HAPPY NEW YEAR
“Yes. I-text or
tawagan mo na lang ako pagka land ng eroplano mo rito,” dinig kong sabi ni
Caleb sa kaibigan niya sa telepono.
Papunta
na kami sa Port of Miami kung saan kami sasakay sa cruise ship. Minamaneho ko ngayon
ang kotse ni Caleb at nakaupo siya sa passenger seat ng kaniyang kotse
habang kausap niya ang kaniyang kaibigan sa telepono. Sina Alex at Nick ay
kampanteng nakaupo naman sa likuran.
Ngayong
araw na ito ang dating ng malapit na kaibigan niyang si Bryan. Siya ang
makakasama ng fiancé ko para sa bachelor party niya. Manggagaling siya mula sa
California at mananatili siya rito sa Miami sa aming apartment habang kami
naman nina Alex, Nick, Oliver at Roland ay nasa barko para sa aking bachelor
party.
Pagkaraan
ng ilang minuto ay natanaw na namin ang mataas at malaking barko na aming
sasakyan. First time akong makakasakay ng isang cruise ship kaya sobra ang
excitement na nararamdaman ko. Dati-rati ay nakikita ko lang ang mga barko na
dumadaong at umaalis sa port kapag napapadaan ako malapit dito. Ngayon ay
magiging isa na ako sa mga pasehero rito.
Habang
papalapit ay nakita ko na sina Oliver at Roland na nakatayong naghihintay sa
may entrance ng port. Napag-usapan kasi namin na rito na kami magkikita at
sabay-sabay na kaming papasok.
Inihinto ni Caleb ang kotse malapit sa kanilang kinatatayuan. Pagkatapos maibaba ang aming mga bagahe ay nagpaalam na kami kay Caleb.