Sunday, February 7, 2021

TOTDGA - CHAPTER 26


FINAL MESSAGE


"What the fuck are you talking about?"


[Sebastian and I had a bet Theo. And thanks to you, he won. Napaibig ka niya.]


"You fucking liar!"


[Goodbye Theo!]


Pinutol na niya ang aming usapan. 


"FUUUUUCCCCCCKKKKKKK!!!!!!!!!" Malakas kong sigaw pagkatapos tapusin ni Eric agad ang aking tawag.

Dahil sa aking nalaman, gusto kong magwala. Gusto kong puntahan kung nasaan man sila ngayon para upakan ang hayop na yun! Gusto kong sapakin ang pagmumukha niya hanggang kailanganin na niyang manghiram ng mukha sa aso.

"PUTANG INA! PUTANG INA!!! PUTANG INNNAAAAAA!!!!!!!!!" Paulit ulit kong pagmumura dahil sa tindi ng galit at frustration na aking nararamdaman ngayon. 

Inabot ko ang beer na nasa aking harapan at tinungga ito hanggang maubos ang laman. Pabagsak ko pa itong ibinaba sa lamesa. 

"Bro! Tama na yan!" Pagpigil ni Caleb sa akin. Hindi ko siya pinansin. Imbes ay kumuha ulit ako ng isa pang beer mula sa bucket at inulit ang aking ginawa. Bottoms up!

Inurong na ni Alex ang balde ng beer palayo sa akin. Hindi pa naman ako sobrang lasing pero hindi na tuwid ang aking pag-iisip. Marahil dahil sa pinaghalong mapait na beer na aking ininom at sa mapait na katotohanan na iniwan at ipinagpalit na ako ng aking kasintahan. Para akong mababaliw sa dami ng tanong na tumatakbo sa aking isipan.

"Ano bang ginawa kong mali? Saan ba ako nagkulang? Sabihin niyo nga sa akin ha! Ako ba ang may kasalanan? Mali bang hinayaan ko siyang pumunta ng Amerika para bisitahin ang pamilya niya? Paano ako nagawang pagtaksilan ni Baste at pagpustahan ng hayop niyang ex? Bakit niya ako nagawang saktan ng ganito? Bakit?!?!" Sunod sunod kong tanong sa aking mga matalik na kaibigan. 

"Bestie, relax ka lang..." Pagpapahinahon niya sa akin. 

"Tangina naman Alex! Paano ako magrerelax eh katabi ng putang inang Eric na yun ang aking boyfriend! Sige nga! Kung sa yo ba nangyari ito eh makakapagrelax ka? Putang ina nila! Siguro nga bagay silang dalawa kaya magsama na lang silang dalawa sa impiyerno!" 

"Bestie, do you seriously believe na totoo ang sinabi ng Eric na yun? We all know na tuso at hindi mapagkakatiwalaan ang taong yun base na rin sa sinabi sa atin dati ni Sebastian." Sambit ni Alex.

"Di ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko Alex. Gusto ko mang panghawakan ang mga sinabi ni Baste dati pero ano ang ginagawa niya ngayon? Sige nga! Hindi ba binabalewala niya ako at tinatrato na parang basura? Hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko tapos malalaman ko na lang na nagpapakasarap siya dun sa tabi ng hayop na Eric na yun sa kama! Puta naman Bestie! Nakakagago lang sobra! Maayos at buong puso ko siyang minamahal pero bakit kailangan niyang gawin sa akin ngayon ito? Bakit di niya nagawang magpaalam at basta basta na lang niya akong iniwan? Ang sakit lang! Ang sakit sakit!" Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Hindi naman ako iyakin na tao pero marahil dulot ng sidhi ng aking emosyon ngayon ay di ko na napigilang mapaluha. O di kaya ay luha ito galing sa aking umiiyak na puso. 

Hinihimas himas nila pareho ang aking likod para ako'y mapakalma. Pinahid ko na rin ang aking mga luha. Tangina! Ang drama ko! Hindi karapat dapat iniiyakan ang mga manloloko.

"Ganito ba talaga kasakit ang magmahal? Paano niyo ito paulit ulit na kinakaya?" Tanong ko sa kanila. 

"Masakit siya bro dahil totoo kang nagmahal." Sagot ni Caleb.

"Tama! At saka masasanay ka rin Bestie. Sa ngayon, mahirap, pero weeks or months from now, kapag binalikan mo ang moment na ito, masasabi mo sa sarili mo na 'you made it'. Baka pagtawanan mo pa nga ang sarili mo eh. Tingnan mo kami ni Caleb. Nasawi dati pero ngayon ay parehong nakangiti." Salaysay ni Alex. 

"Hashtag Camp Sawi!" Dagdag na hirit ni Caleb. Nagtawanan sila pero tiningnan ko lang sila. Gustuhin ko mang ngumiti rin pero nahihirapan akong gawin ito dahil sa loob loob ko, ang puso ko ay nagdurusa at nagdadalamhati.

Matindi pa rin ang inis at galit na aking nararamdaman pero medyo kalmado na ako ngayon. Tama naman sila. Kung nakaya nila ito dati, makakayanan ko ring malampasan ito. Sana...

"Can I have another beer please?" Pakiusap ko sa kanila. Atubili pa silang pagbigyan ko. "Sige na. Ibalato niyo na sa akin ito. Ngayon lang. Please."

Nakita ko pang nagtitigan sila bago tumango si Caleb. Inabutan na ako ni Alex ng isa pang bote ng beer na dali dali kong ininom. Tulad kanina, madali ko itong inubos. Gusto ko lang lunurin ng alak ang sakit na aking nararamdaman ngayon.

Pinagbigyan na nila akong uminom pa dahil na rin sa pagpupumilit ko. Halos maubos na namin ang dalawang bucket ng beer na nasa aming lamesa. Lampas kalahati nito ay ako ang uminom. May ilan na lang natitira ng niyaya ko silang magpunta sa dance floor. 

Habang bitbit ang isang bote ng beer ay naglakad na ako papunta doon. Hindi ko na hinintay pa sina Alex at Caleb. Dahil na rin sa dami ng alcohol na aking nainom, medyo manhid na aking pakiramdam. Alam ko sa sarili ko na lasing na ako. 

80's night ang tema ngayon dito sa club ni Bestie kaya mga makalumang kanta ang pinapatugtog ng DJ. Nilunod ko aking ang sarili sa pagsasayaw sa saliw ng mga nakakaindak na lumang awitin. Kasalukuyang naririnig dito sa club ang kanta ni Whitney Houston na 'I Wanna Dance With Somebody'.

🎶Clock strikes upon the hour
And the sun begins to fade
Still enough time to figure out
How to chase my blues away
I've done alright up 'til now
It's the light of day that shows me how
And when the night falls
Loneliness calls

Oh! I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah! I wanna dance with somebody
With somebody who loves me 
🎶

Masaya ang tempo ng awit pero bakit may sabit? Totoo nga ang sabi nila na kapag ikaw ay sawi, pakiramdam mo lahat ng kanta ay tungkol sa nararamdaman mo. 

Tulad ng sabi ng kanta, gusto ko lang magsayaw ngayon. Gusto ko lang isayaw ang lalaking minamahal ko. Gusto ko lang maramdaman muli ang init ng kanyang mga yakap at halik.

Tangina! Paano ako nasadlak sa sitwasyong ito? Bakit hindi siya mawala sa isipan ko? Pwede bang kahit sandali lang ay ma-enjoy ko ang aking pagsasayaw at makalimutan ang sakit at ang lalaking nagdulot sa akin ng sakit? Nagtagal pa kami rito sa dance floor hanggang may biglang umagaw ng atensiyon ko. 

"Pare, may problema ka ba? Kanina ka pa nakakatama sa pagsasayaw mo eh." Reklamo ng isang lalaki rito sa dance floor. 

"Kung ayaw mong matamaan, galingan mo sa pag-ilag. O di kaya naman ay bumili ka ng sarili mong dance floor para walang bubunggo sa iyo. Ulul!" Pabalang kong sagot dito.

"Ay gago ka pala eh!" Naka-amba na siya ng suntok ng bigla kaming inawat ng aking mga kaibigan at ng kanyang mga kasama. Hindi ko siya inurungan at pilit ko rin siyang sinusugod. 

Umagaw kami ng atensiyon dito kaya halos lahat ay sa amin na nakatingin. Hinila na ako ni Alex at Caleb pabalik sa aming upuan. Bad trip! Di ko man lang siya nasuntok kahit isa.

Pagdating namin sa aming upuan ay inabutan nila ako ng bottled water pero di ko ito ininom. Bagkus, kumuha ulit ako ng isa pang beer mula sa bucket at ito ang aking linagok. Muli ko itong inubos sa isang tunggaan lamang. 

"Tama na yan Bestie!" Pagsaway sa akin ni Alex. Inagaw niya sa akin ang bote ng beer. Okay lang naman dahil wala na iyong laman. 

"Sayaw pa tayo!" Sabi ko sa kanila. 

"Iuwi na kita bro. Tara na!" Utos ni Caleb. 

"Good idea! Tulungan na kita." Dinig kong sabi ni Alex kay Caleb.

"Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang uminom at magsayaw. Sige na bro. Tara ulit sa dance floor. Sige na! Mahal mo naman ako di ba?" Hirit ko kay Caleb. 

Hindi nila ako pinansin at inalalayan na lang nila ako palabas ng club. 

"Sayaw pa tayo! Wooo!!!! I wanna dance with somebody! I wanna feel the heat with somebody." Paulit ulit kong kanta habang pagewang gewang sa paglalakad papunta sa labasan. Bago tuluyang makalabas ay nakita ko pa ang aking pinsan. 

"Cuzzzzz!!! You're here! Teka, anong nangyari sa yo? Okay lang ba siya?" Tanong ni Cheska. 

"Cheskang maganda!!!" Sabi ko sa kanya.

"Bakla! Ano ka ba?! Wag mo masyadong ipagsigawan iyan. Nakakahiya! Ako lang 'to!" Patawang banat niya. "Oh by the way, this is Joseph, boyfriend ko. Babe, this is Theo, pinsan ko tapos this is Caleb, best friend naman niya. And this is..."

"Alex. Theo's other bestfriend." Pakilala ni Bestie. Nagkamayan silang lahat. 

"Boyfriend mo 'to? Pinsan, walang forever! Maghihiwalay din kayo niyan! Ipagpapalit ka rin niya sa iba!" As soon as I said this, bigla akong nasuka sa harapan nila. 

"Fuck! Sorry Cheska. Iuwi ko na muna itong pinsan mo ha. Heartbroken kasi eh. Pagpasensyahan mo na." Sabi ni Caleb. Narinig ko pang tinawag ni Alex ang isa niyang staff para linisin ang aking kalat bago nila ako hinatid na dalawa sa kotse ni Caleb. 

Nagising na lang ako kinaumagahan na nakahiga sa aking kama. Nakasara ang mga kurtina dito sa kuwarto kaya hindi ko alam kung umaga na ba. Madilim lang ang paligid. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito. Inisip ko na lang na inihatid ako rito ni Alex o ni Caleb o nilang pareho. Lumingon ako sa aking side table para kunin sana ang aking cellphone subalit hindi ko ito makita. Napansin ko na rin na wala na akong suot na damit. Ang tanging natitira na lang sa aking katawan ay ang aking itim na boxer briefs.

Naramdaman ko ang tindi ng sakit ng ulo ko ng ako ay bumangon. Tanginang hangover ito! Masakit na nga puso ko, pati ulo ko masakit na rin. Kasalanan ito ng hayop na Eric na yun eh. Potek! Naalala ko na naman ang naging usapan namin kagabi.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpunta na ako sa banyo para umihi at maligo. Ng matapos ay lumabas na ako ng aking kuwarto habang nakatapis lang ng tuwalya at nakasunod sa akin si Bangky.

"Bro! You're awake! Good morning! Kumusta pakiramdam mo?" Bati sa akin ni Caleb ng abutan ko ito sa kusina na nagluluto. Nagulat pa ako na narito siya. Umupo na lang ako sa harap ng breakfast counter. "Eto, magkape ka muna." Pinanood ko siya sa kanyang ginagawa. Naalala ko na naman si Baste. Lagi rin niya kasi akong nilulutuan ng pagkain lalo pa noong dito siya nag-i-stay sa bahay.

"Good morning! Have you seen my phone?" Tanong ko sa kanya. 

"Ah, chinacharge ko." Kinuha niya ang aking telepono. Nakita kong hinugot niya ito mula sa charging cable tapos iniabot sa akin. Alas diez y diecisiete na pala. 

May ilang mensahe mula kina Dad, Alex at Cheska pero wala pa ring galing sa aking nobyo. Inabala ko ang aking sarili sa pagreply sa kanilang mga text na pangungumusta habang tinatapos ni Caleb ang kanyang pagluluto. 

"Here you go! Eat up!" Sabi niya ng ilagay niya sa aking harapan ang isang plato na may lamang pinaghalo halong scrambled eggs,' turkey bacon, spinach, tomatoes at basil. Sinamahan pa niya ito ng Nido soup na inilagay niya sa mangkok. Tinikman ko ang mga ito. In fairness, masarap ang mga niluto niya. Umupo na siya sa tabi ko at sabay naming kinain ang mga ito.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba may pasok ka ngayon?" Tanong ko sa kanya pagkatapos humigop ng mainit na kape. 

"Nag-absent na muna ako. Kaya private nurse mo muna ako ngayon. Musta hangover mo? Dami mong nainom na beer kagabi eh!" Sabi niya.

"Sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari kagabi? Di ko na maalala." Matindi talaga ang hangover ko pag beer ang ininom ko. Kaya mas gusto ko ang mga hard eh. Ewan ko ba!

"Eto ang paracetamol. Inumin mo mamaya pagkatapos kumain para mabawasan yang sakit ng ulo mo. At uminom ka rin ng maraming tubig. Para di ka madehydrate." Kinuha ko na ang gamot at ininom na agad ito. Hindi ko na hinintay pang makatapos kumain.

"Lasing na lasing ka bro! Muntik ka pang makipagsuntukan tapos sinukahan mo pa si Cheska. Buti nga di ka sumuka sa kotse ko eh." Dagdag na kuwento niya. Naaalala ko ang ilang parte nung sinabi niya pero hindi ang buong pangyayari. 

"Cheska, as in my cousin Cheska? Nasa club din siya kagabi?" tanong ko sa kanya. 

"Oo. Kasama niya ang boyfriend niya tapos sinabihan mo pa sila na maghihiwalay din sila. Hahaha Nakakatawa ka bro!" Nakangiting sabi niya. 

Fuck! Aasarin ako ng pinsan kong yun panigurado kapag nagkita kami next month. Bahala na! Pero totoo naman eh. Maghihiwalay rin naman talaga sila dahil walang forever.

"So, ikaw ba ang naghubad ng mga damit ko? May nangyari ba sa atin kagabi?" Naaalala ko pa nung nag-sex kami nitong bestfriend ko na ito. Lasing din siya noon.

"Wala no! Hindi ako rapist bro. I believe in getting consents!" Medyo defensive niyang sagot. "At yung mga damit mo, inilagay ko na sa hamper mo."

"Ok. Bakit defensive ka?" Di na siya sumagot. Tumayo na lang ito at inilagay ang pinagkainan sa lababo pagkatapos kumain. Iniabot ko na sa kanya ang aking plato at hinayaan siyang hugasan ang mga ito.

Nagpaalam muna ako sa kanya at bumalik sa aking kuwarto. Humiga lang ako sa kama katabi ni Bangky.

"Magaling ka pala magluto ah. Pero sana di ka na nag-absent para sa akin. Okay lang naman ako eh." Sabi ko kay Caleb ng lumapit siya sa akin. 

"Ayos lang bro. Anyway, kailangan ko rin ng pahinga eh." Sagot niya at humiga rin sa kama ko. "So ano ng balak mo ngayon?"

"Hindi ko pa alam. Ang alam ko lang, despite dun sa nalaman ko kagabi, mahal ko pa rin si Baste. I still wanna give him the benefit of the doubt. Baka nga nagsisinungaling lang yung Eric na yun. Dapat mas pagkatiwalian ko ang aking boyfriend. Hindi pa ako handang bitawan ang mga pangako niya na babalikan niya ako. Kasi what we had felt real. I know this is the first time na ma-inlove ako pero ramdam ko na mahal niya ako. That our love for each other was true at hindi lang iyon dahil sa pustahan nila ni Eric kung totoo man yun. Gusto kong marinig sa kanyang mismo kung ano ang totoo. Kaya iniisip ko bigyan pa siya ng at least isa pang linggo. Hihintayin ko siya hanggang makabalik siya rito sa Pilipinas para makapag-usap kami ng personal. I need answers. Mali ba ako? Tingin mo ba totoo yung sinabi ni Eric kagabi?" Litanya ko sa aking kaibigan.

"It's good para at least wala kang regrets later on. Pero huwag ka masyadong umasa para di ka masyado masaktan. Ihanda mo ang sarili mo for the worst. At tungkol sa sinabi ni Eric, hindi ko alam bro. Anything is possible, really." Sagot niya. 

Tama. Kung dito man matatapos ang kung ano mang meron sa amin ni Baste, at least masasabi kong ginawa ko ang parte ko. Na wala akong pagsisihan. Na mapapayapa ang sarili ko na hindi ako ang may kasalanan. 

"Ganito pala yun no? Dati pinapanood ko lang kayo ni Alex sa mga relationship niyo at nakikita ko kayo kung paano kaya nasasaktan. Kung makapag advice pa naman ako sa inyo, wagas! Di ko alam na ganito pala kahirap ang inyong nararanasan. Na ganito kasakit ang iwanan. Akala ko kasi dati okay na ang buhay ko. Masaya ako dahil walang hassles sa mga karelasyon. Na kuntento na ako sa mga one night stands at mag ka-sex na walang label at attachment. Pero ngayong naranasan ko na ang ma inlove at magkarelasyon, pakiramdam ko ibang tao na ako. Pakiramdam ko ay napasok ako sa ibang mundo na lahat bago para sa akin. Pakiramdam ko mas buo ako ngayon kahit ang totoo ay wasak ako. Bakit ganun? Kung sino pa ang taong bumuo sa akin, siya pa rin ang wawasak sa akin." Salaysay ko sa aking katabi. 

"Naks! Nice to meet you Theo 2.0! Welcome to maturity! Hahahaha! Pero seriously, ganun daw talaga yun. Once you decide to open up your heart to love someone, you also open it for all other possibilities including that someone hurting and destroying you." Malalim niyang paliwanag.

"Tanginang pag-ibig to! Kaya pala maraming nababaliw at nagkakasira-sira dahil dito eh!"

"Oo bro! Kaya kung wala mang mangyari sa inyo ng boyfriend mo, huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Hanap ka na lang ng kapalit. Marami naman diyang iba sa tabi/tabi eh. For sure di ka mahihirapang makahanap." Sabi niya. 

"E bakit ikaw, hindi mo pa pinapalitan si Jordan? Naka-move on ka na naman sa kanya hindi ba?" Balik ko sa kanya.

"Iba naman ako bro. At saka feeling ko, malapit na." Sagot niya.

"What? Who is it? Si Daddy doctor ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. 

"Hindi! Basta sasabihin ko na lang sa 'yo kapag sigurado na. Ikaw ang unang makakaalam." Pota! Napakalihim talaga ng kaibigan kong ito. Iba na siya sa dating Caleb na kilala ko nung highschool pa kami. 

"Sige! Promise mo yan ha! Pag di mo sinabi sa akin, kukutusan talaga kita! Subukan mo lang." Babala ko sa kanya. 

Nagpagdesisyunan namin na matulog muli. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko. Marahil dahil sa pagod sa paghihintay sa wala. Nais ko lang ngayon ay humiga sa aking kama at ipahinga ang aking utak at puso. Niyakap ko pa ang unan na ginamit ni Baste nung dito pa siya natutulog. Kahit papaano, kumakalma ako kapag naaamoy ko ang kanyang pabango. Hindi ko pa nilalabanan ang punda ng unan na ginamit niya. Gusto ko kasi i-preserve ang naiwang amoy niya rito sa unan. Pakiramdam ko andito lang siya pag inaamoy ko ito.

Hapon na ng ako ay magising. Nagulat pa ako ng imulat ko ang aking mga mata at apat na kaming nakahiga dito sa kama – ako, si Caleb, si Bangky at si Alex. Bakit andito itong isang tukmol na ito rito? Buti na lang malapad ang aking kama kaya nagkasya kaming lahat dito.

Bumangon na ako at iniwan pa silang natutulog. Nagpunta ako ng banyo at naligo. Pagbalik ko sa kuwarto ay natawa pa ako sa aking nakita. Nakayakap si Alex kay Caleb habang pareho silang nakatagilid. Kinunan ko sila ng litrato. Baka balang araw ay magamit ko bata ito laban sa pang aasar nila. 

Nagpunta ako sa pool area at inabala ang aking sarili sa pagtingin ulit ng mga social media accounts ni Baste. Ang isang larawan ay kuha sa harap ng The Bean sa Chicago. Nakangiti ito habang suot niya ang binili naming jacket. Mukha naman siyang masaya. Buti pa siya. Pinusuan ko na lang ito.

"Hi papi! Went out with Alex and Caleb last night. Sakit ng ulo ko pati na rin ng puso ko. I miss you and I love you." Ipinadala kong mensahe sa kanya. Madali naman niya itong na-seen. So, gising pa pala siya. Alam ko kasi madaling araw na dun ngayon. 

Sinubukan ko siyang i-Facetime pero gaya ng dati, hindi niya ito sinagot at hinayaan lang mag ring ng mag ring. Kahit paulit ulit na na, masakit pa rin ang kanyang pagbabalewala sa akin pero medyo nasasanay na ako. 

Kalimutan mo na siya. Hindi na siya babalik sa iyo. You were just a challenge to him. Sebastian and I had a bet. 

Naaalala ko pang sabi ni Eric kagabi ng sagutin niya ang aking tawag. Totoo kaya ang mga sinabi niyang ito? If only Baste will answer my calls and messages, hindi sana ako nanghuhula at nababaliw sa kakaisip ng kasagutan sa mga tanong na ito. 

Kasalukuyan akong tulala at nagmumuni-muni habang pinaglalaruan ng aking mga daliri ang singsing na ibinigay ni Baste ng lumitaw si Alex dito sa likod bahay. 

"Hi Bestie! How are you holding up?" Bati sa akin nito.

"Eto, Lumalaban pa naman kahit nasasaktan." Sagot ko na puno ng pagdaramdam. 

"Any updates on him?" Tanong niya habang nakatingin sa hawak kong telepono. Umiling lang ako. 

"Sorry Bestie. Alam ko may kasalanan rin ako kung bakit ka nahihirapan ng ganyan ngayon." Napakunot ang noo ko sa kanyang tinuran. "Masyado ko kasi kayong pinush sa isa't isa. Tinulungan ko pa siyang mapalapit sa 'yo kaya naman nahulog ka sa kanya. Di ko naman kasi akalain na gagawin niya ito sa iyo eh. Ang gusto ko lang ay magkaboyfriend ka na and i thought bagay kayong dalawa. I had high hopes for both of you kaso mukhang ganun talaga. Camp Sawi talaga tayo. Sorry." 

"It's okay Alex. It's not your fault. Ako ang nagdesisyon na makipagrelasyon sa kanya kaya wala kang kasalanan. Pero next time huwag mo na akong ibugaw kung kani-kanino, okay?" Pabiro kong sabi sa kanya.

"No promises." Hirit niya. Inikot ko ang aking mga mata. 

Pumasok na kami sa loob ng bahay ng tumunog ang doorbell. Andito na pala ang pinadeliver kong pagkain. Nagugutom na kasi ako. Nagising na rin si Caleb kaya sama sama naming pinagsaluhan ang mga inorder kong ilang flavor ng pizza, chicken wings at spaghetti. 

"Bro, if I didn't know what you're going through, iisipin ko na we're celebrating dahil sa dami ng pagkain na inorder mo. Last supper na ba natin ito?" Sambit ni Caleb. 

"Shut up! Kumain ka na lang!" Utos ko sa kanya habang hawak ang isang bote ng beer sa aking kanang kamay at isang piraso ng pepperoni pizza sa aking kaliwa.

Masaya ako na may mga kaibigan ako na tulad nina Alex at Caleb. Alam ko hindi lahat meron ng katulad nila kaya I feel really lucky na may matibay akong support system na lagi kong masasandalan sa oras ng kailangan. Sa totoo lang, hindi na matalik na kaibigan lang ang turing ko sa kanila. I consider them as my brothers. Pero dahil ako pinakamatanda, ako ang kuya.

Ginugol namin ang gabi sa pag-inom ng mga naka-stock kong alak.

"Salamat guys sa pagdamay sa akin ngayon. I appreciate both of you." Sabi ko sa kanila.

"Ang drama mo Bestie!"

"Basta mahal ko kayong dalawa. Ano man ang mangyari, lagi niyong tatandaan yan." Dagdag ko pa.

"Mahal mo kami? Sige nga, mag sex nga tayo?" Lokong tanong ni Alex.

"Naku! Wag mo ko binibiro ng ganyan Bestie pag ganitong tigang ako. Lampas one week na akong walang sex kaya baka di kita urungan. Ano game ka?"

"Di pala ako pwede. I got crabs. Remember?" Sabi niya. 

"Yuck bro! Seriously?"

Nagtawanan na lang kami. Na-miss kong tumawa ng ganito. It's nice to have a break like this. Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang sakit na dulot ng pagbabaliwala sa akin ng aking nobyo. Kahit papaano ay nakakahinga ako ngayon at nakikita na masaya pa rin ang buhay ko dahil kasama ang mga taong di umiiwan sa akin. Or so I thought. 

Tulad kasi ng sabi nila, all good things must come to an end. Natigil ang aming kasiyahan ng magpasya na silang umuwi. Sinubukan ko pa silang pilitin na dito na lang sila matulog sa bahay ko pero tumanggi sila. Ibig sabihin nito ay balik na naman ako sa pag-iisa. Balik sa realization na wala si Baste dito sa tabi ko at hindi ko alam kung babalik pa ba siya o hindi na. Tangina naman kasing pag-ibig na ito eh! I was fine before all this shit happened!

Kinabukasan, pagpasok sa ospital, napansin na rin ng aking mga katrabaho ang aking pagiging matamlay at pag-iisa. Hindi kasi ako masyado nakikipag usap sa kanila which is unusual sa akin. Hindi ko naman masabi sa kanila ang dahilan pero sa tingin ko ay alam na nila. Lakas kasi makaramdam ng mga chismoso kong katrabaho. Tuwing tinatanong kasi nila ang tungkol kay Baste ay umiiwas ako. 

Katulad kagabi, nakatulog ako ng lasing. Nag inom na naman ako kahit mag isa lang ako. Naulit ito ng naulit sa mga sumunod na araw. Minsan sinasamahan ako ni Alex o ni Caleb o nilang dalawa. Minsan naman mas pinipili kong mapag-isa. 

Tanghali na naman ako nagising kinaumagahan. Ibig sabihin, late na naman ako. Sunod sunod na araw na akong nahuhuli sa aking shift. Dati-rati, never pa akong na-late sa pagpasok sa trabaho. Mahal ko kasi ang trabaho at propesyon ko kaso nasisira ngayon ito dahil sa pagmamahal ko sa isang tao. Kinausap ako ng aking boss at ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyayari. Naintindihan naman niya pero pinagsabihan pa rin niya ako na huwag masyadong magpakasira dahil lang sa isang lalaki. 

Sa wakas! Sabado na! Sumapit na ang araw ng pagbabalik ng aking nobyo. Ngayon ang flight niya pabalik ng Pilipinas. Base sa flight information na iniwan niya sa akin halos dalawang linggo na ang nakakaraan, alas siete ng gabi ang paglapag ng eroplano na sasakyan niya. Dahil sa lakas ng ulan dito sa Quezon City, hindi ako aabot sa pagsalubong sa kanya sa arrival area ng Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport. Kaya imbes na doon ko siya hintayin, napagpasyahan kong puntahan na lang siya sa kanyang condo.

Halos alas nueve na ng nakarating ako sa condominium building nila sa Makati. Binati ko pa si Kuya Aaron ng madaanan ko siya sa kanyang puwesto.

Dahil sa sobrang excitement, dali-dali at patakbo akong naglakad papunta sa kanyang unit ng makalabas ako ng elevator sa kanyang floor. Bitbit ko pa ang isang bouquet ng putting rosas. Sa wakas, makikita, mayayakap at mahahalikan ko na ulit siya. Masasagot na rin niya ang maraming tanong na tumatakbo sa aking isipan nitong mga nakaraang araw. 

Pagdating ko sa harapan ng pintuan ng kanyang condo ay inayos ko ang aking sarili. Sinigurado kong guwapo ako pag nakita ako ulit ng aking nobyo. Inamoy ko pa ang aking kili kili at hininga para sigurado. Ng ayos na ang lahat ay pinindot ko na ang kanyang doorbell. Nakailan pa akong pindot pero walang nagbukas ng pinto. 

Inisip ko na baka di pa nakakarating dito si Baste. Kaya napagpasyahan kong hintayin na lang siya sa loob ng kanyang condo. Kinuha ko ang susi ng kanyang unit na nakasabit sa parehong ring kung saan nakasabit ang susi ng aking kotse at bahay. Namali pa ako nung una dahil ibang susi ang nagamit ko para buksan ang pinto. Subalit, hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari. Hindi ko inaakala na ito ang sagot na makukuha ko. 

Ng sinubukan kong ipasok ang tamang susi sa kandado ng kanyang pinto ay ayaw nitong sumuot sa butas. Ilang beses ko pang inulit at itinulak para pumasok pero ayaw talaga. Tiningnan kong mabuti ang hawak kong susi at tama naman ito. At nasa tamang pintuan naman ako. Pero bakit hindi ko na mabuksan ang pintuan ng kanyang condo? Bakit hindi na ako makapasok dito?

"Fuck you!" Galit kong sambit ng maunawaan ko kung ano ang nangyayari. Tinadyakan ko pa ng ipang beses ang pintuan bago ko ito tuluyang nilisan. 

Hindi naman ako tanga. Alam kong pinalitan na ni Baste ang lock ng kanyang condo. Ibig sabihin nito ay ayaw na niya akong makapasok dito. Na hindi na ako welcome sa buhay niya. Na iba na ang may-ari ng susi sa puso niya. Na kung ganito na ngayon, wala ng direksyon ang aming relasyon. 

Tangina! Karma ba itong nangyayari sa akin dahil sa mga lalaking aking ni-reject noon? Ito ba ang kabayaran sa pagwasak ng mga puso nila? Ito ba ang deserve kong maranasan sa pagtanggi sa pag-ibig na iniaalay nila sa akin dati?

Itinapon ko ang hawak kong bouquet of flowers sa basurahan na aking nadaanan. Pumasok na ulit ako sa elevator at bumaba sa lobby para bumalik sa aking kotse. Habang nasa loob ng elevator ay inalis ko ang kanyang susi sa ring kung saan nakakabit ang iba kong mga susi. Wala ng rason para i-keep ko ito. Kaya bago tuluyang lumabas ng gusaling ito ay nilapitan ko muna si Kuya Aaron sa puesto nito.

"Kuya, pag nakita mo si Baste, pakibigay na lang nitong susi ng condo niya. Salamat!" Habilin ko kay Kuya Aaron bago tuluyang lumabas ng gusaling ito. Hindi ko na siya hinintay sumagot at naglakad na ako papalayo. 

"Putangina mo Baste! Paano mo nagawa sa akin ito? Putangina mo!" Sigaw ko sa loob ng kotse habang hinampas hampas ko ang manibela ng aking kotse. Sobrang nagpupuyos na naman sa galit ang dibdib ko. Nanatili lang akong nakaupo rito habang iniisip kung paano ako nasadlak sa sitwasyong ito. Paano ako nahulog sa kanya ng sobra? Bakit masyado akong naniwala sa mga pangako niyang pagmamahal na ngayon ay naglaho na? Ano ang ginawa ko para magdusa at masaktan ng ganito?

Ilang minuto rin ang lumipas bago kumalma ang aking nararamdaman. Kinuha ko ang aking cellphone at nagpasyang magpadala ng mensahe kay Baste sa huling pagkakataon. 

Ilang beses pa akong nag-compose ng mensahe para kay sa kanya pero binubura ko lang din ang mga ito. Kalaunan ay napagdesisyunan kong ipadala ang titulo ng isa sa mga kantang natatandaan kong tinugtog para sa amin nung nagdinner kami sa dalampasigan ng beach resort na aming pinuntahan sa Laiya. Akma ito sa nararamdaman ko ngayon at sa gusto kong sabihin sa kanya.

"I love you, goodbye!"





Itutuloy...

 

1 comment:

  1. F*ck. Ang sakit naman ng ginawa ni Baste. Kahit ano pa reason nya hindi deserve ni Theo ang ganung treatment. Manong kausapin nya at makipag break. Hay naiinis ako auhtor. Ang galing mo po.

    ReplyDelete