Saturday, November 27, 2021

CHAPTER 41


INSECURITIES




Nakangiti akong nakatingin ngayon sa aming full body mirror dito sa aming kuwarto. I’m impressed sa kinalabasan ng aming ginawa.

Sa sandaling ito, I must admit, guwapung-guwapo ako sa sa sarili ko ngayon. Nakasuot ako ng sexy version ng costume ng paborito kong superhero – siyempre, walang iba kung hindi si Batman.

Bumili ako kamakailan sa online ng costume niya. Sakto naman ang sukat nito sa aking katawan subalit ilan lang na piraso ng costume na natanggap ko ang aking ginamit. Nakakabit ngayon sa aking leeg ang malapad na kapa na kulay asul. Suot ko rin ang pares na asul na gloves na abot hanggang sa kalahati ng aking mga bisig, ang kulay gold na sinturon na may logo ng Batman at ang pares na asul na boots na abot naman hanggang sa kalahati ng aking mga binti.

Imbes na typical Batman costume ang suot ko tonight, napagdesisyunan kong gawan ito ng twist. Hindi ko isinuot ang body fit na pang-itaas at pang-ibabang bahagi ng costume na aking natanggap. Nakalitaw ngayon ang aking matatambok na dibdib pati na rin ang mga defined kong anim na pandesal. Sa gitna ng aking dibdib ay nakalagay ang logo ni Batman na pinintura ni Caleb kanina gamit ang body paint na meron kami rito. Oblong ang hugis nito na kulay dilaw at may itim na figure ng paniki sa gitna.

Sa pang-ibaba naman ng aking katawan ay wala akong suot na pantalon. Tanging ‘yung kulay asul na underwear na kasama ng binili kong costume ang aking isinuot.

Tapos imbes na gamitin ang malaking maskara para takpan ang buo kong mukha, pininturahan na lang ni Caleb ang palibot ng aking mata ng pahugis paniki na halos katulad ng nasa logo sa aking dibdib.



Dahil sa labis kong paghanga sa aking costume, ilang beses kong kinunan ng larawan ang aking katawan. Ang isa rito ay ipinost ko pa sa aking Instagram account na umiipon na ngayon ng maraming puso at papuri sa mga followers ko. Tatlo sa mga ito ay galing kina Alex, Caleb at Sebastian.

Si Caleb naman ay hindi rin pahuhuli sa suot niyang costume. Dahil nga couple kami, Batman and Robin ang peg namin ngayon.

Suot niya ang tight-fit na kulay pulang pang-itaas na costume na may logo ni Robin sa kaliwang dibdib. Meron itong tatlong kulay dilaw na horizontal lines sa gitna ng kaniyang dibdib at kulay berde ang kaniyang mga manggas. Nakakabit sa bandang leeg niya ang dilaw na kapa at meron din siyang suot na gloves pero kulay ang green sa kaniya. Tulad ko, wala rin siyang suot na pantalon. Suot lang niya ang kulay berdeng underwear ng costume niya. Tapos may suot din siyang kulay itim na boots at itim na maskara sa kaniyang mga mata.

Habang ako’y nagmamaneho papunta sa club ay napag-usapan namin ang kaniyang sakit. Medyo nililipad ng hangin ang aming mga buhok dahil naka-top down ang convertible car ko ngayon.

Nasa college raw siya ng una siyang ma-diagnose nito. Minsan na rin siyang na-confine sa isang psych facility nang minsang inatake siya ng sobra ng kaniyang sakit. Simula noon, regular na raw siyang umiinom ng mga gamot niya na sobrang nakakatulong para ma-stabilize ang kaniyang kondisyon. Nalaman ko rin na lampas isang linggo na pala nang maubos ang kaniyang gamot pero mabuti naman at nag-order na siya ng refill. Siguro dahil dito kaya medyo iba ang ugali niya lately.

Nakita kong marami ang tao ngayon dito sa gay club na aming pinuntahan. Dahil limited lang ang parking spaces dito, ipina-valet ko na lamang aking kotse para hindi kami mahirapan sa paghahanap ng mapaparadahan.

Halloween night ang theme ng club kaya karamihan ng mga naririto ay naka-costume din tulad namin. Pagpasok pa lang ay marami na kaming nakitang iba’t ibang klase ng costume. Mayroong mga nakakatawa, marami ang mga nakakatakot at mayroong ilan ding naka-superhero costume tulad ng Superman, Aquaman, Captain America, at iba pa.

“Hi, sexy!” bati sa amin ng isa sa mga nakasalubong namin. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa pagpuri niya o impluwensiya lang iyon ng malakas naming naririnig na lyrics ng remix ng kanta ni Drake na “Way 2 Sexy”.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang bar kung nasaan nakatayo ngayon sa gilid nito ang aking mga kaibigan.

“Hey! Finally! Akala namin hindi na kayo darating eh,” bungad sa amin ni Oliver nang lamitan namin sila ng boyfriend niya. Saglit kaming nagyakapan.

“Pasensiya na. Umiskor pa eh,” loko kong sabi.

“Wow! Lodi ka talaga, pre! Sana all,” sagot ni Roland. Nagtawanan naman kaming tatlo nina Oliver.

“Let me get us some drinks,” bulong ng boyfriend ko sa akin.

“OK. Thank you, babe.” Hinalikan ko siya sa pisngi bago siya lumayo.

“Bakit parang ang seryoso ng boyfriend mo ngayon, pre? Binitin mo yata eh,” biro ni Roland. Napatingin ako sa tinutukoy niya na medyo isang dipa lang ang layo sa amin ngayon. Medyo seryoso nga ang mood niya ngayon. Kanina namang papunta kami rito ay hindi siya ganito. Did I say something wrong?

“Gago! Satisfied na satisfied kaya siya sa akin. Ako pa, eh, matulis yata tayo, pre. Hindi ba, Ollie?” Binigyan niya ako ng thumbs up.

Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala ng lalaking ito. Alam na rin naman ng mga boyfriend namin ang history namin at walang problema naman sa kanila iyon. Past na iyon at alam namin ang boundaries namin ngayon. Basta, masaya ako na naging magkaibigan kami. At least, medyo napupunan niya ang pangungulila ko kay Alex. I am sure magkakasundo rin sila ni Bestie sakaling magkakilala sila.

“Daming tao ngayon dito ah! Active ang kabaklaan ng Miami tapos almost everybody dressed up.” natatawa kong sabi habang umiikot ang aking mga mata sa mga taong naririto ngayon.

“Oo nga eh. At ang astig ng mga costume ng iba. Effort kung effort! Parang kayo ni Caleb. Ang hot niyo pareho,” papuri ni Oliver.

“Kayo rin naman eh, Mario and Luigi!” balik kong papuri sa aking mga kasama ngayon. Mario brothers ang peg nila ngayon. Si Oliver si Mario samantalang si Roland naman si Luigi.

Hindi katulad ng totoong outfit ng mga characters sa Super Mario na laro, walang silang suot na jumper. Sa halip ay nakasuot lang sila ng fit na t-shirt – kulay pula kay Ollie at berde naman kay Roland. Tapos may suot silang kulay itim na suspenders na nakakabit naman sa suot nilang leather na kulay itim din na pantalon. Sa ulo naman nila ay nakapatong ang baseball cap na parehong kulay ng kanilang mga damit.

Bumalik na si Caleb at inabot niya sa akin ang isang baso na may lamang rum and coke. Margarita naman ang isa pang inumin niyang tangan.

“Caleb, as I was telling Theo, ang hot niyo pareho. For sure, kung single lang kayo, maraming mag-uuwi sa inyo tonight,” sabi ni Oliver.

“Thank you pero sorry na lang silang lahat. Taken na kami pareho,” sagot ng nobyo ko.

“Cheers sa lahat ng taken!” sabi ko sabay taas ng hawak kong inumin. Ginaya naman nila ang aking ginawa at pinagtama namin ang aming mga baso.

Naglakad kami papunta sa gilid ng dance floor malapit sa isang lalaki na nagsasayaw sa ibabaw ng isang lamesa. Nakasuot lang siya ng G-string bikini at may pintura ang kaniyang mukha na parang character sa pelikulang ‘Coco’. May ilang one-dollar bills na nakasuksok sa kaniyang suot na underwear.

“Kakaiba talaga rito sa Amerika, ‘no? Kung nasa Pilipinas tayo ngayon, malamang sa sementeryo ang gimik natin ngayon,” bigkas ni Roland.

Naalala ko tuloy si Daddy dahil sa kaniyang binanggit. Tama nga siya, malamang nasa mausoleum ng pamilya namin ako ngayon.

Pinagdebatehan ko pa nitong mga nakaraang linggo kung uuwi ako sa Pilipinas para dalawin ang puntod ni Dad since ito ang unang Undas na wala na siya. Pero dahil hindi ako papayagan sa trabaho na mag leave ng matagal kaya hindi ko na itinuloy ang aking iniisip. Nakibalita at nakipag video call na lang ako kay Manang noong binisita nila si Dad. Ipinagtirik ko na lang siya ng kandila kanina sa condo namin.

“Hi, Daddy! Wanna enter my bat cave?” malanding tanong sa akin ng isang twink na Amerikano nang lumapit siya sa akin. Natawa ako sa kaniyang sinabi.

“Hey! Sorry, I can’t but thank you.”

Hindi naman na siya nangulit at iniwan na niya kami para sumunod sa kaniyang mga kasama.

Ipinagpatuloy namin ang aming kuwentuhan tungkol sa aming mga trabaho at ng mga plano namin for Thanksgiving. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtungo si Roland sa bar para bumili ng mga inumin namin since wala ng laman ang mga hawak naming baso. Pagkabalik niya ay napagkasunduan naming magpunta sa dance floor.

Kasalukuyang tinutugtog ng DJ ang kantang “Pepas” ni Farruko. Mataas ang energy ng mga tao na nagsasayaw rito sa saliw ng nakakaindak na kanta. Sinasabayan pa ng mga Hispanics na naririto ang lyrics ng kanta. Malikot ang mga katawan ng lahat kasabay ng mga malilikot na mga ilaw rito sa club. Na-miss ko tuloy ang club ni Bestie.

Nakailang kanta pa ang DJ bago biglang namatay ang lahat ng ilaw at LED lights dito sa club. Pati ang malakas na tugtog ay natigil din. Potek! May blackout ba?

May ilang nagtakutan sa mga naririto. Nanatili lang kami sa aming puwesto at hinihintay bumalik sa normal ang lahat. Nakatapat sa akin si Caleb samantalang nasa kanan ko si Oliver na nakaharap kay Roland na nakatayo naman sa kaliwa ko.

Habang madilim, may ilang kamay akong naramdaman na humahawak sa aking katawan – sa aking puwet at sa aking ari. Ramdam na ramdam ko ang paghimas ng mga kamay dahil tanging underwear lang ni Batman ang suot kong pang ibaba.

Nang yumuko ako ay nakita ko ang kamay ng boyfriend ko na nakadakot sa aking ari at pinipisil-pisil ito. Inisip kong baka ang iba naming kasama ang humahawak sa aking puwetan pero napatunayan kong mali ang aking akala ng makita ang kanilang mga kamay. Nakahawak sa aking braso ang kanang kamay ni Oliver at hawak ng kaniyang kaliwa ang kaniyang inumin. Ang mga kamay naman ni Roland ay parehong nakahawak sa kaniyang baso. Hinayaan ko na lamang. Malamang mga kamay ng nasa likuran ko ang nasa pumupisil sa puwet ko.

Pagkatapos ng halos isang minuto ay may lumabas na usok sa lahat ng sulok ng club. Napuno ng puting fog ang kapaligiran pero bumaba ang mga ito sa aming paanan. Tapos ay muli ng nagpatugtog ulit ang DJ at nabuhay ang mga ilaw. Umaalingawngaw ngayon sa buong club ang EDM remix ng sikat na kanta ni Michael Jackson na “Thriller.”

Kasabay ng pagsindi ulit ng mga malilikot na ilaw ay ang pagsambulat sa harapan namin ng apat na lalaki na nag-umpisang magsayaw sa stage. Hubo’t hubad ang mga ito at kumikislap ang buo nilang katawan dahil sa dami ng glitter na nakadikit sa kanilang balat. Tila daig pa nila ang balat ni Edward sa pelikulang Twilight kapag siya ay naaarawan. Lahat ng parte ng kanilang katawan ay kumikinang kabilang na ang kanilang malalambot na ari lalo na kapag tinatamaan ito ng ilaw.

Dahil dito ay muling nabuhay ang crowd na naririto. Malakas na naghiyawan ang lahat. Kami man ay sumisigaw na rin habang nakataas ang mga hawak naming inumin.

Habang nagsasayaw ay nakatuon ang aking mga mata sa apat na lalaki na nasa harapan. Napansin ko na medyo pamilyar ang isa sa kanila. Mas tinitigan ko ito at parang may bumbilyang nabuhay sa aking isipan ng maalala kung saan ko nakilala ang lalaking hubad na nagsasayaw. Siya ‘yung naka-threesome namin ni Ollie noong unang beses kaming nagkakakilala.

Napatingin ako kay Oliver na napalingon din sa akin. Base sa expression ng mukha niya ay alam kong namukhaan din niya si Guillermo. Kinindatan at nginitian ko siya bilang pagkumpirma na pareho kami ng iniisip.

Nang matapos ang kantang “Industry Baby” ni Lil Nas ay napagpasyahan naming magpahinga at magtungo sa bar para bumili ulit ng mga inumin. Nag-order ako ng apat na shots ng tequila na sabay-sabay naming ininom ng aking mga kasama. Kumuha na rin ako ng ilang piraso ng napkin para punasan ang pawis sa aking mukha at katawan.

Lumalalim na ang gabi at pansin kong medyo nalalasing na si Caleb. Mababa kasi ang alcohol tolerance ng nobyo kong ito eh. Nagpaalam siya saglit para magbanyo.

Habang nag-uusap ay lumapit sa puwesto namin ang Latinong nagsasayaw kanina sa stage. Sobrang bilib ako sa tapang at confidence ng lalaking ito. Kinaya niyang mag perform ng nakahubo’t hubad sa harapan ng maraming tao rito.

“Hey! How are you guys doing? I missed both of you,” bati niya sa amin. Una silang nagyakapan ni Oliver tapos ipinakilala ni Ollie ang kaniyang boyfriend. Sunod naman ay niyakap niya ako. Nang maghiwalay ang aming katawan ay hinawakan ko ang malambot niyang ari. Nakangiti lang siya at hinayaan ako sa aking ginagawa.

“Be careful, man. It might bite you,” loko niyang sabi.

Nag-order si Roland ng another round of shots at ibinigay namin ang isang baso sa kumikinang na lalaking nasa harapan namin. Pagkatapos niyang inumin ang alak, humingi siya sa bartender ng isang bottled water.

“Since you now have a boyfriend, you’re out of my options…” patungkol niya kay Oliver, “but you, let’s hang out again, man. My place is open for you,” paanyaya niya sa akin.

“Sorry, bro. I now have a boyfriend too.”

“What? That sucks! Anyway, if you become available again in the future, give me a buzz,” sabi niya.

Tinawag siya ng isang lalaki pagkaraan ng ilang minuto. Nagpaalam siya sa aming tatlo sa pamamagitan ng paghalik niya isa-isa sa aming mga labi. Hinimas-himas pa niya ang aking bukol habang hinahalikan niya ako.

“Who was that kissing you?” seryosong tanong ni Caleb ng makabalik siya sa aming puwesto. Nakita pala niya ang ginawa ni Guillermo sa akin.

“Ah, wala ‘yun, babe.” Smack lang naman ang ginawang halik ni Guillermo at saka hindi naman ako tumugon.

“Seriously? Nagpunta lang ako sa banyo tapos nakikipaghalikan ka na sa ibang lalaki habang wala ako? What the fuck?!” pagalit niyang sigaw sa akin.

“Relax, Caleb. Theo is safe with us. It was just a harmless kiss,” sabi ni Oliver.

“Really? Are you sure about that, Oliver? Baka akala mo hindi ko napapansin ang pagtitig mo sa boyfriend ko kanina pa at ‘yung paghawak-hawak mo sa katawan niya especially kanina sa dance floor. May kindatan pa kayong nalalaman. Mahiya ka naman sa boyfriend mo! Kulang na lang tumulo na ang laway mo sa pagpapantasya mo sa boyfriend ko eh. If I know, you’re wishing him to be single again so he can fuck your loose ass!” sunud-sunod na sambit ni Caleb. Potek! Inaatake na naman ng pagkaseloso ang aking nobyo.

“Caleb! Stop it!” ma-otoridad kong utos sa kaniya.

“What?! Alam ko naman na ayaw nila sa akin eh tapos sila pa ang kakampihan mo?” malakas niyang sabi. Napapalingon na sa amin ang ilang mga tao na malapit sa amin.

“Caleb, nagkakamali ka ng inaakala. Magkaibigan lang kami ng boyfriend mo at wala akong balak agawin si Theo sa ‘yo. Hindi rin totoong ayaw namin sa iyo,” kalmadong paliwanag ni Oliver.

“At correction, hindi maluwag ang ass ng honey ko,” dagdag ni Roland.

“Whatever! Pero hindi niyo ako maloloko. I wasn’t born yesterday. Alam kong gusto mong agawin ang boyfriend ko at sinasabi ko sa ‘yo, hinding-hindi ka magtatagumpay. Over my dead body, you son of a bitch,” sagot sa kaniya ni Caleb.

“Caleb, shut the fuck up! Sumusobra ka na. Let’s go!” hinawakan ko na siya sa kaniyang kaliwang palapulsuhan. “Sorry, guys! I’m really, really sorry.” paumanhin ko kina Oliver at Roland bago kami umalis. Hinila ko na ang aking boyfriend palayo sa aming mga kasama.

Nagpupumiglas pa siya at pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang wrist pero mahigpit ang aking kapit at hindi ko siya pinakawalan. Patuloy ko siyang hinila palabas hanggang marating ang harapan ng club.

Tahimik lang kaming nakatayo habang hinihintay makuha ng valet boy ang aking kotse. As much as possible, ayaw kong gumawa ng eksena rito. Sa bahay namin ko balak siyang kastiguhin.

Walang umiimik sa amin habang ako’y nagmamaneho pabalik sa aming condo. Ramdam ko ang tension sa pagitan naming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasal ng kasama ko ngayon. Dahil ba iyon sa tama ng alcohol o dahil sa hindi niya pag-inom ng kaniyang mga gamot?

Dahil sa labis na inis sa inakto ni Caleb kanina sa club, binabalak kong huwag munang kausapin ang aking nobyo pero naalala ko ang sinabi ni Dad minsan sa akin na dapat daw ayusin ang problema ng magkarelasyon bago matulog.

“What the fuck is wrong with you?” pasigaw kong tanong kay Caleb pagkapasok na pagkapasok namin sa aming condo.

“I’m sorry, babe,” mahinahon niyang sabi. Taliwas ito sa inasal niya kanina.

“Nakakahiya ka kanina! You were so out of place!” reklamo ko sa kaniya habang hinuhubad ang kapa kong suot tapos padabog na umupo sa sofa. Tahimik lang siyang nagtatanggal ng sapatos. “We’ve talked about this before at inulit mo na naman! Ano bang problema mo?”

Naglakad siya papunta sa sala at umupo sa aking tabi.

“I don’t know, babe. I’m so sorry,” naluluha niyang sambit.

“Hindi ka naman ganito dati ah. Bakit kung kailan pa naging tayo saka ka pa naming seloso? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo dati na hindi ako manloloko. Naranasan ko na kung gaano kasakit ang pagtaksilan kaya hinding-hindi ko gagawin sa ‘yo ‘yun. I’m all yours one hundred percent. Why can’t you understand that? I AM NOT A FUCKING CHEATER!” Ibinato ko sa sahig ang hawak kong kulay asul na kapa.

“I can’t explain. I don’t know what came over me tonight, babe. Alam ko namang loyal ka pero hindi ko pa ring maiwasang isipin na iiwan mo ako at ipagpapalit sa iba. I can’t help to think I’m not good enough. I don’t know what’s wrong with me. I’m sorry,” wika niya.

“You need to stop doing this. Stop being unreasonable. To be honest, I don’t know how much more I can tolerate this.”

Umusod siya at yumakap sa akin. Umiiyak na siya ngayon sa dibdib at balikat ko.

“I’m sorry, b-babe. P-please don’t leave me. I promise, I’ll be better next time. P-please, babe. Please don’t leave me. Please,” sambit niya sa pagitan ng kaniyang paghagulhol.

“You really need take your medicines.”

Base sa sinasabi at inaakto niya, sa tingin ko ay symptoms ito ng pagiging bipolar niya.



“I will, babe. Please forgive me and please don’t leave me.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak sa aking tabi.

Sandali kaming tumahimik. Tanging naririnig lang ngayon dito sa aming condo ay ang kaniyang paghikbi.

Naiinis man ako pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Isa pa, gusto kong tumagal ang aming pagsasama. I think we can still make this work. Kailangan lang namin siguro mas intindihin ang isa’t isa at iwasang gawin ang mga bagay na makakasira sa aming relasyon.

“Okay. Andito lang ako. I won’t leave you. Sssshhhh,” aniko habang hinihimas ang kaniyang likuran.

Nanatili kami sa posisyong ito hanggang kumalma ang aking nobyo. Nang nangyari iyon, tumayo na ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig. Inabutan ko ng baso ng tubig si Caleb.

Nagtungo na kami sa aming kuwarto at natulog pagkatapos maglinis ng katawan.

Noong madaling araw ay medyo naalimpungatan ako at napansin na wala sa tabi ko ang aking boyfriend. Pagtingin ko sa relo ay nakitang alas cuatro cuarenta y dos pa lang ng umaga. Tumayo ako at nakita siyang nakaupo sa aming terrace.

“Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka natutulog? Are you okay?” sunud-sunod kong tanong sa kaniya paglabas ko ng terrace habang nakasuot lamang ng boxers.

Medyo malamig ang klima ngayon. Nakaupo siya sa aming patio furniture at nakapatong ang kaniyang mga paa sa upuan. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod. May nakapatong na balabal sa kaniyang katawan.

“I’m okay, babe. Hindi lang ako makatulog. I’m still bothered on how I acted earlier tonight. Nakakahiya sa mga kaibigan mo. But don’t worry, babe. I’ll be alright. I’ll go back inside in a little bit. Go to sleep, babe,” tugon niya.

“Okay. Don’t worry about it. I’ll talk to Olly and Roland tomorrow. I’m sure they’ll understand you. Go back inside and go to bed, babe.” Hinalikan ko siya sa labi bago ako bumalik sa loob ng aming kuwarto. Iniwan ko na siyang nakaupo sa terrace since ayaw pa niyang pumasok. Natulog na akong muli. Sobrang inaantok pa kasi ako.

Kinabukasan, pagkagising ko, tinext ko agad sina Oliver at Roland para humingi ng paumanhin dahil sa inasal ni Caleb. Naintindihan naman daw nila at hindi sila galit sa amin dahil sa nangyari. Nag reach out na rin sa kanila ang aking nobyo para mag apologize.

Kinagabihan, sa pagpupumilit ni Caleb, niyaya namin silang dalawa dito sa condo for dinner na kanila namang pinaunlakan. Gusto raw kasing humingi ng boyfriend ko ng sorry sa kanila ng personal. At the end of the night, nagtatawanan na kaming apat habang salitang kumakanta sa karaoke na para bang walang nangyaring insidente kagabi.

Lumipas ang mga araw at unti-unti nang bumabalik ang normal na ugali ni Caleb. Nabawasan na ang kaniyang pagseselos at mas kumalma na siya. Dumating na rin kasi ang refill ng kaniyang mga gamot at iniinom na ulit niya ang mga ito ng regular. Tama nga ako na dahil sa chemical imbalance sa utak niya resulta ng hindi niya pag-inom ng kaniyang mga gamot ang mga hindi magagandang asal na ipinakita niya nitong mga nakaraang araw.

“Hi, Theo! Welcome! It’s so good to see you again,” bati sa amin ng nanay ni Caleb ng sinalubong niya kami sa pintuan ng kanilang bahay.

Ito ang unang pagkakataon na makapunta ako sa bahay nila rito sa New York.

“Good evening po, Tita!”

“Hi, Mom!” bati naman ni Caleb.

Pasok kayo,” sabi niya pagkatapos naming magyakapan.

“Kumusta ang flight niyo?” tanong niya sa amin habang hinihila ko ang maliit naming maleta.

“It was alright, Mom,” sagot ni Caleb.

“Theo! Wow! You’re looking great!” bungad na papuri sa akin ng ate ni Caleb ng makita niya ako. Nakaupo siya sa sofa habang buhat niya ang isang cute na sanggol.

“Thank you, Ate. Ikaw rin naman eh. Kumusta ka na?” tanong ko sa kaniya.

Maganda pa rin ang nakatatandang kapatid ng boyfriend ko kahit medyo nag-gain na siya ng timbang. Lampas labing isang taon na rin ng huli kaming nagkita.

“I’m good. Heto, puyat lagi dahil sa bulilit na ito. Ikaw, kumusta ka na?” balik niyang tanong sa akin.

“Okay naman. Can’t complain, Ate.”

“That’s good. Condolences nga pala sa pagkawala ni Tito David.”

“Thank you,” tugon ko. “Ilang buwan na ang baby mo? Ano’ng name niya?”

“Curtis. He’s two months old.” Saktong umiyak ang tangan niyang sanggol ng marinig ang kaniyang pangalan.

Nalaman ko na bibinyagan pala ang anak niya sa Linggo. Potek! Hindi man ako in-inform ng magaling kong nobyo.

“Theo, can I get you anything?” tanong sa akin ng ina ni Caleb ng lumapit siya sa akin.

Hinanap ng aking mata ang aking boyfriend pero hindi ko siya nakita. Hula ko ay nagbanyo ito. Kanina pa kasi siya dumadaing na puputok na raw ang pantog niya noong papunta kami rito.

“No, I’m good po, Tita, but thank you! Anyway, nice house po,” sagot ko sa kaniya.

“Thank you. We’ve been living here since we moved here in the US. I don’t know if you know yet but we’ll be retiring soon so we’ll be spending more time at home kaya ipina-renovate namin ito last year,” salaysay niya.

Nabanggit na nga sa akin ni Caleb na balak ng mag retire ng mga magulang niya. Kasalukuyang nagtatrabaho as accountant si Tita sa isang financial firm dito samantalang manager naman si Tito sa isang malaking Fortune 500 construction company.

“Nasaan po si Tito?”

“Ah, natutulog na. Medyo napagod kasi sa pag-aalaga kanina sa bago niyang apo. Alam mo, he loves kids very much. Sabi niya, they make him feel younger. Iba kasi talaga ang epekto ng mga apo sa mga lolo’t lola. Sabi nga ng iba, grandkids are better than the kids,” sambit ng ina ng aking boyfriend.

“Kaya don’t wait too long, Theo. We are excited to meet your future kid with my brother,” sabat ni Ate.

“I don’t think we’re ready for kids yet, Ate,” sabi ko, “Right, Caleb?” tanong ko sa aking boyfriend na sumulpot dito sa sala.

“Yup!” sagot niya kahit wala siyang alam kung ano ang pinag-uusapan namin ng ina at ate niya. Inakbayan ko siya nang umupo siya sa aking tabi.

Nagpatuloy ang aming kuwentuhan bago kami naghiwa-hiwalay. Unfortunately, magkahiwalay kami ng kuwarto ng aking nobyo ngayong gabi. Iyon kasi ang gusto nina Tita. Habang hindi pa kami kasal, hindi raw kami puwedeng matulog sa isang kuwarto na magkasama rito sa bahay nila.

Inihatid ako ni Caleb sa isa sa mga guest rooms dito sa bahay nina Tita kung saan ako matutulog. Sinigurado niyang maayos at kumportable ako. Pumasok na si Tita sa kanilang kuwarto.

“Good night, babe,” sabi ni Caleb tapos hinalikan niya ako ng mariin at mahaba.

Inilagay ko ang aking kamay sa likod ng kaniyang ulo habang magkalapat ang aming mga labi. Nakayakap naman ang kaniyang mga bisig sa aking katawan.

Nagtagal ang pagpapalitan ng aming laway at ang pag-eespadahan ng aming mga dila. Naging malikot na ang aming mga kamay. Hinihimas-himas ng kaniyang kamay ang matambok ng harapan ng aking pantalon samantalang ang mga kamay ko naman ay pinipisil-pisil ang kaniyang matambok na puwetan.

Potek! Nag-iinit na ang aking katawan kaya bago pa kung saan humantong ang aming ginagawa, mabigat sa loob kong humiwalay ako. Gusto kong respetuhin ang tirahan ng mga magulang ng nobyo ko. Sa tingin ko kasi, ito ang dahilan kung bakit nais nila kaming matulog ng magkahiwalay. Nais nilang maiwasan naming gumawa ng mga makamundong bagay rito sa kanilang bahay.

Nagpumilit pa si Caleb na rito na lang siya matutulog kasama ko pero ako na ang nagtaboy sa kaniya. Pagkaraan ng ilang minuto, iniwan na niya ako at nagtungo na siya sa kaniyang kuwarto.

Marahil dahil sa namamahay ako, hindi ako dalawin ng antok. Gusto ng pumikit ng aking mga mata subalit gising na gising pa rin ang aking diwa. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkakalikot sa aking cellphone. Nakipag Facetime at kuwentuhan rin ako kay Alex. ‘Di naglaon ay nakatulog na rin ako ng hindi ko na namamalayan habang magkausap pa kami ng matalik kong kaibigan.

“Good morning, babe,” maligayang bati sa akin ni Caleb ng gisingin niya ako. Nakatagilid ako ng higa ng tumabi siya sa akin ng nakaharap.

“Good morning,” tugon ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Niyakap ko siya, hinila palapit sa akin at idinantay ko ang aking hita sa kaniyang katawan.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay at inaayos niya ang aking buhok paalis sa aking mukha. Tapos naramdaman ko ang kaniyang daliri na gumapang mula sa aking noo pababa sa bridge ng aking ilong pababa sa aking mga labi. Nananatili akong nakapikit habang ginagawa niya ang mga ito. Inaantok pa ako ngayon.

Sunod kong naramdaman ang kaniyang ilong na kumikiskis sa akin. Paulit-ulit niya itong ginawa. Nang maramdaman niyang hindi ako nagre-react, sinimulan niyang dampian ng mga halik ang aking ilong, mga mata, noo, pisngi at mga labi. Umungot ako at hinila siya palapit pa sa akin. Nararamdaman ko na sa aking mukha ang hanging lumalabas sa kaniyang ilong.

“Babe, wakey-wakey. I brought you coffee,” pabulong na sabi ng aking nobyo.

“Thank you, babe, pero tulog pa tayo. Inaantok pa ako eh,” sabi ko sa kaniya.

Tumalima naman siya sa aking pakiusap at hindi na niya ako ginambala. Isinuksok niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at dibdib at nakatulog na akong muli.

Lampas alas diez na sa aking orasan ng ako ay magising. Wala na si Caleb sa aking tabi. Bumangon na ako at nakita ang nakapatong sa side table na tasa ng kape na binanggit niya kanina. Malamig na ito pero ininom ko pa rin.

“You’re alive!” pabirong bungad sa akin ni Caleb ng pumasok siya sa tinutuluyan kong kuwarto. Kakatapos ko lang maligo at nakatapis lang ngayon ang puting tuwalya sa aking baywang.

“Am I supposed to be dead?” tugon ko sa kaniya.

“I was just kidding.” Alam ko naman ‘yon.

“How was your sleep, babe? Did you stay up late last night?” tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa gilid ng kama malapit sa akin.

Inalis ko ang tuwalya sa aking baywang at ginamit ito para punasan at patuyuin ang malago at kulot kong buhok.

“Yeah. Hindi ako nakatulog agad eh. Hindi na yata ako sanay matulog ng hindi ka katabi,” aniko.

“Aww, babe… That’s why tonight, tabi na tayo matutulog. I’ll talk to Mom about it,” sabi niya.

“Huwag na. Baka hindi lang ako sanay matulog dito. ‘Tsaka, tutal naman, isang gabi na lang tayo rito at uuwi na tayo bukas kaya okay lang ako. We’ll be okay.”

“Okay. If you say so. Anyway, anong ginawa mo kagabi para makatulog? Did you jerk off?” pag-usisa niya.

“Hindi. Inire-reserve ko kasi ang tamod ko para sa babe ko eh. Nag video call lang kami ni Alex. Nakatulog nga yata ako habang magkausap pa kami eh,” salaysay.

“Oh, I see. Puwede ko bang i-claim ang tamod na inipon mo for me?” Hinawakan niya ang natutulog pang si Junior.

Tinapik ko ang kaniyang kamay na na nakahawak sa aking ari. “No. We can’t. Baka mahuli pa tayo ng mga magulang mo.”

“So what? Matatanda na tayo, no?! We can just say, nagpa-practice lang tayong gumawa ng magiging apo nila. Iyon naman ang gusto nila, ‘di ba?” loko niyang sabi.

“Baliw!” Inihagis ko ang hawak kong tuwalya sa kaniya na tumaklob sa kaniyang mukha.

Nagbihis na ako at sabay na kaming bumaba sa sala.

“Good morning, Theo! How was your sleep?” bating tanong sa akin ni Tita.

“Maayos naman po, Tita. Thank you,” pagsisinungaling ko.

“Theo, kumusta?” bati ni Tito ng pumasok siya rito sa sala.

“Good morning po, Tito. Ayos naman po. Kayo po?”

“Ayos din naman. Kumusta ang Miami? I hope hindi ka binibigyan ng sakit ng ulo ng bunso namin,” pabiro niyang sabi habang nakatingin kay Caleb.

“Ah, hindi naman po, Tito. Bisita po kayo sa amin sa Miami. We’ll tour you around,” paanyaya ko.

“Sige, sige. We’ll do that.”

Dumating na rin ang nakatatandang lalaking kapatid ni Caleb. Nalaman ko na kaka-approve lang ng divorce niya mula sa kaniyang dating asawa. Mukha naman siyang masaya and that’s what’s important.

Ilang minuto pagkarating niya ay sumunod namang dumating ang asawa ni Ate. Nanatili kaming lahat dito sa sala hanggang tawagin na kami nina Tita para mananghalian.

Pagkatapos magpahinga sandali after kumain, napagpasyahan namin ni Caleb na mamasyal dito sa New York. Hindi pa kasi ako nakakapunta rito kaya excited akong mamasyal dito for the first time kasama ang boyfriend ko. Ayon sa weather app, fifty-four degrees Fahrenheit ang klima ngayon kaya naman nagsuot kami ng jacket bago lumabas ng bahay.

Sumakay lang kami ng tren sa subway at una naming pinuntahan ang Grand Central Terminal. Maraming tao ang abalang naglalakad dito. Lahat ay nagmamadali patungo sa kanilang sunod na destinasyon. Nagpa-picture kaming dalawa sa sikat na orasan na nasa gitna nito. Umakyat kami sa kalapit na Apple store at nagtingin-tingin ng mga produkto nila. Pinagdebatehan ko pa kung bibili ako ng Apple watch pero kalaunan ay napagdesisyunan kong saka na lang ako bibili nito.  

Pagkatapos dito ay naglakad kami papunta sa Empire State Building. Umakyat kami sa ika-walumpu’t anim na palapag kung saan nakita namin ang three-hundred-sixty-degree view ng New York City. Nakaka-amaze makita from this view ang mga nagtataasan at mga sikat na gusali at landmarks na naririto sa siyudad na ito.

Noong isang gabi lang ay napanood kong muli ang pelikulang “Sleepless in Seattle” ni Tom Hanks. Kinunan ang ilang eksena nila sa gusaling ito. Ngayon ay naririto na ako sa parehong palapag kasama ang “Meg Ryan” sa buhay ko.

Sunod naming tinungo ang isa pang lugar na sikat na sikat dito – ang Time Square. Tulad ng sabi nila, you’ve never been to New York unless you’ve been to Times Square. Sobrang dami rin ng mga tao rito na abala sa kani-kanilang ginagawa. Kung pagbabasehan ang lugar na ito, totoo nga na ang New York City ay ang city that never sleeps.

Katulad ng karamihan dito, kumuha kami ng mga larawan sa iba’t ibang direksiyon ng dinadayong lugar na ito. Ramdam na ramdam ko ngayon ang pagiging turista. Sinabi ni Caleb na hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nakapunta rito.

Nakita namin sa mga maliliwanag, makukulay at malalapad na billboards dito ang mga advertisement ng iba’t ibang Broadway shows. Naisip naming manood ng isa sa mga ito pero ng sinubukan naming bumili ng tickets, nalaman naming sold out na ang lahat ng tickets para ngayong gabi. Binalak na lang naming gawin ito sa sunod na pumunta kami rito.

Bago lumayo at pumunta sa sunod na pasyalan ay dumaan muna kami sa pinakasikat naman na bubuyog sa buong Pilipinas – si Jollibee. Miss na miss ko na ang mga pagkain na ititinda ng fast food na ito. Wala kasi sa Miami nito eh. ‘Tsaka lampas apat na buwan na mula ng matikman ko ang mga ito kaya naman hindi ko mapigilang orderin ang mga paborito kong pagkain nila na nasa menu.

“So, saan tayo sunod na pupunta?” tanong ko sa aking nobyo pagkatapos maubos ang spicy two-piece chicken joy with rice and palabok na nasa aking harapan.

Eating these bring back so many memories. Eating these bring me back home.

“Ikaw, babe, saan mo gusto pumunta?” balik niyang tanong sa akin.

Ano ito? Tanong ko, sagot ko? Potek!

“You’re the tour guide. You tell me so we both know,” sagot ko pagkatapos humigop ng pineapple juice.

Inirapan niya ako ng marinig ang aking sagot sa kaniyang tanong.

“OK. Hmm… Let me see… Puwede tayong pumunta sa Rockefeller Center or Central Park. Where do you want to go?” Of course. Ako pa rin ang magdedesisyon at sasagot sa tanong ko.

“Central Park sounds good.”

Naglakad na kami patungo sa aming sunod na destinasyon. Akala ko ay sa parke ang punta namin pero ngayon ay nasa harapan kami ng gusali kung saan may kulay gintong monument ni Prometheus, ang Golden Titan ng Rockefeller Center sa gitnang harapan. Potek! Pupuntahan din naman pala namin itong Rockefeller Center, bakit pinapili pa niya ako?

Imbes na mainis ay in-enjoy ko na lang ang aming pamamasyal. Nagpa-picture kami sa harapan ng sikat na monumento pati na rin sa harapan ng bandila ng Pilipinas na isa sa mga watawat na nakahilerang paikot dito. Medyo natagalan pa bago namin ito nahanap dahil sa dami ng bandila ng iba’t ibang bansa na naririto.

Pagkatapos huminto sandali sa harapan ng Radio City Music Hall nang madaanan namin ito ay dumiretso na kami sa Central Park.

Nakakamangha ang kulay ng mga dahon ng mga puno na naririto. Halatang-halata na fall season ngayon. Pinaghalong yellow, orange, red at green ang fall foliage rito ngayon. Maraming dahon ang nalagas na at kasalukuyang nakakalat sa sahig. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa ilalim ng mga nagtataasang puno na naririto.

“Do you remember Maid in Manhattan, babe? Yung scene na naglalakad sina J. Lo at ‘yung leading man niya sa movie… Dito ‘yun kinunan,” kuwento niya habang nakaupo kami sa isa sa mga benches dito para magpahinga.

“Oh, yeah. I remember that,” sagot ko. Iniisa-isa namin ang mga alam naming pelikula na kinunan sa malawak na parke na ito.

“Thank you, babe,” sabi ko sa kaniya bago ko hinalikan ang kaniyang kamay na aking tangan.

“For what?” nagtataka niyang tanong.

“For everything. Thank you.”

“Well, you’re welcome, babe.” Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at naglapat ang aming mga labi.

Nanatili kami rito at kinain ang take out na Yum burger na bitbit namin. Inaliw namin ang aming sarili ng panonood sa mga taong naririto. Patuloy ang aming kuwentuhan at tawanan. Natutuwa akong makitang masaya ang aking nobyo. This is the Caleb I know and love.

Pagkatapos magpahinga ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Bago tuluyang lumabas sa napakalawak na parke na ito, nadaanan namin ang John Lennon Memorial dito kung saan may nakasulat na “IMAGINE” sa sahig. May ilang bulaklak na nakapatong rito.

Napagdesisyunan naming sunod na puntahan ang Statue of Liberty. Mabuti na lamang at nakaabot kami sa pinaka huling trip ng ferry na nagdadala ng mga tao sa Ellis Island kung nasaan nakatayo ang iconic na kulay berdeng estatwa.

Kakaiba ang feeling na makita ito ng personal kahit noong papunta pa lang kami rito sa malayo ko pa lang siya nakikita. Dati-rati ay sa mga larawan at sa TV o pelikula ko lang ito nakikita pero ngayon ay nasa harapan na ako ng babaeng nakasuot ng roba na may hawak na torch sa kaniyang kaliwang kamay na nakataas sa ere. Nagtagal kami rito ng halos isang araw hanggang inanunsiyo na nila ang pag-alis ng ferry pabalik sa Manhattan.

“Are you having fun, babe?” tanong sa akin ni Caleb habang naglalakad papunta sa sunod naming destinasyon. Abala ako sa pagkain ng ice cream mula sa isang food truck na nadaanan namin.

“Oo naman, babe. Ikaw ba, are you having fun?” balik ko sa kaniya.

“Yes, babe.”

Pagkatapos maglakad ng humigit-kumulang quince minutos mula sa terminal ng ferry, narating na namin ang 9/11 Memorial. Nakakalungkot balikan at makita ang mga larawan ng nangyari noong bumagsak ang dalawang towers ng World Trade Center. Nakakalungkot mabasa ang ilan sa mga pangalan ng mga nasawi noong araw na iyon dalawampung taon na ang nakakalipas.

“Ipinatatanong ni Mommy kung doon tayo sa bahay magdi-dinner tonight,” sambit ni Caleb.

“It’s up to you, babe,” sagot ko sa kaniya. It’s your turn to decide.

“Hmm… OK. Let’s just go somewhere tonight. Maybe Chinatown?” sabi niya.

Balita ko nga one of the best daw ang Chinatown dito sa New York.

“Chinatown sounds good,” mabilis kong sagot.

Bago pumunta sa iminungkahe niyang lugar kung saan kami maghahapunan, dumaan muna kami sa pamosong suspension bridge rito sa New York – ang Brooklyn Bridge. Maraming tao ang naglalakad sa walkway nito. May ilang nagjo-jogging at may iba namang nagbibisikleta. Ang iba ay kasama nila ang kanilang mga alagang aso. Nilakad namin ang bahagi ng tulay na ito bago bumalik sa pinanggalingan namin at tinungo ang sunod naming pupuntahan.

Nakasalubong namin ang ilang New Yorkers kasama ang kanilang mga alagang hayop. Bigla ko tuloy na-miss si Bangky na iniwan namin sa aming condo. Kung dati-rati ay si Alex ang nag-aasikaso sa aking pusa tuwing iniiwan ko siya, ngayon naman ay sina Oliver ang nagche-check sa kaniya para masiguradong maayos ang kaniyang kalagayan. Mabuti na lang at pumayag ang mga bago kong kaibigan na gawin ito.

“Anong gusto mong orderin, babe?” tanong niya sa akin pagkaupo namin.

Lampas tatlumpung minuto kaming naghintay bago nakapasok dito kaya sana worth the wait ang mga pagkain dito. Ito kasi ang inirekomenda ni Caleb. Malimit daw silang kumain dito ng pamilya niya rati dahil sa sarap ng mga pagkain nila rito.

Binanggit ko sa kaniya ang mga pagkain na gusto kong kainin from the menu. Dinagdagan naman niya ito ng mga gusto niyang orderin.

“This was a good day, don’t you think?” tanong ko habang hinihintay ang aming order.

“Definitely! I agree one hundred and one percent,” sabi niya.

“Salamat sa pag tour sa akin dito sa New York ha. I know you’ve been to these places and attractions a million times before pero sinamahan mo pa rin ako today. Thank you! I am happy to make this memory with you, babe,” sinsero kong sabi sa kaniya.

“Of course! I love you, babe.”

“I love you too.”

Pagdating ng mga pagkain ay na-realize namin na sobrang dami pala ng mga inorder namin. Subalit dahil sa pagod sa halos kalahating araw na paglalakad, naubos namin ang lahat ng ito.

Tanging sina Ate at Kuya na lamang ang mga gising ng makauwi kami ni Caleb sa bahay ng kaniyang mga magulang. Sandali kaming naghuntahan bago nagpaalam para magpahinga. Ramdam ko ngayon ang pagod ng aking mga paa at binti sa aming paglalakwatsa ngayong araw na ito.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maghanda sa binyag ni Curtis. Sumabay kami kay Kuya papunta sa simbahan.

Naging maayos naman ang seremoniya. Pagkatapos nito ay nagtungo kami sa isang restaurant para mananghalian.

“Theo, thank you for taking care of Caleb. Matagal na namin siyang sinasabihan na makipagkita ulit sa ‘yo para naman magkaroon siya ng good influence sa buhay niya. Mabuti na lang at sinunod niya ang aming payo at tingnan mo ngayon, magkarelasyon na kayo. Ngayon, makakampante na kami ng Tita mo na magiging maayos ang lagay niya,” sabi sa akin ng ama ng aking boyfriend. Nakakandong sa kaniya ang panganay na anak na babae nina Ate na may hawak na Elsa doll mula sa pelikulang Frozen.

“Naku! Wala po ‘yun, Tito. He takes care of me too,” tugon ko sa kaniya.

“Minsan, pagpasensiyahan mo na lang kapag medyo sinusumpong siya. Mabait namang bata yan. If I can give you an advice, siguraduhin mo lang na lagi niyang iniinom ang mga gamot niya. He’s a lot better that way,” payo niya.

“I’ll keep that in mind po, Tito.”

“No problem. Always remember, you’re family. Kaya if you need anything, ‘wag kang mahihiyang magsabi. We’re here for you.”

“Opo, Tito, Salamat po.”

Natigil ang aming usapan ng tumayo sina Ate at ang asawa niya para magsalita sa aming lahat. Tangan ng Amerikanong asawa niya ang ngayon ay natutulog nilang anak na nakasuot pa rin ng magarang damit na kulay puti.

“Thank you all for coming today for Curtis’ baptism. We are overjoyed to share this meaningful occasion with all of you in welcoming our son to the Christian world. We hope you’ll continue to be with us in guiding him especially during his growing years to make him the person he is meant to be. We hope you’ll pray with us that God’s blessing will be in his life today and always. Thank you and we truly appreciate each and every one of you. We love you all,” talumpati ng asawa ni Ate.

Nagpalakpakan kaming lahat na labing siyam na bisita nila na naririto nang matapos ang speech ni Ate. Bukod sa buong pamilya nila, may ilang Amerikanong kaibigan nila ang kasama namin ngayon.

“Ate, do you mind if I say something?” sabi ni Caleb ng itinaas niya ang kaniyang kamay at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan sa kanang tabi ko.

“Yes, of course.” Umupo na silang mag-asawa.

“Hello, everybody! Hello, Ate and Kuya! To those who don’t know me, I am Caleb, Curtis’ uncle. I just want to congratulate both of you on your precious son’s baptism. I am happy that my nephew is as adorable and sweet as his uncle. Ahem!” Natawa ang lahat sa kaniyang sinabi.

“Thank you for letting us be part of this once-in-a-lifetime event. May God bless him and both of you as his parents from this day on. Rest assured that I will always be here for your family. I love you all.” Nagpalakpakan ang lahat ng naririto.

Also, I want to take this opportunity to introduce to you all my loving boyfriend, Theo,” pahabol niya.

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking kanang balikat. Lahat tuloy ng atensiyon ng lahat ay nalipat sa akin. Potek! Hindi ako handang malipat ang spotlight sa akin. Hindi pa ako ready sa aking close up, direk!

Napansin ko rin na nakatutok ang cellphone ni Tita sa amin na para bang inire-record niya ang nangyayari. Nakaupo siya sa kabilang side ng table.

“Babe, thank you for accepting me in your life. Ever since when we were in high school, I always regard you special. This is why I decided to move back to the Philippines more than a year ago so I can be close to you again. I can say that, so far, that’s the best decision I’ve made in my life.

“Babe, I know we’ve only been a couple for a short period of time. But with everything that happened recently, it made me realize that life is indeed very short. We don’t know what’s going to happen tomorrow or the next day, so I want to take advantage of every day that we’re together. Babe, I love you very much. I want to grow old with you and spend the rest of our lives together. Timothy Lance Olivarez, I would like to ask, would you give me the honor of being your husband?”

Lumuhod siya sa isa niyang tuhod at inilabas ang isang kulay silver na singsing mula sa kaniyang pantalon. Itinapat niya ito sa aking harapan.

What the fuck?! I can’t believe this is happening!

Sa loob-loob ko, parang gusto kong sumigaw. We were just talking about this last week and now, he’s asking me to fucking marry him. I really have no idea he’s gonna do this today. Kailan pa niya ito plinanong gawin? Ugghhh!

Ramdam ko ang anticipation ng lahat ng naririto. Nang lumingon ako sa paligid ay napagtanto kong dumami na sa naririto ang nagvi-video o nagpi-picture sa aming dalawa. Pati ang mga nasa ibang table na hindi kasali sa aming grupo ay nakamasid na rin at naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Halos lahat ng mga naririto ay kinikilig sa nasasaksihang proposal. Ang iba ay pumalakpak pa noong ma-realize nila kung ano ang ginagawa ng aking nobyo.

Nagtama ang mga mata namin ni Caleb. Matiyaga siyang naghihintay ng aking sagot. Pansin ko sa mga mata niya ang magkahalong kaba at pangamba.

“Babe, I don’t know what to say,” pasimula kong sabi.

“Just say ‘yes’,” dinig kong sigaw ng kaniyang Kuya. Sumang-ayon naman ang karamihan na naririto ngayon.

“I agree that our romantic relationship is still very new and raw. I don’t know if I am ready yet to make this big transition, but I want you to know that I love you.”

Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang aking sasabihin.

“You will always hold a special place in my heart and I want to take this risk with you. Caleb Nathaniel Ramos, yes, I take your offer and be your husband.”

Malakas na palakpakan ang umalingawngaw dito sa loob ng restaurant. Isinuot na niya ang singsing na kaniyang hawak sa aking kaliwang ring finger at sabay kaming tumayo. Ipinikit namin ang aming mga mata at naglapat ang aming mga labi. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras at nawala ang lahat ng tao na naririto ngayon.



 

 

 

Itutuloy…

 

No comments:

Post a Comment