito sa kama ng ilang minuto.

"Siyanga pala. Nagluto pala ako ng breakfast. Tara! Kain na tayo!" Bumangon na kami ng kama. Sinilip ko ang aking cellphone at nakitang halos alas otso na pala ng umaga. Nagpunta muna ako sa banyo bago sumunod sa kanya sa dining area. 

Nasa hapag kainan na ang mga pagkain na niluto ng aking boyfriend. Meron ditong sunny-side-up na mga itlog, pancakes at slices ng avocado. Pati ang kape ko ay nakahanda na rin. 

'Happy 1st week-sary!' Basa ko sa nakasulat sa pancake na nakahain sa aming harapan.

"Happy weeksary papi!" Bati ko sa kanya. Muli ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. "I love you!"

"I love you more!" Sagot niya. 

Umupo na kami sa harap ng lamesa ng maghiwalay ang aming mga katawan. Pinagsaluhan namin ang mga masarap niyang niluto at pinagplanuhan ang mga gagawin namin ngayong araw na ito. 

Ako na ang nagprisintang maghugas ng aming pinagkainan pero hindi pumayag si Baste. Hindi na ako nakipagtalo. Nagpunta na lang ako sa kuwarto at inayos ang kanyang kama. Pagkatapos ay lumabas ako sa kanyang balkonahe. Tahimik akong umupo ako rito at pinagmasdan ang mga nagtatayuang gusali sa Makati Central Business District. 

Inabala ko ang sarili ko sa pagcheck ng aking mg social media accounts. Lumitaw sa aking feed ang post ni Baste kaninang umaga. Larawan ito ng kanyang kamao na puno ng sariwa pang mga sugat. May caption pa itong 'Para sa 'yo, ang laban na 'to'. Natawa ako ng nabasa ito. 

Pagbalik ko sa loob ng unit ni Baste ay nakita ko siyang ipinapatong ang kanyang malaking maleta sa ibabaw ng kanyang kama. 

"Kailangan mo ng tulong papi?" Tanong ko sa aking nobyo.

"No. Kaya ko pa naman." Humiga na lang ako ng patagilid sa kama at pinanood siya sa kanyang ginagawa. 

"Akala ko ba sabi mo nagstart ka na mag-empake?" 

"Oo. In my mind. Hehe Kakatamad kasi. Kung pwede lang talagang mag back out, ginawa ko na." Sabi niya habang naglalagay siya ng underwear sa kanyang maleta.

"E di mag back out ka na!" Biro ko sa kanya pero seryoso ang mukha ko. 

"Seryoso ka? Just say the word and I'll cancel it."

"Joke lang. Bilisan mo na diyan para maka alis na tayo." 

"OK." Dismayado niyang sagot. 

Nakatulog pala ako ng di ko namamalayan. Nagising na lang ako sa tunog ng lagaslas ng tubig sa banyo. Nakita ko ang nagkalat na mga damit ni Baste sa sahig. Potek! Mukhang di marunog mag empake ng maayos ang nobyo ko. Kailangan ng aking intervention. 

Pinaghiwahiwalay ko ang kanyang mga damit. Pinagsama sama ko ang magkakauri. Pantalon sa pantalon. Underwear sa underwear. T-shirt sa t-shirt. Sweater sa sweater. Isa-isa kong itinupi ako ang mga ito ng maayos.

"Dadalhin mo lahat ng mga 'to?" Tanong ko kay Baste ng lumabas ito ng banyo. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya sa kanyang baywang at tumutulo pa ang tubig mula sa ulo niya. 

"Oo. Why?"

"Kasi kung dadalhin mo lahat ng mga ito, you'll need another luggage. Mag oover ka sa weight limit ng maleta mo." Sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Plano ko lang magdala ng isang malaking maleta para i-check in. Tapos itong backpack at small luggage for my carry-on. Kung di kasya, bawasan natin." Sagot niya. Tiningnan ko ang maliit ng maleta at backpack na kinuha niya sa labas ng kanyang kuwarto.

"Ah ok. Meron ka bang weight scale for luggages?" Tanong ko sa kanya. 

"Wala eh."

"Sige, bili na lang tayo mamaya pagpunta natin sa mall. Anyway, ligo na muna ako papi." Pinalo ko pa ang matambok niyang puwet bago ako pumasok sa banyo at iniwan si Baste.

"Hanap muna tayo ng winter jacket." Sabi ni Baste pagkalampas namin sa security check dito sa mall. 

Sumang-ayon lang ako at sinundan ang aking nobyo papunta sa tindahan ng mga makakakapal na jacket. Ilang tindahan ang aming pinasukan bago may nagustuhan ang aking kasama.

"What do you think?" Ipinakita niya sa akin ang suot niyang dark blue na jacket. Simple lang ito at classic ang design. 

"It looks good. Nagii-snow na ba ngayon sa Chicago?" Curious kong tanong sa kanya pagkatapos kong purihin at sang-ayunan ang suot niya. 

"Ngayon, hindi pa. Pero sabi sa forecast, mag snow na daw next week. Kaya kelangan ko ng jacket na tulad nito." Sabi niya habang hinuhubad ang isinukat niyang jacket. 

Napagdesisyunan kong bumili na rin para sa amin ni Daddy para sa pagpunta rin namin sa Amerika sa susunod na buwan. Pagkapili ay binayaran na namin ito. Muntik pang isama ni Baste sa kanyang bill ang aking mga pinamili pero hindi ako pumayag. Di ko naman siya sugar Daddy para gastusan niya ang mga kailangan ko. Kaya ko pa naman bayaran ang mga ito galing sa sweldo ko. 

"Anything else that you need papi?" 

"Yung weight scale na lang para sa maleta." Buti na lang naalala niya yun. Nawala na sa isip ko na kailangan niya iyon para masiguradong hindi lalampas sa 23-kilogram limit ang kanyang maleta na ichecheck in. 

Tamang tama dahil sa paglalakad namin ay may nadaanan kaming tindahan ng mga maleta. Pumasok kami rito at tinanong sa sales lady kung meron sila nung hinahanap namin. Sinamahan niya kami sa area kung saan naroroon ang timbangan kaya madali kaming nakalabas. 

"Gutom ka na?" Tanong ko kay Baste habang naglalakad dito sa mall at bitbit ang aming mga pinamili.

"Medyo. Ikaw ba?" Balik niya sa akin.

"Medyo rin. Ano gusto mong kainin?" Balik ko rin sa kanya. Mabilisang question and answer portion yata kami ngayon eh. 

"Ikaw. Ano ba gusto mo?" Potek! Ako nga yung nagtatanong eh tapos ibabalik ulit sa akin ang tanong.

"Gusto mo dun?" Itinuro ko ang isang Vietnamese restaurant na aking natatanaw.

"Sure." Mabilis niyang sagot.

Medyo madami ang tao dito ngayon since lampas alas dose na ng tanghali at tapos Sabado pa ngayon. 

Pareho lang kaming nag order ng Pho noodle soup at pinaghatian ang dalawang shrimp summer roll. 

"Saan nga pala kayo magkikita ng Daddy mo?" Pag-usisa ko sa kanya. 

"Gusto niya sana dadaanan niya ako rito sa condo para sabay na raw kaming pumunta sa airport. Pero di ako pumayag. Sabi ko sa loob na lang kami ng airport magkita." Paliwanag niya.

"A ganun ba? Sayang. Di ko pa pala siya makikilala." Sambit ko habang nginunguya ang summer roll.

"Next time na lang." Maikli niyang sagot. 

Ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain ng aming tanghalian. Pagkatapos ay bumalik na kami sa parking lot papunta sa aking kotse.

"Papi, pwede bang dumaan muna tayo sa sementeryo bago tayo umuwi? Paalam lang ako kay Lola." Pakiusap niya habang magkahawak ang aming mga kamay at binabagtas ang kahabaan ng EDSA.

"Sure. Malakas ka sa akin eh." Nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"Thank you papi. I love you!" hinalikan niya ang ibabaw ng aking kamay na hawak niya.

"I love you too."

Isang oras at kalahati rin umabot ang aming biyahe papunta sa sementeryo. Pagdating dito ay dumiretso na kami sa puntod ng kanyang lola. 

"Hi Lola! Remember Theo? Yung boyfriend ko na kasama ko rito nung isang linggo?" Sabi niya habang nakaharap sa lapida.

"Good afternoon po Lola Sita." Bati ko sa lola niya.

"Lola, sino nagdala ng bulaklak na ito sa yo?" Pansin niya sa mga puting rosas na nakalagay sa tabi ng lapida ng lola niya. "Anyway, dumaan lang po kami rito para sabihin sa inyo na di muna ako makakadalaw sa inyo ng at least two weeks. Punta kasi ako ng Chicago para bisitahin sina Mommy at mga ate. Kasama ko si Daddy papunta dun bukas ng umaga." Pagkwento ni Baste sa kanyang mahal na lola. Iniwan ko muna siya dahil biglang tumawag si Daddy.

"Hello Dad! Napatawag ka? Is everything okay?" Bati ko sa aking ama. Ewan ko ba. Lately, tuwing tumatawag siya ay naiiisip ko agad na baka may emergency. 

[Okay naman hijo. Tumawag lang ako para kumustahin ka. Naalala ko kasi na bukas na ang alis ni Sebastian. I just want to make you're doing okay.]

"I'm okay Dad. I'll be okay. Don't worry about me." Sabi ko sa kanya. 

[Okay big boy. I just want to make sure you're ready for a long distance relationship kahit sandali lang ito.]

"Yeah, I think I got it Dad. Anyway, how are you doing?" Paglihis ko ng topic. 

[I'm doing good hijo. Tumawag nga pala si Tita Luz mo, confirming our trip there next month. I told her about our flight details and mukhang mag-Christmas tayo sa kanila sa Miami then mag-New Year sa Chicago sa bahay ng Tita Rose mo. Kaya mukhang mapapasabak tayo sa lamig.]

"That's okay Dad. Bumili ako kanina ng winter jackets for us. So don't worry about it. I'll coordinate with Ryan or Angela para sa Chicago trip natin doon." Sabi ko sa kanya. 

[You're the best hijo. Kaya naman ikaw ang favorite ko eh.]

"Dad, I'm your only son. So wala kang choice." Paalala ko sa kanya. "Wait, I'm your only child right?" Natawa siya ng sabihin ko ito.

[Don't worry hijo. You're my only one. As far as I know. Hahahaha]

"Funny Dad. You need to stop whatever you're drinking."

[I'm not drinking anything.]

"Oh that's worse. Anyway, I need to go Dad. I'll talk to you later, okay? Love you Dad." Paalam ko sa kanya. 

[Okay. I love you too, hijo. Ingat ka lagi. Bye!]

Tinabihan ko na si Baste na ngayon ay nakaupo sa Bermuda grass sa harapan ng lapida ng lola niya. Nanatili pa kami rito ng halos dalawampung minuto bago ko siya niyaya ng umalis.

Dumaan muna kami sa aking bahay para asikasuhin si Bangky bago bumalik sa condo niya. Nagpalit na rin ako ng damit. Suot ko kasi ngayon ang t-shirt at shorts ng aking nobyo. One advantage of having a boyfriend na halos same built ko. Naglagay na rin ako ng ilang damit sa backpack para pamalit mamaya. 

"Papi, mauna ka na umakyat. Kausapin ko lang si Kuya Aaron." Kinuha ko sa kaniya ang susi ng kanyang unit, pati na rin ang bitbit niyang paper bag na laman ang mga binili namin kanina. Nagpunta na ako sa direksyon kung saan naroroon ang mga elevators. Bago nagsara ang pintuan nito ay nakita ko si Baste na kausap ang security guard ng building na ito. Siya rin yung tumulong sa akin kagabi sa pagdala kay Baste dito sa elevator.

Dumiretso na ako sa kanyang kuwarto at inilapag ang aming mga pinamili kanina. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mga damit ng aking boyfriend na nasa sahig. Nakaramdam ako ng lungkot habang tinitingnan ang kanyang mga dadalhin sa kanyang pag-alis. Pakiramdam ko ay may parte ng aking katawan ang mawawala sa kanyang panandaliang paglisan. 

Bago pa ako malunod sa emosyon na aking nararanasan, nagpunta ako sa kanyang kusina at nagsalin ng chardonnay sa isang wine glass. Pagkatapos ay lumabas ako sa kanyang balkonahe at dito in-enjoy ang inumin na aking hawak.

Kasalukuyan akong nakatayo at nakatukod ang aking mga siko sa rehas ng balkonahe habang nakatulala sa kawalan ng maramdaman ko ang mga bisig ng aking nobyo na yumakap sa aking katawan. Hinayaan ko lang siyang gawin ito at ipinatong niya ang kanyang baba sa aking kanang balikat. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na kami sa kanyang kuwarto. Inumpisahan na naming asikasuhin ang pag-empake ng kanyang mga damit. Siya ang namili ng kanyang mga dadalhin samantalang ako naman ang nagtupi ng mga ito at nag-ayos ng lagay sa kanyang mga maleta. 

Alas siyete na ng gabi ng matapos kami sa aming ginagawa. Handa na ang lahat ng kanyang mga dadalhin – damit, jackets, toiletries, plane ticket, passport, at iba pa. Sinigurado na rin naming hindi lumampas sa limit ang bigat ng kanyang maleta. 

"Ano gusto mong dinner?" Tanong sa akin ni Baste habang nakahiga kami sa kanyang kama. 

"What are the options?"

"Uhmm... Let's see... I can cook or we can go out or pwede rin tayong mag-order ng pagkain... Chinese, Thai, Pizza, Burger... Whichever you like." Salaysay niya. 

"Thai food sounds good." Sabi ko.

"Thai food it is then." Namili na kami ng mga pagkain sa isang sikat na Thai restaurant malapit dito at in-order ang mga ito for delivery. 

Inabala namin ang aming mga sarili sa panonood ng TV. Pinanood namin ang huling episode ng BL series na aming inumpisahan early this week. Saktong patapos na ito ng tumawag ang guard sa lobby at sinabing dumating na ang aming ipina-deliver na mga pagkain. Si Baste na ang bumaba para kunin ito.

"Papi, come up to the rooftop. I'll meet you there. Pakidala na rin yung pulang basket na nasa kusina." Text message sa akin ni Baste. 

Nagtungo ako sa kusina at kinuha ang binanggit niyang pulang basket. Sinilip ko pa ang laman nito tapos lumabas na ng condo niya. Pumunta na ako sa rooftop kung saan nakita ko siyang nakatayo at hinihintay ako. Nilapitan ko siya at iniabot sa kanya ang aking dala. 

"Is this okay?" Tanong niya habang inilalatag niya ang blanket sa sahig ng rooftop. Inilabas ko naman ang mga ipinadeliver na pagkain mula sa paper bag samantalang pinagmamasdan ang mga magkakarugtong na dilaw na ilaw na nakasindi dito ngayon. Nagbigay ito ng kakaibang ambience dito sa lugar.

"Oo naman. This is great! So romantic." Sagot ko sa kanya. 

"Buti na lang pumayag si Kuya Aaron na gamitin natin ito at walang event dito ngayon. Usually kasi may party dito almost every weekend." Sambit niya. 

"I guess it's meant for us to use it for our last dinner together before you leave." Sabi ko sa kanya habang umuupo sa blanket. Nakaluhod naman siya at binubuksan ang bote ng Cabernet Sauvignon

Pinagsaluhan na naming kainin ang cheese rangoon, papaya salad, panang curry at pad thai noodle na aming inorder. 

"Eleven hours na lang alis ka na." Malungkot kong sabi sa kanya habang nagpapahinga pagkatapos kumain. 

"Please don't remind me that. Pinipilit ko na ngang kalimutan eh, ipinapaalala mo pa." Malungkot din niyang sagot. 

"You know that I'm going to miss you right?" Paalala kong tanong sa kanya. 

"I know. I'll Miss you too." Mabilis niyang sagot. 

Nakaupo ako at siya naman ay nakahiga ng pahalang at nakaunan sa aking mga hita. Ang dalawang kamay niya ay parehong nakapatong sa kanyang tiyan. Hinahaplos haplos ko ang kanyang buhok habang tahimik lang kaming nakikinig sa kanta ni Billie Eilish na Listen Before I Go.

🎶 Take me to the rooftop
I wanna see the world when I stop breathing, turning blue
Tell me love is endless, don't be so pretentious
Leave me like you do

If you need me, you wanna see me
You better hurry 'cause I'm leaving soon

Sorry can't save me now
Sorry I don't know how
Sorry there's no way out (sorry)
But down, Hmm, down 
🎶


Napansin ko ang paghikbi ng aking boyfriend na ngayon ay nakapikit at nakahiga pa rin sa aking harapan. May luhang umaagos sa gilid ng kanyang mga mata. Pati ako ay naluha na rin pero madali ko itong pinunasan habang hindi ito nakikita ni Baste.

"Tangina naman 'tong kantang to. Masyadong makapanakit!" Pabiro kong sambit.

Dumilat siya at pinunasan ang kanyang mga mata. "Sorry." Sabi nito.

"It's not your fault. Plus saglit lang naman ito. Di lang siguro tayo sanay na magkalayo kaya parang big deal ito pero sooner or later, two weeks will be over and we'll be back in each other's arms." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Pero sa totoo lang, parang sinasabi ko ito bilang pangungumbinsi sa sarili ko na everything will be okay. 

"Alam mo kung may shooting star lang babagsak sa langit ngayon, isa lang ang iwiwish ko." Sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. Pati ako ay napatingala. Marami ngang tala ngayon. 

"Ano?"

"Na sana ma-cancel lahat ng flights bukas para di ko na kelangang umalis." Hirit niya.

"Baliw! Huwag mong sabihin yan!" hinampas ko ng marahan ang kanyang tiyan. 

"Joke lang pero kung mangyayari, okay na rin." Nagjojoke raw siya pero seryoso ang boses niya. 

Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga at dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon. Paglabas ng kanyang kamay ay may hawak-hawak na itong kulay silver na singsing. 

"Papi, bago ka mag-panic, hindi ito wedding proposal." Pauna niyang sabi. Marahil dahil nahulaan niya ang aking iniisip. Putsa naman kasi kung makaposisyon siya ng pagluhod sa isang tuhod sa aking harapan ay parang magyayaya ng magpakasal. Alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa para doon. Strict ang parents ko... Ay hindi pala! Si Dad nga pala ang unang-unang nag-uudyok sa amin na magpakasal na. 

"This is just a promise ring na sana ay tanggapin mo. I am giving this to you to symbolize my promise na babalikan kita. Ano man ang mangayari lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang tanging tao na gusto kong makasama ng habang buhay. Kaya sana maintindihan mo na kailangan ko lang umalis at gawin ang aking gagawin. I'm sorry pero sana huwag mo isumbat sa akin ito balang araw. Sana makapaghintay ka dahil babalikan kita. Ipinapangako ko sa iyo yan. Saksi ang lahat ng talang kumikislap ngayon sa kalangitan. I swear to you on my Lola's grave that I'll be back for you. I love you so much! I love you papi. I love you very much!" Pagpapatuloy niya. Kasabay nito ay ang patuloy na pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Pinahid ko ang mga ito at hinila siyang palapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

"I love you too papi! Don't worry, hihintayin kita hanggang makabalik ka. I promise." Sabi ko sa kanya habang yakap yakap siya.

Biglang namatay ang ilaw habang nakakulong kami sa mga braso ng isa't isa.

"Oops. Time to go back down papi. Dalawang oras lang kasi ang ibinigay na oras sa akin ni Kuya Aaron eh. Sorry."

"Di mo naman kailangan mag-sorry. This is great. Anyway, tara na bago pa tayo papakin ng mga lamok dito." Sinabi ko lang ito kahit hindi ako siguro kung umaabot ba talaga ang mga lamok sa ganitong kataas na lugar.

Tinanggap ko ang singsing na inalay ni Baste. Sakto namang kasya ito sa aking kanang ring finger. 

Iniligpit na namin ang aming pinagkainan pati na rin ang mga gamit na aking dinala mula sa condo ni Baste at pagkatapos ay bumaba na kami sa unit ng aking nobyo.

"Baba lang ako sa lobby saglit. I'll be back." Paalam ni Baste pagkahatid niya sa akin sa kanyang condo.

Iniwan ko sa kusina ang pulang basket at inilagay sa basurahan ang mga lalagyan ng aming pinagkainan. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kuwarto ni Baste at nilampasan ang kanyang mga bagahe. Pumasok na ako sa banyo at naglinis ng katawan. 

Kasalukuyan akong nagpupunas ng aking katawan ng makita kong nakabalik na pala ang aking boyfriend. Ngumiti ito pero halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ligo ka na? Gusto mo paliguan kita?" Tanong ko kay Baste. 

"No. Kaya ko na papi. But thank you." Iniwan ko na siya sa banyo.

Inabala ko ang aking sarili sa pagba-browse ng mga palabas sa Netflix habang nakaupo sa kanyang sofa.

"Gusto mo manood ng TV?" Tanong ko sa aking nobyo pagkalabas niya ng kuwarto. Tapos na siyang maligo. 

Tumabi lang siya sa akin at sumandal sa aking katawan. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Sinimulan naming panoorin ang pelikulang 'Your Name Engraved Herein'. Umayos kami ng pwesto at magka-cuddle kaming pinanood ito. Siya ang nasa harapan at nakayakap ako sa kanya mula sa likuran.

Hindi ko alam kung dahil sa bigat ng pinapanood namin o dahil sa bigat ng nararamdaman niya bunga ng nalalapit niyang pag-alis kaya umiiyak si Baste habang pinapanood ang palabas. 

"Di ko alam iyakin ka pala." Pagbibiro ko sa kanya pagkatapos ng palabas para naman medyo gumaan ang pakiramdam niya. 

"Sorry. Ang drama ko ngayon."

"Tulog na tayo? Aga pa gising natin bukas para sa..." Di ko tinapos ang aking sasabihin. "Tara na sa kama mo." 

Bumangon na kami at nagtungo sa kanyang kuwarto. 

"Papi, iwan ko sa yo itong duplicate ng susi ng condo ko. You can come here anytime you want." Iniabot niya sa akin ang kanyang hawak na susi.

"OK. Thank you!" Ipinatong ko lang muna ito sa ibabaw ng night stand sa tabi ko. Naghubad na kami ng aming mga suot at iniwan lang ang aming mga underwear. 

Tumayo ako at kinuha sa aking bag ang suot kong boxer briefs kanina. "Dalhin mo na rin ito para di mo masyado ma-miss ang amoy ng titi ko." Iniabot ko sa kanya at tinanggap niya ito. Inamoy pa niya ang pundilyo nito. 

"Huwag ka na ngang masyadong malungkot. Dalawang linggo ka lang naman mawawala eh. Saglit lang yun. Okay? I-enjoy na lang natin ang gabing ito." Sabi ko sa kanyang ng humiga kami sa kanyang kama.

"Siya nga pala, sabi ni Daddy kanina baka sa Chicago kami mag-New Year. Sana makasama ka sa amin para naman magkasama tayo sa pagsalubong ng bagong taon at para na rin ma-meet ko ang pamilya mo. And most importantly, para may tour guide kami. Hahahaha" Dagdag ko. 

"Okay. That sounds good." 

Yumakap siya sa akin at pataas baba kong hinaplos haplos ko ang kanyang buhok papunta sa kanyang batok. Ramdam ko ang kanyang paghikbi at ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking dibdib.

"Hey! Stop crying papi. You're going to make me cry too." Pagpapakalma ko sa kanya habang minamasahe ang kanyang likod para medyo tumigil ang kanyang pag-iyak.

Bumangon ako at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at iniharap ito sa akin. 

"Bakit ka ba iyak ng iyak? Sandali ka lang naman mawawala di ba? Magkakasama naman ulit tayo pagbalik mo." Sambit ko sa kanya habang magkatapat ang aming mga mukha. 

"Sorry. Di ko lang mapigilan."

"You know what, stop saying sorry. Make love to me." Sabi ko sa kanya. "Can you fuck me tonight?" 

"Sigurado ka ba?" Nagulat siya sa huli kong sinabi. Tumango lang ako.

Matagal ko ng pinag-isipan ito. Tutal naman sa kanya ko unang naranasan ang pakikipagrelasyon kaya itotodo ko na. Sa kanya ko na rin ibibigay ang aking "virginity". Napagdesisyunan kong gawin ito tonight to make tonight something he won't forget, something we won't forget.

Pinaghandaan ko na ito kanina bago ako maligo pagkatapos naming bumalik dito from our dinner. Nanood ako ng videos para malaman kung paano ang tamang paglilinis. After doing it, I now have more respect sa mga bottom.

Anyway, ganun nga ang nangyari. Pagkatapos naming maghalikan ng marubdob na parang wala ng bukas, pumaibaba ang kanyang ulo sa aking burat at kanya itong isinubo. Pinaglaruan ng kanyang malikot na dila ang ulo at kahabaan nito. Eksperto niya itong tsinutsupa at jinajakol. Minsan ay dinidilaan niya ang kahabaan nito mula ulo hanggang sa puno at pabalik. Ginagawa niya ito habang magkatama ang aming mga paningin. Hindi rin niya pinaligtas ang aking mga bayag. Salitan niya itong isinubo sa kanyang bibig at dinilaan. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay hinila ko siya pataas at muli kaming naghalikan. Pero hindi nagtagal ay inutusan ko siyang bumaliktad. Isinubo ko ang kanyang matigas na rin na ari habang muli niyang tsinupa ang sa akin. Nanatili kami sa posisyong ito ng halos sampong minuto.

Pumuwesto ako sa kanyang ibabaw. Itinuloy ko ang pagsubo sa kanyang ari samantalang itinapat ko ang akin sa kanyang bibig. Kinantot ko ito ng marahan. Halos mabilaukan siya sa aking ginawa. Hinayaan ko siyang makahinga ng maayos at inilabas ang aking burat sa kanyang bibig. Umurong ako ng saglit at itinapat ko ang aking lagusan sa kanyang mukha. Ito naman ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Dinilaan at tinusok tusok niya ito gamit ang kanyang dila. Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang ginagawa.

Ng mapagod ako sa pagsubo sa kanya at tantiya ko ay handa na kami pareho, umalis ako sa kanyang ibabaw.

"Ready to fuck me?" Tanong ko sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga rito?" Balik niyang tanong sa akin. 

"Siguradong sigurado!" Sagot ko sa kanya. 

Kumuha siya ng condom at lube sa drawer ng kanyang night table. Binuksan niya ito at pagkatapos ay iniabot sa akin. Pinahiga ko siya at ibinalot ang condom sa kanyang burat. binuhusan ko na rin ito ng lube at nilagyan ng pampadulas ang aking lagusan.

Handa na ang lahat. Umubo ako sa kanyang harapan at itinutok ang kanyang burat sa aking butas. Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang ibinaon ang kanyang sandata sa akin. Nakatukod ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Nakapikit ako ng maipasok niya ang kanyang ulo sa aking loob. Ang weird ng pakiramdam. Para akong matatae na ewan. 

"Gusto mo hugutin ko na papi?" May pag-alalang tanong ng aking nobyo.

"No. But let me stay here for a second." Sabi ko sa kanya. Pinagbigyan naman niya ako at hindi siya gumalaw. Hinayaan niyang masanay ang aking butas.

Pagkaraan ng isa o dalawang minuto ay dahan dahan ko ng mas ibinaon ang kanyang burat. Tangina! Ang sakit sa totoo lang! Hindi ko ito ipinahalata at ininda ko lang sa sarili ko ang sakit. 

Hanggang kalahati lang ng kanyang titi ang kinaya kong ipasok. Dahan dahan na akong nagtaas baba umaasang mababawasan ang sakit na aking nararamdaman. Tiniis ko lang ito at ipinakita kasy Baste na ako ay nasasarapan. Yumuko na rin ako nakipaghalikan sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay niyaya ko siyang magpalit ng posisyon. 

Humiga ako sa kama at itinaas ko ang aking mga paa sa ere. Sinuportahan ang mga ito ng aking nobyo habang dahan dahang ipinapasok ang kanyang ari sa aking butas. Nakahawak ang aking kanang kamay sa kanyang balakang para alalayan siya sa kanyang pag-abante. 

"Okay ka lang papi?" Tanong niya sa akin.

"I'm okay, tuloy mo lang."

Nag-umpisa na niyang iatras abante ang kanyang balakang. Nakaalalay pa rin ang aking kamay para limitahan ang kanyang pagpasok. Hindi ko pa kasi kayang isagad niya ang kabuuan ng kanyang ari. 

"Aahhhhhhhh" Ungol ko habang patuloy siya sa pagkadyot sa akin. Medyo nabawasan na ang sakit pero hindi pa ito tuluyang nawawala. Wala pa yung sarap na sinasabi nilang papalit sa sakit sa umpisa. Pagkatapos ng ilang minuto ay hinugot niya ang kanyang ari.

"Ikaw naman papi. Fuck me please." Sabi niya. Malugod ko siyang pinagbigyan. 

Muli siyang kumuha ng condom sa kanyang drawer at isinuot ko ito sa aking pinatigas ulit na ari. Lumambot kasi ito ng pasukin ako ng aking boyfriend.

Umayos si Baste na parang aso. Kaya naman lumuhod ako sa kanyang likuran at kinadyot siya sa ganitong posisyon.

"Aaaaahhhhhhhhhhhhh papppiiii.... Ang sarapppp.. Sigee paaa paapppiiiii! Fuck me harderrrrr!!!  Oooooohhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" Ungol niya habang mabilig kong binabarurot ang kanyang hiyas. 

"Mamimiss mo ba itong burat ko ha?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak sa kanyang magkabilang balakang.

"Oo pappiiii... Sobrang kong mamimiss ang burat mong masarap... Aaaahhhhhhh!!!!" Sagot niya. 

Mas ibinaon ko ang aking sandata sa kanyang butas. Napadapa na siya ng tuluyan dahil dito. Itinukod ko ang aking mga kamay sa ibaba ng kanyang kili-kili habang nagaatras abante ang aking balakang sa kanyang ibabaw. Puro ungol at pagtama ng aming balat ang maririnig sa kanyang kuwarto. 

Ng medyo mapagod ay ibinaba ko ang aking katawan at ipinatong ang aking dibdib sa kanyang likuran. Ipinihit ko ang kanyang ulo at muli kaming naghalikan. 

Mula rito ay muli kaming nagpalit ng posisyon. Tumagilid kami pareho ng walang hugutan. Nakayakap ako sa kanyang dibdib habang inilalabas pasok ko ang aking burat sa kanyang hiyas. Minsan ay nililingon niya ako para kami ay maghalikan. Nanatili kami sa posisyon na ito hanggang kami ay sabay na labasan. 

Nagkalat ang kanyang tamod sa kanyang kama habang ipinutok ko naman ang akin sa loob niya. Hingal na hingal kami ng maabot namin ang ikapitong glorya. 

Patuloy pa rin kami sa aming halikan kahit tapos na kaming labasan. Basang basa ng pawis ang aming mga katawan kahit malakas ang hanging nanggagaling sa kanyang A.C. Dahil sa pagod, hindi na namin kinayang bumangon para maglinis. Binalutan na lang namin ang aming katawan ng kanyang comforter at magkayakap na pumuwesto sa kama.

"How was it?" Tanong niya sa akin.

"You mean yung first time kong magpabottom?" Paglilinaw ko sa kanyang tanong. 

"Yes."

"Ayos naman. Pero no offense, I think I'll stay as a top na lang if you don't mind." Pagtatapat ko sa kanya. At least ngayong alam ko na ang pakiramdam ng kinakantot, I think I can say that it's not for me. Pero wala naman akong pinagsisihan. On the contrary, I think mabuti nga na naranasan ko ito eh. It will help me be a better top.

"I don't mind papi. I love you." Sabi niya. 

"I love you too."

Nakatulog na kami sa posisyon na ito na magkayakap. Nagising lang ako ng mag-alarm ang aking cellphone. Ayaw ko man pero inabot ko ang aking telepono at in-off ang alarm. Pinagtuunan ko ng pansin ang guwapo kong boyfriend na kasalukuyan pa ring tulog sa aking tabi. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Kinakabisado ang itsura nito. Ang kanyang matangos na ilong. Ang kanyang makapal na kilay. Ang kanyang mapulang mga labi. Ang kanyang patubong bigote at buhok sa tagiliran ng kanyang mukha at baba. Ang kanyang kayumanggi at makinis na balat. Lahat ng ito ay pilit itinatatak sa aking isipan. Kinunan ko pa ito ng litrato. 

Ginising ko na si Baste sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang mga labi. Umungot ito at kumilos ang kanyang katawan. Sinasagot na rin niya ang paggalaw ng aking mga labi. Inilabas na rin niya ang kanyang malikot na dila at muling nakipag espadahan ito sa akin. Patuloy lang na naglaro ang mga ito, tila walang gustong magpatalo. 

Habang abala ang aming mga bibig, ang aming kamay naman ay abala sa paghimas ng aming mga katawan. Tumigil ang mga ito sa ari ng isa't isa. Ibinalot ko ang aking palad sa kanyang kargada at pinaglaruan ito. Ganun din siya. Kasalukuyan kaming abala sa aming ginagawa ng muling nag-alarm ang aking telepono. "Fuck!" Muli ko itong in-off.

"Ligo na tayo. You'll be late." Pagyaya ko sa aking katabi.

"Do we really have to?" Pagpapacute na sagot niya.

"Baste! Let's shower!" Nakuha naman niya ang gusto kong ipahiwatig. 

Bumangon na kami at nagtungo sa banyo. Dito namin itinuloy ang naudlot na ginagawa namin kanina sa kama. Muli kaming naghalikan habang umaagos ang maligamgam na tubig mula sa aming ulo. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumababa si Baste para pagtuunan ng pansin ang aking ibabang ulo.

Nanatili siya rito ng ilang sandali bago ko siya muling hinila patayo at muli ko siyang hinalikan. Ng magsawa ay pinatalikod ko siya at kinain ko ang kanyang hiyas. Basang basa na ito dahil sa aking laway at dahil sa tubig na umaagos sa kanyang katawan. 

Dahil wala ng sapat na oras para magtagal kami dito kaya muli na akong tumayo. Handa na akong pasukin siya subalit napagtanto ko na wala pala kaming dalang condom dito. Na-realize rin ito ni Baste. Kukuha pa sana siya sa kuwarto pero pinigilan ko na siya. Hinawakan ko na lang ang kanyang ari at jinakol ito. Ganun din ang kanyang ginawa habang marubdob kaming naghahalikan. Patuloy namin itong ginawa hanggang maabot namin ang sukdulan. Halos sabay sumabog ang aming mga katas. Nanatili pang magkahinang ang aming labi ng ilang minuto.

"Papi, kelangan na nating magmadali. I don't want you to miss your flight." Paalala ko sa kanya. 

"But I wanna miss my fligh." Sagot niya.

"Sebastian Santana! You're not missing your flight! Kaya bilisan na natin dito." Di na siya umangal pa at sinunod na lang aking sinabi.

"You have your ticket and passport right?" Muli kong tanong sa kanya bago namin isinara ang pintuan ng kanyang condo. 

"Yes papi. I have them."

Binagtas na namin ang daan papunta sa airport. Alas siete quince na kaya medyo nagmamadali ako sa pagmamaneho ng aking kotse. Alas nueve y cuarenta kasi ang flight niya.

"Nasa airport na raw si Dad." Sabi ni Baste sa akin habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA. Buti na lang maaga pa at walang masyadong traffic dito.

"That's great!" 

Pagkaraan ng halos tatlumpong minuto ay narating na rin namin ang aming destinasyon. Ipinarada ko ang aking kotse sa gilid ng daan at tinulungan siyang ibaba ang kanyang mga bagahe. 

"So this is it, huh?" Hirit ko sa kanya. 

"Pwede pa tayong umatras." Sagot niya. 

"Stop it papi! Hinihintay ka na ng Dad mo sa loob. Basta, call me when you land in Seoul okay?" Paalala ko sa kanya. Napag-usapan na namin ito kanina. 

"Yes, papi. I'll call you. Kung pwede nga lang kausapin ka throughout the flight, gagawin ko eh." 

"Don't be silly papi." Pagsuway ko sa kanya. "Anyway, pumasok ka na. Bago pa magbago ang isip ko." 

"Sure ka ba papi? You don't want me to stay?" Panunukso niya sa akin. Sa totoo lang, konti na lang bibigay na ako sa kanyang pakiusap. 

"I'm sure... Ingat ka sa biyahe mo. Behave ha!" Sabi ko.

"Wow! Ako pa talaga sinabihan na mag-behave ha! Ikaw dapat ang mag-behave Mr. Olivarez." Balik niya sa akin.

"Okay! Okay! Bye na. Alis ka na. I love you!" 

"Wait! Pa-picture muna tayo!" Tinawag niya ang babaeng nakatayo malapit sa amin at kinunan niya kami ng picture. Magkaakbay kaming dalawa.

"I love you papi!" Niyakap ko siya at mariin at matagal na hinalikan sa labi.

"I love you more." Sagot niya ng maghiwalay ang aming mga labi. Pansin ko ang muli niyang pagluha. Pinunasan ko ito. 

Ayaw man naming maglayo pero wala nang oras. Kinumbinsi ko na siyang pumasok sa departure area. Atubili niya itong ginawa. 

Nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood siyang maglakad palayo sa akin. Lumingon pa siya at kumaway bago pumasok sa automatic doors ng NAIA. Kinayawan ko rin siya. 

Di ko maiwasang maging emosyonal na makita ang aking nobyo na umalis at mawala sa aking paningin. Alam kong sandali lang naman siya mawawala pero dahil di ko pa rin mapigilang malungkot. Nasanay na akong kasama siya. 

Sana lang, pareho kaming maging matatag habang panandalian kaming magkalayo sa isa't isa. Sana lang sa pagbabalik niya ay walang masyado magbago. Sana lang mahal pa rin namin ang isa't isa sa muli naming pagkikita.





Itutuloy....

 

1 comment:

  1. Awit, kala ko makikita nila sa Airport yung dad ni Baste.

    ReplyDelete