Sunday, January 10, 2021

TOTDGA - CHAPTER 22


FALLING IN LOVE


Pagkatapos ihatid si Baste sa kanyang condo ay dumiretso na ako sa bahay. Hindi gaya ng dati, walang Bangky na sumalubong sa akin. Bitbit ang aking bagahe, nagtungo ako sa aking kuwarto ngunit wala pa ring Bangky akong nakita. Pinuntahan ko rin ang ibang kuwarto at banyo dito sa bahay pero wala pa rin. Habang isinisigaw ang kanyang pangalan, nagpunta ako sa sala at tiningnan ang ilalim ng lahat ng sofa, nagbabasakali na nagtatago doon si Bangky subalit bigo pa rin ako. 

Medyo kinakabahan na ako dahil hindi naman ugali ng pusa ko ang magtago. Sumasagi na sa isipan ko ang posibilidad na nakapuslit ito sa labas ng bahay marahil nung umalis si Alex kagabi ng nagpunta siya rito para i-check at pakainin ang aking alaga. Siya kasi ang nag-asikaso sa pusa ko habang wala ako. 

Tinawagan ko ang aking bestfriend para tanungin kung alam niya kung nasaan si Bangky ngunit hindi nito sinasagot ang aking tawag. Pinuntahan ko na lahat ng posibleng pagtaguan ni Bangky dito sa loob ng bahay pero wala pa rin. Sobra na akong nai-stress ngayon. Hirap lang kasi i-imagine na baka nagpapalaboy-laboy na ang kawawa kong pusa. Nagugutom at walang makain. 

Naisipan kong pumunta sa backyard at pool area dahil baka doon nakalabas si Bangky. Laking gulat ko na lang ng makita si Alex dito na nakahigang nakapikit sa isa sa mga chaise lounge sa tabi ng pool. Potek! Paanong andito ito eh di ko naman nakita ang kotse niya sa labas. Nilapitan ko ito at pinindot pindot ang kanyang harapan. Napabalikwas ito ng maramdaman niya ang aking daliri sa kanyang matigas na ari. Nagde-day dreaming yata ang gago!

"Potek! Ikaw lang pala. Akala ko naman, nagkatotoo na yung napapanaginipan kong hawak ni Nick yung titi ko." 

"Tangina mo! Dito ka pa talaga nagpapantasya. Baka gusto mong jakulin pa kita." Sarkastiko kong sagot. Inirapan lang niya ako at umayos siya ng upo. "Nasaan si Bangky at sino si Nick?" 

Sinundan ko ang kanyang tingin ng lumingon siya sa halamanan. Doon ay nakita ko ang kanina ko pang hinahanap na pusa. Nakahinga ako ng maluwag. 

"Luh! Saang kweba ka ba nanggaling? Di mo kilala mo si Nick? Yung sikat na model at artista ngayon." Paliwanag niya. 

"Huh?" Di naman kasi ako updated sa mga yun. 

"Anyway, welcome back bestie! How's your honeymoon?"

Potek! Naalala ko na naman yung comment niya sa Instagram ni Baste. "Leche ka! Nakita mo ba yung comments ng ibang tao sa post ni Baste? Akala nila kinasal na siya dahil sa buwisit na comment mo." Sabi ko pagkatapos ko siyang hampasin sa balikat. 

"E ano naman? Naghoneymoon naman talaga kayo eh. Ninong ako ha!" Nakita ko si Bangky na lumabas mula sa mga halaman. Iniwan ko na ang kaibigan ko at nilapitan ang aking pusa. Excited naman siya ng marinig ang boses ko at patakbo itong lumapit sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya. Binuhat ko ito at nakipaglaro sa kanya.

"Your boyfriend is calling you, bro!" Pag-agaw ng pansin ni Alex sa akin habang hawak ang cellphone ko. Lumapit ako sa kanya habang bitbit si Bangky. 

"Hello papi!" Nakita kong natatawang nasamid si Alex sa iniinom niya ng marinig ang aking sinabi. Di ko na lang siya pinansin. 

[Papi! I miss you na. Can I come over tonight?"]

"Hi Sebastian!" Sigaw ni Alex.

[Who's that?]

"Si Alex. Andito siya sa bahay. But yeah, ikaw bahala. Just let me know what time ka punta dito."

[I can be there in a couple of hours. Is that ok?]

"Sure. Samahan mo na rin akong maggrocery mamaya and we'll have dinner."

[OK. I love you papi!]

"Ok. I'll see you later. Bye!" Paalam ko.

"What? Walang I love you back?" Reklamo ni Alex.

"You know it's bad listening to other people's conversations right?" Biro kong pangaral sa bestfriend ko. 

"Mahal mo na?" Direktang tanong ni Alex at di pinansin ang aking sinabi.

"I don't know. But something is growing in me." Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa aming trip. Mula sa pagbisita namin sa puntod ng lola niya, sa pagseselos ni Baste, sa tour namin at sa mga surprises niya. Pati na rin ang naramdaman ko nung nagsayaw kami at pagkatapos. "So, do you think I'm in love?" 

"Alam mo Bestie, you need to accept it. You're starting to dive into the deep part of the pool of being inlove. Buti na lang you can swim or else you'll die drowning like everybody else who tries it unprepared." Medyo naguluhan ako sa metaphorical niyang sagot. Dahil ba nakaharap kami sa pool ngayon kaya ito ang pinagsasasabi niya?

"Care to explain Mr. Andrade?" 

"All I am saying is I think you are falling in love. Pero unlike me, you're fully equipped to be in a relationship. You have a good sense of who you are and you have so much love in you to share to him. So you'll be fine." Tuloy-tuloy na litanya ni Alex.

"Thank you for that wonderful answer contestant number 1? Hahaha Kailangan English ang sagot?" Hirit ko sa kanya.

"Tinanong mo ako in English kaya sinagot kita in English." Balik niya sa akin. 

"Touché!"

"So ganito pala ang ma-inlove no? Now I know why you like being in a relationship. It's kinda addicting." Sabi ko sa kanya. 

"The sweet and happy parts are addicting. Not the heartaches." Pagtama niya sa akin. 

"One day, makikilala mo rin yang "the one" mo. Malay mo yang si fantasy guy Nick pala ang lalaking yun."

"Baliw! For one, he is straight and secondly, he will always just remain a fantasy." Sambit ni Alex. 

"You'll never know. Tingnan mo ako. Last week, I was swearing I will never be in a relationship but where am I now? I have a boyfriend. So news flash Bestie, nothing is impossible." 

Dinampot ko na si Bangky na kasalukuyang nakahiga sa semento sa tabi ng pool. Pumasok na kami sa loob ng bahay para doon ipagpatuloy ang aming kwentuhan. Tinawagan ko si Manang at nalamang tulog pa rin si Dad.

Di kalaunan ay tumunog ang door bell. Pinuntahan ko ito at pinapasok si Baste. Binati ko siya ng halik sa kanyang mga labi.

"Just pretend wala ako dito." Sambit ni Alex ng lumabas siya sa kusina at makita kami ni Baste na naghahalikan. 

Naghiwalay kami at nilapitan ang aking bestfriend na kasalukuyang nakaupo sa sofa at umiinom ng wine.

"Hi Alex! I think I need to re-introduce myself. I am Sebastian, Theo's boyfriend." Lokong bati ng aking boyfriend sa kanya at binigyan pa niya ng emphasis ang salitang boyfriend. 

"Hey Sebastian! Good to see you again... still walking." Potek! Hindi ko napigilang batuhin siya ng throw pillow. Tumatawa lang siya. Pati ang katabi ko ay nakikitawa na rin. "But seriously, congratulations guys! Enjoy niyo lang yan. Dahil katulad ko, maghihiwalay rin kayo."

"Shut up Alex! Huwag ka ngang bitter diyan!" Muli ko siyang binato ng throw pillow. 

"Relax guys! I was just kidding. Joke lang yun. Ok?!" Paliwanag ng aking bestfriend. "But seriously, I'm happy for you guys!"

"Thank you Alex!" Sagot ni Baste. Tinitigan ko lang si Alex ng masama. 

Iniwan ko silang nagkukwentuhan sa living room para kunan si Baste ng wine. 

"So Bestie, punta kami ng supermarket para mag shopping. Sama ka then dinner tayo pagkatapos." Pagyaya ko kay Alex.

"No. I'm good. Thank you pero kayo na lang. Baka kasi naghihintay na si Nick sa akin sa bedroom ko." Excuse ni Alex.

'Who's Nick? Boyfriend mo?" Tanong ni Baste.

"No, pantasya lang niya ngayon." Bulong ko sa aking nobyo. 

"Ahh. Single ka ngayon?" Muling pag-usisa ni Baste.

"Yes. Bakit may marereto ka sa akin?" Excited na tanong ni Alex. 

"Wala eh. I'm just surprised your single. I should complain to Spotify or Billboard. You should be on their list of this week's hottest singles." Hirit ng boyfriend ko. 

"Jusko! Kayong dalawa talaga! Iwan ko muna kayo. Asikasuhin ko lang gamit ni Bangky. Tapos alis na tayo." Sabi ko sa kanila. 

"By the way, di ko nakita kotse mo sa labas. Paano ka nakapunta dito?" Pahabol kong tanong kay Alex.

"Ah, hinatid ako ni Red dito kanina." Sagot niya. 

"I see. Ihatid ka na namin sa bahay mo before kami mag grocery. Pa-thank you ko man lang sa pag-asikaso mo kay Bangky." Ani ko.

"OK. Di ko tatanggihan yan Bestie." 

Umalis na ako at pinuntahan ang kuwarto kung nasaan ang pagkain at litter box ni Bangky. Ng matapos ay binalikan ko ang dalawa na busy sa pagtatawanan. 

"Handa na ba kayo?" Pagyaya ko sa kanila. 

"Game na!" Hirit ng matalik kong kaibigan. Inirapan ko na lang siya at kinuha ang susi ng aking kotse. Naramdaman ko namang sumunod sila para magsapatos at nagpunta na kami sa labas ng bahay pagkatapos. 

"So kelan ang kasalan?" Tanong ni Alex habang patungo kami sa bahay niya. Bigla kong inapakan ang preno kaya biglang huminto ang sasakyan. Pareho nilang di inaasahan ang aking ginawa. 

"Dahan dahan naman Bestie! Gusto ko pang mabuhay!" Reklamo ng bestfriend ko. Tinitigan ko lang siya sa ng masama sa rear view mirror at nakuha naman niya ang ibig kong mangyari. Ang umayos siya. 

Ipinagpatuloy na namin ang aming biyahe pauwi sa bahay niya. Napag usapan na rin namin ang pagpunta sa club niya on Friday night bilang pa-despidida sa aking nobyo. Kung makapagplano si Alex, parang di na babalik si Baste eh dalawang linggo lang naman siya sa Amerika. 

"Guys, yan si Nick oh! Ang guwapo di ba?" Itinuro ng kinikilig kong bestfriend ang nadaanan naming malaking billboard na kung saan may larawan ng isang lalaki na tanging pulang briefs lang ang suot. 

"Bagay kayo!" Sambit ng boyfriend ko na nakaupo sa tabi ko. In fairness, sobrang guwapo at kapanta-pantasya nga iyong Nick. 

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa aming destinasyon at nagpaalam sa aking kaibigan. Pagkatapos ay nagpunta na kami sa malapit na mall at dumiretso sa supermarket. 

Isa-isa na naming kinuha ang mga kailangan ko sa bahay. Si Baste ay nakasunod sa akin habang tulak tulak ang cart na unti unting napupuno ng mga groceries. 

"Hey Theo! Kumusta? Good to see you here." Bati sa akin ng lalaking na-meet ko last week dito sa mall na ito. Naabutan namin siyang namimili ng ice cream. 

"Hi!" Casual kong bati sa kanya. Di ko maalala ang kanyang pangalan. 

"Hello! Bryan pare." Pakilala niya kay Baste ng mapansin niya ang boyfriend ko na nakatayo sa aking likod.

"Baste." Tipid na sagot ng aking nobyo. 

"Lagi ka naggo-grocery dito?" Tanong niya. 

"No, ngayon lang." Tipid kong sagot habang kumukuha ng Rocky road at chocolate mint flavors ng ice cream. 

"Cool. Anyway, nice to see you again and if you want to hang out, let me know. Here's my card." Sabi niya at dinukot niya ang kanyang wallet para kunin ang kanyang calling card. 

"No. Don't bother. Una na kami." Pag-iwas ko dahil baka maulit pa ang nangyari sa resort, mahirap na. 

"Okay. Ingat kayo. Alam mo naman, it's a cruel world out there." Sambit niya bago kami naglakad na ni Baste palayo. Naguluhan man ako sa sinabi niya pero di ko na ito pinagtuunan ng pansin.

"Sino yun?" I knew Baste is going to ask me this.

"Honestly, huwag ka magagalit ha pero he's one of the guys I hooked up bago naging tayo." Pagtatapat ko sa kasama ko. Tumango tango lang ito.

Ipinagpatuloy na namin ang aming pamimili. Halos mapuno na ang shopping cart na tinutulak ng aking nobyo. 

"Are you a supermarket sample?" tanong sa akin ni Baste ng mapadaan kami sa isang sample stand ng isang brand ng ham. Kumuha kami ng tig-isang piraso mula rito at sinubuan ang isa't isa. 

"Bakit naman?" Inihanda ko na ang aking sarili sa parating na pick up line. 

"Kasi I want to taste you again and again without any sense of shame." Hirit niya. 

Ilang minuto pa kaming naglibot dito sa supermarket. Ng matapos kunin ang mga kailangan at di masyado kailangan, pumila na kami para magbayad. Pagdating sa counter, pansin ko ang kinikilig na kahera at bagger. Nilalandi at kinikindatan pa ang mga ito ni Baste. Siniko at sinuway ko ito sa kanyang ginagawa at tumigil naman ito.

Ako na ang nagbayad ng aming pinamili kahit nagpupumilit si Baste na bayaran ang mga ito. Pinagtulungan naming dalhin ang mga ito sa baggage counter para ihabilin muna para makapagdinner.

Pareho kaming hindi makapag desisyon kung saan kakain kaya naglakad lakad muna kami dito sa mall. Nagpadpad kami sa tindahan ng mga alahas at niyaya ko siyang pumasok dito. Kino-consider ko kasing regaluhan siya nito sa Pasko. 

Busy ako sa pagtingin tingin ng mga bracelets ng may makita akong kwintas. Tinawag ko ang staff at ipinalabas sa glass cabinet ang kwintas na umagaw sa aking atensyon. May malililiit na silver beads na parang rosaryo ang necklace at may cross na pendant na nakakabit dito. Itinapat ko ito sa aking leeg at humarap sa salamin.

"Bagay sa 'yo. Let's buy it." Sabi ni Baste .

"No, thank you sugar daddy!" Sagot ko sa kanya. 

Ibinalik ko na ito sa staff pagkatapos. Nag ikot pa kami sa loob ng tindahan ng ilang minuto bago nagdesisyong lumabas na rito. May nakita akong magandang bracelet at babalikan ko na lang ito kapag di ko na kasama si Baste. 

Nadaanan namin ang isang Japanese restaurant at napiling dito kumain. Kasamaang palad ay walang available na upuan kaya napag desisyunan naming mag take out na lamang. Nag order kami ng dalawang klase ng ramen noodle, edamame, gyoza at iba't ibang uri sushi at sashimi. Habang hinihintay ang aming order ay tinawagan ko si Daddy.

"Hello Dad. Kumusta na po pakiramdam mo?" 

[Hello hijo. Medyo maayos na. Nakauwi na ga kayo ng nobyo mo? Nasa bahay ka na ga?] 

"Nakauwi na ako kanina pero nag grocery ako ngayon Dad. Magpahinga ka pa rin. Wag ka na po muna pumasok bukas. Sa isang araw ka na lang ulit mag duty sa clinic kapag bumuti na ng tuluyan ang pakiramdam mo." Pakiusap ko sa kanya.

[Sige hijo. Salamat sa pagtawag. Love you hijo.]

"Love you din po Dad." Paalam ko sa kanya. 

Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag na kami ng isa sa mga server at binigay ang aming inorder na pagkain. Dinala na namin ang mga ito, pati na rin ang mga groceries na iniwan namin kanina sa supermarket, sa parking lot kung saan naka-park ang aking kotse. 

Ng matapos naming ipasok sa bahay ang lahat ng aming pinamili ay inayos na namin ang aming mga pagkain sa living room. Dito kasi namin napiling kumain para makanood na rin ng TV.

Napag-usapan kasi namin kanina ni Baste ang mga nauusong BL series ngayon dito sa Pilipinas kaya naisipan naming panoorin ang isa sa mga ito. 

Inilagay na lang muna namin sa ref ang mga gyoza, sushi at sashimi at mamaya na namin ito kakainin. May binabalak ako sa mga yun mamaya. Magkatabi kami sa sofa habang kinakain ang ramen at edamame ng nag-ring ang aking cellphone. 

"Hello Caleb!" Napatingin pa sa akin si Baste ng banggitin ko ang pangalan ng isa kong bestfriend.

"Hey bro! Kumusta ka na?" Bating tanong niya sa akin.

"OK naman. Nakauwi na today. How about you? Anong ganap?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ayos naman. I just got home from the gym. Pasok ka na bukas?" 

"Yeah. Balik trabaho na ako bukas. I'll see you there?" 

"Yup. I'll be there. Okay. Good night bro!" Sambit niya. 

"Good night! See you tomorrow!" Paalam ko sa kanya. 

"What's the deal with you and Caleb?" Tanong sa akin ng aking katabi. 

"What do you mean?" Balik kong tanong sa kanya.

"Are you guys exes or something?" 

Natawa ako sa sinabi niya. "Don't tell me pinagseselosan mo rin si Caleb?!"

"Hindi naman. I just think he likes you more than bestfriends." Sambit niya. 

"Baliw! Magkaibigan lang kami nun. Nothing more." Pagtapos ko sa aming usapan. 

Kasabay natapos ng unang episode ay naubos namin ang aming kinakain. Hinayaan ko na siyang i-set ang pangalawang episode ng dalhin ko ang mga mangkok namin sa lababo. 

"Still hungry? Do you want to eat the rest?" Tanong ko sa kanya ng bumalik ako sa living room. 

"Sure." Sagot niya habang iniinom ang kanyang sake

"OK. But you need to get naked if you really want them." Napangiti siya ng marinig ang sinabi ko. Dali-dali niyang hinubad ang kanyang suot na asul na t-shirt. Iniwan ko siya habang binubuksan niya ang butones ng kanyang shorts.

Isa isa ko ng inilabas sa ref ang mga natirang pagkain na binili namin kanina. Pagbalik ko sa living room ay nakita kong nakaupo ang aking boyfriend sa sofa at tanging suot na lamang ay ang kanyang puti Calvin Klein briefs. 

"Sabi ko naked di ba? Mukhang busog ka na yata. Ibalik ko na ito sa ref." Aktong babalik na ako s a kusina ng magsalita siya.

"No. Gutom pa ako papi." Hinubad na niya ang natitirang saplot sa kanyang katawan. Tuluyan ng hubo't hubad ang Adan na nasa aking harapan. Inilapag ko muna sa coffee table ang mga box ng pagkain na hawak ko. 

"Talaga ba? Sige kain tayo. Higa ka dito sa sofa." Sinunod naman ng aking nobyo ang aking sinabi. 

Inalis niya ang mga throw pillow sa sofa at inilapag ang mga ito sa carpet. Nag-iwan siya ng isa at inilagay ito sa dulo ng sofa. Ito ang kanyang inunan ng humiga siya ng nakangiti at nakatingin sa akin. Hinihintay ang aking gagawin. 

"Ready ka na kumain papi?" Tanong ko kay Baste. Tumango naman ito. 

Kinuha at binuksan ko ang isang box ng sushi. Dinampot ko ang isa sa mga ito gamit ang pares ng chopsticks at inilagay ito sa ibabaw ng kanang nipple ng aking boyfriend. Natawa ako ng magreklamo siya ng dumikit ang malamig na sushi sa kanyang katawan. Sinunod kong nilagyan ng isa pang piraso ng sushi ang kabila niyang utong. Muli siyang umungot dahil sa lamig na naramdaman. 

Ipinagpatuloy ko ang paglipat ng sushi, gyoza at sashimi mula sa mga boxes papunta sa katawan ng aking boyfriend. Pinanood lang niya ako habang isa isa kong inilalagay ang ilan sa mga ito sa kanyang dibdib, balikat, abs at puson. Minsan ay nagsa-suggest pa siya kung saan dapat ilagay ang pagkain. Inilagay ko ang wasabi sa pagitan ng kanyang mga utong at ang pickled ginger sa tabi nito. Pinatungan ko rin ng isang sashimi ang kahabaan ng kanyang malambot na ari. Ng mapuno ang kanyang itaas ng katawan ng mga binili naming pagkain ay inilagay ko ang mga natirang pagkain sa kanyang mga hita. Ipinuwesto ko ang huling apat na piraso ng sushi sa kanyang kanyang mukha - isang piraso sa kanyang noo, tig-isa sa magkabilang pisngi at isa sa ibabaw ng kanyang bibig. Dahil dito, di na siya nakapagsalita at di na maigalaw ang kanyang ulo para hindi mahulog ang mga ito. 

Kinuha ko ang aking telepono at kinunan ng litrato ang aking boyfriend. Ipinakita ko pa ito sa kanya at gumawa siya ng ungol. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa dahil sa sushi na nakapatong sa kanya mga labi.

"Restroom muna ako. Naiihi na ako." Sabi ko sa kanya. Muli siyang gumawa ng ingay pero di ko na siya pinansin. Narinig ko na lang siyang tinatawag ako habang nasa banyo.

Pagkatapos maghugas ng kamay ay binalikan ko na ang aking nobyo. Nakakatuwa siyang tingnan sa kanyang posisyon. Nakahiga ito sa aking itim na leather sofa habang natatabunan ng mga pagkain ang kanyang katawan. Napansin kong wala na ang sushi na inilagay ko sa kanyang bibig.

"Nasaan na ang sushi na nasa bibig mo?" Tanong ko ng mapansin kong wala na ito.

"Kinain ko na. Tagal mo eh." Sagot nito ng nakangiti. Potek! Panira ng plano ang lintek na ito pero hinayaan ko na lang. Gamit ang chopsticks ay sinipit ko ang balat niya sa tagiliran. Umarte itong nasaktan kahit di naman matindi ang ginawa ko. 

Binuksan ko ang sachet ng toyo at pinatakan ang sushi na tumatakip sa kanyang kaliwang nipple. Yumuko ako at diretsa ko itong isinubo na hindi ginagamit ang aking kamay. Nanatiling nakadikit ang aking mga labi sa kanyang utong habang nginunguya ang sushi na aking isinubo. Salitan kong nginunguya ang sushi at dinidilaan ang kanyang nipple. Tumingin ako sa mukha ng aking nobyo habang ginagawa ito at kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Halata ang pagkatuwa sa kanyang mukha kahit hindi niya maigalaw ang kanyang ulo dahil sa sushi na nakapatong sa kanyang noo at magkabilang pisngi. 

"Do you want one?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kainin ang sushi at ang kanyang kaliwang nipple. 

"Yes, please." Nakangiti niyang sagot. 

Ibinuhos ko ang lamang toyo ng hawak kong sachet sa kanyang malalim na pusod hanggang mapuno ito. Gamit ang aking bibig, kumuha ako ng isang sashimi sa kanyang abs at isinawsaw ito sa kanyang pusod. Lumapit ako sa mukha ng aking nobyo at inilipat ang sashimi mula sa aking bibig papunta sa kanya. Malugod niyang ibinuka ang kanyang bibig at tinanggap ang pagkain. Ng tuluyang malipat ang pagkain at mariin ko siyang hinalikan. Lumaban ito kahit may laman ang kanyang bunganga. Humigit kumulang isang minuto naghinang ang aming mga labi bago ako humiwalay at hinayaan siyang kainin ang pagkaing aking inilagay sa loob ng kanyang bibig. 

Nilagyan ko ng kaunting wasabi at toyo ang sushi na nasa kanang utong ni Baste at inulit dito ang ginawa ko kanina sa kaliwa. Pinaglaruan ng aking dila at sinupsup at kinagat kagat ang kanyang utong. 

Salitan ang aming pagkain. Minsan ay ginagamit ko ang chopsticks para sipitin ang pagkain at isawsaw sa toyo na nasa kanyang pusod. Minsan ay umaapaw ang toyo mula rito at dali dali kong dinidilaan ang kanyang tagiliran para di lubusang masayang ang itim na likido. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay naubos na namin ang mga sushi, gyoza at sashimi na nasa kanyang balikat, dibdib at abs. Ilang beses kong dinilaan ang kanyang katawan para linisin ang mga natirang patak ng toyo at naiwang piraso ng kanin. 

Sunod naming kinain ang nasa kanyang mga hita. Ng maubos rin ang mga ito ay pinagtuunan ko ng pansin ang tatlo na nasa kanyang mukha. Gaya ng ginawa ko sa mga nauna naming kinain, nilagyan ko ng wasabi ang mga ito at pinatakan ng toyo. Una kong kinain ang nasa kanyang noo at dinilaan ko ang harap ng kanyang ulo para linisin ang natirang toyo pagkatapos. Mula rito ay naglakbay ang aking dila papunta sa kanyang kaliwang pisngi. Kinagat ko ang sushi na narito at ibinigay ito kay Baste. Habang nginunguya ng aking nobyo ang sushi ay bumalik ang aking dila sa kanyang pisngi at nilinis ito. Pagkatapos nito ay nagtungo ang aking dila sa kanang pisngi para kainin ang huling pagkain na nasa kanyang mukha. Muli kong dinilaan at nilinis ito ng maubos ang sushi. Para akong si Bangky na dinidilaan ang katawan at mukha para linisin ito. Speaking of Bangky, pinapanood lang niya ang aming ginagawa habang nakahiga siya sa kabilang upuan. 

Bago iwan ang kanyang mukha ay muling naglapat ang aking mga labi. Marubdob kaming naghalikan habang nakahiga siya sa sofa. Hinawakan ng kanyang kamay ang aking batok at iniangat niya ng kaunti ang kanyang ulo. Ilang minuto ring tumagal ang aming pagpapalitan ng laway. 

Pareho kaming naghahabol sa hangin ng maghiwalay ang aming mga labi. Mapula ang kanyang mga labi dahil sa panggigil ko sa mga ito ilang sigundo ang nakakalipas. Itinukod niya ang kanyang mga siko para iangat ang kanyang ulo at mga balikat. Natuon ang kanyang atensyon sa natitirang pagkain sa kanyang katawan. Ubos na ang lahat maliban sa kaunting toyo sa kanyang pusod at ang sashimi na nakapatong sa semi-erect na niyang ari.

"Still hungry?"

"I'm always hungry for you papi." Sagot niya.

"You can have this last piece then." Dinampot ko ito gamit ang chopsticks at isinawsaw sa kanyang pusod. Pagkatapos ay isinubo ko na ito sa aking gutom na boyfriend. 

Habang nginunguya niya ito ay inabala ko ang sarili ko sa pagdila sa kanyang mga bayag. Salitan ko itong isinubo at pinaglaruan ng aking dila. Ng magsawa rito ay kinuha ko ang bukas na sachet ng toyo at piniga ang natitirang laman nito sa kahabaan ng matigas na niyang ari. Pinasadahan ko ng aking dila ang kanyang burat at nilinis ang likido na tumatagas dito. Pati ang sauce na tumagas sa kanyang puson at patubong bulbol ay aking dinilaan at nilinisan. 

Nakakaakit kong tiningnan ang aking nobyo na inaabangan ang aking sunod na gagawin. Dahan dahan akong lumapit sa kanyang mukha at muli siyang hinalikan. Nasa ganito kaming posisyon ng mariin kong inipit ang kanyang kaliwang sensitibong utong gamit ng aking mga chopsticks. 

"Aaarrrayyyy!!!"Reklamo niya sa aking ginawa. Hindi niya inasahan na gagawin ko iyon habang abala kami sa paghahahalikan. 

"Sorry." Nakangiti kong hingi ng paumanhin sa kanya. 

Pinagtuunan ko ng pansin ang utong na aking sinaktan. Pinaikot ikot ko ang aking dila rito. Pagkatapos ay muli ko itong marahan ang sinupsop at pinaglaruan ng aking dila. Ng tantiya kong nakabawi na ako sa kapilyuhan na aking ginawa ay iniwan ko na ito at pumababa para pagtuunan naman ng pansin ang kanyang ibabang ulo. 

Hinawakan ko ito at kinulong sa aking kanang palad. Tinusok ng aking dila ang hiwa sa ulo nito, pilit ibinubuka ang maliit na butas. Sunod nito ay ibinalot ko na ang aking mga labi sa kanyang mapulang makopa. 

Kasabay ng paggalaw ng aking kamay sa kahabaan ng kanyang ari ay ang paglalaro ng aking dila sa ulo nito habang nasa loob ng aking mainit na bibig. Unti unti kong ibinaon ang kanyang sandata sa aking bibig. Inalis ko ang aking kamay at di kalaunan ay naramdaman ko ang kanyang manipis na buhok sa dulo ng aking ilong. Nanatili ako rito ng ilang minuto at tiningnan ang mukha ng aking nobyo ng gumawa siya ng ingay. 

"Aaaaahhhhhhhh!" Ungol niya habang nakatingala at nakapikit. Mukhang maligaya siya sa aking pag deep throat sa kanyang kargada. 

Inumpisahan ko ng igalaw ng pataas baba ang aking ulo habang mahigpit na nakabalot ang aking mga labi sa kanyang matigas na burat. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang maramdaman ko ang paghawak ng aking nobyo sa aking buhok at paggalaw ng kanyang balakang bilang pagsalubong sa paggalaw ng aking ulo. 

Pinagapang ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang hita paakyat sa kanyang kaselanan habang abala ang aking bibig sa kanyang ari. Minasahe ng aking middle finger ang kanyang kaselanan. Ng pakiramdam kong relaxed na ang kanyang lagusan ay dahan dahan ko ng ipinasok dito ang aking daliri. Ramdam ko ang mainit at masikip niyang butas. Pagkaraan ng ilang minuto paglabas pasok ng aking hinlalato ay dinagdagan ko ito ng isa pang daliri.

"I'll be back." Sabi ko sa kanya ng tumayo ako at nagpunta sa aking kuwarto. 

Pagbalik ko ay muli akong lumuhod sa harapan niya at isinubo ang kanyang matigas pa rin na burat. Isa isa ko na ring hinubad ang aking shorts at boxer briefs. Pinatigas ko na rin aking sandata para sa labang magaganap. 

Inalis ko ang aking bibig sa kanyang ari at binuksan ang pakete ng condom na aking kinuha sa aking kuwarto. Di na ako nag aksaya ng oras at ibinalot ko na ito sa aking naghuhumindig na kargada. Binuhusan ko na rin ito ng pampadulas. 

Pumuwesto na ako sa ibabaw ng aking nakahigang boyfriend at itinaas ang kanyang dalawang binti. Ipinatong ko ang kanyang mga paa sa aking mga balikat. Itinutok ko na ang aking matigas na titi sa kanyang lagusan at dahan dahang ipinasok ito rito. Muli ko na namang naramdaman ang kanyang mainit at masikip na butas sa aking ari. Swak na swak ang mga ito na para bang hinulma ang kanyang butas para sa sukat ng aking mahaba at matabang burat. Nag umpisa ng umindayog ang aming mga katawan sa saliw ng musika sa aming mga isipan at damdamin. Magkahawak ang aming mga kamay. 

Sandali akong huminto sa paglabas pasok sa kanyang hiyas ng ibinaba ko ang kanyang mga paa sa sofa. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at naghinang muli ang aming mga labi. Nasa ganito kaming posisyon ng ipagpatuloy ko ang pagkantot sa kanya. Para kaming naubusan ng hangin sa baga ng maghiwalay ang aming mga labi. 

Pagkaraan ng ilang minutong pagniniig ay naramdaman ko na ang nalalapit kong pagsabog.

"Lapit na ako." Sambit ko kay Baste na kasalukuyang jinajakol ang kanyang titi.

"Me too. Sabay tayo papi." Sagot niya. Mas binilisan ng kanyang kamay ang pagtaas baba nito sa kanyang kahabaan.

Naka ilang kadyot pa ako ng umungol siya ng malakas. Ramdam ko ang mas pagsikip ng kanyang butas ng makitang sumirit ang kanyang tamod sa kanyang tiyan. Para nitong piniga ang aking titi. 

Dagli kong inilabas ang aking burat at hinawakan ito ng di umaalis sa aking pwesto. Sandaling paghimas lang ang aking ginawa at pumulandit na rin ang mainit na katas mula sa aking ari. Tumalsik ang ito sa kanyang tiyan, dibdib at may ilan ring umabot sa kanyang mukha. Ng matapos ang paglabas ng aking tamod ay ibinagsak ko ang aking katawan sa ibabaw ng aking boyfriend. Hapong hapo at hinihingal kami pareho. Pati mga katawan namin ay parehong basang basa ng pawis. Nanatili kami sa posisyong ito ng ilang minuto bago tuluyang bumangon. 

Nagpunta si Baste sa kusina para kumuha ng tubig samantalang kumuha naman ako ng tuwalya para linisan ang aking sofa. Kasalukuyan kong pinupunasan ang basa sa sofa ng inabutan ako ng aking boyfriend ng baso ng tubig. Tinanggap ko naman ito at ininom. Ng matapos ay ibinalik ko ito kay Baste at ipinagpatuloy na ang pag alis ng ebidensya ng aming ginawa. 

Niyaya ako ni Baste na sumabay sa pagligo pero pinauna ko na siya. Tinapos ko pa ang aking paglilinis sa sala at pagligpit ng aming pinagkainan. Palabas na si Baste ng shower area ng maabutan ko ito sa banyo. Binigyan ko siya ng tuwalya at ng iba pang toiletries na kailangan niya. Pumasok na ako sa shower at naglinis na rin ng aking katawan. 

Itinuloy na namin ang aming panonood ng BL series habang magka-cuddle kami sa sofa. Alas onse na ng gabi ng niyaya ko na siyang pumunta na sa kuwarto. Dito ay muli kaming nagyakapan hanggang tuluyang makatulog. 

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Ingat kong inalis ang kamay at binti ni Baste na nakapatong sa aking katawan. Pinuntahan ko ang kuwarto ni Bangky at nilinis ang kanyang litter box. Ni-refill ko na rin ang kanyang water at dry food bowls. Tumakbo ako sa aking treadmill pagkatapos.

Makaraan ang tatlumpong minuto ay bumalik na ako sa aking kuwarto at nakitang mahimbing pa ring natutulog ang aking boyfriend. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag handa para sa unang araw ko sa trabaho pagkatapos kong maoperahan at magbakasyon.

Kasalukuyan kong isinasalin sa plato ang dalawang egg omelette na aking niluto ng pumasok si Baste sa kusina. Nag iinat pa ito ng lumapit sa akin.

"Good morning sunshine!" Bati ko sa kanya ng makita siya bago niya ako binigyan ng halik sa labi. Pinisil pa niya ang aking ari. Nakasando lang kasi ako at boxer briefs ngayon.

"Good morning! Pasok ka na? Dito ka na lang. Ako na lang pasukin mo." Paglalambing niya habang nakayakap siya sa akin.

"I have to. Baka masisante na ako pag nag absent ako. Kita na lang tayo mamayang lunch." Napag usapan na namin ito kagabi na puntahan niya ako sa trabaho para sabay kaming mananghalian. "Upo ka na. Kain na tayo."

Isinalin ko na ang chocolate protein shake mula sa blender sa aming mga baso. Nag umpisa na kaming kumain sa breakfast counter.

Siya na ang nagprisintang maghugas ng mga ginamit namin ngayon kaya hindi na ako nakipagtalo. Bumalik ako sa banyo at nagsipilyo. Isinuot ko na rin ang aking asul na scrubs. Paglabas ko ay nakita kong nakikipaglaro si Baste kay Bangky.

"Ang hot at ang bango naman ng boyfriend ko." Puri ni Baste sa akin ng nilapitan ko ito para magpaalam.

"Bolero! Anyway, mauna na ako. Just make sure to lock the door when you leave later. Text text na lang para mamayang lunch." Huling habilin ko bago umalis. 

"I love you papi." Pahabol ni Baste. Nakatayo itong karga-karga si Bangky sa main door at pinapanood akong maglakad palabas ng bahay. "Bye daddy!" Hirit pa niya habang ikinakaway ang kanang paa ng aking pusa. Binigyan ko sila pareho ng flying kiss bago tuluyang pumasok sa aking kotse. 

"Have a great day papi! Miss you already. See you later. Love you!" Nabasa kong text message ni Baste ng iparada ko ang aking kotse sa employee parking lot ng ospital. 

Mainit naman ang naging pagtanggap ng aking boss at mga katrabaho sa aking pagbabalik. Hindi ko alam kung seryoso sila pero nabanggit pa nila ang kakaiba ko raw na glow ngayon. 

Sa sobrang pagka-miss nila sa akin ay pinuno nila ng pasyente ang aking schedule ngayong araw na ito. Nakatulong naman ang pagka busy namin today sa pagbilis ng takbo ng oras. Namalayan ko na lang, halos alas dose na ng tanghali. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita ang madaming messages ng aking boyfriend.

"Hey sorry. Been busy today. Asan ka na?" Bungad kong tanong sa kanya. 

"It's okay. Andito na ako sa parking lot. Just let me know when you're ready and I'll pick you up sa lobby." Sabi niya.

"OK. I'll meet you there in ten minutes."

"Okay papi. Love you!" Sambit niya. 

"Bye!" Tinapos ko na ang aking tawag. 

Nakasalubong ko si Caleb sa hallway habang papunta ako sa lobby. Niyaya ko siyang sumama sa amin pero tumanggi siya. Mamaya pa raw ang lunch break niya. 

Muli akong dinala ni Baste sa Cooking Ng Anak Ko Eatery kung saan kami kumain dati. Nag order kami kay Ate Nena ng giniling, paksiw na bangus at pinakbet. Lumingon lingon pa ako sa paligid ng makaupo kami. Hindi ko naman nakita ang lalaking aking hinahanap. 

Matapos ang aming tanghalian ay ibinalik na ako ni Baste sa ospital. Napagkasunduan naming sa bahay ko mag dinner at doon na lang ulit siya matulog. Balak lang naming sulitin ang natitira niyang oras dito bago siya umalis para sa trip niya sa Amerika. 

Katulad ng nangyari kaninang umaga, naging sobrang abala ako sa trabaho kaya mabilis lumipas ang oras. Tinext ko na si Baste ng matapos ang aking shift at pauwi na ng bahay. 

Humalimuyak ang aking bahay ng pumasok ako dito. Amoy masarap na luto. Dinampot ko si Bangky ng salubungin niya ako at binitbit siya papunta sa kusina kung saan nagmumula ang amoy. Nakita ko rito ang aking boyfriend na abala sa pagluluto. 

"Andito ka na pala. How was your day?" Pag usisa niya ng makita niya ako. Binigyan ko siya ng halik sa labi. 

"Sobrang busy. Kakapagod." Sagot ko sa kanya. "What are you cooking?"

"I hope you don't mind. Pinakialamanan ko na ang kusina mo. Adobong manok at stuffed pusit. Are these okay?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. They're more than okay. Thank you." Ibinaba ko si Bangky at niyakap ang aking nobyo mula sa likod. Abala siya sa paghalo ng nilulutong adobo.

Humarap siya sa akin at pinatikim ang sabaw ng kanyang niluluto. "What do you think?"

"Tastes good. Kakabahan si Ate Nena sa luto mo." Pagbibiro ko sa kanya.

"Baliw! Magrelax at magbihis ka na. Malapit na itong matapos." Utos niya sa akin. 

Sinunod ko naman ang kanyang sinabi. dumiretso na ako sa aking kuwarto at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng itim na sando at jersey shorts. Dumapa ako sa aking kama habang abala sa pagcheck ng aking social media accounts. Nakita ko ang post ni Baste ngayong araw na ito sa Instagram. Isa ito sa mga larawang kinuha namin pagkatapos mag snorkeling. Nakatayo ako sa dulo ng bangka at nakatalikod sa camera. Nilagyan niya ito ng caption na 'I love you GOD'. Alam kong ako ang tinutukoy niya dahil napag usapan namin kagabi ang ibig sabihin ng aming mga pangalan bago kami matulog. Derived kasi ang Theo sa Greek word na theos na ang ibig sabihin ay 'God'. Pinusuan ko ito at nag comment na rin ako ng '❤❤❤'.

"Dinner is ready." Sambit ni Baste ng pumasok siya sa aking kuwarto. 

"OK." Bumangon na ako at sumunod sa kanya. Nakapaghain na pala ang aking boyfriend. 

Pinagsaluhan na namin ang mga masasarap na niluto niyang pagkain. Sakto ang lasa at pagkakaluto ng adobong manok at pusit. Naparami tuloy ako ng kain dahil dito. Kung saka-sakali, mukhang tataba ako kung laging si Baste ang magluluto ng aming pagkain. Kakailanganin ko tuloy doblehin ang pag eexercise ko. 

"Thank you for cooking dinner. San ka nga pala natutong magluto ng ganito kasarap?" Pag usisa ko sa kanya.

"Kay Lola. Mahilig kasi siya magluto kaya tinuruan na rin niya ako. Did you like it?" 

"I love it. Salamat ulit. Plus, you cooked my favorite." Ani ko bago isubo ang piraso ng pusit.

"Sana all love. Sana all favorite." Hugot niya. Natahimik ako sa sinabi niya. "Wag mo intindihin yung sinabi ko. I was just kidding." Dagdag niya. 

Nagpatuloy na kami sa aming pagkain. Ako na ang naghugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan namin pagkatapos. 

Ng mailigpit na ang lahat ay pinuntahan ko naman ang kuwarto ni Bangky. Laking gulat ko na lang ng makitang malinis na ang kanyang litter box at maayos ang kanyang bowls.

"Salamat ulit sa dinner at sa pag asikaso mo kay Bangky at sa mga kailangan niya." Sabi ko kay Baste ng tabihan ko siya sa sofa habang busy siya sa pagce-cellphone. Ibinaba niya ang kanyang telepono ng maramdaman ang aking presensya.

"You're welcome. Anything for you and Bangky. Di mo na kailangang magsabi pa. I'll gladly do it." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa kanyang pisngi. 

"Bakit ang bait bait mo sa akin? What did I do to deserve all this?" Magkasunod kong tanong sa kanya. 

"Because I love you. And correction. Ako dapat ang nagtatanong niyan. What did I do to deserve you?" Medyo nalito ako sa sinabi niya at mukhang napansin niya ito. "I don't know what I did but somehow I probably did something right to have somebody like you in my life papi." Dagdag niya.

"Ano ka ba papi! I don't know what you're saying but you deserve all the good things that's happening to you. If you consider as one of those good things, then thank you. But you deserve to be happy. And I am lucky to have you in my life." Sinsero kong sabi sa kanya habang hawak hawak ang magkabila niyang pisngi. nagtitigan lang kami ng ilang segundo at walang nagsasalita. 

"I love you." Pabulong kong sabi.






Itutuloy....


1 comment:

  1. Waaaaaaaaah narinig kaya ni Baste yung I love you?

    ReplyDelete