Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - CHAPTER 10


PICK-UP LINES


"You're number."

Tama ba ang narinig ko? He wants to get my number?!? 

Ngayon ko lang na-realize na ilang beses na kami nagkikita pero hindi pa nga pala kami nagpapalitan ng aming phone number. Naalala ko na ibinigay niya sa akin ang business card niya pero hindi ko naman sinave ang number niya sa phone ko. Okay lang naman kung hingin niya ang numero ko. It's just a phone number. At saka, tingin ko naman ay safe siya at hindi siya magiging stalker kagaya ng iba.

Nilingon ko ulit siya para alamin kung seryoso siya sa isinagot niya o baka naman pini-playtime lang ako ng gagong ito.

Nakatingin siya ngayon sa bartender kaya tagiliran lang ng mukha niya ang nakikita ko. Hindi ko mawari kung totoo ba yung sinabi niya. Pero seryoso naman ang mukha niya at hindi ito ngumingiti.

Tatanungin ko sana siya tungkol sa sagot niya pero tinawag na siya ng bartender para kunin kung ano oorderin niya. Number ko rin kaya ang sabihin niya dito?

"One rum and coke and one gin and tonic." Dinig kong sabi niya sa bartender.

Mukhang may 'client' na naman yatang kasama ang lalaking ito. Sabi ko sa isip ko.

Tahimik lang kami habang inaasikaso ng bartender ang mga inorder niyang drinks. Inenjoy ko na lang ang kantang Rain on Me nina Lady Gaga at Ariana Grande na kasalukuyang pinapatugtog ng DJ at naririnig sa buong yate.

🎶  I'd rather be dry, but at least I'm alive
Rain on me, rain, rain
Rain on me, rain, rain
I'd rather be dry, but at least I'm alive
Rain on me, rain, rain
Rain on me  
🎶

Napatingin tuloy ako sa kalangitan at natuwa na may nakitang ilang bituin. Lagi kasing umuulan nitong mga nakaraang araw kaya masaya ako na hindi umuulan at malaki ang posibilidad na hindi uulan ngayong gabi. Sayang naman kasi ang yacht party na ito kung masisira lang dahil sa ulan.

Napabaling ulit ang tingin ko sa bartender nang nagsalita ito para ibigay ang mga inorder na drinks ni Baste. Mag-oorder na sana ako ng biglang agawin niya ang aking atensyon.

"Here. I bought you a drink. Ok lang ba sa iyo itong gin and tonic?" Sabi niya habang iniaabot sa akin ang inumin.

Ulol! Libre naman ang drinks dito sa party! Anong pinagsasabi nitong ibinili niya ako ng drink? Hindi ko na sinabi sa kanya ang iniisip ko para hindi mabasag ang trip niya. Nagpasalamat na lang ako at tinanggap ang inalok niyang inumin.

Naglakad na kami palayo ng bar nang may na-realize ako. "Teka, are you a mind reader? Paano mo nalamang ito oorderin ko?"

"Just a guess. Yan kasi iniinom mo nung birthday ni Alex eh." Observant pala ang mokong na ito. 

"Ano yung sinabi mo kanina about my number?" Tanong ko dito bago inumin ang alak na hawak ko.

Mukhang nagdalawang isip pa siya sa isasagot niya. "Uhmm... Kunin ko sana phone number mo kung okay lang. Hindi kasi gumagana telepono ko dahil hindi naka-save number mo dito eh." Inilabas niya ang kanyang iPhone sa kanyang bulsa.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mabuwi-buwisit sa sinabi niya. Ang corny ng puta! Kinuha ko na lang ang telepono niya at tinype ko ang aking numero. Sinabihan ko na lang siya na i-text o tawagan niya ako para ma-save ko number niya. 

"May kasama ka tonight? Any possessive and jealous clients again?" Itinaas ko pa ang magkabila kong index and middle fingers para mag-form ng apostrophe ng sabihin ko ang huling salita na aking binanggit.

"Nope. Ako lang. Kaya kung gusto mo, I can be yours tonight. " Sagot nito nang nakangiti. Hmmm... Pag-iisipan ko.

Naputol ang usapan namin nang tawagin ako ni Alex kaya nagpaalam muna ako kay Baste. Pumunta kami sa harapan ng yacht at nag-umpisa nang umandar ito.  Nakipag kwentuhan at nakipag tawanan lang kami sa mga kaibigan namin na naririto habang iniinom ang mga hawak naming alcohol.

"This is gonna be a fun night." Sabi sa akin ng bestfriend ko at nag-cheers kami pagkatapos.

"Sayang. Wala si Caleb dito." Naisip ko lang ang isa kong bestfriend. Kelangan niyang malibang para makalimutan niya ang buwisit niyang ex. Hindi ko pa sinasabi kay Alex ang nangyari kina Caleb at Jordan dahil baka malungkot lang ulit ito. Sa ibang araw na lang. 

"Caleb, this one is for you!" Sigaw ko habang itinaas ko ang hawak kong inumin at ininom ito pagkatapos. 

Inikot ko ang aking paningin at nakita kong lahat ng nakasakay ngayon dito ay nagkakasiyahan. May isang grupo sa flybridge o pinakataas na palapag nitong luxury yacht na ito na nagse-selfie at nagkukuhanan ng mga litrato. Dito sa main deck naman ay nakakalat ang bisita. Ang iba ay nakatambay sa bar, yung iba ay nakaupo at nagkukuwentuhan sa Entertainment area, mayroong mga bisita ang nakaikot sa lamesa at kumukuha ng pagkain at may ilang pares naman ang nakatanaw sa papalayong mga gusali habang may hawak ng sigarilyo at inumin.

Nakita ko si Sebastian na nakikipagtawanan sa ibang bisita sa bandang likuran ng yate. Mukhang magaling itong makisalimuha sa ibang tao. Siguro dahil sa pagiging stripper at gigolo nito kaya madali sa kanyang makipag-usap sa mga taong kakakilala lang niya. Approachable din naman kasi ang itsura nito.

Sa sobrang pagkalibang ko ay hindi ko na namalayan na huminto na pala itong yate. Sa tingin ko ay malayo na ang aming narating. Halos wala na akong makitang bahay sa kalayuan. Narinig ko sa isang kaibigan namin na nasa bandang Batangas na raw kami. 

Kasalukuyan akong kumakain ng iba't ibang klaseng keso nang biglang tinawag ni Alex ang atensyon ng mga bisita.

"Guys and gals! Are you all having fun?!?!" Energetic niyang tanong sa lahat habang nakatayo ito sa sofa. Nagsigawan naman ang mga bisita bilang patunay na nag eenjoy ang mga ito. Ako naman ay patuloy lang sa pagkain. "We'll be playing a game and anybody can join, okay? Do you guys know the game, Suck and Blow?" Madami ang sumigaw ng 'Yes' pero meron ding iba na nagsabing hindi. 

"So here's the mechanics. I have these cards..." Sabi niya habang ipinapakita sa lahat ang deck of cards. "...You'll gonna pass a card around the circle using only your mouth by sucking and blowing. So, you'll need to suck it like this..." Pagpapatuloy niya habang dinedemo sa mga bisita kung paano niya higupin ang hugis barahang card gamit ang kanyang bibig. "...Then you need to connect with the person beside you and pass it to them. Let's say I have the card and it dropped, I have to complete a dare..." Napa 'Oooohhhhh' ang lahat ng banggitin niya ang salitang dare. "...Yes, there's a dare at the back of the card. Okay?" Nagpalakpakan sa excitement ang ilang bisita. 

"What if tumangging gawin ang dare?" Tanong ni Karen. 

"Itatapon sa dagat at ipapakain sa mga pating! So it's either a dare or a scare!" Pabirong sagot ni Alex. Nagtawanan naman ang lahat. 

"Alright guys! Lahat ng sasali, let's form a big circle. Let's find out who's the best suckers and blowers here!" Dagdag ni Alex. Nagtawanan ang karamihan. Gumalaw ang ilang bisita at nag-umpisang humilera ng pabilog. Nakatayo lang ako sa tabi ng buffet table. Walang balak sumali. 

"Are you not joining the game?" Dinig kong tanong ng lalaki sa likuran ko. Nilingon ko ito at si Sebastian pala ang biglang sumulpot at nagtanong.

"No, I'll just watch." Sagot ko dito. 

"Oh common! Don't be a killjoy. Tara na!" Kinuha niya ang hawak kong plato at ipinatong niya sa lamesa. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi dahil hinila na niya ako papunta sa grupo ng maglalaro. 

Tumayo siya sa kaliwa ko. Nasa kanan ko naman ay si Red. Kaibigan siya ni Alex na ipinakilala sa akin kanina. Guwapo rin ito. Napansin ko na katabi ni Baste si Karen. Si Alex naman ay malayo sa amin. Napapagitnaan ito ng dalawang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay mga modelo ang mga ito at Adrian ang pangalan ng nasa kanan nito at Fred naman ang nasa kabila. 

"Okay! Is everybody ready?" Tanong ni Alex sa lahat ng kasali. Tantiya ko ay mga labing walo kaming nakapaikot. Nasa paligid naman namin ang ibang bisita na piniling manood lamang. 

"Yes!!!!" Sigaw ng lahat. 

"I'll start." Inilagay niya ang card sa kanyang mga labi at hinigop ito. Ipinasa niya ito sa lalaking nasa kanan niya. Matagumpay niya itong naipasa pero nahulog ni Adrian ang card. Nagpalakpakan ang ibang bisita. Excited malaman kung anong dare ang kailangan niyang gawin. Pinulot ni Adrian ang card at ibinigay ito kay Alex. 

"Make out with the person on your left... What?" Nagulat si Alex sa kanyang binasa ng ma-realize niya na siya ang hahalikan nito. Bakas naman ang excitement sa lahat ng narito sa yate.

Humarap sa kanya si Adrian at mukhang nag-aalinlangan pa ito kung gagawin ang dare or not. Pansin ko na may ilan na binuksan ang camera sa kanilang telepono para i-record ang magaganap. 

Inilapit ni Adrian ang mga labi niya kay Alex at binigyan ito ng smack na halik. Pagkatapos ay humarap na ito sa gitna. 

"Boooooooooo!!!!!!!!!!" Sabay-sabay na isinigaw ng mga nanonood sa kanila. 

"Bro, what are you, in Grade 1?" Sigaw pa ng isa sa mga bisita.

Mukhang napahiya ang lalaki kaya humarap ulit ito kay Alex. Marubdob na hinalikan niya ang bestfriend ko. Lumaban naman ang hindi papatalo kong kaibigan. Nakapikit ang mga ito at naglalaplapan sa harap ng lahat ng bisita. Pagkatapos ng humigit kumulang tatlong minuto ay naghiwalay ang mga labi ng mga ito. Pareho silang napainom sa hawak nilang alcohol. 

May ilang bisita na hindi makapaniwala kung gaano naging palaban ang dalawa. May ibang nag-isip magback-out sa laro pero kalaunan ay hindi naman nila ginawa. 

Bumunot ng card si Adrian sa deck of cards at inilagay niya ito sa kanyang labi. Ipinasa niya ito sa babaeng nasa kanan niya na ipinasa naman sa katabi nito. Mukhang sanay ang batch na ito dahil walang nahuhulugan sa kanila. Dumating ang card kay Karen at nalaglag ito mula sa kanyang mga labi ng ipapasa na niya sana ito kay Baste. Nagsigawan ang mga bisita.

Pinulot niya ang card na nahulog at binasa ang nakasulat dito. "Pick a person and lick one of his/her nipples." 

Namula ang mukha ni Karen pagkatapos basahin ang kanyang dare. Iba-ibang pangalan ang sinu-suggest ng ibang bisita sa kanya. Luminga linga ito para mamili kung kanino niya gagawin ang kanyang dare. Mukha namang game ang babaeng ito kaya okay lang. 

Itinuro niya ang lalaking nasa kanan niya. Ngumiti naman si Baste at binuksan nito ang suot niyang navy blue na short sleeves polo kaya lumantad ang kanyang dibdib. 

Humawak si Karen dito at inumpisahan ng dilaan ang kaliwang nipple ni Baste. Naging sobrang maingay ang mga sakay ng yate na ito dahil sa pinapanood nila. 

Pagkatapos paulit-ulit na dilaan ang utong nito ay humiwalay na ito sa lalaki. Abot tainga ang mga ngiti nito. Mukhang enjoy na enjoy sa ginawa. Umani ito ng palapakan sa ibang tao. Nag-bow pa ang gaga. 

Kumuha ito ng card at inilagay sa kanyang mga labi at ipinasa kay Baste na ipinasa naman sa akin. Ngunit ng kukunin ko na sa katabi ko ang baraha ay hinigop niya ito ng mariin kaya nahirapan akong kunin ito sa kanyang bibig. Pagkatapos bahagya itong bumuga kaya lumuwag ang kapit ng card sa kanyang mga labi kaya nakuha ko rin ito sa wakas. Subalit ng inikot ko ang ulo ko para ipasa ang baraha kay Red ay biglang humangin ng malakas kaya nalaglag ang card mula sa aking bibig. Fuck! Buwisit na hangin yun!

Nagpalakpakan ang ilang bisita. "That's not counted!" Reklamo ko pa. Subalit hindi nila ako pinagbigyan sa aking palusot kaya kailangan kong gawin ang dare. 

Pinulot ng isang babae ang card na nilipad ng hangin at binasa ang dare. 

"Kiss the person who passed the card to you like it's your last kiss." Basa nito. 

Napatingin ako kay Baste na kasalukuyang nakangiti pa rin. Mukhang enjoy na enjoy ang kumag. Ikaw ba naman ang madilaan ang nipple tapos ngayon naman ay mahahalikan, hindi ka ba mag-eenjoy? 

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at hinalikan ko ang kanyang mga labi. Una ay banayad lang ang aking halik pero nang naramdaman ko na ibinuka na rin nito ang kanyang mga labi ay mas naging mapusok na ang aking paghalik dito. Inilalabas na rin namin ang aming mga dila at nag-espadahan ang mga ito. Pagkatapos ay sinupsup niya ito at iginalaw ang ulo ng paatras abante na para bang tsinutsupa niya ang aking dila. Ng magsawa ay muli kaming mainit na naghalikan. Minsan ay kinakagat niya ang aking ibabang labi. Ipinapasok ko rin minsan ang aking dila sa loob ng kanyang bibig. Lahat ng ito ay habang hinihimas niya ang aking batok at ako rin sa kanya. Tantiya ko ay ang tagal namin naghalikan. Naghiwalay lang kami ng maalala namin na marami nga palang taong nanonood sa amin. Pansin ko na mas pumula ang kanyang mga labi dahil sa aming ginawa. 

Pakiramdam ko ay nauhaw ako sa aming halikan kaya kinuha ko ang hawak na inumin ni Red at ininom nito. Wala siyang nagawa. Hindi naman ito nagalit. Lahat ng tao ay nagsisigawan at nagpapalakpakan. Abot tainga rin ang ngiti ni Alex nang mapatingin ako sa kanya. 

Kumuha na ako ng bagong card at inilagay sa aking mga labi. Ipinasa ko ito kay Red pero hindi niya masyado ito nahigop kaya nahulog ito. Pinulot ko ang baraha at binasa ang nakasulat. 

"Swap clothes with somebody."

Lumingon lingon ito at pinili si Fred. Siguro dahil halos magkapareho ang built at size nila. Yun ang akala ko. 

Hinubad ni Red ang kanyang suot na putting polo shirt at sinunod ang kanyang ripped jeans. Lumantad ang kanyang toned na katawan. Malapad ang kanyang dibdib at defined ang kanyang anim na pandesal. Iniwan niyang suot ang kanyang putting briefs at bakat na bakat dito ang kanyang ari. Mukhang pinagpala rin ito dahil mataba at mahaba ang nakahulma sa kanyang underwear.

Lumapit ito sa nakahubad na ring si Fred at ibinigay ang kanyang polo shirt at pantalon dito. Tinanggap naman niya ang damit na hinubad ng katabi ni Alex. Maskulado rin ito at may pandesal din sa tiyan pero mukhang maliit lang ang sandata nito base sa umbok nito sa harapan. Hindi tulad ng kay Red. Isinuot na nila ang damit at sakto nga ito sa kanilang katawan dahil halos pareho sila ng sizes, maliban na lang sa kanilang totoot. Nagpapicture pa ang dalawa habang suot ang mga damit na pinagpalit nila. 

Muling umandar ang baraha. Maraming beses pa itong nalaglag kaya maraming pang ibang gumawa nang iba't ibang mahahalay na dare. Sa kabutihang palad ay hindi ko na nahuhulog ito kapag dumadaan sa akin. Isang beses ay nahulog ni Baste ang card kaya ginawa nito ang dare na "Strip down to your underwear." Wala siyang nagawa kung hindi hubarin ang kanyang polo at jeans. Nakatayo tuloy ito sa tabi ko na suot lang ang kanyang pulang CK briefs at sapatos. 

"Alright guys! Last dare na tayo. Good luck bitches!" Sigaw ni Alex pagkatapos gawin ng isang lalaki ang dare na "Kiss somebody from one ear along the neck to the other ear." Tingin ko ay straight ito dahil sa babae niya ginawa ang dare. 

Muling umikot ang card at nahulog ulit ito ni Karen. Napailing na lang ito at pinulot ang baraha. 

"The group must choose two of the hottest players and they must kiss for at least 5 minutes." Basa nito. 

Nagkatinginan ang lahat at iba't ibang pangalan ang nababanggit. Kabilang na dito ay ang pangalan namin nina Alex at Baste. Kahit ang mga hindi kasali ay nagbibigay ng pangalan ng sa tingin nila ay hottest player. 

"Alright! So, who do you guys pick?" Nagkusa na si Karen na pamunuan ang pamimili kung sino ang dalawang players na maghahalikan. Tutal siya naman ang nakahulog ng baraha.

Mas lumakas ang sigawan ng pangalan ni Alex. "Okay, Alex, step forward please." Sabi ni Karen na sinunod naman ng aking kaibigan. "Who's next?"

"Theo!" "Sebastian!" "Red!" Ito ang mga pangalan na isinisigaw nang karamihan ng mga bisita. Para kaming kasali sa isang reality competition at ngayon ang oras na malalaman kung sino sa aming magpapaalam. 

"Palakasan na lang ng palakpakan sa kanilang tatlo." Sabi ni Karen. "Let's start with Sebastian!" Nagpalakpakan nang malakas ang mga naririto. 

"How's about Red?" Malakas din ang palakpakan pero mas malakas ang para kay Sebastian. 

"Lastly, who's for Theo?" Nakakabinging palakpakan at hiwayan ang narinig sa buong yate. 

"Sorry Theo. It's going to be you and Alex." Sambit ni Karen sa akin. Umabante ako sa tabi ng bestfriend ko. 

Potek! Bakit andito na naman ako sa sitwasyon na ito? Pwede bang iba na lang? Ang awkward lang kung hahalikan ko ng limang minuto ang aking matalik kong kaibigan.

Mukhang nabasa ni Alex ang iniisip ko kaya nagsalita ito. "Guys! I am very flattered sa pagpili niyo sa akin. Unfortunately, I cannot do the dare. Theo is my bestfriend. So, if you want, tatalon na lang ako sa tubig." Natawa ako sa huli niyang sinabi. Alam ko naman na hindi siya seryoso tungkol dun.

"Nooooo!!!!!" Sagot ng karamihan. 

"Pili ka na lang ng kapalit mo bro." Sigaw ni Adrian dito.

"Okay lang ba sa inyo yun?" Tanong ni Alex sa lahat. Um-oo naman ang kanyang mga bisita. Pinagbigyan siguro siya dahil party naman niya ito. 

"Alright. Hmmm...." Umarte siyang nag-iisip at namimili habang inililibot ang tinigin sa lahat ng players. Pero may hinala na ako sa kanyang gagawin. "...I'll pick Sebastian!" Tama nga ako! Potek! Kami na naman? E naghalikan na kami kanina eh! Napailing na lang ako.

Lumapit si Sebastian habang nakangiti at puwesto ito sa tabi ko. Wala pa rin itong suot bukod lang sa kanyang pulang underwear. Nagpapalakpakan at nag-iingay naman ang lahat. Excited sa repeat performance na hinihintay nila mula sa amin. 

"I have the timer here. You can start eating each other whenever you're ready!" Sigaw ng natatawang si Karen. 

Nagharap na kami ni Baste. "Pahiram muna ng kiss mo. I promise, I'll give it back." Bulong nito sa akin. 

Hindi na ako nagkaroon ng chance na i-process ang sinabi niya dahil pagkatapos niya sabihin iyon ay agad na niya akong hinalikan habang hawak ng isa niyang kamay ang aking batok. Kusa nang pumikit ang aking mga mata at bumuka ang aking mga labi. Lumaban ako sa kanyang maalab na mga halik. Naglaplapan lang kami sa gitna na para bang walang ibang taong nakapaligid sa amin. Dinala kami ng aming mga halik sa isang lugar na kami lang dalawa ang naroroon. Katulad kanina ay ipinapasok ko ang aking dila sa kanyang bibig at ginagawa din niya ito sa akin pagkatapos. Patuloy lang kami sa aming paghahalikan. Dila sa dila. Laway sa laway. Mapusok. Mainit. Masarap. 

Naghiwalay lang kami ng marinig naming tapos na ang countdown ng mga nakapalibot sa amin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin dahil sa aming ginawa. Ngunit akala ko ay tapos na pero humabol pa si Baste ng halik. Mariin at mahabang halik lang ang ibinigay niya. Kinagat pa niya ang ibabang labi ko habang lumalayo ang mukha niya sa akin. Masigabong palakpakan ang tinanggap namin. May ibang pumipito pa. "More! More!" Ito ang isinisigaw ng iba. Sana lang hindi kumalat ang mga video ng aming paghahalikan na kinuha ng mga bisita dito. 

Nag umpisa nang maghiwa-hiwalay ulit ang mga bisita. May ilang umupo sa harapan ng yacht pero may iba naman umakyat sa ikatlong palapag malapit sa cockpit kung saan naroroon ang nagcocontrol ng yate. 

"That was hot guys!" Sabi ni Alex sa amin ni Baste habang pumuwesto ito sa gitna namin at umakbay sa amin. 

"I need a drink." Sagot ko dito at naglakad na ako papunta sa bar. Sumunod naman ito sa akin. Naiwan  namin si Alex sinusuot ang kanyang mga damit.

"There's plenty of rooms downstairs if you guys need one." Dagdag pa ni Alex ng marating namin ang bar. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at umorder ako ng inumin para sa aming dalawa.

Lumalalim na ang gabi. Umandar na ulit itong yate para bumalik na ng Manila. 

Lahat ay patuloy pa rin na nagkakasiyahan. Patunay na buhay na buhay pa rin ang party kahit lampas alas dose na ng gabi. Ngayon nga ay kakatapos lang namin magsayaw ng Wobble

Iniwan ko muna sina Alex at Red habang patuloy silang sumasayaw. Nagpunta ako sa restroom na nasa ibabang palapag ng yate. Habang naririto sa banyo ay pinunasan ko na rin ang aking pawisan na katawan at inayos ang sarili. 

Pagbalik ko ng main deck ay dumaan muna ako sa bar para kumuha ng bottled water at pagkatapos ay nagtungo ako sa bandang likuran ng yacht. Nadatnan ko dito si Baste na mag-isang nakaupo sa sofa at nakatingala sa langit. May ibang bisita na nakaupo naman sa kabilang sofa at nagkukuwentuhan ang mga ito.

"Huwag mo isipin yun, mahal ka nun!" Sabi ko dito at umupo ako sa tabi niya. 

Lumingon siya sa akin at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga bituin. "Sana nga." Sambit nito. 

Tahimik lang kaming magkatabi sa sofa. Iniinom ko ang tubig na dala ko. Inalok ko siyang uminom sa bote ng tubig na dala ko pero tumanggi ito. 

"Alam mo nung bata ako, I dreamed to be an astronaut. My parents used to bring me and my sisters to NASA's Kennedy Space Center and spend the entire day there. Kapag may mga shuttle launch, we try to watch it pa ng live." Kwento nito. 

"Did you grow up in the US?" Curious kong tanong sa kanya. Ang alam ko kasi ay nasa America yung space center na binanggit niya. 

"Yes. I was born there. My dad used to be in the US Navy kasi. We moved a lot when I was growing up. Different cities. Different states. Sometimes different countries pa nga eh. Then after college, I moved here and lived with my lola, my Dad's mom." Kwento nito. 

"Do you still live with her?" 

"No. She passed away three years ago." Lumungkot ang boses nito.

"I'm sorry." Tiningnan ko siya pero hindi pa rin niya inaalis ang kanyang mga mata sa mga bituin sa langit.

"It's ok. Thanks! I imagine na isa siya sa mga kumukutitap na bituin ngayon sa langit. Smiling and watching over me. I just hope I make her proud." Uminom siya ng alak na hawak niya. Lola's boy pala ito. Naaalala ko tuloy si Mommy. 

"So, sino kasama mo dito sa Pilipinas?" Tanong ko dito. 

"Ako lang. I live by mnyself. I have a condo sa Makati. My parents and my two sisters are all in the US. May sariling families na rin mga kapatid ko. I'm the youngest by the way. I am not really close to them anymore ever since I moved here. I heard my Dad is coming this month to visit. I am not sure yet if I want to see him. We had a falling out kasi long time ago and that's one of the main reasons why I moved here. To get away from him. From them." Nagulat ako sa pagiging open nitong lalaking katabi ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin ang relasyon at issues niya sa pamilya niya kahit hindi naman niya ako ganun kakilala.

"Sorry. Masyadong heavy. Nasa party pa naman tayo." Sabi nito. 

"No, it's okay. If you need anybody to talk to, let me know. You have my number now." Sagot ko dito.

"Okay. Sabi mo yan ah. I'll hold you to it." Nakangiting sabi niya. "So, aside from being sexy, what do you do for a living?

Napailing at napangiti ako sa tanong niya. "Oh, I am a physical therapist. I work in a hospital in Quezon City." 

"Oh nice! Tamang tama! I need some therapy kasi lately sumasakit likod ko." Sabi niya habang hinawakan niya ang ibabang likuran niya. 

"You know sabi nila ang cause ng back pain ay dahil either sa over sex or under sex. Alin ka dun?" Pagbibiro ko sa kanya. Hindi naman totoo ito.

"Both!" Bigla siyang tumawa ng malakas pagkatapos niyang sumagot. 

Mas bagay sa kanya ang masaya at tumatawa kaysa sa seryoso at namomroblema. 

"Hey! Your fly is open." Sabi ko sa kanya ng mapansin kong nakabukas ang kanyang zipper. 

"Oops. Ang hot mo kasi. Kaya pati zipper ko nahuhulog sa yo." Nakangiting sabi nito. Isinara na niya ang kanyang zipper. 

"Dami mong baon na pick up lines huh? Siguro bentang benta ang mga yan sa mga clients mo no?" Sagot ko sa kanya. 

"No. I don't use pick up lines with them." Sambit nito. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi niya. 

"Oh I see. How did you get into that anyway?" Tanong ko sa kanya. 

"You mean being a stripper and an escort?" Paglilinaw niya. Tumango lang ako. 

"I just started a year ago bilang escort. Aksidente lang. One of my one night stands offered to pay me after we had sex. Of course, hindi ko tinanggap yung binigay niya. Pero one time, I needed extra cash so I tired it. Honestly, I don't do it a lot. Mostly pag may requests or referral lang from friends. Pinipili ko ang mga clients na sasamahan ko." Kwento nito.  

"For being a stripper naman, I've only done it twice. Last time was nung sa birthday party ni Alex. Actually, I am not sure if you know but I wasn't supposed to be the one doing that gig. Pinakiusapan lang ako ni Carlo at the last minute kasi nagkasakit daw yata yung original na magsasayaw dapat." Kwento nito. Kaya siguro late dumating ang mga ito nung birthday party ni Alex. 

"So kung minsan mo lang ginagawa yung pag-eescort at pagsasayaw, why are you doing it? Is it just for the money?" Curious kong tanong dito. 

"Sa totoo lang, yes and no. Hindi naman kasi palaging may client ako sa pagiging interior designer ko so pang-supplement lang yun. Extra income kumbaga. Pero more than the money, I enjoy the thrill. The attention. My clients hire me because they have needs that only me can provide. They're willing to give whatever it takes para ma-satisfy kung ano mang gusto nila. That feeling is kinda addicting. Plus, I used to be anti-social so this made me get out  and socialize with people."Prangkang sabi nito. 

I would have never thought na ang lalaking ito ay isang stripper o escort lalo na kung makita ko ito sa mall, sa daan or sa club. 

"Oh ok. Thats very interesting. How long do you plan to do it?" Tanong ko ulit sa kanya. 

"Not too long. I'm giving myself maybe three to six months na lang. Then I'll stop na." Sagot niya.

"That's good. I mean I'm sure you're good in what you do. But if I were you, try to find another source of income. Yung hindi mo ikakapahamak. Lalo na sa panahon ngayon, ang daming mapagsamantala." 

"Yeah, I realized that. That's why I try to avoid doing it. Maybe, I'll just find something else to do with my life." 

"Like what?" Tanong ko. 

"I don't know yet. Maybe become your husband." Sabi niya tapos bigla siyang tumawa ng malakas. 

"Joke lang. Pero kung gusto mo seryosohin, okay lang din." Tangina nito. Pinagtritripan nga yata ako nito eh.

"Bro, I don't judge you or anything like that. Pero just want to let you know, I am not a relationship-kind-of-guy. I don't do relationships. No boyfriends and most especially, no husbands." Paglilinaw ko dito. 

"Okay." Sabi niya at itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang nagsasabi na suko na siya. 

"This might seem corny but you're making me horny." Pagtatapat nito. Natawa naman ako sa pagiging prangka nitong lalaking ito. 

"So what are you planning to do about that?" Tanong ko dito.

"I don't know. Do you have any room for an extra tongue in your mouth?" Nakangiting sabi nito habang nakatitig sa aking mga labi. 





Itutuloy...

 

No comments:

Post a Comment