Sunday, December 27, 2020

TOTDGA - CHAPTER 21

 

GETTING MARRIED




Inalis niya ang piring sa aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita. Kung kanina ay sabi ko malaki ang chance niyang manalo if ever man may titulong 'Most Romantic Boyfriend of the Year', ngayon, sigurado na ako na siya na mananalo nito. Tapos na ang laban mga kapatid. May nanalo na! 

Nasa harapan namin ang isang parang gazebo na itinayo nila dito sa gitna ng buhanginan malapit sa dagat. Mayroong bilog na lamesa sa gitna nito at napapatungan ito ng puting tela. Meron din ditong dalawang upuan na gawa sa kahoy na halos magkatabi ang ayos at nakaharap ang mga ito sa dagat. Sa paligid naman ng gazebo ay may mga nakasabit na manipis na puting kurtina na hinati sa gitna. Eleganteng nakatali sa kada poste ang dalawang kalahating kurtina mula sa magkaibang side ng gazebo. 

May lalaking nakaupo sa isang tabi at kasalukuyan niyang tinitipa ang hawak na gitara at pinapatugtog ang kanta ni Moira at asawa niya.  

Madilim ang kapaligiran pero maliwanag sa gazebo. Mayroong lampara sa gitna ng lamesa na nagsisilbing ilaw dito. Sa paligid naman ay may maraming kandila na nakapasok sa puting paper bags at naka-form ang mga ito ng malaking hugis puso sa buhangin. I think debateryang kandila ang ginamit nila para hindi masunog ang papel. Ang mga ito ay nagdagdag ng liwanag sa madilim na bahagi ng beach na ito. 

Tulad sa aming kuwarto, marami ring petals ng pulang rosas ang nagkalat sa buhangin sa paligid ng lamesa. Pati sa ibabaw ng lamesa ay may mga talulot din ng bulaklak.

Hindi ko idine-deny na kinikilig ako sa romantic gesture na ito ng boyfriend ko. Idagdag pa ibang mga ginawa ng boyfriend ko para sa akin ngayong araw na ito. Una ay yung massage na ini-schedule niya kaninang hapon, then yung romantic setup sa aming kuwarto at banyo kanina tapos ngayon ay ito namang private dinner by the beach. Kahit pala sobrang seloso at possessive ng nobyo ko ay sweet at romantic din ito. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Never ko pa naman kasi itong naranasan na may isang taong nag abalang mag arrange ng mga ganitong romantic gestures para sa akin. I guess kung may ganito lahat ng relasyon, marami talagang magnanais magka boyfriend o girlfriend.

Naalala ko dati na mga naging one-night-stand-turned-stalker ako na nagpadala sa akin ng mga bulaklak, food at mga indecent proposals. As soon as nangyayari yun, binablock ko na ang taong iyon at di ko na sinasagot ang kanyang mga tawag o messages. Takot kasi ako ma-involve sa mga ganun. Mahirap na.

Hinawakan ni Baste ang aking kamay at hinila niya ako para pumasok sa gazebo. Tinulungan pa niya ako sa pag urong ng aking silya at hinintay akong makaupo muna bago siya umupo sa kanan ko. Prinsesa lang? Hahaha

Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ni Baste ito para sa akin. Inikot ko ang aking paningin sa loob ng gazebo pati na rin sa mga dekorasyon na nasa buhangin. Lahat ng detalye contributed sa romantic ambiance ng lugar. Pinapanood ko ang lalaking naggigitara ng agawin ni Baste ang aking atensyon. 

"Did you like it?" Tanong niya sa akin.

"I'm very impressed. Sobra! I love it! Thank you!" Hinaplos ko ang kanyang kaliwang pisngi at binigyan siya ng madiin na halik sa kanyang mga labi. 

Nasa ganito kaming posisyon ng lumapit ang isang staff. "Excuse me mga sir. Buksan ko lang itong wine." Sinalinan ng staff ang aming mga wine glass ng chardonnay. Pagkatapos ay may isa pang staff ang lumapit at may dala dala itong mga salad. Inalis namin ang naka fold na hugis pusong pulang table napkin. Habang inilagay namin ito sa aming mga hita ay inilalagay naman ng staff ang kanyang dalang salad sa aming harapan. "Enjoy mga sir!" Sambit nila bago umalis.

"I hope you don't mind. Pinili ko na ang menu natin for tonight." 

"No, not at all. Kelan mo plinano ito?" Tanong ko habang hawak ang tinidor para sa salad.

"Last night lang. Remember nung iniwan kita sa bar para magbanyo? After ko mag restroom ay dumaan ako sa front desk para kausapin sila at i-schedule itong private dinner na ito at pati na rin yung kanina sa suite natin." Kaya pala siya natagalan bumalik dahil dun. Tapos ang naabutan pa niya ay si John na nakahawak sa aking harapan. Potek! Nahiya naman ako.

"Di ko alam na sweet at romantic ka pala." Sabi ko sa kanya.

"I guess marami ka pang di alam sa akin. Pero it's okay. We have our lifetime to discover all of them and to know each other more." Sagot niya.

Natahimik ako sa sinagot niya. Mukhang pang habang buhay na ito. Sobrang advanced naman yata niya mag-isip eh kahapon pa lang kami officially naging couple. 

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain ng aming salad habang in-enjoy ang view ng karagatan at ang musikang tinutugtog ng lalaki sa tabi. Napansin ko na bilog pala ang buwan ngayon. Malakas ang mga alon sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin.

Pagkatapos namin kainin ang appetizer ay muling dumating ang dalawang staff at kinuha nila ang plato sa harap namin at pinalitan nila ito ng plato na may lamang rib eye steak, mashed potatoes and asparagus. American pala ang menu namin tonight. Masarap naman ang luto ng steak. Tama rin ang pagkakaluto nito na medium na siyang gusto ko.

"So, pagbalik mo pala from the US, ilang linggo lang tayo magkakasama tapos ako naman ang lilipad papunta dun no? Tapos magkahiwalay tayo sa Pasko." Sabi ko sa kanya habang hinihiwa ko ang karne sa harapan ko.

"Oo nga eh. I'm seriously considering pumunta ulit rin ng US for the holidays. Kasi di ba, this will be our first Christmas dapat tapos di tayo magkasama. Ang sad naman nun." Hindi nga masaya yun pag nagkataon.

"Oo nga eh! Since I can't cancel my trip and wala ka naman kasama rito, lipad ka na rin doon. Para magkasama tayo during the holidays. We can either meet somewhere sa Chicago kung magstay ka sa family mo doon or pwede ka naman sumama sa amin ni Dad sa Miami. I am sure okay lang sa kanya yun. Either way, it'll be good kasi I can either meet your family or you can meet my relatives and we can spend Christmas and or New Year together." Paglatag ko ng plano at mga options para sa kaniya sa Pasko.

"That's a good idea. Sige tingnan ko kung ano plano ng pamilya ko sa Pasko and I'll let you know." Sagot niya. 

"Okay. Do you think your family will like me?" Curious kong tanong sa kanya.

"I hope so but it doesn't really matter. Whether they like you or not, ang importante ay gusto kita at mahal kita. We don't need their approval." Tugon niya.

"Siyempre iba pa rin kung tanggap nila ako as partner mo. By the way, did they meet your first boyfriend?" Pag-usisa ko sa kanya.

"They did." Maikling sagot niya. 

"And?"

"They didn't like him." 

"Well, that's encouraging." Tugon ko.

"Pero ibang iba ka naman sa kanya. And honestly, I don't think they will like anybody hangga't hindi nila matanggap ang sexual preference ko. Kahit pa siguro si Piolo Pascual o si Brad Pitt ang ipakilala ko sa kanila, di rin nila sila magugustuhan. Kaya if ever man, it's not your fault." Pagtatapat niya. 

"Okay. But I hope someday, they can accept you for who you are and what we have. On a positive note, ikaw nga, approve na approve ka kay Dad eh." Pag-iba ko ng usapan. 

"Really? Ang bait talaga ng Dad mo no? You're very lucky. How I wish I have a Dad like him. Anyway, malapit ba ang bahay niya rito? How about we visit him on our way back to Manila?" Suggest niya. 

"Yun naman talaga ang plan ko tomorrow. Ang dalawin natin siya so I can formally introduce you as my boyfriend. Alam mo, he will be very happy to hear that." Nabanggit ko na kay Dad na dadaan ako sa bahay niya bukas pero di niya alam na kasama ko si Baste. Mag half day daw siya sa clinic niya bukas para nasa bahay siya ng hapon pag dating namin. 

"I'm glad to know that. Ikaw naman kasi, ang tagal mong pinaghintay ang Daddy mo. Masyado mo tuloy siyang pinasabik na magka boyfriend ka." 

"Well, naintindihan naman niya eh. At saka it's your fault." Birong hirit ko sa kanya.

"Huh? Bakit naging kasalanan ko?" Pagtataka niya.

"E kasi lately ka lang dumating sa buhay ko. Kaya ngayon lang ako nagka-boyfriend." 

"Naks! Lumilinya ka na rin ha! San mo natutunan yang mga yan ha?" Pang aasar niya.

"Basta. I know somebody na mahilig sa mga pick up lines. Kaya nahawa lang ako sa kanya. Siguro kilala mo rin yun." 

"Sige na. Kasalanan ko na lahat. Pati paglagay ng dolomite sand sa Manila Bay, kasalanan ko na rin." Natawa ako sa sinabi niya. Tumawa na rin siya. 

Pagkatapos kainin ang aming main course meal ay muling lumapit ang dawalang staff at kinuha ang aming mga plato. Naubos na rin namin ang bote ng wine kaya umorder kami ng bagong drinks. Margarita para sa akin at mojito naman ang kay Baste. 

Ilang minuto ang lumipas at nakabalik na ang dalawang staff at bitbit nila ang drinks na inorder namin pati na ang aming dessert.

"New York-style cheesecake po." Sagot ng staff ng tanungin ko kung ano ang dessert na sine-serve nila.

Sinumulan na naming kainin ang aming panghimagas. Masarap siya at sakto lang ang pagkatamis niya. Sobrang sira talaga ang diet ko sa trip na ito. Mapapalaban na naman ako sa gym sa mga sunod na araw. I guess iyon na lang ang pagkakaabalahan ko habang wala si Baste. 

Kumutsara ako ng cheesecake at isinubo ko iyon sa aking nobyo. Malugod naman niya itong tinanggap. Ginawa rin niya ito sa akin. Di kalaunan ay naubos na namin ang mga ito. 

"Tara! Sayaw tayo." Pagyaya niya sa akin. Tumayo na siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

Dahil acoustic ang music dito kaya slow dance ang ginawa namin. Kasalukuyang tinutugtog ng lalaki sa kanyang gitara ang kanta ng South Border na Love of My Life. 

Nakatayo at magkaharap kami ni Baste sa buhangin. Nakapulupot ang mga kamay niya sa aking leeg samantala nakahawak naman ako sa magkabila niyang baywang. Marahang sumasayaw ang aming mga katawan sa saliw ng musikang aming naririnig. 

Naghinang ang aming labi habang patuloy na gumagalaw ang aming mga magkadikit na katawan. Hindi na namin alintana na may ibang tao sa aming paligid. 

Pakiramdam ko ay may sarili kaming mundo ngayon. Pakiramdam ko ay lumulutang kami sa ere at nililipad sa himpapawid habang idinuduyan kami ng nararamdaman namin sa isa't isa. Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng orasan na tila isang oras na kaming nagsasayaw dito kahit ang totoo ay ilang minuto pa lang. 

Napansin ko na mabilis ang tibok ng aking puso ngayon. Nararamdaman kaya ni Baste ito since magkadikit ang aming mga katawan? Wari kasing sasabog ang aking dibdib sa sobrang saya at ligaya na aking nararamdaman. Ngayon ko lang ito naranasan. Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig? In love na ba ako? Kung ito man yun, totoo palang napakasarap nito sa pakiramdam. Para akong high sa kung ano mang ipinagbabawal na gamot. Nakakaadik ang feeling. 

Naghiwalay ang aming mga labi at nakatitig ako sa kanyang mga mata. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Muli ko siyang hinalikan. Parang gusto ko lang siyang yakapin at halikan buong magdamag. 

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Baste sa akin. Napasobra yata ang gigil ko sa paghalik sa kanya.

"Huh? Oo naman. Why?" Balik kong tanong sa kanya.

"Wala lang." Yumakap lang siya sa akin at ipinatong ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat. Patuloy sa paggalaw ng marahan ang aming katawan. Natapos na ang kanta at narinig ko pa na sinasabayan ng aking boyfriend ng pagkanta ang musika na tinutugtog ngayon ng lalaki. Sa totoo lang, tuwing naririnig ko itong kantang ito, naalala ko ang lumang commercial ng McDonalds.

🎶 Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula 🎶

Maganda pala ang boses ng nobyo ko. Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Hinayaan ko lang siyang kumanta para hindi siya ma-conscious. Mahina lang ito. Parang ibinubulong lang niya ang mga salita sa aking tainga. 

Natapos ang kanta at humiwalay sa akin si Baste. Niyaya ko na siyang umupong muli. Inubos na namin ang aming mga inumin at pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na kami sa mga staff na narito. Binigyan ni Baste ng tip ang dalawang staff na nag serve sa amin pati na rin ang lalaking tumugtog ng gitara. 

Mababaw pa ang gabi. Imbes na bumalik sa kuwarto ay naglakad kami sa dalampasigan. Nakaakbay ang aking kanang kamay sa kanyang balikat habang nakapulupot naman ang kanyang kaliwang braso sa aking baywang. Huminto kami sa isang parte ng dalampasigan at sabay na naupo sa buhangin habang nakaharap sa dagat. 

"Thank you again for tonight." Sabi ko sa nobyo ko na nakasandal ang kanyang ulo sa aking kanang balikat. 

"You're welcome." Hinaplos pa niya ang kaliwa kong pisngi at kiniskis ang aking tainga sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo.

"Do you imagine yourself getting married?" Tanong ko sa kanya.

"I would love to get married with you. Tapos we'll build a family." Sagot niya. 

"Ilang anak naman gusto mo?"

"Okay na sa akin ang sampu." Napalingon ako sa kanya ng sinabi niya ito. Dahil sa liwanag ng buwan, nakita kong seryoso ang kanyang mukha.

"What? Sampu? Balak mo bang magtayo ng dalawang team ng basketball?" Di ko mawari kung nagbibiro lang siya.

"Joke lang. Basta ayoko ng isa lang. Siguro three to four pwede na. As much as possible, gusto ko lalaki at babae. How about you? Do you want kids?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Dati nga napag usapan namin ni Alex na either mag adopt kami or magpa surrogate. Kahit wala ng asawa, anak lang okay na." Kwento ko sa kanya. " Pero tama ka. Pangit nga kapag isa lang. Only child kasi ako di ba? Kaya alam ko na medyo malungkot ang walang kapatid. Although lahat ng atensyon nasa akin pero in the long run, mas okay pa rin kung nagkaroon ako ng kapatid." Dagdag ko. 

Dati naiinggit ako sa mga kaklase ko na may kapatid na tinatawag sila o tumatawag sa kanila na ate o kuya. Pinsan ko lang kasi ang mga tinatawag ko ng ganun noon.

"So spoiled brat ka? Hahaha" Pag aasar niya sa akin.

"Hindi ah. My parents never spoiled me. Well, sometimes. Hehehe" Totoo naman. I don't think they spoiled me. They gave me everything I needed pero they taught me how to be responsible and sometimes work hard for what I want or ask for.

Natahimik kami ng sandali habang magkadikit ang aming mga katawan.

"Gusto mo pakasal tayo sa Amerika pagpunta natin dun sa Pasko? We can do it with your dad and your relatives." Out of the blue niya tanong at pagbasag sa katahimikan.

"Wow! Out of nowhere ang mga plano mo ha. Wait, are you proposing to me?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ayaw mo ba?" Potek. Tanungan portion ba ito? Tanong na sinagot ng tanong at tapos sinagot ulit ng tanong.

"Strict parents ko eh." Biro kong sagot. 

"Baliw! Ano nga?" 

"We can talk about that when you come back. Baka kasi pag alis mo makalimutan mo na ako. Malay mo, may makilala kang mas guwapo at mas daks doon sa Amerika." Sambit ko.

"What are you talking about? Di ako pupunta dun para maghanap ng ibang lalaki. Ikaw lang ang gusto ko. Di importante sa akin kung sobrang guwapo sila at sobrang laki ng burat nila. Dahil ikaw lang ang pinakaguwapo at pinakamasarap para sa akin. Pero kung yan ang iniisip mo pag alis ko, mabuti pa sigurong huwag na talaga akong tumuloy. Dito na lang ako and I'll just cancel my flight." Inis niyang sagot.

"Chill ka lang. Nagbibiro lang naman ako." Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko nasabi yun. Actually, hindi ko alam kung saan nanggaling yung sinabi ko. Di naman ako paranoid o seloso dati.

"I love you my papi. Ikaw lang. Ano man ang mangyari, huwag na huwag mo yan kakalimutan."

"Okay. Okay. Masyado kang seryoso. Let's get some drinks to loosen you up." Pag distract ko sa kanya. Tumayo na kami at nagpunta sa bar.

Hindi kasing dami ng tao ang naririto ngayon sa bar kumpara kagabi. Di ko na rin nakita ang grupo ni John. Kahit sina Grayson at Hayden ay wala rin dito. Malamang nag check out na ang mga yun kaninang umaga.

Inaliw namin ang aming mga sarili sa pag inom at minsan ay pagsasayaw. Marami rami rin ang aming nainom. Pero di naman ako lasing.

Ng lumalim na ang gabi ay napag desisyunan na namin ni Baste na bumalik na sa aming suite. Pagpasok namin dito ay maayos at malinis na ang lahat. Wala na ang mga kandila na kaninang nakasindi. Kahit ang mga petals na kanina'y nagkalat sa sahig ay wala na rin.

Pagkatapos maglinis ng katawan ay humiga na kami sa kama at nanood ng pelikulang Something About Mary sa TV. Magkatabi at magkayakap kami ngayon sa isa't isa. Natatawa pa rin ako sa ilang eksena ng pelikula kahit ilang beses ko itong napanood. Patapos na ang pelikula ng marinig kong naghilik si Baste. Tinulugan na pala ako ng loko. Tinapos ko na ang pelikula at inayos ang comforter na nakabalot sa amin. Hinalikan ko muna si Baste bago ako natulog na nakayakap sa kanya.

Paggising ko ay naiba ang pwesto namin ni Baste. Kung kagabi ay ako ang nakayakap sa kanya, ngayon naman ay siya ang nakayakap sa akin habang pareho kaming nakatagilid at siya ay nasa likod ko. Dahan dahan ko siyang nilingon at nakita kong tulog pa rin siya. Tatayo sana ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking dibdib. Hinila niya ako palapit sa kanyang katawan. Gising na pala ang nobyo ko.

Pumihit ako ng higa at humarap sa kanya. Nakapikit pa rin ang boyfriend ko. Dinampian ko ng halik ang kanyang labi pero nanatili pa rin siyang nakapikit. Dinilaan ko ang kanyang mukha mula sa kanyang baba pataas sa kanyang labi, ilong at noo. Mukhang nakuha ko na ang atensyon niya at iminulat na niya ang kanyang mga mata. Inulit ko ang aking ginawa. Umungot ito na parang nagreklamo sa aking ginawa. Pinunasan rin niya ang kanyang mukha gamit ang puting comforter.

"Good morning sunshine!" Bati ko sa kanya.

Nag-inat pa siya bago sumagot. "Good morning papi!"

"How was your sleep?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya. Itinukod ko na rin ang aking siko sa unan at sinuportahan ng aking kamay ang aking ulo.

"It was great. I dreamed about you last night. I guess that's a proof that dreams do come true." Potek! Eto na naman tayo sa mga hirit niya.

"Sino fairy godmother mo?" Biro ko sa kanya.

"Si Alex. Hahaha" I like seeing him this happy in the morning. Ang maaliwalas niyang mukha. Ang ngiti at tawa niyang nakakahawa.

"Aray!" Hinahaplos niya ang mapula niya mga pisngi. Nanggigil kasi ako sa itsura niya kaya di ko napigilang pisilin ang mga ito.

"Masakit?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya na parang nagpapaawa.

"Sorry na. Kiss ko na lang." Paglalambing ko sa mukhang kawawa kong boyfriend. Salitan kong dinampian ng halik ang magkabila niyang pisngi. Nakailang ulit ko rin ito ginawa. Sa huli, imbes na halik, dinilaan ko ang kanyang mga pisngi. Tinulak niya ako palayo sa kanya. Natatawa lang ako.

"Masakit pa?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hmmpf! Hindi na." Niyakap ko na lang siya sa kanyang dibdib at idinantay ang aking hita sa kanyang mga hita. Nakapatong rin ang aking ulo malapit sa kanyang kaliwang balikat. Usually, dinilaan ko na siguro ang kili kili niya since malapit dito ang mukha ko ngayon. Pero sa anumang kadahilanan, wala sa isip ko ang makipag sex sa kanya sa oras na ito. Gusto ko lang makipag-cuddle at kulungan siya sa aking mga braso.

"What time tayo aalis?" Tanong niya pagkatapos ng ilang minutong pananahimik.

"Check out is at eleven. Pero siguro agahan na lang natin umalis para di tayo magmadali pagpunta natin kina Dad." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Just let me know when and I'll be ready." Sagot niya. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas siyete y quince pa lang.

"Gusto mo mag gym bago umalis?" Ramdam ko ang na-gain ko sa dalawang araw na pananatili rito.

"Do we have to? Pwede bang dito na lang muna tayo?" Hinigpitan niya ang yakap ng sabihin niya ito.

"Okay. Madali naman akong kausap eh." Sagot ko sa kanya. Hinalikan niya ang taas ng aking ulo malapit sa aking noo. Saka na lang so mag gym pag uwi sa bahay.

In-on niya ang TV at ang pang umagang palabas ang aming pinanood. Grabe na talaga ang mga balita ngayon. Talamak na talaga ang walang katarungang pag-aabuso ng kapulisan sa kanilang kapangyarihan. Kung sa Amerika, ang police abuse is against the African American, dito naman sa Pilipinas ay against sa mga mahihirap na Pilipino. Imbes na sila ang ang dapat nagproprotekta sa mga mamamayan, sila pa yata ang dapat iwasan. Nadadamay tuloy ang mga matitinong pulis. Kawawa na talaga ang Pilipinas kung ang kapulisan at mga politiko ay hindi na mapagkakatiwalaan. Wala ng maaasahan.

Alas otso na ng bumangon kami. Naunang naligo si Baste habang ako naman ay nag abala sa pag eempake. Saktong palabas si Baste ng banyo ng matapos ako sa pagligpit ng aming mga gamit kaya ako naman ang pumasok sa banyo para maligo. 

Nakaayos na si Baste ng matapos akong maligo. Naka empake na rin ang kanyang mga gamit. Nakahiga siya sa kama habang suot ang green na t-shirt at brown na shorts. Nagbihis na rin ako sa harapan niya. Pinituhan pa ako ng loko habang isinusuot ang aking boxer briefs.

Pumunta muna kami sa restaurant para kumain ng libreng breakfast. Sayang din kasi yun. Pagkatapos ay bumalik na kami sa aming kuwarto para kunin ang aming mga gamit. Then nagtungo na kami sa front desk para mag check out.

Si Baste na ang nagprisinta mag drive. Inilagay ko na lang sa Waze app ang address ni Dad para alam niya ang daan papunta doon. Humigit kumulang dalawang oras din ang magiging biyahe namin. Hinayaan ko na siya na ang namili ng station sa radio na aming papakinggan sa biyahe. Nagbaon rin nga pala kami ng kape at tubig galing sa restaurant para iwas antok at uhaw.

Magkahawak ang aming mga kamay sa biyahe. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Pag gising ko ay nakahinto na ang aming sasakyan sa tapat ng bahay ni Dad. Andito na pala kami, di man lang ako ginising ng kasama ko. Nakita kong paalis ang kotse ni Tito Martin habang nakatayo sa labas ng gate ng bahay si Dad. Mukhang hinatid niya ito sa labas ng bahay niya. Saka lang kami napansin ni Dad ng makalayo ang sasakyang umalis. Lumabas na kami at binati ang aking ama.

"Hi Dad!" Niyakap niya ako ng batiin ko siya. "Aga mo yata nakauwi. Akala ko half day ka ngayon." Sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Oo nga eh. Medyo sumama kasi pakiramdam ko kaya di na ako pumasok. Anyway, kasama mo pala kaibigan mo. Sebastian, tama ba?" Pagbaling ng atensyon niya sa boyfriend ko.

"Opo, Tito. Good morning po." Bati ni Baste kay Daddy.

"Good morning din sa 'yo hijo. Pasok na tayo." Pinauna na namin siya at sumunod kami. Kinulit pa ako ni Baste habang nasa likod kami ni Dad na sabihin na sa kanya ang aming relasyon. Gusto pa niyang hawakan ang aking kamay. Sinuway ko na lang siya at sinenyasan na manahimik na lang muna.

"Kumusta ang bakasyon niyo hijo?" Tanong niya pagkaupo namin sa sala. Magkatabi kami ni Baste sa sofa habang nasa katabing silya naman si Dad.

"Ayos naman Dad. One time, dalhin kita doon sa Laiya. Maganda yung resort na pinagstayan namin."

"Sige hijo. Para mabisita ko na rin yung kumpare kong doctor sa San Juan." Ani Dad. "Siyanga pala, kumain na ba kayo? Nagluluto pa kami ng pananghalian. Pero may suman sa lamesa baka nagugutom kayo. Bigyan mo rin itong kaibigan mo."

"We're okay Dad. Kumain kami sa resort bago umalis." Tiningnan ko si Baste at sumang ayon naman siya.

"Ah okay. Kapag may kailangan ka hijo, wag ka mahihiya. Magsabi ka lang. Feel at home ka lang dito." Sabi niya kay Baste.

"Thank you po." Tugon ng aking nobyo.

"Dad, may sasabihin kami sa 'yo." Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng aking sasabihin. 

"Kami na po ni Baste, Dad. May boyfriend na ako." Pagtatapat ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang kamay ni Baste. 

"That's fantastic hijo! Kelan ang kasalan?" Natawa ang katabi ko sa sinabi ng aking ama. In-expect ko naman na matutuwa siya pero di ko inasahan na tungkol sa kasal agad ang itatanong niya. 

"Dad, magboyfriend pa lang kami. Hindi ibig sabihin nun, ikakasal na kami." Pagpapakalma ko sa excited kong ama.

"San pa ba pupunta yan hijo kundi sa kasalan din. Huwag niyo ng patagalin. Lalo na kung sure kayo sa nararamdaman niyo at mahal niyo ang isa't isa. I've waited for this long na magkaboyfriend ka, huwag mong sabihin na maghihintay ulit ako ng another 27 years para ikasal ka. Gusto ko namang maka attend ng kasal ng anak ko na nakakalakad pa ako." Potek! Ang OA naman ng ama ko. 

"Tito, sabi ko –" 

"Hijo, Dad na lang din itawag mo sa akin." Pagputol ni Daddy sa sinasabi ni Baste. Ang bilis naman bumigay ng ama ko. 

"Ah sige po. Dad, sabi ko nga po kay Baste, pakasal na kami ng anak niyo pag punta niyo sa Amerika next month eh. Kaso ayaw pa po ng anak niyo." Potek! Nalintikan na! Mukhang pinagtutulungan na ako ng dalawang ito.

"Baste!" Pinandilatan ako ng mata ni Dad. 

"Dad, let me handle this. Two days pa lang kami mag boyfriend. We'll enjoy this muna bago kami pumunta sa kasalan. Anyway, sabi mo may suman sa lamesa? Baste, di ba kanina mo pa ko hinahanapan ng suman? Tara kain tayo." 

"Huh? Di naman ako –" Pag interrupt ko sa pagsasalita niya. Pinisil ko pa ng mahigpit ang kanyang kamay. 

"Di ka naman tumatanggi sa suman di ba? Tara na! Kain na tayo. Excuse me Dad. Kain lang po muna kami." Tumayo na ako at hinila si Baste. Tatanggi pa sana siya pero di ko na siya binigyan ng pagkakataon. Pumunta na kami sa dining table at pinangatawanan ko na ang sinabi ko kahit medyo busog pa ako. Kinain na namin ang suman na nasa lamesa.

Pagkatapos ng isang oras ay naghain na sina Manang Auring ng tanghalian. Kahit medyo busog pa ay umupo na kami sa harap ng hapag kainan. Pinagsaluhan namin ang niluto nilang sinigang na maliputo. Napadami ang nakain ko dahil sinabayan namin ito ng bagoong Balayan na may kalamansi. Puring puri pa ni Baste ang luto ni Manang. Giliw na giliw naman si Manang Auring at anak niyang si Carla sa Mr. Congeniality kong boyfriend. Excited na raw silang ikasal kami. Nalintekan na talaga!

"Okay ka lang ba Dad? Mukhang medyo maputla ka yata." Sambit ko habang nanonood kami ng palabas sa TV sa sala pagkatapos mananghalian.

"Ayos lang ako hijo. I-pahinga ko lang ito mamaya, mawawala rin ito." Sagot niya. 

"Samahan na kita sa kuwarto mo Dad. Pahinga ka na. Aalis na rin naman kami para di kami ma-traffic sa biyahe." Sabi ko sa aking ama. Sumunod naman siya at tumayo na para umakyat sa kanyang kuwarto.

"Sige. Maiwan ko na muna kayo mga hijo. Sebastian, ikaw na bahala sa anak ko ha. At update mo ko sa kasalan niyo." Habilin ni Dad sa aking nobyo.

"Dad!" 

"Opo, Dad. Makakaasa kayo. Aalagaan at poprotektahan ko anak niyo. Pahinga na po kayo." Sagot naman ng boyfriend ko. Niyakap siyang muli ng aking ama.

Pagkatapos nilang maghiwalay ay inalalayan ko na si Dad papunta sa kanyang kuwarto. Chineck ko pa ang kanyang blood glucose level at normal naman ito. Pati na rin ang kanyang blood pressure, oxygen level at temperature ay normal din. Sinabihan ko na lang siyang humiga at magpahinga na, na siya naman niyang ginawa. 

"Dad, kelan pa ba nag-umpisa tong nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang paggising ko."

"Pag di pa bumuti ang pakiramdam mo hanggang bukas, magpa check ka na." Payo ko sa kanya. Tumango lang siya. 

"Anyway, tawagan kita mamaya pagka uwi ko. Kung may kailangan ka, kontakin mo lang ako. Okay Dad?" Sabi ko sa kanya.

"Yes hijo... Theo, hijo, I am happy for you. Masaya ako na nahanap mo na ang lalaking para sa yo. Sana magtagal kayo ng boyfriend mo. Nakikita ko naman na mahal ka niya at mabuti siyang tao." Salaysay ng ama ko habang nakaupo sa kama niya. 

"Huwag mo na akong alalahanin Dad. Sarili mo ang alagaan mo. Sabi mo nga may kasalan ka pang aabangan kaya huwag mong pabayaan ang sarili mo. Anyway, alis na kami. Ang habilin ko ha. Pahinga ka mabuti at tawagan mo ako pag may kailangan ka." Paalala ko sa kanya. Niyakap ko na siya pagkatapos. "I love you Dad."

"I love you din, hijo. Ingat kayo sa biyahe." Pinahiga ko na siya at kinumutan. Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Manang, paki-bantayang mabuti si Dad ha. Kapag hindi bumuti ang lagay niya tonight or tuwing may nararamdaman siya, paki-inform naman ako please?" Pakiusap ko kay Manang. Sinigurado ko rin na tama ang phone number na meron kami sa isa't isa. Sumang-ayon naman siya. 

Eto ang mahirap sa magkalayo kami ng bahay. Di ko masubaybayan ang kalagayan niya. Kaya tuloy minsan di ko maiwasan ang hindi mag alala. Minsan kasi pasaway ang ama ko eh. Kung ano ang bawal, yun ang ginagawa.

Nagpaalam na kami ni Baste sa kanila. Ako na ang nagmaneho pabalik ng Maynila. 

Back to reality na ulit kami nito. Bukas balik trabaho na ako pagkatapos ng ilang linggong pagpapahinga. Tapos anim na araw na lang, aalis na si Baste papuntang Amerika. Kaya kailangan na naming sulitin ang ilang araw pa naming pwedeng pagsaluhan bago siya lumisan. 







Itutuloy....


2 comments:

  1. Yownnnn! Team the-te for the win. Galing author. Thank you sa update. I'm in love to your story kaya I love you na din author. God bless you.

    ReplyDelete
  2. Shet kala ko nandun din si Tito Martin sa bahay. Ano kaya magiging reaksyon nila.

    ReplyDelete