Sunday, February 7, 2021

TOTDGA - CHAPTER 27


INSPIRATION


"I love you, goodbye!"

Dati rati ay hirap akong magmahal at magsabi ng 'I love you' sa kung sino sino. Tanging si Dad lang at sina Alex at Caleb ang sinabihan ko nito bago ako mahulog kay Baste. Dati rati ay madali sa akin ang magpaalam at lumayo sa mga lalaking nahuhulog sa akin. 

Pero ngayon ay mas mahirap para sa akin ang magsabi ng 'Goodbye' lalo na sa lalaking pinagkatiwalaan ko. 

Masakit magpaalam sa taong mahal mo. Pero mas masakit maghintay sa wala at umasa dahil akala mo meron pang 'kayo'. 

Masakit din talikuran ang mga pangarap at plano na binuo niyong magkasama. Pero mas masakit malaman na mag isa ka na lang palang nangangarap dahil para sa kanya iba na ang kasama niya sa future niya. 

Pagkatapos magdrama ng mag-isa sa loob ng aking kotse ay pinadalhan ko ng mensahe ang aking mga kaibigan. Damay damay na ito. 

Me: San kayo? Labas tayo!

Caleb: Gym ako ngayon bro. Pero G ako! Saan tayo?

Alex: I have an idea! Come over to my place and I'll cook dinner. Tapos may pupuntahan tayo! G?

Me: OK. I'll be there in less than an hour. 

Caleb: 👍

Pinaandar ko na ang aking kotse at nagmadaling umalis sa building ng aking dating nobyo. 

Na-bad trip pa ako sa mga pinapatugtog sa radyo habang nasa biyahe ako. Puro kasi mga kantang may hugot. Tama pala ang sabi nila na kapag may pinagdadaanan kang problemang pag-ibig, feeling mo para sa 'yo ang halos lahat ng kantang naririnig mo. Ganito ako ngayon. Pakiramdam ko ay nakaka-relate ako sa bawat kanta na pinapatugtog sa radyo. Kaya kinuha ko na lang ang aking telepono na naka-connect via Bluetooth sa aking kotse at pinatugtog ang aking EDM playlist sa Spotify. Kasalukuyan ngayong malakas na naririnig sa speakers ng aking kotse ang dance music na Animals ni Martin Garrix. Ganitong kanta ang aking pinakinggan sa aking biyahe. 

Kahit medyo humina na ang ulan, matindi pa rin ang traffic dito sa daan. Kaya naman, imbes na less than an hour lang ang aking biyahe, inabot ng isa't kalahating oras bago ako nakarating sa bahay ni Bestie sa Valle Verde dito sa Pasig. 

Nakita kong nakaupo sa living room si Caleb habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone ng pumasok ako. Napalingon pa ito ng buksan ko ang pinto.

"Bro! Basang basa ka!" Bungad niya sa akin. Wala sa sarili kasi akong lumabas ng aking kotse at naglakad papasok dito sa bahay. Di alintana ang buhos ng ulan. "Alex, can you get a towel for Theo please?"

Pabagsak akong umupo sa gray sectional sofa ni Alex. Wala na akong pakialam kahit mabasa rin ito.

"Here!" Dinig kong sabi ni Bestie kay Caleb ng iabot niya rito ang tuwalyang kinuha niya.

"Bro, heto oh. Patuyo ka. Baka magkasakit ka pa niyan eh." Pag-aalala ni Caleb. Tinulungan pa niya akong hubarin ang aking pulang t-shirt na basa pa rin hanggang ngayon. Hindi kasi ako agad kumilos ng iabot niya ang tuwalya sa akin.

Dahil sa pagpupumilit nilang dalawa, bumangon na ako at pinunasan ang aking mukha at katawan, pati na rin ang aking kulot at malagong buhok. 

"It's over." Sabi ko sa kanila pagkatapos ko magpunas at ipatong ang basang tuwalya sa coffee table na nasa aking harapan. 

Tinabihan nila akong dalawa at dinamayan sa lungkot na aking nararamdaman. 

"But don't worry guys. Okay lang ako. Tanggap ko na." Dagdag ko. 

"It's his loss bro, not yours. Di niya alam ang pinakawalan niya." Sabi ni Caleb. 

"He's right Bestie! Malay mo sa pupuntahan natin, may mahanap kang kapalit." Sabi naman ni Alex.

"Agad agad?" Hirit ni Caleb.

"Akala ko ba hindi mo na ako ibubugaw." Sabi ko.

"Hindi ko sinabi yun. What I am trying to say is, sa pupuntahan natin, makikita mo ang pwede mong ma-gain ngayong wala na kayo ni Sebastian. It doesn't mean naman kasi na ngayong hiwalay na kayo ng boyfriend mo—" 

"Ex-boyfriend" Pag correct ko sa kanya. 

"Okay. Ex-boyfriend. As I was saying, hindi ibig sabihin na hiwalay na kayo ng EX-BOYFRIEND mo eh nawalan ka na. This just opens a door for somebody else, for someone better." Paglilinaw ni Alex. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Anyway, maligo ka na kaya muna para makakain na tayo at makaalis na pagkatapos!"

"No. Mamaya na. Kain na muna tayo. Gutom na rin ako eh." 

Tumayo na kami at umupo sa harap ng mahabang dining table ni Alex. Kinuha niya sa kusina ang kaniyang niluto at inilapag sa aming harapan. 

"Alright! Dig in bitches!" Sabi niya ng buksan niya ang cover ng puting ceramic na serving bowl. Mas lalo akong nagutom ng malanghap ko ang amoy ng niluto niyang chicken afritada. Pinagsaluhan na namin ito. Ilang beses pa naming pinilit si Caleb na sabihin kung saan kami pupunta pero tikom ang bibig niya sa pagsagot dito. 

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko dito sa bahay ni Bestie. Iniwan ko na sila sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Humiga pa muna ako saglit sa kama at tiningnan ang aking cellphone. Tulad ng inaasahan ko, walang reply si Baste sa aking huling mensahe. Pero alam kong nabasa niya ito at wala na akong pakialam. In-unfollow ko na rin siya sa aking mga social media accounts. 

Nanatili pa akong nakahiga ng ilang minuto bago tuluyang pumasok ng banyo para maligo. Nilinis ko ng mabuti ang aking katawan para handa sa laban kung sakaling meron man. 

"San ba talaga tayo pupunta?" Muli kong tanong kay Alex habang nagmamaneho siya. Isang kotse na lang ang aming dinala. Ako ang nakaupo sa shotgun seat habang si Caleb naman ay nasa likuran. 

"Basta. Di pa rin ako nakakapunta rito. Nirekomenda lang ito ni Red kaya gusto kong puntahan natin." Sabi ni Alex. 

Lampas isang oras din ang tinagal ng aming biyahe bago namin narating ang isang gusali malapit sa Manila Bay. Pumarada lang kami sa kalapit na parking lot at sumunod na kami kay Bestie papunta sa lugar na sinasabi niya. 

"Sure ka ba na ito ang pupuntahan natin?" Tanong ni Caleb kay Alex habang pinagmamasdan ang lumang gusali na mukhang abandunado ang itsura.

"Yes. Okay daw dito sa Moaning Star sabi ni Red. Mag-eenjoy daw tayo rito." Moaning Star? Ang halay naman ng pangalan ng lugar na ito. Di ako magugulat kung puro kalaswaan ang nasa loob nito.

Naglakad na kami papasok ng lugar na ito. Base sa pangalan, iniisip kong spa itong pinuntahan namin. I guess, okay na rin para naman mabawasan ang stress ko sa katawan dulot ng kanyang pag-iwan. 

Hinarang kami ng dalawang lalaki sa pintuan. May sinabi si Alex sa isa sa mga ito na hindi ko narinig. Pinapasok naman kami pagkatapos. Nakasunod lang kami ni Caleb sa kanya. Palinga linga lang ako sa paligid. Magara at sosyal ang itsura ng lugar na ito. Naririnig na namin ang matinding sigawan at palakpakan sa loob. Mukhang hindi spa ang aming pinuntahan. 

Nilapitan si Bestie ng isang lalaki at dinala niya kami sa isang table. Habang naglalakad palapit sa aming uupuan, nakatingin lang ako sa stage kung saan katabi ng host ang isang lalaki na tanging itim na bowtie at masikip at maiksing short. May apat pa na lalaking nakahilera sa bandang likuran. Napatitig ako sa nakabakat na sandata ng lalaki na nasa gitna. Mukhang ipinapa-auction siya sa mga tao na naririto ngayon.  Tangina! Tao ino-auction? Forty thousand ang pinakamataas na offer na natanggap ng lalaki kaya bumaba ito sa stage at lumapit sa matandang babae na nanalo sa bidding. 

Tangina! Gay bar ba itong pinasok namin?

"Anong lugar itong pinagdalhan mo sa amin? Is this a gay bar?" Agad kong tanong kay Alex ng makaupo kami sa bandang kanan ng stage.

"Not just a gay bar Bestie. It's a high-end gay bar." Pagko-correct niya sa akin. Potek! Pareho lang yun. Gay bar pa rin ito! Pero pansin ko nga na mukhang mayayaman ang mga andito ngayon. 

"Bakit mo ako dinala rito? Are you trying to kill me?" Inis kong tanong sa kanya. 

Di niya agad nakuha ang ibig kong sabihin. 

"Don't you remember? He was a stripper in your birthday party!" Paalala ko sa kanya. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.

Napatakip siya sa bibig sa gulat ng ma-realize niya ang kanyang ginawa. Kung gay bar nga ito, malamang sa malamang, mamaya lamang ay mga lalaki ng magsasayaw nang nakaka-akit sa aming harapan. Maalala ko na naman ang aking ex. Akala ko pa naman makakalimutan ko siya dito. Mali pala ang akala ko.

"Oh my God! I'm sorry Bestie! Nakalimutan ko! Fuck! I'm sorry talaga!" Sabi niya. 

"Eh di umalis na lang tayo!" Sabat ni Caleb sa aming usapan. Patayo na sana ako ng hinila ni Alex ang aking kamay kaya napaupo ulit ako. 

"We can't." Nahihiya niyang sabi sa amin.

"What do you mean we can't? Why?" Mabilis na tanong ni Caleb.

"It's their rule. Once kasi na pumasok ka rito, you can't get out until the show ends, which I think is at around three in the morning." Takot na sabi ni Alex. 

"What the fuck Alex?!" Inis kong sabi sa kanya. Tangina! Gusto ko siyang gulpihin sa sinabi niya. Ibig sabihin, lampas tatlong oras akong mai-stuck dito. Pinakalma ko na lang ang sarili ko. "Then, you're paying for tonight! You owe me big time! Tandaan mo 'yan."

Lumapit sa amin ang isang lalaki na nakasuot lang din ng bowtie at itim na masikip na shorts. Nag order kami ng inumin sa kanya. Isang malaking bote ng Tito's vodka ang aking inorder. Akala pa nila ay para sa amin iyon pero nilinaw ko na aking lang iyon kaya naman nag-order na rin sila ng ibang drinks para sa kanila. 

Kasalukuyan kong tinutungga ang bote ng vodka ng pumagitna na ang ika-limang lalaki sa gitna ng stage. Tulad ng mga nauna ay ipina-subasta rin ito. Nagulat pa ako ng umabot sa limang daang libo ang offer dito. Akala ko ito na pinakamataas pero biglang may sumigaw ng isang milyon. Potek! Guwapo naman yung lalaki pero anong klaseng burat ba meron ito? Ginto ba yun na may lumalabas na mga brilyante? Nakakagulat lang na may mga taong kayang gumastos ng ganung kalaking halaga para sa panandaliang oras lang na makasama ang isang lalaki. Eh ang dami pa namang pwedeng makinabang ng pera na yun! At ang dami namang lalaki diyan na available at willing magpalipas ng oras at magpakaligaya sa piling mo.

Napaisip tuloy ako na kung ako kaya ang nasa stage, magkano kaya aabot ang bid para sa akin. Malamang wala. Wala naman kasi akong halaga eh kaya ako iniwan ng basta basta!

Napatingin ako sa grupo ng kabataan na nag offer ng isang milyon sa lalaki. Tangina! Alam ba ng mga magulang ng mga ito ang kanilang ginagawa? Pero in fairness ha, guwapo ang mga ito. Nagkatitigan pa kami ng isa sa kanila. 

Hindi ko na namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanila. Nabalik lang ako sa aking ulirat ng lapitan ako ng isang lalaking nakasuot lang ng bowtie at itim na shorts at pilit akong isinasama sa kung saan. 

"Ano sabi mo?" Tanong ko sa kanya. 

"Ikaw po ang napiling isa sa apat na isama sa VIP room. Let's go sir!" Sabi niya. 

"No! Silang dalawa na lang! Ayoko!" Pagtanggi ko sabay turo sa aking mga kasama. 

"Pero sir, kayo po ang napili. Tara na po." Sinigundahan pa siya nina Alex at Caleb.

Marahil dahil na rin sa epekto ng alak kaya napapayag na rin nila ako. Halos maubos ko na kasi ang inorder ko kaninang malaking bote ng vodka. Bago pa tumayo ay ininom ko pa ang natitirang laman nito hanggang sa pinakahuling patak.

"Enjoy Bestie!" Dinig kong sabi ni Alex bago ako umalis. 

"Sir, kelangan niyo pong isuot itong blindfold." Sabi ng lalaking sumundo sa akin pagkarating namin sa hallway. Tutal andito na ako kaya pumayag na rin ako. Ginabayan niya ako sa paglalakad hanggang makaupo ako sa isang silya. Meron akong mga naririnig na mga boses. Parang nagtatawanan, kinikilig at nasasabik.  Naramdaman ko na rin na may mga umupo sa magkabila ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita na ang bading na host. Ipinaliwanag niya na narito pala kami sa VIP room kung saan may special na palabas. Para pala itong gay bar within a gay bar. So bale, apat kaming pinili mula sa audience at nakaupo kaming paikot ngayon. Isa-isa kaming bibigyan ng lap dance ng stripper tapos pag huminto siya, yung lalaking pipiliin ng stripper ang sunod na sasayaw paikot sa aming lahat. Paulit ulit ito hanggang makasayaw kaming lahat. Parang musical chairs o Trip to Jerusalem na hindi. Iga-guide daw kami ng stripper para alam namin kung saan kami pupunta at kung kelangan na naming magmove on sa sunod. Sinabi pa niya na pwede naming tanggalin ng limang segundo ang aming blindfold ng isang beses lamang para makita namin either kung sino ang sumasayaw sa amin o kung sino ang sinasayawan namin.  Binigyan pa nila kami ng tig-iisang bote ng tubig. Kakailanganin daw namin yun dahil sa aming gagawin at mararanasan. Ipinatong ko muna ito sa sahig sa aking tabi.

"Are you all ready to moan?!" Tanong ng host sa mga manonood. Nasigawan ang lahat ng 'Yes!'. "Let the moaning begins!" Hudyat niya para mag-umpisa na ang palabas. Nag-umpisa ng tumugtog ang kanta ni Ginuwine na Pony. Tangina! Bakit itong pang kanta na ito? Hindi yata talaga ako tatantanan ng mga alaala ni Baste. Ito kasi yung kanta nung nagsayaw siya sa harapan ng lahat ng bisita ni Bestie nung nakaraang birthday party niya. Na akala namin ay pulis siya pero stripper pala.

Naramdaman kong inumpisahang sayawan ng macho dancer ang lalaki na nasa aking kaliwa. Mukhang enjoy na enjoy ang gago sa ginagawa sa kanya. Napapaungol pa kasi ito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang stripper sa akin. Naglakad siya paikot sa akin habang nakahawak ang kanyang kamay sa aking balikat. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita at humawak sa aking ulo. Naramdaman kong isa-isa niyang ipinatong ang kanyang mga sapatos sa space sa aking silya sa pagitan ng aking mga hita. Iniimagine kong nakatayo siya sa aking harapan at nakatapat ang kanyang burat sa aking mukha. Humawak ako sa kanyang binti at naramdaman ko ang malago niyang buhok dito. Pumataas ang aking mga kamay sa kanyang mga hita hanggang marating ng aking mga kamay ang kanyang puwetan. Pinisil pisil ko ito habang siya naman ay abala sa pagmasahe ng aking ulo at ginugulo ang aking malagong buhok. Tama nga ako. Nakatapat na ang kanyang balakang sa aking ulo. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo ng inilapit niya ang kanyang harapan sa aking mukha. Ramdam ko sa aking mukha ang matigas niyang ari na nakabukol sa kanyang suot na maigsing shorts. Iginiling niya ang kanyang balakang sa saliw ng musika habang nakadikit ito sa aking mukha. Umakto pa siya na parang kinakantot ang aking mukha habang hawak ang aking ulo. Nanatili lang ang aking kamay sa kanyang puwetan habang ginagawa niya ito. Natapos na ang kanta kaya bumaba na siya at iniwan ako.

Tangina! Umpisa pa lang yun pero nag-iinit na ako. Kaya naman pala napaungol itong katabi ko kanina eh. Marahil kaya Moaning Star ang pangalan ng bar na ito dahil specialty nila ang magpa-ungol ng mga customer.

"Ayan! Tapos na si Spencer! Grabe ang sexy niyang sumayaw di ba?" Sabi ng host. Nagsigawan naman ang lahat ng customer na naririto. "Meron bang gustong magbanyo muna? Syempre wala di ba? Or else mamimiss niyo ang pagsayaw ng mga napili nating hot na mga customers. Kaya huwag na nating patagalin pa! Mr. Hottie number one, ikaw na at paligayahin mo ang mga kasama mo!" Muling nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat. Tumugtog na ang kantang Open Up ni Gallant at tumayo na ang lalaking umungol kanina sa aking kaliwa.

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay narinig kong nag-umpisang magbilang ng limang segundo ang mga tao rito. Mukhang may nag-request na tanggalin ang kanilang blindfold. I wonder kung yung kasalukuyang sumasayaw o yung sinasayawan ang nagtanggal ng piring.

Ng dumating siya sa akin ay naramdaman ko ang paggiling niya sa aking kanang tagiliran habang nakatayo. Tumatama kasi ang kanyang bukol sa aking balikat habang nakahawak ang isa niyang kamay sa aking batok. Kinuha pa niya ang aking kanang kamay para haplusin ang kanyang dibdib at tiyan. Mukhang babad sa gym ang lalaking ito dahil matambok ang kanyang dibdib at matigas ang abs. Patuloy lang siya sa pagsayaw dito ng narinig kong mas nagsigawan ang mga tao rito.  Nalaman ko na lang na hinubad pala ng lalaki ang suot niyang damit dahil ipinatong niya ito sa aking ulo pagkatapos. Ipinatong niya ang kanyang paa sa aking kanang hita habang patuloy na gumigiling sa aking gilid. Muli niyang ipinahawak ang kanyang dibdib at abs pero ngayon ay wala ng nakatakip dito. Pinaglaruan pa ng aking mga daliri ang kanyang mga utong bago inisa isa ang kanyang pandesal. Halos isang minuto rin namin ito ginawa bago siya lumipat sa katabi ko.

Natapos na siya ng tumigil ang kanta at binigyan na ng hudyat ang sunod na customer na sasayaw. Ito pala ay ang nakaupo sa aking kanan. Ang sabi ng host ay bagets daw ito. Mukhang magaling gumiling ang batang ito base sa tindi ng hiyawan dito sa loob ng VIP room. Kasalukuyan namang naririnig ang kantang Earned It ng The Weekend. Nasa kalagitnaan na ang kanta ng makarating siya sa aking puwesto.

Pakiramdam ko ay nakaluhod siya sa aking harapan. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita at marahang hinimas ng kanyang mga kamay ang aking mga hita hanggang humawak siya sa magkabila kong balakang. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mukha sa aking harapan. Idiniin niya ang kanyang mukha rito na parang inaamoy ang aking ari. Hinawakan pa niya ito at pinisil pisil. Nanatili siya rito bago umakyat ang kanyang ulo sa aking tiyan at dibdib tapos ay umupo siya ng paharap sa akin. Naamoy ko ang kanyang pabango. Malinis, mabango at masarap langhapin. Nakapatong ang kanyang puwet sa aking hita at harapan. Ramdam ko ang magkabila niyang binti sa gilid ng magkabila kong balakang at iniyakap niya ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Hinawakan naman ng aking mga kamay ang magkabila niyang puwetan. Matambok ang mga ito at firm. Ang sarap hawakan at panggigilan. Marahan lang niyang ikinikiskis ang kanyang puwetan sa aking harapan.

Bigla na lamang nag-umpisang magbilang ng limang segundo ang mga manonood tanda na tinanggal ng batang lalaki ang kanyang piring. Mukhang nagustuhan niya ang kanyang nakita dahil mas ginanahan ang kanyang paggiling sa aking harapan. Mas idinidiin niya ang kanyang matambok na puwet sa aking matigas na ngayong sandata. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan. Madali naman akong naka-recover at nilabanan ang kanyang mapusok na paghalik. In fairness, magaling humalik ang batang ito. Marubdob ang palitan ng aming laway na parang bang walang nanonood sa amin. Siguro nakadagadag sa tindi ng aming halikan ang idea na may nanonood sa amin kaya dapat mas galingan namin ang paghalik sa isa't isa. Hinawakan ko ang kanyang mukha at mukhang may itsura rin ito. Ipapatanggal ko sana ang aking piring pero pinigilan ko ang aking sarili. Nag-eenjoy ako sa mystery ng ginagawa namin. Na tipong nakikipaghalikan ako sa lalaking hindi ko nakikita. Kasalukuyan kaming napatuloy sa mainit naming paghahalikan ng pinalipat na siya sa aking katabi. Tangina! Nabitin ako dun! Sana makilala ko kung sino itong humalik sa akin.

Katulad kanina, tumigil siya at umupo ulit sa kanyang silya ng huminto na ang kanta. Ako na ang napiling magsayaw. Matinding sigawan at palakpakan ang narinig ko ng tumayo ako sa aking upuan. Pinatugtog naman nila ang kanta ng Closer na Nine Inch Nails.

🎶 You let me violate you
You let me desecrate you
You let me penetrate you
You let me complicate you

Help me; I broke apart my insides
Help me; I've got no soul to sell
Help me; the only thing that works for me 
Help me get away from myself

I wanna fuck you like an animal
I wanna feel you from the inside  
I wanna fuck you like an animal 
My whole existence is flawed
🎶

Inumpisahan ko na ang paggiling. Sa totoo lang, si Baste ang iniisip ko ngayon. Inaalala ko kung paano niya sinayawan si Alex nung kaarawan nito. Nilapitan ko na ang una kong biktima. Ito ay ang lalaking nakaupo sa aking kanan. Ang lalaking humalik sa akin kani-kanina lang. Gumiling ako habang nakatayo sa kanyang harapan at ako ay nasa pagitan ng kanyang mga hita. Pagkatapos ay hinila ko ang kanyang balakang paabante sa kanyang upuan hanggang nakaupo na lang siya sa gilid nito. Tumukod ako sa sandalan ng kanyang silya at muli akong gumiling para itama ang aking balakang sa kanyang harapan. Parang nakadapa ako at kinakantot ang kanyang harapan habang sinusuportahan ang aking sarili sa sandalan ng kanyang upuan. Ilang sigundo ko ito ginawa bago muling tumayo. Dinilaan ko ang kanyang kanang leeg pataas sa kanyang tainga. Pagkatapos ay kinuha ko ang kanyang mga binti at isa isa ko itong inilagay paikot sa aking baywang. Inilagay ko naman ang kanyang mga kamay palibot sa aking leeg. Pagkatapos maisaayos ang aming posisyon ay madali ko siyang binuhat sa ere. Umani ang aking ginawa ng malakas na sigawan mula sa mga nanonood. Iniatras abante ko ang aking balakang habang buhat buhat siya sa ere. Ng tinapik ako sa balikat ng stripper na tinawag nilang Spencer kanina ay dahan dahan ko na siyang iniupo sa kanyang silya at lumipat sa sunod na lalaki.

Ito ang lalaking nakaupo sa likuran ko na hindi pa nagsasayaw. Sa dalawa na nakaupo sa magkabila kong tabi ay may idea na ako kung paano sila magsayaw at kung ano ang itsura ng katawan nila base sa paghawak ko sa kanila kanina noong sinayawan nila ako. Pero eto, wala pa akong alam sa kanya. Dahil dito, mas umiral ang aking pagiging curious. Itinaas ko ang aking kamay at hiniling na tanggalin ang aking piring. Gusto ko malaman muna kung ano itsura niya bago ko siya sayawan para alam ko kung paanong atake ang gagawin ko sa aking pagsasayaw. Lumapit si Spencer at inalis ang aking piring. Laking gulat at di makapaniwala sa aking nakita.

"One thousand one..."

Tangina! Bakit sa lahat ng tao ay ito pa ang makikita ko rito? Hindi ba ako nito tatantanan? Nagpasya na nga akong lumayo sa kanila eh.

"One thousand two..."

Ng iminulat ko ang aking mga mata ay nakaupo sa harapan ko ang ex ng ex ko. Putangina talaga! Buti na lang di ko pa siya napapaligaya sa pagsayaw ko dahil hindi niya deserved sumaya. Hindi niya deserved ang oras at effort ko. Ang dapat mangyari sa kanya ay magdusa tulad ng pagdurusa na naranasan ko nitong mga nakaraang araw.

"One thousand three..."

Mabilis na kumulo ang dugo ko at di ko na napigilang maghuramentado. Habang nagbibilang ang mga tao rito, mabilis kong pinuntirya ang mukha ng gagong ito. Dahil nakapiring ang kanyang mga mata kaya hindi siya nakaiwas. Sapul na sapul ko ang ilong niya. Nahulog siya sa kanyang upuan at natumba sa sahig dahil sa lakas ng aking suntok. Lahat ng poot at galit na aking kinimkin nitong mga nakaraang araw ay inilabas ko sa kanya. Nakita kong duguan ang kanyang mukha. Hindi pa ako nakuntento at binigyan ko pa siya ng dalawa pang malalakas na suntok bago ako napigilan ng mga tao rito at nailayo sa kanya. Tangina niya! Yan ang bagay sa kanya! Binabasag ang mukha!

Susugurin ko pa sana siya ng hinarang ako ng kanyang mga bodyguard. Ginantihan nila ako ng ilang suntok. Natigil lang ito dahil sa pag-awat ng taong dalawang linggo ko ng hinahanap. Nabigla pa ako ng makita rin siya rito. I guess parte siya ng audience at kanina pa niya ako napapanood. Tangina! Dito ko lang pala ito makikita.

"Papi, tama na!" Dinig kong sabi niya habang hawak niya ang aking kaliwang braso. Nagpanting ang mga tenga ko ng marinig ang boses na yun na tumawag sa akin ng 'Papi'.

"Tangina! Bitawan mo ko kung ayaw mo pati ikaw ay masuntok ko." Sinunod niya ang aking utos at inalis niya ang kanyang kamay sa aking braso.

"Sorry papi." Sabi pa niya. Dahil sa pagtawag niya ulit ng papi sa akin ay parang kusang tumaas ang aking kamao para suntukin siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ang lakas ng loob mong tawagin pa rin akong papi pagkatapos mong gawin sa akin ang mga ginawa mo nitong nakaraang dalawang linggo! Hindi mo na ako puwedeng tawaging papi! Gago! Wala ng tayo! Tapos na sa atin ang lahat! Iniwan mo na ako di ba at ipinagpalit sa trapong yan! Kaya magsama kayong dalawa ng putanginang yan! Masunog sana kayo pareho sa impiyerno kung saan kayo nababagay! Mga ulol!" Sigaw ko sa kanila. Tuluyan na akong sumabog at inilabas ang mga kinikimkim na galit sa aking dibdib.

Nagpumiglas ako para makawala sa mga taong nakahawak sa akin. Binitawan naman nila ako. Napansin ko na inalis na rin ng ibang lalaking kasali sa palabas ang kanilang mga piring.

"Sir, you need to leave." Sabi sa akin ng isang staff.

"Tangina! Huwag niyo akong hawakan! Kaya kong maglakad!" Pag-angal ko sa dalawang guwardiya na nagtangkang hawakan ako palabas ng VIP room. Naglakad na kami palabas ng club. Nagulat pa ako ng may isang lalaking customer ang nakasunod sa amin.

"Hindi ka pa pwedeng lumabas." Sabi sa kanya ng isang guwardiya.

"Boss, kasama ko po yang lalaking yan. Sige na. Payagan niyo na ako para malinis ko ang dugo sa mukha niya." Sabi ng batang lalaki sa guwardiya. Ipinakita pa niya ang dala niyang mga bote ng tubig. Pinayagan na rin siyang makalabas ng gay bar na ito.

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking umaalalay sa akin ngayon sa pag-upo sa sidewalk.

"Ay sorry. Ako nga pala si Richard." Pakilala niya. Nakilala ko na isa siya sa grupo ng kabataan kanina na nanalo sa auction kanina. Sila yung nag-offer ng isang milyon. Siya rin yung nakatitigan ko kanina.

"Bakit ka nandito? Balikan mo na ang mga kasama mo. Baka hinahanap ka na ng mga yun. Okay lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Too late na kuya. Hindi na ako papapasukin dun. At saka tutulungan sana kitang linisan yang mukha mo eh. Eto ang tubig oh." Iniabot niya sa akin ang isang bottled water. Tinanggap ko na ito.

"Salamat. Theo nga pala." Sabi ko sa kanya bago buhusan ng tubig ang aking mukha.

"Teka, diyan ka lang muna kuya ha. Babalik ako." Sabi niya bago siya tumawid ng kalsada para pumunta sa 7-11.

Hinubad ko ang aking suot na itim na long sleeves shirt at pinunasan ang aking mukha. Muli kong binuhusan ito. Ilang minuto lang ay nakita kong pabalik na si Richard at may bitbit na paper bag.

"Kuya, heto ang ice. Para matigil ang pagdugo ng mukha mo at di masyado mamaga. Bumili na rin ako ng extra water." Ibinigay niya sa akin ang mga ito. Una kong kinuha ang bag ng yelo. Binuhusan pa niya ng tubig ang ilang parte ng mukha ko na may bakas ng dugo at pinunasan gamit ang tissue na galing sa convenient store. Pagkatapos ay inilapat ko na ang mukha ko sa yelo.

"Mukhang ang laki ng galit mo sa lalaking iyon ah. Ex mo kuya?" Tanong niya sa akin.

"Oo, yung isa dun. Yung tumawag sa akin ng papi. Pero yung inupakan ko, yun yung umagaw sa ex ko."

"Wow! Sa tindi ng galit mo mukhang bagong hiwalay pa lang kayo. Sana nung bago pa lang din na pinagTAKSILan ako ng boyfriend ko, sana may tapang at lakas ng loob din ako tulad ng sa iyo." Salaysay niya.

"Sa bata mo pang yan, pinagtaksilan ka na? Ilang taon ka na ba?" Pag-usisa ko sa kanya.

"Naku! Twenty pa lang ako kuya. Pero kung alam mo lang ang pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko pa. Baka hindi ka maniwala at sabihin mong nag-iimbento lang ako ng kwento. Sobrang long story kuya." Sagot niya bago siya uminom ng tubig. Napatingin ako sa relo. Ala una bente pa lang.

"Alam mo matagal tagal pa tayo rito kung hihintayin natin silang makalabas ng bar. We have time kung gusto mong magkuwento. Kung gusto mo lang naman. Kung hindi, ok lang din." Sabi ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya. Ramdam ko na mabuti siyang tao. Hindi lang dahil tinutulungan niya ako ngayon pero kita ko sa mga mata niya.

Ikinuwento na niya ang nangyari sa kanila ng dati niyong boyfriend na si Emmet. Kung paano niya hinayaan iyon na tumikim ng iba at kung paano tuluyan ng lumayo ito sa kanya. Sobrang grabe pala ang pinagdaanan niya doon kay Stephen na umagaw ng boyfriend niya at sa mga kaibigan noon. Natawa pa ako sa tawag nila sa grupo nilang Rainbow Gang. Bading na bading ang pota!

Sobrang bumilib ako sa tatag ng kanyang kalooban. Hindi ko alam kung kaya kong pagdaanan ang mga iyon. Eto pa nga lang pag-agaw sa akin kay Baste eh halos madurog na ako. Yun pa kayang harap harapang pagtataksil at pag-aalipin sa kanya. Pero tingin ko rin naman na hindi ako aabot sa puntong iyon. Mahal at kilala ko ang sarili ko kaya di alam ko ang limitasyon ko.

"Tangina! Paano mo nakaya yun? Pero alam mo hindi rin naman kita masisisi dahil sa fetish mong makita ang mahal mo na tumitikim ng iba. Pero sana kontrolin mo ang sarili mo dahil lahat ng sobra ay masama." Payo ko sa kanya.

Ipinagpatuloy na niya ang kuwento niya na pati pala nanay niya ay naagaw na rin sa kanya. Grabe! Pero natuwa na rin ako ng sinabi niya na iba na siya ngayon. Na tinulungan siya ng mga kaibigan niya na kasama niya kanina sa loob para mabuo ang kanyang sarili at makaahon sa pagdurusa na kinasadlakan niya dati sa ex niya at sa grupo ni Stephen. Na nag-umpisa na rin siyang makaganti sa mga nang-api sa kanya.

"Potek! Nahiya naman ako sa kwento mo. Wala sa kalingkingan ng pinagdaan mo ang nangyari sa amin ng ex ko. Eh pang Maaalala Mo Kaya at Isumbong Mo Kay Tulfo pala ang buhay mo eh! Wow! Saludo ako sa yo! Para kang isang phoenix. You rose from the ashes at ngayon ay mas matalino, mas matapang at mas malakas ka na. Pahawak nga. Para mahawahan mo ako ng pagka-phoenix mo." Papuri ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso.

Nakakatuwa siyang kausap. Dahil sa istorya niya, gumaan ang aking pakiramdam. Nabawasan ang bigat na aking dinadala.

"So may bago ka na bang boyfriend ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Naku! Wala kuya. Ine-enjoy ko lang ang buhay ko ngayon at sa pagganti sa mga nang-api sa akin dati."

"Well, tama yan. Bata ka pa kaya i-enjoy mo pa ang college life mo. Madami pang darating sa buhay mo na mas deserving ng pagmamahal mo. Sa paghihiganti naman, huwag ka masyado malunod sa paghihiganti ha. Baka masira ka na naman. You may lose yourself again at bumalik sa dati mong estado. Baka akala mo yung mga kaaway mo pa ang sinasaktan mo, hindi mo narerealize na sarili mo na ulit ang sinasira mo. Tandaan mo lagi na unahin lagi ang sarili mo. Learn how to forgive yourself and forgive people who hurt you. Sabi nila dun mo mahahanap ang inner peace." Potek! Ako pa talaga ang nag-aadvice tungkol sa finding new love, revenge at forgiveness. Eh ako itong hindi pa nakaka move on at kani-kanina lang ay galit na galit sa dati kong nobyo at sa nobyo niya ngayon.

"Bahala na kuya. Pero salamat sa advice mo. Subukan kong sundin yan in the future. Pero sa ngayon revenge mode muna ako." Saad niya.

"Hay naku! Pero at least honest ka. Halika nga. Yakapin kita para medyo gumaan ang pakiramdam mo. Pati na rin pakiramdam ko." Lumapit siya sa akin at nagyakapan kami habang nakaupo dito sa bangketa.

Gumaan talaga ang pakiramdam ko pagkatapos marinig ang kanyang mga pinagdaanan. Tulad nina Alex at Caleb, isa siyang inspirasyon para sa akin para maka-move on sa sakit na dinanas ko mula kay Baste. Nasabi ko sa sarili ko na tapos na ang aking pagpapakatanga at oras na para ako ay maging malaya. Malaya mula sa kabigatan ng nakaraan. Malaya sa mga pangakong napako. Malaya sa lahat ng sakit na aking sinapit.

Pagkatapos maghiwalay ang aming mga katawan mula sa pagkakayakap ay naglapit naman ang aming mga mukha. Naglapat ang aming mga labi at nawala sa sariling makipaghalikan kahit may ilang taong dumadaan.

"Ikaw ba yung humalik sa akin kanina?" Tanong ko sa kanya pagkatapos maranasan ang kanyang paghalik. Pareho kasi ang galing niya dun sa lalaking humalik sa akin habang ako ay nakapiring.

"Oo. Ang guwapo mo kasi eh. Okay lang ba?" Pa-cute niyang tanong.

"Yes." Hinila ko muli ang kanyang ulo at muli ko siyang hinalikan. Katulad kanina, mapusok ang aming pagpapalitan ng laway.

"Do you wanna go to my place?" Pag-aya ko sa kanya ng maghiwalay ang aming mga labi.

"Sige." Mabilis niyang sagot. Excited?

"Sure ka? Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Itetext ko na lang sila." Sagot niya.

"Okay. Text mo na sila at itetext ko rin ang mga kaibigan ko." Kinuha ko ang aking cellphone at tinext sina Alex at Caleb sa aming group chat.

Me: Uwi na ako. Huwag niyo na ako sundan sa bahay. Umuwi na rin kayo after. Ayos lang ako.

Caleb: How did you get out?

Me: Long story pero saka ko na ikukwento sa inyo. I'm with somebody right now kaya mauna na ako. Good night guys! Ingat pag-uwi!

Alex: OK. Later Bestie! Enjoy!

Dahil di ako nagdala ng kotse, tinawag na lang namin ang taxi na saktong dumaan. Nagpahatid na kami sa aking bahay.





Itutuloy...

 -----------


NOTE: Salamat ng maraming marami kay idol author kritikoapollo sa pagpayag niyang mag-crossover si Richard dito sa TOTDGA. Patuloy niyong abangan ang mas kapana-panabik niyang kwento sa TAKSIL.

6 comments:

  1. Wow may eutan scene si Theo at Richard. Hahaha Shet ang sarap..Sana kasama din si Petro at Christof...LOL

    ReplyDelete
  2. Putik ang sakit naman kasi ng ginawa ni Baste eh. Kahit ano pang reason nya di ko na sya mapapatawad author huhuhu... buti pinagaan mo ang eksena sa over da bakod ng character ng isa pang idol kritiko APOLLO. Enjoy kayo Theo magaling na gumiling yan si Richard. Thank you author. Ang bait mo back to back ang story. Love you.

    ReplyDelete
  3. Update naman Author plsss🥺🥺🥺

    ReplyDelete
  4. Manghihiram ng mukha sa Aso si eric pag kami nagpangabot hahahhaa

    ReplyDelete
  5. OMG Natatandaan ko to dun sa SABIK😳 Yung na-auction si Isaiah

    ReplyDelete