Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - CHAPTER 4


INTERIOR DESIGNER


"Move your left foot po... Good... Now, move your right... Good... Now, try to make bigger steps... Very good..." Pilit kong mino-motivate itong pasyente ko habang ginagabayan at binibigyan siya ng mga instructions para matutong maglakad ulit ito ng maayos. Naging weak kasi ang kanang bahagi ng katawan niya dahil sa stroke na nangyari sa kanya kamakailan lang. Nawala ang kakayahan niyang gawin ang iba't ibang bagay tulad ng paglalakad kaya ngayon ay tinuturuan ko siyang magawa ulit ito.

"Okay. That's good... One more step then you can sit down and rest." Pina-upo ko na siya pagkatapos niyang gawin ang sinabi ko. Binigyan ko siya ng tubig na tinanggap at ininom naman niya habang hinahabol pa niya ang kanyang hininga. Halatang napagod ito ng sobra.

"Take a few deep breaths. Hingang malalim po sa ilong tapos buga sa bibig. Remember what I always say pag napapagod ka?" Tanong ko sa kanya habang tumataas baba ang aking mga kilay. 

"Smell the flowers. Blow the candles" Sagot nito na nagpangiti sa akin. Ito ang usual technique na itinuturo namin sa mga pasyente para mas maalala nila ang tamang paghinga.

"You did a good job today. Napansin niyo po ba? You're walking better na at saka mas malayo na rin ang nalalakad mo. I'm not making promises pero baka next week, pauwiin ka na po ni Doc sa bahay niyo." Napangiti siya dahil dito.

Totoo naman kasi. Malaking-malaking na ang kanyang in-improve mula nang ma-admit sya dito sa hospital. Kaya tuwang-tuwa ako sa kanya dahil hindi siya sumusukong lumaban para maibalik ang dati niyang lakas. Nasaksihan ko ang kanyang mga pagbabago mula sa umpisa hanggang sa ngayon. At hindi naging madali itong kanyang naging recovery. May mga pagkakataong sobrang siyang na-frustrate sa sarili niya dahil hindi nagagawa ng kanyang katawan ang gustong ipagawa ng kanyang utak. Kung dati ay hindi niya makayanang tumayo mag-isa, ngayon ay naglalakad na siya gamit ang walker. Although, hindi pa rin normal ang kanyang paglalakad pero mas maayos na ito at mas madali na rin para sa pamilya niya na alalayan siya sa paglalakad sa kanilang bahay sakaling makauwi na ito.

"Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong mo Theo. You've been very good to me. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Sana pagpalain ka pa ng Diyos." Bigkas niya habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Kita ko sa kanyang mukha ang saya at taos pusong pasasalamat.

Na-miss ko tuloy si Mommy dahil sa kanya. Naisip ko na kung siguro hindi masyado naging malala ang naging stroke ni Mommy ay nagkaroon ako ng pagkakataon na i-therapy din siya at siguro turuan din siyang maglakad muli.

"Naku! It's my pleasure po. Pero actually, hindi naman po ako ang dapat mong pasalamatan eh. Dapat mong pasalamatan ang sarili mo. Dahil hindi mo po maa-achieve lahat ng ito kung hindi dahil sa determination mo na gumaling at maibalik ang dati mong lakas. Kaya, salamat po sa inyo!" Sagot ko dito habang pinupunasan nito ang luha sa kanyang mga mata gamit ang tissue na aking inabot.

It's true! And i always say this to my patients. As much as I would like to take the credit for their progress, a big part nun ay galing sa effort nila. Kung hindi nila tinulungan ang sarili nilang mapagbuti ang kanilang kalagayan ay wala rin masyadong magandang resulta ang aking tulong sa kanila.

And this is why I love my job so much! Pakiramdam ko I really make a difference in making my patients' lives better. And even their families' lives. I am able to help them get their independence back, train them to be able to go back to their sports or hobbies and treat them to get rid of their pain or lessen it at least so that eventually they'll feel better overall. Kaya sana mas malaman ng mga tao ang ginagawa naming mga physical therapists. Hindi kami manghihilot o nagmamasahe lang tulad ng inaakala ng iba. Nakalabadtrip kasi kapag may nagsasabi ng ganun kapag nalaman nilang physical therapist ako. Hindi kami nag-aral ng limang taon para lang magmasahe. Ang iba pa nga sa amin, tulad ko, ay Doctorate ang degree. Kaya sana mas maintindihan na ng mas maraming tao ang aming profession para na rin mas maraming tao ang makinabang ng pwede naming gawin.

Kasalukuyan akong kumakain dito sa cafeteria kasama ang ilan kong mga katrabaho. Pinag-uusapan nila ang laman ng mga balita ngayon tungkol sa Hollywood actor na pumanaw dahil sa colon cancer. Nalungkot ako ng malaman iyon dahil umaasa pa naman ako na magkakaroon ng part 2 yung astig niyang pelikula na kung saan siya ang bida.

Nang matapos ang aming pagkain ay tinawagan ko si Alex para i-confirm ang plano para bukas. Medyo nakailang ring pa bago niya ito sinagot.

"Hey! Busy ka ba? What time do you want me to be at your house tomorrow for your party?" Tanong ko dito habang naglalakad pabalik ng aming therapy area.

Birthday niya kasi bukas at tinutulungan ko siya sa paghahanda ng kanyang party para i-celebrate ang kaniyang 25th birthday. Halos dalawang buwan na rin namin itong inaasikaso. Mula sa pagpapadala ng mga invites hanggang sa pag order ng pagkain, cake, decors, DJ, bartender at iba pa. Meron din akong in-schedule na surprise para sa kanya na alam kong magugustuhan niya ng sobra sobra.

"Andito ako sa salon ngayon getting my haircut. Can you come at 5 P.M.? Is that too early?" Tanong nito.

"Kung 5 P.M. ang gusto ng birthday boy, yun ang masusunod! Hahaha But seriously, 5 P.M. is fine. I'll probably be there before that. I just have to run some errands during the day but I should be done by then. Kaya that time is perfect. Do you need anything else for your party mahal na prinsipe?" Pagbibiro ko dito.

"No. I think we're all set. We have everything na. Alas tres ang dating ng mga mag-dedecor tapos susunod na rin ang caterers, DJ at iba pa. And besides andito naman si Tom so if I need anything, I'll ask him. Or I'll text or call you." Salaysay nito.

Si Tom ay ang current boyfriend nito. Hindi ko pa ito nami-meet pero I heard guwapo ito. British guy daw.

"I'm excited for your party bestie! I'll see you tomorrow and if you think of anything else that you need, let me know. Okay? Wag magpa-stress at magpa-guwapo ka na. You need to look your best bukas. Babalik na ako sa trabaho. Lunch break is over. Later!" Paalam ko dito.

Mabilis na rin natapos ang araw na ito. Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso na ako ng gym. For some reason, medyo madami ang tao ngayon dito. Nag-concentrate ko na lang ako sa workout routine ko for today - cardio-legs-abs. After nito, madali na rin akong umalis. Hindi na ako nag-shower. Sa bahay na lang. Medyo sumakit din kasi ang ulo ko.

Kinabukasan, maaga ako gumising upang maghanda sa pagdala kay Bangky sa kanyang veterinarian. He's due na kasi sa kanyang annual check-up at 8 A.M. ang kanyang appointment today. Mukhang ayaw pa niyang sumama dahil ayaw niyang pumasok sa cat carrier bag niya. Kaya naman binuhat ko na lang siya papunta sa garage at inilagay sa loob ng aking kotse. Hinayaan ko lang siyang mag-iikot sa loob nito. Inilagay ko na lang din ang kanyang bag sa gilid.

Mabilis naman siya natingnan ng kanyang vet. They ran some routine tests and did the physical assessment. Tinurukan rin siya ng ilang vaccines at booster shots.

Overall, healthy naman daw siya. Sa edad niyang 10 years old ay wala daw silang nakikitang signs ng anumang karamdaman. Natuwa ako nang malaman ito.

Bangky is a bengal cat. Mukha siyang wild cat dahil sa similarities niya sa itsura ng isang leopard pero he is a very lovable and friendly cat. I keep him inside the house pero I let him go out sometimes sa backyard at pool area with my supervision. Mga healthy foods ang pinapakain ko sa kanya and lagi ko rin siyang binibilihan ng mga laruan. Although, most of the time ay hindi naman niya ito masyadong ginagamit. Sobrang spoiled lang talaga nito. Sobra na kasi siyang napamahal sa akin. Actually, para ko na siyang anak and I am his Daddy.

Naaalala ko pa nang mapulot ko si Bangky sa parking lot ng gym na dati kong pinupuntahan, tatlong taon na ang nakakalipas. Nakalagay siya sa isang cat carrier malapit sa dumpster. Meron ding note sa loob na nakabalaot sa plastic na iniwan ng kanyang previous owner. They needed to migrate as soon as possible to another country daw kaya kailangan nilang iwan ito. Napaka-walang puso lang na mga nilalang. Kukuha-kuha ng pet tapos basta-basta na lang iiwan kung saan-saan. Isip-isip ko nung mga panahong iyon. Sana man lang dinala nila ito sa isang cat shelter para naasikaso ang kalagayan niya or nahanapan ng bagong titirahan. E di sana hindi ito nabilad sa init ng araw at nabasa ng ulan while he was out there.

Nung natagpuan ko siya ay sobrang dumi na nito. Ang pinaghalong ihi at dumi nito ay nasa kanyang buong katawan. Wala na rin siyang pagkain at tubig noon. Sa biglaang tingin ay mukhang wala na itong buhay. Nakahiga lang ito at hindi na masyadong gumagalaw. Hindi ako sigurado kung ilang araw na siya nandun. Pero sa itsura niya ay mukhang matagal-tagal na rin ang inilagi niya sa loob ng kulungan na iyon. I was actually surprised na walang nakapansin dito o kung meron man, walang tumulong dito.

Hindi ako nagdalawang-isip na kunin siya nang malamang buhay pa ito. Dinala ko siya sa isang vet para malinisan at masuri ang kalagayan. Okay naman daw siya pero sobrang dehydrated lang. Binigyan nila ito ng gamot at kinabitan na rin ng suwero para masalinan ng fluids sa katawan. Ilang araw din siya sa vet clinic para ma-obserbahan. Nung na-release siya para makauwi na ay dumaan muna ako sa isang pet store para bumili ng pagkain nito at iba pang kakailanganin nito tulad ng litter, litter box at bowls para lalagyan ng food at water. Binilhan ko na rin siya ng isang cat bed para naman kumportable siya sa pagtulog. 

Nagtanong-tanong pa ako sa mga kaibigan ko kung may gusto sa kanilang ampunin ito pero lahat sila ay tumanggi. Nung unang gabi na inuwi ko siya ay sobrang lambing nito sa akin. Pilit laging tumatabi either habang nakaupo ako sa couch or nung nakahiga na ako sa kama. Para ba itong nagpapasalamat sa aking pag-rescue sa kanya at nagmamakaawa na huwag ko siyang ipamigay sa iba. Honestly, wala talaga akong balak i-keep siya noong mga panahong iyon. Subalit dahil nga wala naman akong mapasahan sa kanya kaya hinayaan ko na lang siyang mag-stay sa akin. Hindi naman siya mahirap alagaan. Ayaw ko naman siyang dalhin sa shelter dahil sa sinabi ng aking ibang kaibigan na hindi magandang nangyayari dito. Kaya I ended up keeping him.

'Cartier' ang sosyal na suggestion ni Alex na ipangalan ko dito dahil katunog daw ito ng 'carrier' na kung saan siya nakalagay ng matagpuan ko siya. Pero hindi ko alam kung bakit mas nagustuhan ko ang pangalang 'Bangky' na sinuggest ng pinsan kong si Cheska. Bangky, dahil daw mukha na itong bangkay ng makita ko. Pangalan daw ito ng character sa isang teleserye. "Wala na ngang forever, forevermore pa!" Naaalala kong sabi ko dito nung marinig ko ang title ng TV show kung saan niya nakuha ang pangalan na ito.

Pagkatapos ng vet appointment ni Bangky ay umuwi na rin agad kami. Sinigurado ko lang na okay siya at umalis na ulit ako para magpunta sa mall. Na-realize ko kasi na wala pa pala akong nabibiling regalo para sa bestfriend ko. At speaking of bestfriend, tinext ko na rin ito ng 'Happy birthday!'.

Naisip ko na ang bibilhin kong regalo para dito habang ako ay nagmamaneho papunta sa mall. Pagkatapos mag-park ay dumiretso na ako sa tindahan ng mga relo. Ito ang ibibigay ko sa kanya dahil mahilig naman siya dito. Pang-dagdag na rin sa collection niya. Madami akong pinagpilian pero sa kalaunan, yung Tag Hueur Chronograph stainless steel watch ang aking napili. Tingin ko sobrang bagay sa kanya nito. Ipina-gift wrap ko na rin after ko mabayaran. 

Pabalik na sana ako sa aking kotse ng maisipan kong pumasok sa nadaanan kong Starbucks para bumili ng inumin. Wala pang masyadong tao dito dahil maaga pa. Ang alam ko kasi ay laging itong puno ng mga estudyanteng ginagawang library ang coffee shop na ito o di kaya naman ay ang mga tumatambay lang dahil sa libreng wi-fi.

Pagkapasok dito ay tumingala muna ako sa menu para mamili ng aking bibilhin. Napansin ko na may lalaking tumabi sa akin.

"Are you in line?" Tanong nito sa akin.

"No. Go ahead." Sagot ko after ilipat ang aking mata dito. Hindi ko na siya masyado pinansin at tumingin na ulit ako sa menu.

Nagpunta na ito sa counter at kinuha na ng barista ang kanyang order. Sumunod na akong pumila sa kaniya pagkatapos ko makapili. 

Mula sa aking puwesto ay napagmasdan ko ang likuran ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Una kong napansin ang nunal nito sa kanyang batok. Pagkatapos ay ang magandang porma ng kanyang mga balikat, ang lapad ng kanyang likod na humahapit sa kanyang suot na gray Nike sleeveless shirt at pati na rin ang tambok ng kanyang puwet na natatakpan ng kanyang black training shorts. Ayos din ang form ng kanyang legs. Proportioned ito sa katawan at height niya. Matangkad din kasi ang lalaking ito. Siguro mas matangkad lang ito ng isa or dalawang pulgada sa akin. Nakasuot din ito ng white Adidas running shoes with Apple watch sa kaliwang wrist niya at may nakapasak na Airpods sa magkabila niyang tainga.

Kasalukuyan ko itong pinagmamasdan ng dumukot siya sa bulsa niya para kunin ang kanyang pambayad ngunit napansin niya na walang laman ito. Tiningnan din niya ang loob ng backpack na nakasukbit sa kanya pero mukhang wala rin dito ang kanyang hinahanap.

Narinig ko na lang na sinabi nito sa barista na i-cancel ang order niya dahil hindi niya dala ang kanyang pitaka.

May Apple watch at 2nd generation nga ng Airpods, wala namang pambayad ng kape. Anu ba yan?! Panghuhusga ko dito sa aking isip. 

"No. I'll pay for it. Isama mo na lang sa order ko miss." Singit ko sa kanila.

Napalingon sa akin ang lalaki na parang nabigla pa sa aking offer. Umatras na lang ito para hayaan akong makalapit sa counter para na rin sabihin ang order ko.

"Hey bro! You didn't have to pay for my order. But thank you ng sobra. I don't know what happened to my wallet. I might have lost it." Paliwanag nito after kong magbayad. 

"No worries man! Consider that as my good deed for the day." Lumakad na rin kami sa kabilang side ng counter.

Nakatayo lang kami habang hinihintay ang mga order namin. Di na kami nag-usap.

"Will you make it to Alex's birthday party tonight?" Text ko kay Caleb para abalahin ang sarili ko habang naghihintay ng order.

"I am not sure yet bro. Depende kay Jordan." Oo nga pala. Dumating kagabi ang boyfriend niya at mag-stay ito dito this weekend to spend time with him.

"Feel free to bring him. Para na rin ma-meet namin siya. If ever, you still have the address ng bahay ni Alex, right?" Reply ko dito.

"Yes. I'll try to convince him bro. Do I need to bring anything?"

"No. Just bring yourself and your boyfriend. Anyway, I hope to see you both tonight. Later. 😊" Pagtatapos ko sa palitan namin ng mensahe. Sakto kasing tinawag na rin ang pangalan namin ng barista para ibigay sa amin ang mga in-order namin.

Kumuha ako ng extra tissue at aktong aalis na sana ng bigla akong tawagin ng lalaking ini-libre ko.

"Oh wait bro! Salamat ulit dito. Eto nga pala ang calling card ko. At saka, Sebastian nga pala. You can contact me if you need my service. I'll give you a discount para pambayad na rin sa libre mo." Tinanggap ko ang kanyang tarheta habang iniisip ang sinabi niya. Iba kasi ang pumasok sa utak ko ng sabihin niyang 'if you need my service'.

"Theo pare." Pagpapakilala ko tapos inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya na tinanggap nito.

"Nice to meet you bro. Thank you ulit ha. Una na ako." Paalam nito bago lumabas ng pinto.

Tiningnan ko ang kanyang business card.

Sebastian Santana
Freelance Interior Designer

Nakalagay din ang kanyang phone number at email address sa kanyang card. Hindi ko naman kailangan ng interior designer pero inilagay ko pa rin ito sa aking pitaka. Guwapo kasi ito. Malay ko ba kung isang araw ay kailanganin ko ng kanyang "serbisyo". At least, alam ko kung paano siya kokontakin. 

Naglakad na ako pabalik sa aking kotse.

Pagkauwi ko sa bahay ay nag-nap lang ako ng halos isang oras. Para na rin hindi agad ako antukin tonight. After ko magising ay napagdesisyonan ko na mag-swimming sa aking pool. Balak ko sana kasi pumunta ulit sa gym today pero bigla akong tinamad kaya lumangoy na lang ako ng ilang laps dito. Nagbanlaw lang ako saglit pagkaahon ko pagkatapos ay nagtungo na ako sa aking kitchen para kunin ang salad sa refrigerator. Ito na ang lunch ko.

Nag-check lang ako ng emails pagkatapos ay nanood ng palabas sa Netflix. Alas tres na ng hapon ng magsimula na akong maghanda para pumunta sa bahay ni Alex.Naligo na ako at nag-trim ng aking balbas. Inahit ko na rin ang aking pubic hair.

Dahil maaga pa naman ay nagsuot na lang ako ng plain pink t-shirt at white chino shorts. Sa bahay ni Alex na lang ako magpapalit later. 

Halos tatlumpong minuto lang ay nakarating na ako kina Alex. Pansin ko na narito na ang mga nagdedeliver ng ilang tables at decors para sa party. Ipinark ko aking kotse sa tabi ng kanyang sasakyan na nakaparada sa kanyang driveway.

Dumiretso na akong pumasok sa bahay niya. Natanaw ko si Alex sa may pool area kaya dito na ako agad nagtungo. Nakasuot lang ito ng black cotton shorts, gray Lacoste polo-shirt at brown scuff slippers. 

"Happy birthday!!!!!!" Sigaw ko dito habang nakatalikod pa siya sa akin. Nagulat pa siya ng niyakap ko siya mula sa likuran. Hindi niya napansin ang aking pagdating dahil busy siya sa pagmamando kung saan-saan ilalagay ang mga cocktail tables na ni-rent niya.  

"Oh, you're here. Finally! Just kidding!" Pagbawi nito sa sinabi niya habang nakangiti dahil tinaasan ko siya ng aking kanang kilay. "Thank you so much!" Dugtong pa nito at hinalikan na rin niya ako sa labi. 

Smack kiss lang ito. Hindi yung kiss na may kasamang libog at pagnanasa. Ito kasi ang usual na batian namin kapag nagkikita kami o di kaya naman ay kapag nagpapaalamanan. 

"Do you need help with anything?" Offer ko dito. 

"No. Ito pa lang naman. Mag-relax ka na lang muna. Go get yourself a drink." Sagot nito. 

"Ok. Thank you!" Kinuha ko ang hawak niyang wine glass at biglang ininom ang laman nito. Inirapan pa ako nito. 

"By the way, here's my gift for you." Inabot ko sa kanya ang isang maliit na box na may silver ribbon. 

Binuksan niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata sa tuwa ng makita ang laman nito. "Oh my gaawwwddddd! I love it. Thank you so much Bestie!" Niyakap niya ako at hinalikan ulit sa labi pagkatapos. 

Tinanggal rin niya ang relo sa box at isinukat ito. Itinaas pa niya kanyang braso na parang ipinagmamalaki ito. Bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha nito. 

"Oh! Let me introduce you to Tom.... Baaabbbbeeee!!!!!!!!!" Sobrang lakas ng pagsigaw niya sa pagtawag sa kanyang boyfriend na kasalukuyang nasa loob ng bahay. Napatingin pa ang ibang delivery guys sa kanya. 

Lumingon ako sa loob ng bahay at nakita ang maputing lalaki na naglalakad galing sa kitchen area. May hawak din itong wine glass. 

Tama nga ang sabi ni bestie. Guwapo nga ito. Kamukha niya yung nagti-Tiktok na lalaki na ang last name ay kapareho ng last name ng director ng pelikulang Tenet.  Maskulado rin itong boyfriend niya at matangkad. May kaunting facial hair na mas lalong nagpa-define sa kanyang jawline. Nakasuot ito ng white t-shirt pero kapansin-pansin ang bukol sa suot nitong gray sweatpants. Hindi ko na lang masyado pinagtuunan ng pansin dahil ramdam ko na nakatingin sa aking si Alex. Alam ko na alam niya ang aking iniisip. Similar minds think alike. 

Nang makalapit na ito ay ipinakilala siya sa akin ni Alex. "Bestie, this is Tom, my boyfriend. Tom, this is my bestfriend Theo." Nagkamayan kami. Gusto ko pa sana itong yakapin pero baka sabunutan ako ng bestfriend ko. May rule kasi kami na bawal mag-share o mag-ahasan ng boyfriends. 

"How are you doing? I heard so much things about you." Sabi ni Tom at kapansin-pansin ang kanyang British accent. Tumaas pa tuloy ang sexiness level nito. 

"I'm doing good. I hope those things are good. Because knowing my bestfriend, he always talks shit about a lot of people." Sinabi ko para ma-asar si Alex. Napansin naman ni Tom na nagbibiro lang ako. 

"Hmm.. I don't know about that. All I always hear from him are either moans or sweet nothings." Pagsakay ni Tom na lalong ikinainis ng bestfriend ko. Niyakap naman ito ni Tom para suyuin at hinalikan pa siya sa kaliwang pisngi then sa labi.

"Get a room guys! There's a lot of people here, you know." Sabi ko habang itinuturo ang ibang tao sa paligid namin.

Hinalikan ulit ni Tom si Alex sa parehong pisngi at mas idiniin pa nito na may panggigigil. 

"Let me just get some drink." Iniwan ko na ang dalawa at nagtungo na ako sa bar area ni Alex. 

Laging puno ng wine at alak itong bar ng bestfriend ko. Mahilig kasi siyang mag-entertain ng mga bisita at malakas din siyang uminom. Lalo na kapag brokenhearted ang loko.

Pagkatapos ko maubos ang iniinom ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa aking sasakyan kasama na ang damit na isusuot ko mamaya sa party. Inilagay ko na ang mga ito dito sa kuwarto ko sa bahay niya. Binigyan na ako ni Alex ng sariling kuwarto dito dahil lagi ako ditong nag-sleep over lalo na kapag may mga inuman. Tulad na lang tonight. Napagkasunduan naming dito na ako matulog pagkatapos ng kayang party.

Malaki ang bahay nito. Two-story at open floor plan ang layout sa ground floor. May high ceiling at modern at malinis ang disenyo. Sa may main living room ay may malaking gray sectional sofa na nakaharap sa mataas at malapad na glass wall at matatanaw mo ang kanyang swimming pool kapag naka-upo ka dito. Sa right side naman nito ay ang kanyang dining table na pang-walong tao. Malawak din ang kanyang kitchen na may malaking kitchen island sa gitna na gawa sa puting granite. Moderno din ang kanyang mga kitchen appliances. Mahilig kasi itong magluto. 

Sa second floor naman ay may tatlong bedroom na may kaniya-kaniyang restroom. Meron din siyang room na ginawang gym dito at may sariling siyang theater room. 

Galing kasi si Alex sa mayamang pamilya ng mga businessman. Nang pumanaw ang kanyang mga magulang ay ipinamana sa kanya at sa dalawa pa nitong kapatid ang lahat ng mga ari-arian ng mga ito sa iba't ibang bansa. Ang dalawa niyang kuya ang nagmana ng international business ng kanilang magulang. Wala kasi siyang hilig sa pagmamanage ng business. Although, nagmamay-ari ito ng isang club. Doon kami usually pumupunta kapag gusto naming mag-party or mang-hunting ng mga lalaki.

Sa club niya una naming plinano na ganapin ang kanyang party. Pero dahil sa club nito namin sinelebrate ang aming kaawaran this past few years, mas pinili niya na dito naman sa bahay niya. Para maiba. Since silver birthday daw niya ito. 

Speaking of silver, nagkalat na ang maraming silver at black balloons dito sa bahay niya ngayon. Marami na rin ang tao dito sa bahay niya. Dumating na kasi ang DJ at kasalukuyan nilang tine-test ang sound system. Pati mga ilaw at mirror balls ay isinasaayos na rin sa kanyang living room at pool area. Ipinapasok na rin sa kanyang bahay ang mga alcohol, wine at iba pang inumin pero idinediretso ang mga ito sa outdoor bar na sinet-up nila sa gilid ng sitting area malapit sa pool. Pati ang caterer at mga waiters ay andito na rin. 

Hinanap ko sina Alex at Tom pero hindi ko sila nakita. Malamang nasa kuwarto nila ito at nagpa-practice kung paano gumawa ng bata. Kumuha ulit ako ng wine at umikot-ikot sa mga area na pinagseset-upan nila para ma-check na tama ito ayon sa plinano namin. 

Habang sinu-supervise ko ang paglalagay nila ng mga pagkain, tinawagan ko ang contact ko para sa hinanda kong surprise sa aking bestfriend. "Hey Carlo! What time darating dito yung mga ni-request ko sa yo?"

"Alas-onse pare andyan na sila." Sagot nito. 

"Okay. Sige pare, salamat!" 

Nagpapatugtog na ang DJ ng mga electronic dance music. Halos ready na ang lahat. Maya-maya lang ay darating na ang mga bisita ni Alex.

Bumalik na ako sa kuwarto upang magpalit ng damit. Hinubad ko na ang aking suot at pumasok sa banyo. Naghilamos at nag-toothbrush muna ako. Paglabas ko ng banyo ay humiga lang muna ako sa kama at nag-check ng messages sa phone ko. Pagkatapos ay una kong isinuot ang aking dark-colored denim pants at black belt. Tapos nag-spray ako ng pabango sa katawan then isinuot ko na ang aking dark blue na fitted dress shirt. Iniwan kong nakabukas ang tatlong butones ng aking long sleeves shirt. Pagkatapos ay sinuot ko na ang aking medyas at leather shoes.

Bago lumabas ay tumingin muna ako sa full-sized mirror. Medyo inayos ko ang aking malago at kulot na buhok.

Pagbalik ko sa living room area ay naka-ayos na ang lahat. Tuluyan ng naging party house itong bahay niya. Handang-handa na para sa celebration mamaya. Malakas ang tugtog na nagmumula sa ilang malalaking speakers. Umiikot na rin ang mirror balls na tinataman ng mga malilikot na ilaw. Tanaw ko rin ang mga ilaw na bilog na nakalutang sa swimming pool.

Handa na rin ang lahat ng mga lalaking hinire namin para sa gabing ito. Sila ang magsisilbing waiters, bartenders at DJ. Lahat sila ay physically fit at nakasuot lang ng black bow tie na nakakabit sa white collar na nakaikot sa kanilang leeg, white cuffs sa magkabilang wrists, at black sexy boxer briefs. Lahat sila ay personal na pinili ng birthday boy. Sa tulong ko na rin. 

Kumuha ako ng isang wine glass sa tray na hawak ng isa sa mga waiters. Umupo lang ako sa sofa at chineck ang aking phone. 

"Punta kami tonight bro." Basa ko sa text ni Caleb. Ni-replyan ko lang ito ng smiley. 

Ilang minuto lang ay may mga dumating nang bisita. Inasikaso ko na ang mga ito habang hinihintay ang birthday boy.

Madami na ring bisita ang dumating ng makita kong lumabas sina Alex at Tom mula sa kanilang bedroom. 

Halos lahat ng bisita ay napa-wow sa suot ni Alex. Simpleng white pants, shirt at shoes ang suot nito. Ang naka-agaw ng atensyon ay ang kanyang jacket na in-embellished with layers of silver pailettes. Kumikinang-kinang ang lolo mo. Birthday naman niya ito so tama lang na dapat nasa kanya ang attensyon.

Si Tom naman ay nakasuot lang ng simple white dress shirt, black slacks and black leather shoes. Nakabukas din ang tatlong butones nito gaya ng sa akin. 

Lahat ng tao ay binati si Alex ng "Happy birthday" and binigyang compliment ang kanyang suot. Hindi muna ako lumapit at hinayaan ang ibang bisita na maka-usap ito. 

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay nilapitan ko na rin ito. "Shine bright like a diamond ang peg natin tonight?" Bati ko dito habang nakangiti. Inabutan ko na rin siya ng red wine. 

"Of course! Because we're beautiful like diamonds in the sky." Tinuloy pa ng loko ang kanta. Sabay lang kami nagtawanan at niyakap ko siya ng mahigpit. 

"I am so proud of you. Always remember that. At saka lagi lang akong nandito for you. Happy birthday ulit!" Madamdamin kong sabi dito habang yakap-yakap ko pa rin siya ng mahigpit. 

"I know. I love you bestie!" Muli niya akong hinalikan sa labi.

Mas dumami pa ang mga dumating na bisita. Parang may Pride celebration dito ngayon sa bahay niya.  Lahat kasi ng bisita ni Alex ay puro lalaki na lalaki rin ang hanap. Ito ang isa sa mga request niya. Ayaw daw niya kasing makakita ng babae sa gabing ito. Pero hindi ko alam na ganito na pala kadami ang kaibigan nitong bading! Juskoday!

Nag-uusap lang ang lahat at nagkakasiyahan. Ang iba ay kumakain. Meron ding iba na sumasayaw sa dance floor. May ilan ding naghubad na at tumalon sa pool. Yung iba naman ay nilalandi ang mga gumagalang sexy waiter na may dalang either wine or mga hors d'oeuvres. Pero kahit saan ka tumingin ay may mga bading na nagtatawanan. Umiinom. Clean fun lang lahat. Walang halong drugs. Big no-no kasi sa amin ni Alex ang mga ganun. 

Kasalukuyan kong kausap sa tabi ng pool ang ilan sa aming common friends ni Alex ng mapansin ko ang pagdating ni Caleb at ng kanyang boyfriend. Nag-excuse ako sa mga ito at nilapitan ang mga bagong dating. 

"Hey! I'm glad you made it." Bati ko kay Caleb. Niyakap ko na rin ito. 

Ng maghiwalay ang aming katawan ay ipinakilala niya ako sa kanyang kasama. "Theo, this is Jordan, my boyfriend. Jordan, this is Theo." Ngumiti naman ito at nakipagkamay. 

"Nice to meet you man!" sabi ko dito. 

"Same here. It's nice to finally put a face to a name." Sagot nito. Binitawan na niya ang aking kamay. 

"Hey. Let me take both of you to the birthday boy." Yaya ko sa kanila at sumunod naman sila. 

Kasalukuyang nakikipag-usap si Alex sa ilang kaibigan nito sa tabi ng bar. Kinuha ko ang kanyang atensyon. 

"Alex, I would like you to meet Caleb. He's my best friend from highschool. And this is Jordan, his boyfriend." Pagpapakilala ko sa kanila. Nakipag-beso si Alex sa kanila. Binati na rin nila ito ng 'Happy birthday'.

"I am glad you guys came. Please feel at home and enjoy the party. Drink! Drink! And Drink!" Sabi nito sa dalawa habang itinaas pa ang hawak nitong inumin. 

"Yes. Thank you. You have a beautiful house. And great party! Oh and by the way, we brought a wine for you." Iniabot ni Caleb ang isang bote ng vintage Cabernet Sauvignon

"Thank you! You're so sweet." Niyakap ni Alex si Caleb. Hindi pa naman lasing ito pero kung maka-asta e parang lasing na. 

Iniwan namin sina Alex at Jordan na nag-uusap habang kami naman ni Caleb ay umorder ng drinks sa bartender. "So, kumusta? Mukhang may ASG ang mukha mo ah!" Sabi ko dito habang hinihintay ang mga drinks namin. 

"ASG?" Nakakunot ang noo nito. Obvious na hindi alam ang ibig sabihin.

"After sex glow bobo!" Sabi ko dito sabay tawa.

"Ulol! Teka, masyado bang obvious?" At humalakhak na rin ito. Kinuha na namin ang apat na drinks naming inorder at binalikan na sina Alex at Jordan. 

Kasalukuyan kaming nagtatawanan dahil sa kinukwento kong bloopers ni Caleb nung highschool namin ng lumapit sa amin si Tom. 

"Excuse me. Babe, can you come with me for a second." Tanong nito kay Alex. Ang sexy talaga ng accent nito. Sarap tirahin. 

"Of course. But let me introduce you first. Tom, this is Theo's highschool bestfriend Caleb and this is his boyfriend Jordan. Guys, this is Tom, my lovely boyfriend." Inakbayan ni Alex si Tom. Nagkamayan naman silang tatlo. Pagkatapos ng introduction ay nag-excuse na sina Alex. 

"Let's get some food." Sinamahan ko silang kumuha ng pagkain. Naalala ko kasi na hindi pa rin ako kumakain. Puro hors d'oeuvres lang ang mga nginunguya ko kanina pa.

Iba't ibang putahe ang nakahanda ngayon. Merong salad, steak, at iba't ibang luto ng pasta, chicken at pork.

Umupo kami sa mga upuan malapit sa pool after namin kumuha ng pagkain. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Apat na araw lang pala si Jordan dito at aalis na ito sa Lunes. Ibig sabihin dry season na naman si Caleb. 

After a few minutes ay tinipon lahat ng bisita sa loob ng bahay. Dala-dala ng ilang waiter ang malaking cake na may disenyo ng isang malaking titi. Natawa naman si Alex nang makita ito. Sino kaya ang naging model ng gumawa nito? Gusto kong makilala. 

Tinugtog ng DJ ang Happy birthday song at sinabayan ito ng lahat sa pagkanta. "Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday dear Alex... Happy birthday to you!" Nang matapos ay pumikit muna si Alex para mag-wish bago hinipan ang dalawampu't limang kandila sa cake niya. Nagpalakpakan ang lahat. 

"Thank you everyone! Thank you all for coming tonight to celebrate my 25th birthday with me. I especially would like to thank my boyfriend, Tom, for loving me." Nagsigawan ang ilang bisita. May humiling pa ng kiss na pinagbigyan naman nila. 

"Also, thank you to my bestfriend, Theo, for always being there for me. Uhmmm, I don't wanna kill the party with my speech. So, let's just all continue to enjoy the party!!!!" Pagputol nito sa speech nito. Muling nagpalakpakan at sigawan ang mga bisita. Binalot ulit ang bahay ng malakas na tugtog. 

Mas lumalalim na ang gabi. Napatingin ako sa relo at halos alas dose na ng hating gabi. Mas nagiging wild na ang ibang bisita. Meron na ring ilan na lasing na. May ibang nagiging clingy sa akin. Hawak ng hawak sa kung saan saan kapag kinakausap ako. Marami na rin ang aking nainom pero hindi pa naman ako lasing. 

Naalala ko ang in-arranged kong surprise para kay Alex. Ang sabi ng contact ko na si Carlo ay around eleven o'clock ang dating ng mga iyon. Pero halos midnight na at wala pa sila. Anak ng putsa! 

Sinubukan kong kontakin si Carlo pero hindi ito sumasagot. 

Napansin ko na nasa kalayuang parte ng backyard sina Caleb at Jordan na nag-uusap. Actually, parang nagtatalo ang mga ito. After a few minutes ay naglakad na ang mga ito pabalik sa loob ng bahay. 

"Do you want to have another drink?" Bati ko sa mga ito subalit parehong halos hindi maipinta ang mga mukha nila. 

"No. We need to go. I'm sorry bro." Sagot ni Caleb at seryoso pa rin ang mukha nito. 

"Oh okay." Nilipat lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa pero obvious na may pinagtalunan nga ang mga ito. Wala sa kanilang nagsasalita. Inilibot ko ang aking mga mata umaasang makita si Alex para makapagpaalam ang mga ito ngunit hindi ko ito nakita. 

Nag-umpisa nang maglakad si Caleb palabas ng main door at nakasunod lang si Jordan. Sinundan ko na rin sila para ihatid sa labas. 

"Drive safe guys! I'll talk to you later Caleb! Good night guys!" Paalam ko dito dahil tuloy tuloy lang ito sa dala nilang kotse. 

Huminto si Jordan at bumalik sa aking pwesto. "Please take care of Caleb." Makahulugang sabi nito bago muling naglakad papalayo. 

Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng main door at naguguluhan habang tinatanaw ang papalayo nilang sasakyan. 

Papasok na sana ako ng bahay ng biglang may umilaw na police car at huminto ito sa harap ng bahay ni Alex. Nakita kong bumaba ang dalawang lalaki na naka-uniporme na pang pulis. 

Nang makalapit ang mga ito sa akin ay nagulat ako sa isa sa kanila. Namumukhaan ko ito. Ito ang lalaking nakilala ko kaninang hapon sa Starbucks! Pero akala ko ba ay interior designer ito. Bakit naka-uniporme ng ito ng pang-pulis?

"Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito?" tanong nito sa akin habang nalilito pa rin ako. 

"I'm not." Maikling kong sagot dito habang umiiling. 

"Can we come in?" Dahil sa lito ay wala sa isip kong tumango at pinatuloy ang mga ito. Hindi ko na nagawang tanungin kung bakit sila na naririto at kung may search warrant ba sila. Hindi ko rin alam kung naaalala o nakikilala ba niya ako. 

Napansin ng ibang bisita ang dalawang pulis na pumasok. Natigilan at natahimik ang lahat. Kahit ang mga nasa labas ng bahay ay napansin ang kasalukuyang nangyayari sa loob dahil na rin sa biglang paghinto ng tugtog. 

"Nasaan ang may-ari ng bahay?" Pasigaw ng tanong ng lalaking nakilala ko kanina sa coffee shop. Hindi ko matandaan ang pangalan niya. 

Nagtinginan ang lahat ng bisita at pilit hinahanap si Alex. Kusa namang lumapit si Alex sa pulis na nagtatanong. 

"I am the owner. What can I do for you sir?" Mahinahong tanong nito. 

"We keep getting complaints of noise and drug use. Pwede bang umupo ka dito?" Ma-otoridad na tanong nito.

Kumuha pala ng isang silya sa dining area ang kasamahan nitong pulis at dinala ito sa gitna ng living room, sa harap ng sectional sofa. Sinunod naman ni Alex ang utos nito at umupo siya sa silya. Pansin ko na ang isang pulis ay palakad lakad na parang may hinahanap. 

"Nagkakamali kayo boss. Walang drugs dito!" Paliwanag ni Alex. Bakas sa mukha nito ang lito at takot. Nakatayo na rin si Tom sa tabi nito. 

Palakad-lakad lang ang lalaking pulis na nakilala ko kanina sa harapan niya. Na para bang naghahanap ng ebidensiya kung nagsasabi si Alex ng totoo. Ang isa naman ay nakita ko malapit sa DJ na parang kinakausap ito.

Tahimik lang ang lahat at naghihintay ng sunod na mangyayari at sasabihin ng pulis. Nang biglang tumugtog ulit ang DJ. Shit! Alam ko itong kantang ito. Napangiti na lang ako habang nakatitig ako sa lalaking pulis na nasa harapan namin. Naalala ko na rin ang pangalan niya. Sebastian Santana. 




Itutuloy...

 

No comments:

Post a Comment