Monday, December 27, 2021

CHAPTER 44

 

 

HAPPY NEW YEAR




“Yes. I-text or tawagan mo na lang ako pagka land ng eroplano mo rito,” dinig kong sabi ni Caleb sa kaibigan niya sa telepono.

Papunta na kami sa Port of Miami kung saan kami sasakay sa cruise ship. Minamaneho ko ngayon ang kotse ni Caleb at nakaupo siya sa passenger seat ng kaniyang kotse habang kausap niya ang kaniyang kaibigan sa telepono. Sina Alex at Nick ay kampanteng nakaupo naman sa likuran.

Ngayong araw na ito ang dating ng malapit na kaibigan niyang si Bryan. Siya ang makakasama ng fiancé ko para sa bachelor party niya. Manggagaling siya mula sa California at mananatili siya rito sa Miami sa aming apartment habang kami naman nina Alex, Nick, Oliver at Roland ay nasa barko para sa aking bachelor party.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natanaw na namin ang mataas at malaking barko na aming sasakyan. First time akong makakasakay ng isang cruise ship kaya sobra ang excitement na nararamdaman ko. Dati-rati ay nakikita ko lang ang mga barko na dumadaong at umaalis sa port kapag napapadaan ako malapit dito. Ngayon ay magiging isa na ako sa mga pasehero rito.

Habang papalapit ay nakita ko na sina Oliver at Roland na nakatayong naghihintay sa may entrance ng port. Napag-usapan kasi namin na rito na kami magkikita at sabay-sabay na kaming papasok.

Inihinto ni Caleb ang kotse malapit sa kanilang kinatatayuan. Pagkatapos maibaba ang aming mga bagahe ay nagpaalam na kami kay Caleb.

CHAPTER 42

 

STRAWBERRY




“Ayan na, babe. Aahhhh!!!!” ungol ko nang sumirit ang aking katas sa bibig at mukha ng aking fiancé na katabi ko ngayon dito sa kama.     

Fiancé. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ganito.

As usual, nilunok lahat ni Caleb ang inilabas kong mainit na tamod. Wala siyang sinayang at hanggang sa pinakahuling patak mula sa aking burat ay kaniyang nilunok. Isinubo pa niya ang aking ari para siguraduhing masimot ang lahat. Ginawa niya itong straw at hinigop ang lahat ng semilya na natitira sa kahabaan ng aking sandata.

Hindi pa kasi kami nag-aalmusal kaya gutom pa ang aking nobyo. Ang isa’t isa tuloy ang aming inalmusal ngayong umaga.

Nagising ako kanina na katabi ko na ang aking fiancé. Dahil sa sobrang himbing ng pagtulog ko, hindi ko na namalayan kung kailan siya pumasok dito sa kuwarto at humiga sa tabi ko.

Lampas alas dos na ng madaling araw kasi kami natapos kanina ng pamilya ni Caleb para i-celebrate ang aming engagement. Medyo marami rin ang aking nainom kaya tuloy medyo may kaunting hangover akong nararamdaman ngayon.

CHAPTER 43


PROPOSAL

 


 

“BESTIE!!!” dinig kong malakas na sigaw ni Alex nang makita niya akong naghihintay sa ibaba ng escalator na kinatatayuan niya. Kumakaway-kaway pa siya at halata sa kaniya ang sobrang excitement. Marahil kung wala lang ang mga tao sa harapan niya ay kumaripas na siya pababa para lapitan ako.

Kinawayan ko na rin ang aking mga kaibigan na kakarating lang dito sa Miami International Airport. Nakatayo sa tabi ni Alex ang boyfriend niyang si Nick at nakangiting kumaway rin ito. Pagkatapos ng ilang segundo ay naabot na rin nila ang aking puwesto.

“I missed you, Bestie!” sambit ni Alex ng mahigpit niya akong yakapin. Natatawa pa ako ng nagmamadali siyang maglakad kanina palapit sa akin. Nakasunod lang sa kaniya ang kaniyang nobyo.

“I missed you too.” Ilang segundo pa kaming nanatiling magkayakap bago naghiwalay.

Saturday, November 27, 2021

CHAPTER 41


INSECURITIES




Nakangiti akong nakatingin ngayon sa aming full body mirror dito sa aming kuwarto. I’m impressed sa kinalabasan ng aming ginawa.

Sa sandaling ito, I must admit, guwapung-guwapo ako sa sa sarili ko ngayon. Nakasuot ako ng sexy version ng costume ng paborito kong superhero – siyempre, walang iba kung hindi si Batman.

Bumili ako kamakailan sa online ng costume niya. Sakto naman ang sukat nito sa aking katawan subalit ilan lang na piraso ng costume na natanggap ko ang aking ginamit. Nakakabit ngayon sa aking leeg ang malapad na kapa na kulay asul. Suot ko rin ang pares na asul na gloves na abot hanggang sa kalahati ng aking mga bisig, ang kulay gold na sinturon na may logo ng Batman at ang pares na asul na boots na abot naman hanggang sa kalahati ng aking mga binti.

Imbes na typical Batman costume ang suot ko tonight, napagdesisyunan kong gawan ito ng twist. Hindi ko isinuot ang body fit na pang-itaas at pang-ibabang bahagi ng costume na aking natanggap. Nakalitaw ngayon ang aking matatambok na dibdib pati na rin ang mga defined kong anim na pandesal. Sa gitna ng aking dibdib ay nakalagay ang logo ni Batman na pinintura ni Caleb kanina gamit ang body paint na meron kami rito. Oblong ang hugis nito na kulay dilaw at may itim na figure ng paniki sa gitna.

Sa pang-ibaba naman ng aking katawan ay wala akong suot na pantalon. Tanging ‘yung kulay asul na underwear na kasama ng binili kong costume ang aking isinuot.

Tapos imbes na gamitin ang malaking maskara para takpan ang buo kong mukha, pininturahan na lang ni Caleb ang palibot ng aking mata ng pahugis paniki na halos katulad ng nasa logo sa aking dibdib.

TOTDGA - CHAPTER 40


DISCOVERIES

 

 

 

“CALEB NATHANIEL RAMOS!!!!” malakas kong pagtawag sa nobyo ko habang kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng aking lababo rito sa kusina.

Kakauwi ko lang galing sa pagbisita ko kina Tita Luz at ito ang madadatnan ko rito - mga maruruming pinaglutuan, pinggan at kubyertos dito sa lababo. Hindi na nga siya sumama sa akin dahil gusto raw niyang magpahinga tapos tatambakan pa niya ng hugasin ang lababo namin dito. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong nakakakita ng marumi o magulo rito sa condo namin.

“Hi, babe! Andito ka na pala,” nakangiti niyang bati sa akin paglabas niya mula sa aming kuwarto.

Nakasuot lang siya ng itim na sando at kulay asul na boxer briefs. Hinalikan niya ako sa aking kanang pisngi na para bang wala siyang idea sa inis na aking nararamdaman ngayon.

“Anong ‘tong mga ito? Bakit hindi mo pa rin hinuhugasan ang mga ‘yan?” paangil kong tanong sa kaniya.

“Uhmm… I was planning to wash them, babe. Inasikaso ko lang si Bangky saglit,” palusot niya.

Yeah, right. If I know, wala naman talaga siyang balak linisin ang mga ito. Sana man lang inilagay niya ang mga ito sa loob ng dishwasher namin para at least hindi nakakalat dito sa lababo.

Saturday, November 20, 2021

TOTDGA - CHAPTER 39


RELATIONSHIP STATUS




“On behalf of the entire flight crew, we would like to be the first to welcome you to Miami, Florida. Please remain seated with your seat belts fastened until the captain turns off the fasten seat belt sign…” panimulang anunsiyo ng flight attendant pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko rito sa Miami International Airport.


Nagising akong nakangiti ng nag-umpisa ang announcement. Kakatapos ko lang kasing mapanaginipan si Daddy.

In my dream, papasok sana ako sa banyo ng eroplanong sinasakyan ko para umihi subalit kasalukuyang occupied pala ito. Naghintay ako sa labas ng pinto ng ilang sandali bago bumukas ang pinto ng lavatory. Laking gulat ko na makitang si Daddy pala ang nasa loob nito. Medyo nabigla rin siya ng makita niya ako pero mabilis naman kaming nagyakapan ng mahigpit.

Imbes na gumamit ng banyo, sumama ako sa kaniya maglakad papunta sa kaniyang upuan. Dahil matagal ko na siyang hindi nakakausap, hindi ko na siya pinakawalan. Nasa pandalawahang tao lang na row pala siya nakaupo hindi kalayuan sa akung upuan. Inuukupa ng isang Amerikana na sa tingin ko ay mas bata ng kaunti sa akin ang upuan na katabi ng bintana. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro kaya kinuha namin ang kaniyang atensiyon at ipinaliwanag sa kaniya ang aming sitwasyon. Nakiusap kami sa kaniya na kung maaari ay makipagpalit ako ng upuan at sa kabutihang palad ay pumayag naman siya. Tumayo siya at kinuha ang kaniyang mga gamit. Dinala niya ang mga ito para ilipat sa kung saan ako nakaupo kanina. Kinuha ko naman ang mga gamit ko mula rito.

Excited akong umupo sa upuang binakante ng babae at tumabi sa aking ama. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kinausap ko na ang lalaking matagal ko ng hindi nakakasama. Nang tanungin ko siya kung saan ang tungo niya, sinabi niyang pupuntahan pala niya si Mommy sa Brazil kung saan siya hinihintay nito. Sa Miami raw siya lilipat ng eroplano na magdadala sa kaniya kung nasaan ang aking ina.

Ikinuwento ko sa kaniya na ibinenta ko na ang aking bahay at kotse at papunta na ako sa nakatatandang kapatid niya sa Miami para eventually doon na manirahan at magtrabaho. Sinabi ko na rin sa kaniya na natanggap ko na ang mga ipinamana niya at nagpasalamat ako sa kaniya. Pati ang video na iniwan niya sa akin ay napanood ko na. Masaya kaming nag-usap. Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang aming puwesto.

Saturday, November 13, 2021

TOTDGA - CHAPTER 38

 


MEMORIES



“Good morning, utoy! Kumusta ang tulog mo?” bungad ni Manang pagbaba ko rito sa sala.

“Ayos naman po.” Sa totoo lang, it was the best sleep I had for weeks. Simula kasi ng magkasakit si Dad ilang linggo na ang nakakaraan, hindi na ako nakatulog ng maayos.

“Mabuti naman. Teka, ipagtimpla muna kita ng kape mo.”

“Salamat po,” sabi ko ng iabot niya sa akin ang isang tasa ng kape pagbalik niya rito sa sala.

“Utoy, puwede ka bang makausap?” tanong sa akin ni Manang ng umupo siya sa kabilang sofa. Tumango naman ako sa kaniya dahil may lamang kape ang aking bibig.

“Dahil wala na ang ama mo, naisip kong magpaalam na rin sa iyo. Baka bumalik na lang kami sa Nasugbu dahil andoon ang isa kong kapatid. Doon ko na lang din ieenroll si ineng,” sabi ng biyudang kasambahay ni Dad.

“Sigurado na po ba kayo sa desisyon niyong iyan, Manang? Kasi balak ko nga po sana kayong kausapin tungkol dito eh. Ipapakiusap ko po sana sa inyo na rito na kayo manatili para mabantayan at maalagaan niyo ang bahay. Ayaw ko naman po kasing ibenta itong bahay na ito since mahalaga ito kay Dad. Kung papayag po sana kayo na mag stay rito, patuloy ko po kayong susuwelduhan tapos sasagutin ko na rin po ang mga gastusin dito sa bahay tulad ng ilaw at tubig,” salaysay ko sa kaniya.

Saturday, November 6, 2021

TOTDGA - CHAPTER 37

 

GOODBYE, HIJO



Lampas alas nueve na ng ako nagising kinabukasan. Bukod sa aking pusa, ako na lang ang naiwang naririto sa aking kuwarto.

Paglabas ko ay napahinto ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Dad ng mapadaan ako rito. Mula ng binuhat ko siya palabas dito noong nakaraang araw, hindi pa ulit ako nakakapasok sa kaniyang silid. Iniiwasan ko kasing gawin iyon nitong mga nakaraang araw dahil sa tindi ng emosyon at bigat sa pakiramdam.

Lakas loob kong inabot ang seradura ng kaniyang pintuan at pinihit ito. Madilim ito dahil nakasara lahat ang kurtina sa mga bintana. Binuhay ko ang ilaw para bigyang liwanag ang kuwartong ito.

Parehong-pareho pa rin ang itsura ng kaniyang kuwarto tulad noong Huwebes. Nakapatong pa rin sa silya ang kaniyang jacket na ipinatong ko sa kaniyang katawan noong natagpuan ko siyang wala ng buhay. Dinampot ko ito, inamoy at niyakap. Sunod na natuon ang aking atensiyon sa kaniyang kama. Magulo pa rin ang kaniyang kumot at nasa isang sulok ang mga damit na huli niyang isinuot. Naalala ko ang itsura ng aking ama noong huling beses siyang nakahiga rito.

Dahan-dahan kong ipinatong ang aking katawan sa kaniyang kama. Naaamoy ko pa ang naiwan niyang pabango na nakadikit sa kaniyang unan. Nilanghap-langhap ko ito. Ibinalot ko rin sa aking sarili ang kumot na nasa isang tabi. Somehow, nababawasan ang aking pagdadalamhati ngayong nakahiga ako sa kama ng aking ama. Nanatili ako rito ng matagal hanggang mapadaan si Tito Martin at makita ako rito.

Saturday, October 30, 2021

TOTDGA CHAPTER 36

 


GOODBYE, DAD!

 




Unti-unti nang pumapaitaas si Haring Araw pero pabilis na ng pabilis ang pagbagsak ng aking mga luha. Nagsisimula na ang araw na ito pero sa kasamaang palad, nagsisimula na rin ang katapusan ng pagsasama namin ng pinakamamahal kong lalaki sa aking buhay. Lumiliwanag na ang kapaligiran pero dahil sa pagpanaw ng aking ama, nananatiling madilim ang aking mundo.


Hindi ko na alam kung gaano na katagal akong nakatayo rito sa harapan ng aking ama na wala ng buhay.  Nakatulala lang ako sa tapat niya. Hindi pa ako makapaniwala na ang lalaking nagbigay sa akin ng buhay ay tuluyan na akong iniwan. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay kausap ko pa siya eh.

Nag-uumpisa ng tumilaok ang mga manok ng aming mga kapitbahay. Maya-maya ay daraong na ang bangka ng mga pumalaot kagabi na mangingisda. Bago pa makita ng ibang tao ang aking ama ay napagpasyahan ko ng ipasok siya sa loob ng kaniyang bahay.

Hinalikan ko muna si Dad sa kaniyang noo bago ko siya dahan-dahang inilagay sa aking mga bisig at braso. Natumba pa ang silya na inupuan niya ng ginawa ko ito.

Kung dati-rati ay ako ang binubuhat niya noong sanggol o bata pa ako, ngayon naman ay siya na ang buhat-buhat ko.

Saturday, July 3, 2021

TOTDGA CHAPTER 35

 




HAPPY BIRTHDAY


Pagkaraan ng halos forty-five minutes na biyahe, narating din namin ang aming destinasyon. Dahil huling gabi ng Sabado ng Pride month ngayon, as expected, busy at puno ang club ni Bestie. Sa labas pa lang ng entrance ay maraming bading ang nakatayo at naghihintay makapasok.

"Theo, pre! Tagal mong nawala ah! Kumusta? Kanina pa kayo hinihintay ni Boss. Halika, pasok kayo!" Sabi ng isa sa mga empleyado ni Alex na naka-assign ngayon dito sa entrance. Tinatakan niya ang aming palapulsuhan bago pumasok sa club.

Sinalubong kami ng malakas na tugtog ng DJ. Kasalukuyan niyang pine-play ang remix ng kanta ni Olivia Rodrigo na Good 4 U.

Pinuntahan na namin ang usual spot namin dito. Naabutan namin dito ang mga kaibigan ni Alex na sina Red at Adrian. Missing in action ang isa nilang ka-tropa na si Fred.

Wednesday, June 30, 2021

TOTDGA - CHAPTER 34

 




MISTAKES


"MOOOMMMM!!!!" Sigaw ko ng bigla akong napabangon at nagising mula sa aking panaginip.

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon nitong mga nakaraang araw, muli ko na namang napanaginipan ang aking ina. This time, bumalik ako sa panahon noong grade five ako kung kailan niya kami iniwan ng maghiwalay sila ng aking ama. Ito rin ang panahon na nag-umpisa ang aking depression.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong napapanaginipan si Mommy lately. Dahil ba ito sa stress dulot ng kalagayan ni Dad? O baka naman dahil meron siyang gusto iparating na mensahe sa akin?

Pinilit kong muling makatulog dahil sa lakad namin mamaya pero hindi na ako dinalaw ng antok. Sinubukan ko pang manood ng porn at mag-jakol para baka sakaling makatulog muli pero hindi ito nangyari. Kung kelan ko kailangan si Caleb, saka naman ito wala sa tabi ko. Nanatili na lang ako sa kama hanggang tumilaok ang mga manok at sumikat ang araw.

Sunday, June 13, 2021

TOTDGA - CHAPTER 33

 




HE'S DEAD


"Bro, leave me alone! Nagre-review ako!" Pagsaway ko kay Caleb na nakadapa sa aking paanan. Ayaw niya kasi akong tantanan sa paglandi sa akin habang ako'y nakaupo rito sa aking kama at nakasandal sa headboard nito.

Tangina! Hindi ako pinansin ng gago! Patuloy pa rin siya sa pag-amoy ng kanang paa ko. Inihahaplos pa niya ang aking talampakan sa kanyang mukha.

Buti na lang malinis ang paa ko ngayon since kakatapos ko lang maligo. Ang init kasi kaya tumambay ako sa shower kanina pagkatapos mananghalian. Tanging pulang sando at asul na boxers lang ang aking suot ngayon.

Naisip kong tadyakan itong umiistorbo sa akin pero medyo naawa naman ako. Mukha kasing enjoy na enjoy siya sa paghithit ng paa ko kaya hinayaan ko na lang.

Sinikap kong ituon na lang ang aking atensyon sa aking binabasa at pilit isinasawalang bahala ang kanyang ginagawa. Kaso, he's making it hard for me. Really hard. Unti-unti ng nagigising si Theo, Jr.

Saturday, June 5, 2021

TOTDGA - CHAPTER 32

 




BABE


"Utoy, may bisita ka." Dinig kong sabi ni Manang sa akin ng makita ko siyang naglalakad papalapit dito sa kubo sa may dalampasigan.

Lumingon ako sa direksiyon ng bahay at nakitang nakatayo sa harapan ng pintuan ng likod ng bahay ni Dad ang lalaking sinabi ni Manang na bisita ko. Kumaway ito sa akin at napangiti ako. Nagpaalam muna ako kay Dad at sa ilang empleyado niya na bumisita sa kanya ngayon para puntahan ang kararating lang na panauhin.

"Bro!" Bati niya sa akin bago kami magyakapan. Masaya akong makitang muli ang aking matalik na kaibigan. Humigit kumulang isang minuto ko siyang niyakap ng mahigpit na tinugon din naman niya. Hinimas-himas pa niya ang aking likod habang naaamoy ko ang kanyang pabango.

"It's okay, bro. It's okay." Paulit-ulit niyang sabi ng maramdaman o marinig niya ang aking mahinang paghikbi. Huli na ng namalayan kong naluha na pala ako sa kanyang balikat.

Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang manggas ng aking dilaw na t-shirt pagkatapos kong humiwalay sa pagdidikit ng aming katawan.

Saturday, May 29, 2021

TOTDGA - CHAPTER 31

 



UNEXPECTED NEWS


"Kumusta na po si Dad?" Bungad kong tanong kay Manang pagpasok ko sa kuwarto ng aking magulang dito sa ospital kung saan siya dinala.

Naabutan ko siya na nakaupo sa silyang malapit sa kama ni Dad habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin ng makita niya akong pumasok.

"Nagpapahinga na siya ngayon. Kinabitan nila siya ng suwero kanina at binigyan na rin ng mga gamot para mabawasan ang sakit ng kanyang tiyan. Sinabi ng doctor na kelangan niyang manatili muna rito habang ginagawa pa nila ang kanilang mga pagsusuri." Magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin sa aking ama habang mahimbing itong natutulog.

"Kumain po ba siya? At kayo po, kumain na rin po ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa aking ama na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

"Oo. Kumain na ako utoy. Kumain na rin ang Daddy mo kanina pero kaunti lang ang kinain niya. Wala raw kasi siyang gana eh."

Sunday, May 16, 2021

TOTDGA - CHAPTER 30


ROOM 521


[Hijo, kumusta na nga pala ang pagrereview mo? Baka naman, puro pagdidisco ang inaatupag mo ha.]

"Disco talaga Dad? Iba na ang tawag ngayon. Clubbing na ang uso ngayon Dad." Pagtama ko sa kanyang sinabi. "Anyway, maayos naman po Dad. Heto nga po ngayon, nagbabasa ako eh."

Nagpa-rehistro na ako noong April para makapag-take ng National Physical Therapy Examination sa Amerika pagkatapos kong makumpleto ang lahat ng mga requirements. Simula kasi ng makabalik kami ni Dad dito sa Pilipinas mula sa trip namin sa Miami noong Enero ay hindi na ako tinantanan ng aking mga tiyahin at mga pinsan, lalung-lalo na si Jack, para kumuha ng lisensya doon at para makapagtrabaho doon kung saka-sakali. Mukhang pati si Dad ay nahimok na nila sa kanilang nais dahil pati ito ay nakiisa na sa pagtulak sa akin para mag-exam doon. Mainam na rin daw na meron akong lisensiya roon para handa na in case magbago ang isip ko.

Sa totoo lang, wala naman talaga sa aking mga plano ang magtrabaho doon dahil nga sa hindi ko maiiwan si Dad dito sa Pilipinas. Ayaw naman niyang mag-move doon dahil daw matanda na siya at andito talaga ang buhay niya sa Anilao. Sa beach house daw niya gustong mag-retire. At hindi pa raw siya handang talikuran ang kanyang pagiging doctor doon which is naiintindihan ko naman. Hindi talaga madaling iwanan ang estado ng buhay niya doon. Stable na siya roon. Kung lilipat siya sa Amerika, baka mabagot lang siya roon dahil hindi naman siya pwedeng magpractice sa bansang iyon.

Wednesday, May 5, 2021

TOTDGA - CHAPTER 29

 


CASPER



"Hi Papi!"

Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na tubig ang aking pagod na katawang lupa ng muli kong marinig ang salitang 'papi' at ng muli kong makaharap ang lalaking nangloko sa akin. Kaya pala medyo pamilyar ang nunal na nakita ko sa kanyang batok. Pero hindi ko naman inisip na likuran niya ang kaharap ko kanina. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko rito ang lalaking aking kinalimutan na.

Anim na buwan na rin simula ng huli kaming nagkita o nagka-usap ng personal tapos ito agad ang ibubungad niyang bati sa akin? Tangina naman! Nang-aasar ba ang tarantadong ito?

Hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala akong na-estatwa sa aking kinatatayuan at hindi nagsasalita. Nakatitig lang ako sa lalaking nakangiti at nakaupo sa aking harapan at hindi makapaniwalang kaharap ko itong taong ito na dati-rati'y aking hinahanap-hanap. Itong taong ito na ibinaon ko na sa limot.

Nabalik lang ulit ako sa aking huwisyo ng marinig ko ang malakas na pag-ring ang aking telepono na nakasuksok sa bulsa ng aking scrubs.

Thank you Jesus!

Saturday, April 17, 2021

TOTDGA - CHAPTER 28


STRANGERS AND FAMILIAR FACES



"Do you want anything? Water? Juice?" Alok ko kay Richard habang ako ay papalapit sa aking refrigerator. "Or coffee? Wine? Beer?"

"Tubig na lang kuya." Sagot niya.

Kumuha ako ng dalawang bote ng tubig at iniabot sa kanya ang isa. Mainam na ring ito ang inumin namin para pampabawas sa epekto ng alcohol sa katawan. Mukha namang hindi lasing itong batang kaharap ko. Ako lang ang may tama. Dinaig pa ako.

Biglang lumitaw si Bangky dito sa kusina at nilapitan niya si Richard. Kinikiskis niya ang kanyang katawan sa paanan ng kaharap ko.

"Aww. Ang cute naman ng pusa mo kuya. Ano ang pangalan niya?" Tanong niya habang lumuhod na sa sahig at hinahaplos-haplos ang balahibo ng aking pusa.

"His name is Bangky." Pakilala ko sa kanya.

"Ah ok. Ano nga ulit pangalan mo kuya?"

"Theo, at your service." Napangiti siya sa aking sagot.

"Oo nga pala. Sinisigurado ko lang kasi kuya na tama ang ang pangalan na isisigaw ko mamaya." Hirit niya.

Sunday, February 7, 2021

TOTDGA - CHAPTER 27


INSPIRATION


"I love you, goodbye!"

Dati rati ay hirap akong magmahal at magsabi ng 'I love you' sa kung sino sino. Tanging si Dad lang at sina Alex at Caleb ang sinabihan ko nito bago ako mahulog kay Baste. Dati rati ay madali sa akin ang magpaalam at lumayo sa mga lalaking nahuhulog sa akin. 

Pero ngayon ay mas mahirap para sa akin ang magsabi ng 'Goodbye' lalo na sa lalaking pinagkatiwalaan ko. 

Masakit magpaalam sa taong mahal mo. Pero mas masakit maghintay sa wala at umasa dahil akala mo meron pang 'kayo'. 

Masakit din talikuran ang mga pangarap at plano na binuo niyong magkasama. Pero mas masakit malaman na mag isa ka na lang palang nangangarap dahil para sa kanya iba na ang kasama niya sa future niya. 

TOTDGA - CHAPTER 26


FINAL MESSAGE


"What the fuck are you talking about?"


[Sebastian and I had a bet Theo. And thanks to you, he won. Napaibig ka niya.]


"You fucking liar!"


[Goodbye Theo!]


Pinutol na niya ang aming usapan. 


"FUUUUUCCCCCCKKKKKKK!!!!!!!!!" Malakas kong sigaw pagkatapos tapusin ni Eric agad ang aking tawag.

Saturday, January 30, 2021

TOTDGA - CHAPTER 25

 

QUESTIONS AND ANSWERS


Baste: Mag-take off na kami papi. Last chance na talaga. Are you sure you're letting me go?

Me: Papi, sandali lang naman ito. I'll see you in two weeks. 

Baste: Ok. Goodbye, papi. I love you so much.

Me: I'll talk to you later. I love you too. ❤

Ito ang huling palitan namin ng text messages ni Baste na paulit ulit kong binabasa ngayon. Kanina ko pa hinihintay ang tawag o mensahe niya. A la una trienta y tres na kasi ngayon kaya base kasi sa tracker ng flight nila ng Dad niya, nasa Incheon International Airport na dapat sila. Kanina pa kasi nag-land sa Seoul, South Korea ang eroplano na sinakyan nila since doon ang connecting flight nila bago sila tuluyang magtungo ng Amerika. Ilang beses ko na rin siya sinubukang tawagan pero di siya sumasagot. Ring lang ng ring ang kanyang telepono. Pati ang mga messages ko ay wala ring siyang reply.

Sunday, January 24, 2021

TOTDGA - CHAPTER 24


PROMISES 


Potek! Asan na nga ba ang boyfriend ko? Sabi niya may kukunin lang siya sa aking kotse pero lampas bente minutos na ang dumaan at di pa bumabalik sa aming booth ang aking nobyo. Iniwan ko muna ang aking mga kaibigan at pinuntahan sa labas ng bar ang aking nobyo. 

Nagulat ako sa aking nakita. 

Mula sa kinatatayuan ko sa entrance ng club, kitang kita ko na nakayakap si Eric sa aking boyfriend. Paano nangyari ito? Akala ko ba kinasusuklaman niya ito pero bakit nakayakap ito sa kanya ngayon?

Nanatili lang ako sa aking puwesto at pinanood sila. Mukhang nagpaalam na ang ex ni Baste pagkahiwalay ng kanilang mga katawan. Pumasok na kasi ito sa kotse niya at umalis. Actually, dumaan pa ang kotse nito sa aking harapan at ang kapal lang ng mukha niyang kindatan pa ako. Di ko napigilang bigyan siya ng aking middle finger. 

Sunday, January 17, 2021

TOTDGA - CHAPTER 23


I LOVE YOU


"I love you." Pabulong kong sabi.

"Anong sabi mo?" Nakangiting tanong ni Baste sa akin. 

"You heard me." Sagot ko sa kanya. 

"No. Ulitin mo please. Ano yung sinabi mo?" Pagpupumilit niya. 

Huminga ako ng malalim. "Sabi ko, I love you."

"YES!!! Wala ng bawian yan ha! I love you too papi!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at pagkatapos ay hinalikan.

Masarap, maalab at malalim ang aming paghahalikan. Kakaiba ito sa mga halik na aking naranasan dati. Puno ito ng pangangailangan. Puno ito ng pagnanasa. Puno ito ng pagmamahal.

Sunday, January 10, 2021

TOTDGA - CHAPTER 22


FALLING IN LOVE


Pagkatapos ihatid si Baste sa kanyang condo ay dumiretso na ako sa bahay. Hindi gaya ng dati, walang Bangky na sumalubong sa akin. Bitbit ang aking bagahe, nagtungo ako sa aking kuwarto ngunit wala pa ring Bangky akong nakita. Pinuntahan ko rin ang ibang kuwarto at banyo dito sa bahay pero wala pa rin. Habang isinisigaw ang kanyang pangalan, nagpunta ako sa sala at tiningnan ang ilalim ng lahat ng sofa, nagbabasakali na nagtatago doon si Bangky subalit bigo pa rin ako. 

Medyo kinakabahan na ako dahil hindi naman ugali ng pusa ko ang magtago. Sumasagi na sa isipan ko ang posibilidad na nakapuslit ito sa labas ng bahay marahil nung umalis si Alex kagabi ng nagpunta siya rito para i-check at pakainin ang aking alaga. Siya kasi ang nag-asikaso sa pusa ko habang wala ako. 

Tinawagan ko ang aking bestfriend para tanungin kung alam niya kung nasaan si Bangky ngunit hindi nito sinasagot ang aking tawag. Pinuntahan ko na lahat ng posibleng pagtaguan ni Bangky dito sa loob ng bahay pero wala pa rin. Sobra na akong nai-stress ngayon. Hirap lang kasi i-imagine na baka nagpapalaboy-laboy na ang kawawa kong pusa. Nagugutom at walang makain.