Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - CHAPTER 18


PAPI

 

Alas una y media na ng magising ako. Nakatulog pala kami ni Baste pagkatapos naming mag-sex. Pareho kaming walang saplot na nakahiga ngayon dito sa kama at nakadantay sa aking dibdib at harapan ang kanyang kanang braso at hita.

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang braso at hita pero mukhang nagising ito at ibinalik ang mga ito sa ibabaw ng aking katawan.

"Hey, tara na! Bangon na tayo. Nagugutom na ako." Paggising ko rito.

"Hmmm.... mamaya na. Dito na muna tayo. Ako na lang kainin mo." Hirit nito habang nakapikit at hinigpitan pa ang yakap niya sa aking dibdib.

"Wag ka nga! Baka ma-impatso pa ako sa yo." Pag asar ko dito.

"Talaga lang ha! Impatso pala ha! Ha?! Ha?! Ha?!" Bumangon siya at umupo sa harapan ko. Tapos kiniliti niya ako ng matindi sa aking tagiliran at kili-kili. Parang akong uod na inasinan habang tawa ng tawa dahil sa kanyang ginagawa. Hindi ako mapakali sa aking posisyon at pinipilit kong makaalis sa pagkakakulong ko sa ilalim ng kanyang katawan. Pilit ko siyang tinutulak pero dahil sa posisyon namin at dahil nanghihina na ako sa walang humpay na pagtawa, hindi ko siya maialis sa aking ibabaw. Kung hindi ko lang siya boyfriend, baka nasapak ko na siya.

Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa sa pagkiliti niya sa akin. Tuwang tuwa ang kumag sa kanyang pagpapahirap sa akin. Pagkatapos ng ilang minutong pakikipaglaban sa kanyang lakas, nakaalis rin ako sa kanyang ilalim. Sinamantala ko ang pagkakataon at ako naman ang pumatong sa kanya at gumanti sa kanyang pagpapahirap sa akin. Ako naman ang ngayon ang kumikiliti sa kanya. Subalit sa kasamaang palad ay manhid pala at walang kiliti ang lalaking ito sa kanyang tagiliran at kili kili kaya walang epekto ang aking ginagawa. Nag-wrestling na lang kami sa ibabaw ng kama. Paikot ikot. Papalit-palit ng posisyon. Walang gustong magpatalo. Minsan siya sa ibabaw, minsan ako. Ng parehong mapagod ay pareho kaming pumalakda sa kama. Siya ay nakahiga samantalang ako naman ay nakadapa sa kaliwa niya. Pareho kaming hinihingal sa aming kalokohang ginawa. Nanatili kami sa posisyong ito ng ilang minuto para makabawi ng lakas at hangin. 

"Tara na." Pagyaya ko ulit sa kanya habang marahan niyang hinahaplos ang aking ulo.

"Okay, mi amor!" Ginulo niya ang aking kulot na buhok tapos hinalikan niya ang aking mga labi. 

Bumangon na kami pareho. Nagpunta siya sa banyo habang ako ay umubo sa tabi ng kama at kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking suot na shorts kanina. Narinig kong umiihi si Baste sa banyo. Hindi naman kasi niya isinara ang pinto ng banyo eh. Nang makitang walang tumawag o nagtext, ibinaba ko na ito sa kama at pinulot ko ang mga damit namin na nagkalat sa sahig. Basta-basta na lang kasi namin ito itinapon kung saan-saan kanina pagpasok namin dito sa kuwarto noong hinalikan niya ako. Isinuot ko ang aking underwear at ipinatong ko ang aming mga t-shirts at shorts sa ibabaw ng kama na ngayon ay sobrang gulo. Parang may dumaan na tornado ang itsura nito dahil sa pag-wrestling namin kanina. Hinayaan ko na lang ito. Pinulot ko na rin ang nakita kong ginamit naming condom na nasa sahig at itinapon ko ito sa basurahan. 

Inilibot ko ang aking mga mata dito sa suite kung saan kami mag stay for this weekend. Malaki nga ito at maganda ang ambience. Modern ang design. Maaliwalas at relaxing. Beach front ito at matatanaw mula sa kama ang view ng beach. Pagpasok ng kuwarto ay bubungad ang malapad na king size bed na may apat na unan. Bago namin ito ginulo, nababalutan ito ng white bed sheet and comforter. Merong kulay asul na pahabang bed runner sa paanan ng kama. Light gray at tufted ang kulay at disenyo ng headboard ng kama. Sa harap nito ay ang kanilang wide screen LCD TV. Tingin ko ay at least 60 inches ang sukat nito dahil sa laki. Sa kabilang dulo naman ng kuwarto ay may sofa at dalawang accent chairs. Meron ding mini-bar sa harapan nito at may maliit ding refrigerator. Sa tabi ng living room area ay ang sliding door papunta sa private access patungo sa beach. Sa labas ng kuwarto ay mayroong outdoor patio area na may ilang upuan. Sa gilid nito ay may hot tub kung saan pwede kaming mag-relax. Napangiti ako ng makita ito.

Nalaman kong lumabas na pala si Baste ng banyo dahil niyakap niya ako mula sa likod habang ako ay nakatayo sa harapan ng sliding door at tinatanaw ang karagatan. Umikot ako at hinarap ko ang aking boyfriend. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mainit na halik sa labi. Nagyakapan na rin kami habang magkahinang ang aming mga labi. Naramdaman ko ang muling pagkabuhay ng kanyang ari dahil tumutusok ito sa aking harapan. Ang libog talaga ng lalaking ito. Natawa na lang ako sa aking isipan. Humiwalay na ako dahil baka kung saan pa mapunta ito at di na naman namin mapigilan ang mga sarili namin. Nagugutom na talaga ako kaya kailangan na naming kumain. 

"Magbihis ka na. Magbanyo lang ako tapos kain na tayo." Ayaw pa niyang bitawan ang aking kamay pero wala na rin siyang nagawa. Iniwan ko na siya at nagpunta na ako sa banyo dala dala ang aking mga toiletries.

Nagulat ako ng makita ang banyo. Malaki ang size nito. Dalawa ang sink, may walk-in shower na may rain shower head, malaking bath tub sa tabi at malaking jacuzzi sa kabilang gilid. Na-excite ako ng makita ito. Naisip kong gamitin namin ito bago kami umalis. 

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Baste na nakadamit na. Nakaupo siya sa sofa habang nagce-cellphone at inuubos ang tropical pineapple cocktail drink na binigay sa amin kanina ng receptionist pagkatapos namin mag check in bilang kanilang welcome drink. Kinuha ko na ang aking mga damit sa kama at isinuot ang mga ito. Pagkatapos ay niyaya ko na siyang lumabas.

Papunta sa restaurant ng resort ay nadaanan namin ang kanilang malaking infinity pool. Tumigil muna kami sa tapat nito para magpapicture. Naka ilan din kaming selfies at may isang empleyado pa na nag offer na kunan kami ng ilang litrato. Pinilit pa ako ni Baste na mag pose mag isa at kinuhanan niya ko ng ilang shots.

"Ayan meron na akong picture mo. May ipapakita na ako kay Santa Claus kung anong gusto kong regalo this Christmas." Tinitingnan niya ngayon ang mga pictures namin na kinuha kanina.

"Huh?! Boyfriend mo na nga ako di ba?" Nalilito kong tanong sa lalaking nakaupo sa tapat ko ngayon habang hinihintay ang inorder naming pagkain.

"Oo. Pero iba naman ang hihilingin ko eh." Tumingin siya saglit sa akin bago muling itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone.

"Ano bang gusto mong regalo this Christmas?" Curious kong tanong sa kanya.

"Di ko pwede sabihin sa yo, papi. Baka maudlot eh." Parang batang sagot niya.

"Papi?" Nakakunot noo kong tanong.

Natawa siya. "Oo. Iyan na itatawag ko sa 'yo mula ngayon. Ikaw na ang papi ko. At ako naman ang papi mo." Paliwanag nito. Ang corny ha. Parang tuta lang?

"Bakit kailangan may tawagan. Hindi ba pwedeng pangalan na lang natin or simpleng babe na lang o honey?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Nope. The decision is final." Nakangiti siya pero mukhang seryoso siya sa pagtawag ng papi. Hinayaan ko na lang para di na humaba pa ang usapan tungkol dito.

"Whatever! Anyway, about sa regalo mo sa Pasko, I think hindi naman talaga ibibigay sa 'yo yun ni Santa. Alam ko kung bakit?" Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" Tumingin siya sa akin.

"Kasi you've been naughty this year." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umarteng nalungkot ang isip batang boyfriend ko. Nag pout pa ito.  "Bakit ikaw? Wala ka sa naughty list this year? Do you want to, papi?" Nagtaas baba ang kanyang kilay na parang may masamang binabalak.

"Hmmmm... Pag isipan ko." Hinawakan ko ang aking baba na para nga nag iisip ako. Ibinato niya sa aking kanyang napkin. Nagtawanan na lang kami.

Nakita ko sa Instagram ang latest post ni Baste. Picture ito ng magulong kama namin sa kuwarto. Nilagyan niya ito ng caption na "Ebidensiya ng nakalipas." Ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko at ngumiti lang siya sa akin. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang inorder kaming inumin at pagkain. Pinagsaluhan namin ang pork barbeque, sinigang na sugpo at chicken adobo sa dilaw. Habang sarap na sarap kaming kumakain ay pinagplanuhan namin ang mga gagawin namin ngayong araw na ito at bukas.

Nag ikot ikot kami sa resort habang Dala dala namin ang mga fruit shake na inorder namin sa restaurant. Nagpicture picture na rin sa iba't ibang lugar dito sa resort pagkatapos namin kumain. Pati sa harapan ng malaking Christmas tree sa lobby ng resort ay nagpakuha kami ng larawan.

Tulad ng napag-usapan namin kanina, bumalik na kami sa kuwarto para magpalit ng suot at pagkatapos ay nagpunta na kami sa infinity pool para dito muna magrelax at magpalipas ng oras. Nagdala na rin kami ng aming tuwalya. Pinauna na ako ni Baste sa pool at mag oorder daw muna siya ng aming inumin.

Kasalukuyan nang nakalubog ang aking katawan sa pool at nakatanaw sa karagatan ng maramdaman kong nakabalik na si Baste. Nagulat kasi ako ng idikit niya ang malamig na baso ng Bloody Mary na inumin sa aking batok. Ng lingunin ko siya ay mukhang enjoy na enjoy siya sa kanyang ginawa. Humanda ka sa akin kapag gumanti ako. Kinuha ko na lang ang cocktail drink at sinabihan siyang samahan na ako sa pool. Tumalima naman siya. Ibinaba niya ang kanyang rum and coke sa gilid ng pool malapit sa akin at pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang puting t-shirt at ipinatong niya ito sa chaise lounge kung saan naroon ang aking puting polo at ang aming mga cellphone.

"Whew! Ang lamig ng tubig papi!" Reklamo niya habang naglalakad palapit sa akin at nakalubog ang kanyang katawan sa tubig. Natawa na lang ako sa kanyang reaksyon. Malamig naman kasi talaga ang tubig. Kahit ako kanina ay halos ganyan din ang reaksyon. Nakapag-adjust na lang ang katawan ko ngayon.

"Come here. Painitin kita." Mas lumapit siya at niyakap ako. Nagtama ang aming mga mata bago dahan dahang nagdikit ang aming mga labi at pareho kaming pumikit.

Ilang minuto kaming naghalikan. Malalim pero marahan lang ang mga halik na ibinibigay namin sa isa't isa. Wala namang tao sa paligid kaya okay lang. Kaming dalawa lang ang narito ngayon sa infinity pool area. Ang sabi ko ay papainitin ko siya pero bakit parang katawan ko ang umiinit? Potek!

Pareho kaming nakatingin sa malayong karagatan habang nakasandal ako sa gilid ng pool at yakap yakap ko ang katawan ng lalaking nakatayo at nakalikod sa akin ng marinig namin ang mga tawanan ng mga bagong dating na bisita. Naghiwalay ang katawan namin ni Baste at nilingon namin ang mga ito.

"Hello mga kuys! Sorry sa istorbo. Tuloy niyo lang. Sana all!" Bati sa amin ng isa sa mga bagong dating. Kinayawan namin ito. Nag picture picture ang mga ito at tumabi kami sa gilid para di kami masama sa pictures nila. 

Nagbabad pa kami sa pool ng siguro mga quince minutos. Naubos na namin yung mga alak na dala ni Baste kanina. Pag-ahon namin ay tumambay naman kami sa tabi ng pool at umupo sa lounge chair.

"Gaano ka katagal sa Amerika?" Tanong ko kay Baste.

"2 weeks lang papi. Lipad ako on the 22nd tapos balik on Dec 4. Gusto ko na nga i-cancel eh." Saad niya habang pinaglalaruan ang yelo sa loob ng kanyang bibig.

"Bakit naman? Sayang naman yun. Ituloy mo na para makita mo na ulit family mo. Siyanga pala, nagkita na ba kayo ng daddy mo?" Naalala ko ang sinabi niya dati na andito nga pala ang daddy niya.

"Yeah, we met a couple of times na. Sabay na rin kami papunta ng US." Maikling sagot niya.

"Kumusta naman ang pagkikita niyo? So, okay na kayo?" 

"Well, we talked. Humingi siya ng sorry sa mga nagawa niya dati. Pero hindi ko pa alam kung ready na akong patawarin siya eh. Our relationship is too complicated. Di mababago iyon ng isang sorry lang. Time will tell kung ano mangyayari pero ngayon we're civil." Salaysay niya.

"Hopefully, dumating na ang time na magkaayos na kayo. Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Papi, let's not ruin our vacation here with my sad father-and-son relationship. Mag enjoy na lang tayo. Gusto mo mag jet ski? Or mag canoe?" Di na ako nagpumilit. Hintayin ko na lang kapag handa na siyang sabihin sa akin ang problema nilang mag-ama.

"Canoe? Parang ikaw, Americanoe? ...Waley ako dun. Hahaha Anyway, sige. Tara!" Natatawa kong sabi. Tinatawan lang niya rin ako.

Tumayo na kami at nagpunta sa reception desk para mag rent ng canoe. Ini-schedule na rin namin ang mga activities namin para bukas. Ng maayos na ang lahat ay sinamahan kami ng isang staff para kunin ang aming gagamitin na canoe. Dumaan muna kami sa kuwarto para iwanan dito ang aking t-shirt at polo ni Baste, towels namin at pati na rin ang Iphone ni Baste. Phone ko na lang ang dinala namin since may waterproof phone case akong dala. Board shorts, water shoes at sunglasses na lang ang aming suot. 

Pagdating sa baybayin, ibinigay na sa amin ang kulay dilaw na canoe, pati na rin ang dalawang itim na paddles at pulang life jackets. Kahit marunong kaming lumangoy, ipinaliwanag sa amin na kailangan pa rin naming gumamit ng life jacket, hindi lang dahil policy iyon ng resort kundi para na rin sa aming kaligtasan since nasa dagat kami at maraming pwedeng mangyari. Mabuti na ang sigurado at safe. Tama naman. Di pa yata handang ma-biyudo ang kasama ko.

Isang canoe lang aming kinuha para sa aming dalawa at may tig-isa kaming paddle. Bago umupo sa harapan ng canoe ay binigyan pa ako ni Baste ng halik. Ako naman ay pumuwesto sa likuran na upuan.

"Ready ka na?" Tanong ko kay Baste.

"Yes papi!" Sagot niya.

Nag umpisa na kaming mag paddle palayo sa aplaya. Madali naman kaming nakakuha ng tamang ritmo sa pag sagwan. Pareho kasi kaming nakapag canoe na dati kaya medyo alam na namin ang aming gagawin.

Pagkatapos ng ilang minutong pagsagwan ay medyo malayo na rin ang aming naabot. Tumigil muna kami sa pagsagwan at inenjoy ang aming kapaligiran. Malinaw ang asul na tubig na nakapalibot sa amin. May ilang corals at ilang isda ang makikita sa ilalim ng dagat. Nilingon namin ang resort na aming pinanggalingan. Mas marami ng bisita ngayon ang naroon. May ilang nagka canoe at nagkakayak din kaming natatanaw sa di kalayuan. Meron ding dalawang nag jejetski. Medyo buhay ang watersports dito ngayon. Kalmado kasi ang mga alon ngayon kaya ayos mag ganito. Hindi masyado nakakatakot. Tapos hindi pa masakit sa balat ang araw. Halos alas quatro na rin kasi tapos maulap pa kaya di masyado mainit.

Mula sa pagkakaupo ni Baste ay ipinahiga niya ang kanyang katawan. Nakatingin lang siya sa langit at pinagmamasdan ang mga ulap. Umiral ang aming nga imahinasyon at hinulaan ang mga hugis ng mga ito. Ilan sa aming nakita ay ang hugis aso, dolphin, side profile ng mukha ng tao at puso. Yumuko ako sa aking harapan at binigyan ang aking boyfriend na nakahiga ng mainit na halik.

"Pwede bang ganito na lang tayo? Tayong dalawa lang. Masaya lang. Tahimik. Walang nanggugulo. Walang problema." Sambit ni Baste pagkatapos maghiwalay ang aming mga labi.

"I wish. But reality is wala tayong sariling mundo. We exist in the same world where everyone lives in. Kaya at one point in our relationship, we'll have problems. I've seen this too often. Kina Mommy at Daddy. Kay Alex. Kay Caleb. This might be weird to hear this from me pero I'm really hoping na malampasan natin kung ano mang problemang kaharapin natin in the future. When that happens, I'll do my best to be honest with you. I'll do my best to trust you. I'll do my best to always choose you. Sana ganun ka rin." Seryoso kong sabi sa kanya. Hindi naman siguro masamang mangarap na maging successful itong unang committed relationship ko di ba? Hinihimas himas ko ang kanyang mukha at ulo habang magkatama ang aming mga mata.

"Oo naman. We'll go through them together." Tugon ni Baste. "I love you, Papi. Thank you for letting me love you." Dagdag niya. Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Salamat din." Muli ko siyang hinalikan. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang katagang 'I love you'. Bago pa rin para sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya. Ang alam ko lang ay masaya ako na sa kanya ko sinubukan ito. Ang alam ko lang masaya ako ngayon kasama siya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay itinulak niya ako. Pumapasok daw kasi ang balbas ko sa ilong niya. Panira lang ng moment. Nagtawanan na lang kami.

Pagkatapos ng ilang minutong pananatili sa posisyon na ito at pag-enjoy sa katahimikan ng paligid, bumangon na si Baste sa kanyang pagkakahiga at nag-umpisa na kaming muli mag sagwan. Nagpunta kami sa kabilang direksyon at nakita namin ang mga katabing resorts. Tuloy ang aming kwentuhan, tawanan at pagkilala sa isa't isa. Minsan nagbibiruan kami at inaalog alog ang sinasakyan naming canoe para palubugin ito. Pero hindi naman namin tinuloy.

Nag-uumpisa ng mag iba ang kulay ng kalangitan tanda na malapit ng lumubog ang araw. Nag sagwan na kami pabalik sa aming resort.

Napagkasunduan namin na manatili muna sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw pagkababa ng canoe. Umupo kaming magkatabi sa buhangin. Magkadikit ang aming mga katawan at nakahawak ang aking kamay sa kanyang likuran at balakang. Magkahalong kulay orange at yellow na ang kalangitan na nasa harapan namin. Unti-unti nang lumulubog ang araw.

"Alam mo nung nasa bahay ako ni Dad last week and this week, I watched the sunset everyday. I found it relaxing." Kwento ko sa kanya.

"Honestly, I prefer watching sunrises than sunsets. I'm not really into watching the sun go down. Pero ngayong kasama kita ngayon dito, I appreciate it more. It's romantic. Para tuloy gusto kung sabayan ang araw. I'd love to go down on you right now papi." Potek! Tinamaan na naman ng libog ang boyfriend ko. Tinapik ko siya para umayos siya. May mga tao sa paligid namin ngayon.

Tumayo na kami ng tuluyan ng lumubog ang araw. Nag uumpisa ng dumilim ang kapaligiran. Nag iba na rin ang ambience ng paligid ng resort. Somehow, mas naging masigla. Mas marami na kasi ang tao ngayon at nagpapatugtog ng malakas ng musika ang resort. Nakasindin na rin ang mga ilaw sa kapaligiran. Makukulay at naliliwanag ang mga parol na nakasabit sa paligid. Kahit ang malaking infinity pool at naiilawan na rin.

Magkahawak kamay kaming naglakad sa buhangin pabalik sa loob ng resort. Dumiretso kami sa bar sa gilid ng pool para kumuha ng inumin. Pagkatapos ay nagpunta na kami sa aming kuwarto. Sabay naming ibinagsak ang aming mga katawan sa kama. Nag stay kami dito ng ilang minuto. 

Naalala ko ang hot tub sa private patio namin kaya sinabi kong gamitin namin ito para ma-relax ang katawan naming medyo napagod sa pagsagwan kanina. Pinuntahan ko ito at in-on. Sinet ko ang temperature para maging maligamgam ang tubig. Pinaandar ko na rin ang jets at in-adjust ito sa pinakamalakas na setting kaya bumubula-bula na ang tubig dito. Nagpapapalit-palit na rin ang ilaw.

"Papi, naka-set na ang hot tub. Halika na!" Pagtawag ko kay Baste na nasa loob ngayon ng banyo. Di pa rin talaga ako sanay sa tawagan naming 'papi'. Hinubad ko ang aking suot na board shorts at naglakad papunta sa hot tub ng naka hubo't hubad. Bitbit ko ang aking cellphone, tuwalya at vodka tonic. Kumuha na rin ako ng isang pakete ng condom para handa kung saka-sakali man. Umupo ako sa isang sulok ng hot tub at inilagay ang aking inumin sa isang gilid. Ipinatong ko ang condom at cellphone sa ibabaw at tinakpan ito ng tuwalya. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Sobrang nakakarelax. 

Kasalukuyan akong nakapikit at nakadipa ang aking mga braso sa gilid ng hot tub ng dumating si Baste. Umupo ito sa tapat na sulok ko. Tahimik lang kami pareho at ine-enjoy ang nakakarelax na temperatura at pressure ng tubig. Pakiramdam ko ay minamasahe ng tubig ang mga muscles ng aking katawan.

Ng iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos siguro ng lima o sampung minutong pananahimik ay nakita ko ang aking boyfriend na nakapikit rin at mukhang relaxed na relaxed. Marahan ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang kanyang ari at hinimas himas ito. Nagulat pa ito at mabilis na nagmulat ng mata. Ng ma-realize niya na nasa harapan na niya ako ay ngumiti ito at niyakap ako. Muling naglapat ang aming mga labi. Tulad ng temperature ng tubig dito sa hot tub, mainit din ang aming paghahalikan. Mapusok at masarap. Para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Palitan kami ng laway. Espadahan ng mga dila. Ubusan ng hangin sa baga. Sandaling naghiwalay ang aming mga labi para humigop ng hangin pero agad ding naghinang muli. 

"Ahhhhhh" Ungol ni Baste habang dinidilaan ko ang kanyang kaliwang tainga. Nakaipit ang umbok ng kanyang tainga sa pagitan ng aking mga labi at nilalaro ito ng aking dila sa loob. Habang ginagawa ko ito ay hinahalikan niya ang aking kaliwang balikat.

Pumaibaba ang aking pagdila sa gilid ng kanyang leeg at sinipsip ito. Ramdam ko ang paghawak ni Baste sa aking ari na lalong nagpainit sa aking katawan. Pinigilan ko ang aking sarili na hindi siya lagyan ng marka kaya pumababa ako papunta sa kanyang dibdib. Dito ko ibinuhos ang aking gigil. Sinipsip ko ng matindi ang kanyang kaliwang utong. Hinila ko pa ito palayo sa kanyang dibdib gamit ang aking bibig. Kinagat ko ito una gamit lang ang aking mga labi pero napalitan ito ng aking ngipin. Ramdam ko ang paghigpit ng sikil ng kanyang kamay sa aking burat at pagsabunot niya sa aking kulot na buhok tuwing nangigigil ako at idinidiin ko ang aking pagkagat sa kanyang utong. Medyo napapalakas na ang kanyang pag-ungol kaya tinakpan ko ng aking kamay ang kanyang bibig. Walang nakakakita sa amin dahil tago ang pwesto ng hot tub pero pwedeng marinig kami ng ibang tao. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa kanyang utong. Malakas pa rin ang kanyang pag ungol kahit natatakpan na ng aking kamay ang kanyang bibig. 

"Shhhhhhh.. Stay quiet papi. Baka may makarinig sa atin." Pagsuway ko sa kanya. Bumalik ang aking bibig sa kanyang dibdib pero kanang utong naman niya ngayon ang aking pinupuntirya. 

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!" Potek! Pasaway talaga itong lalaking ito. Sinabi nang hinaan ang pag ungol eh. Hinalikan ko siya para huminto ang kanyang pag-iingay. Halos pumutok ang aming mga labi sa tindi ng aming paghahalikan. Sobrang taas na ng level ng aming libido ngayon. Hinihingal kami pareho ng maghiwalay ang aming mga labi. 

"Ang ingay mo! Isubo mo burat ko para tumahimik ka." Utos ko sa kanya ng tumayo ako sa harapan niya.

Nakatingin siya sa akin ng pinaglaruan ng kaniyang dila ang ulo ng aking burat. Iniiikot-ikot niya ang kanyang malikot na dila sa palibot nito, mula sa tuktok hanggang sa ibabang parte ng ulo kung saan ito sensitibo. Tinutusok-tusok din ng dila niya ang hiwa sa gitna nito. Ng magsawa sa pagdila ay isinubo na niya ito ng buo. Ramdam ko ang malalambot niyang mga labi sa palibot ng aking ulo. Hinawakan ko ang likod ng kanyang ulo at idiniin ito para isubo na niya ng tuluyan ang kahabaan ng aking ari. Nakuha naman niya ang aking gustong mangyari. 

Dahan dahan niyang iginalaw pa-abante ang kanyang ulo. Dahan dahan ng nawawala ang aking burat sa aking paningin. Ng tuluyan na niyang maisubo ang kahabaan ng aking kargada, nanatili lang siya at hindi gumagalaw. Minsan ay naduduwal duwal siya pero halatang pilit niyang kinakaya ang pag deep throat sa akin. Hawak ko pa rin ang kanyang ulo at hinayaan siya sa posisyon niya. Ramdam ko ang init ng kanyang bibig na nakapalibot sa aking burat. Idagdag pa ang sensasyon na dulot ng kanyang malikot na dila.

Pagkaraan ng ilang minuto ay iniluwa na niya ang aking ari para humigop ng hangin. Nakayuko lang ako sa kanya habang hinihimas himas ang kanyang ulo. Tumingala siya sa akin at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa at ang kagustuhan na paligayahin ako. Balot ng laway niya ang kanyang baba. Pati na rin ang aking burat ay kumikintab dahil sa laway niya.

"Suck me again please papi." Malambing kong pakiusap habang hinahaplos ang kanyang buhok at pisngi. Pinunasan na rin niya ang kanyang baba gamit ang kanyang kanang kamay. 

Hinawakan ng basa niyang kanang kamay ang kahabaan ng aking kargada. Pagkatapos ay muli na niyang isinubo ito. Kalahati lang nito ang nasa loob ng kanyang bibig habang ang punong kalahati naman ay nababalot ng kanyang palad at mga daliri. Nagtaas baba na ang kanyang ulo.

"Aaaaahhhhhhh.... Ang saraaappp papi!" Ungol ko habang patuloy siya sa pagchupa sa akin. Marahan pero senswal ang pagkapit ng kanyang mga labi sa aking ari. Tumitingin pa siya sa akin na nagpapadagdag sa libog na dinudulot niya. Ang sexy niyang tingnan sa posisyon niya ngayon. 

Nagpatuloy ang kanyang pagchupa sa aking sandata. Puro impit na ungol ang aking ginagawa dahil nga iniiwasan kong marinig kami ng iba. Sinasalubong na rin ng aking balakang ang pag atras abante ng kanyang ulo. Ang kamay naman niya ay humahaplos sa ibat ibang parte ng aking katawan. Minsan sa aking puwet, minsan sa aking mga hita at minsan sa aking dibdib at abs. Nagtagal kami sa posisyon na ito ng humigit kumulang sampong minuto. Todo ang pagsubo niya sa aking burat. Minsan naman ay todo ang pagdila niya sa kahabaan nito pati na rin sa aking mga bayag. Sinasalsal niya rin ito saglit habang nagpapahinga ang kanyang bibig. Pakiramdam ko ay lalabasan na ako sa galing ng kanyang ginagawa. Pinigilan ko ang aking sarili. Hinila ko siya patayo at muli kaming naghalikan. 

Umatras ako papunta sa puwesto ko kanina at muling umupo dito habang magkahinang ang aming mga labi. Umupo siya sa aking mga hita ng nakaharap pa rin sa akin. Patuloy lang kami sa palitan ng laway. Nakahawak siya sa aking pisngi at batok. Ang mga kamay ko naman ay humahaplos sa kanyang likuran pababa sa kanyang puwetan. Hinawakan ko ang magkabila niyang matatambok na puwet at pinisil pisil ang mga ito. Dahil nakalubog ang aming mga katawan sa tubig ay madali kong naipasok ang aking pinaka gitnang daliri sa kanyang butas ng mapadpad dito ang aking kanang kamay. 

"Ooooohhhhhhhh" Di niya mapigilan ang pag-ungol kahit magkadikit ang aming mga labi ng ipinasok ko na rin ang aking hintuturo sa kanyang butas. Ramdam ko ang pagbilis ng kanyang paghinga dahil magkadikit ang aming mga dibdib. Ng medyo nag relax ang kanyang paghinga ng konti ay dinagdagan ko pa ng isa pang daliri ang nakapasok sa kanyang lagusan. Ipinagpatuloy ko lang ang paglabas pasok ng aking mga daliri habang patuloy pa rin ang pag eespadahan ng aming mga dila. 

Kinapa ng kaliwa kong kamay ang tuwalya at kinuha ang pakete na nasa ilalim nito. 

"Papi, pasukin na kita." Puno ng libog kong sambit sa aking boyfriend. Tumango naman ito habang nakatitig sa akin. Medyo umurong siya palayo sa akin. Binuksan ko ang pakete ng condom gamit ang aking ngipin at pagkatapos ay ibinalot na ito sa aking sobrang tigas ng ari. 

"Ahhhhh... Shiiiitttt!!!" Anas niya habang dahan dahang inuupuan ang naghuhumindig kong sandata. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagumpisa na siyang magtaas baba. Dahil sa sobrang libog ay hindi ko na napigilang salubungin ang kanyang pag indayog sa aking harapan. Ng maramdaman niya ang aking paggalaw ay huminto siya sa isang pwesto. Ako ngayon ang malayang kumakadyot sa kanyang lagusan. Sobrang init at sarap ng aking nararamdaman. Marahil dahil sa temperatura ng tubig o dahil sa aming ginagawa pero parang sinisilaban sa init ang aking katawan. Di ko na maiwasang mapaungol pero pinipilit kong hinaan lang ang mga ito. Subalit salungat naman ang ginagawang pagungol ni Baste. Minsan ay napapalakas ang kanyang ingay na para bang wala siyang pakialam kung marinig kami ng iba. Tinakpan kong muli ang kanyang bibig gamit ang aking kamay pero imbes na hayaan lang ang palad ko sa tapat ng kanyang bibig, isinubo niya ang aking hinlalaki at sinupsup supsup niya ito. Napangiti ako sa kanyang ginawa at mas binilisan ang aking pagkadyot. At least hindi siya gumagawa ng ingay.

Ng medyo mapagod ay huminto ako at muli kaming naghalikan ng matindi. Pinatayo ko sya para makatayo rin ako. 

"Tuwad ka lang jan papi." Utos ko sa kanya na kanya namang sinunod. Humawak siya sa gilid ng hot tub para suportahan ang katawan. 

Pumuwesto ako sa kanyang likuran at muli kong ipinasok ang matigas kong burat sa kanyang butas. Ibinaon ko ng todo todo ang aking sandata sa kanyang lagusan. Ramdam ko ang kanyang pag muscle control kaya parang pinipiga ang aking burat habang ito ay nasa kalooban niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balakang at inumpisahan ko ng mag atras abante. 

"Ahhhhhhh...fuckkk!!!" Ungol niya tuwing huhugutin ko ang aking burat at pagkatapos ay ibabaon ulit ito ng todo sa loob niya. Ilang beses ko itong paulit ulit na ginawa. 

Hinila ko ang kanyang buhok at ipinihit ang kanyang ulo para lumingon sa akin. Yumuko ako at hinalikan ko siya habang patuloy pa rin ako sa pagbarurot sa kanyang hiyas. Pagkatapos naming maghalikan ay hinalik halikan at kinagat kagat ko ang kanyang balikat at batok. Napansin ko na hawak hawak na rin niya ang kanyang ari at jinajakol niya ito. Patuloy namin itong ginagawa hanggang maramdaman naming sasabog na kami. 

"I'm cumming papi." Sabi ni Baste. 

"Me too. Sabay tayo papi." Tugon ko sa kanya. Mas binilisan ko ang marahas kong pagkadyot sa kanya. 

Lumipas ang ilang minuto ay pareho at sabay kaming napasigaw ng "Aaaahhhhhhh". Ramdam ko ang pagkibot kibot ng muscles niya sa loob ng kanyang butas na pumiga piga sa kahabaan ng aking burat. Tanda ito na nilabasan na siya. Ipinutok ko rin ang aking tamod sa loob niya. Pareho kaming hingal na hingal at pawis na pawis pagkatapos.

Hinugot ko na ang aking ari at hinubad ang condom mula rito. Kita ko pa ang napakaraming tamod sa loob nito. Umupo ako at sumandal sa gilid ng hot tub. Umupo naman si Baste sa harapan ko at isinandal niya ang kanyang likod sa aking nagtataas babang dibdib. Kinuha niya ang hawak kong condom at nakita kong piniga niya ang condom para ilabas ang mainit na tamod na nasa loob nito. Pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa. Sinalo ng kanyang palad ang lahat ng tamod. Medyo umapaw pa ito sa sobrang dami. Kaso, nagulat na lang ako ng inilapit niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at kinain lahat ang aking inilabas na tamod. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Ng maubos na ang tumatagas na tamod sa kanyang palad ay dinila-dilaan pa niya ito para simutin. Potek! Ang hayok at libog talaga ng boyfriend ko.

Subalit hindi pa pala natatapos doon ang sorpresa. Lumingon siya sa akin at hinalikan niya ako. Iiwas sana ako pero huli na ang lahat. Magkalapat na ang aming mga nakabukang labi. Hindi ko alam kong nilunok niya lahat ng tamod ko pero nalasahan ko ito. First time ko itong gawin. Dati rati ay tamod ng iba ang tinitikman ko pero ngayon sa unang pagkakataon na natikman ko ang aking sariling tamod. Pareho lang naman ng lasa kumpara sa iba pero parang mas masarap at matamis ang sa akin. Ang yabang ko lang. Love your own kumbaga. Hahaha 

Pagkatapos maghalikan ay sumandal na ulit siya sa aking dibdib. Alam kong pareho kaming napagod sa aming ginawa. Kaya sobrang nakakatulong ang init at pressure ng tubig dito sa hot tub para mapa relax ang aming mga muscles. Lahat ng muscles.

"I love you papi. Thank you! You're the best!" Sabi ni Baste habang hawak niya ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya. 

"Thank you din. I like you." Dinampian ng aking mga labi ang kanyang kanang pisngi. Nanatili lang kaming nakaupo at nagpapahinga sa posisyon na ito. 

"Mamimiss mo ba ako pag umalis ako?" Tanong niya. 

"Hmmm... let's see." Pinalo niya ang aking bisig ng sabihin ko ito. "Oo naman. Siyempre mamimiss kita. Ilang linggo ka ring mawawala. Kawawa naman si Junjun." Natatawa kong sabi at hinigpitan ko ang aking yakap sa kanya. "Siyanga pala, ako na maghahatid sa 'yo sa airport ha." Dagdag ko pa. 

"Okay, sige. Basta promise mo mag-behave ka pag umalis ako ha. Selfish pa naman ako. Ayoko ng may kahati ako sa papi ko." Bilin niya.

"Possessive ka pala." Nakangiti kong sagot.

"Yup. Possessive and protective ako sa mga taong mahal ko." Proud na sabi ng boyfriend ko.

"Awwww... Wag kang mag-alala. Stick to one naman ako eh."

"Yun nga ipinag-aalala ko eh. Stick to one ka... Stick to one hundred!" Natatawa niyang sambit. Ganun pala ha. Tingnan natin. 

"Ah ganun?! Okay." Pagsusungit ko. Kinuha ko ang aking cellphone at kunwari ay may tinatawagan ako. 

"Papi! Sino yang tinatawagan mo?" Hindi ko na siya pinansin.

"Hello bro! Kumusta? Pwede ka ba sa 22nd?..." Pagkukunwari kong may kausap sa kabilang linya. 

"Papi! Pansinin mo ako. Sino yang kausap mo?" Hindi ko pa rin siya pinapansin.

".... Oo, sa bahay. Punta ka sa 22nd. Ok, sige bro. Bye" Tumayo na siya at inagaw sa akin ang cellphone ko.

"Sino yung kausap mo?" Inulit niya ang tanong niya kanina. Binuksan niya ang Recent call list sa phone ko at wala siyang nakita. 

"Wala. Tinawagan ko lang yung isa sa 99 ko pang boyfriends na sinasabi mo para sabihan siya na libre ako sa 22nd. Yun ang araw ng alis mo di ba?" Di naman ito totoo. Inaasar ko lang talaga siya. Mukha namang effective.

"Fuck you!" Ibinato niya sa akin ang cellphone ko. Buti na lang nasalo ko ito at hindi nahulog sa hot tub. Kung nagkataon, nalintikan na. Lumipat siya ng puwesto at nakahalukipkip sa dibdib niya ang kanyang mga braso at bisig. Hinayaan ko lang siya at pinapanood ang reaksyon niya. 

"Joke lang. Wala akong kausap. May nakita ka ba sa phone ko? Wala di ba? Inaasar lang kita since sabi mo stick to one hundred ako." Paliwanag ko sa kanya. Tahimik lang siya at masama ang tingin sa akin. 

"Prank lang yun. Wag ka ng magalit. Ikaw lang naman ang boyfriend ko eh. You're my one and only. At promise, I'll behave pag alis mo." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. 

"Scam ko rin eh no?" Hinagisan niya ako ng tubig. 

"Halika na. Wag ka na magtampo." Lumapit naman siya pabalik sa akin at niyakap ko siya. Narinig ko ang pagkulo ng sikmura niya habang magkayakap kami. 

"Mukhang gutom na papi ko. Tara na. Let's clean up and have some dinner." Tumayo na kami at umahon sa hot tub. In-off ko na rin ito. Kinuha na namin ang towel na dala ko kanina at pinunasan bahagya ang aming katawan. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at pumasok na kami sa loob ng kuwarto. 

Nag-shower lang kami saglit bago naghanda for tonight. Nagsuot lang ako ng asul na t-shirt at itim na jeans samantalang si Baste naman ay nagsuot ng pulang polo at maong pants. Naglagay na rin kami ng pabango. 

Dumiretso na kami sa restaurant ng resort at nag order ng pagkain. Inikot ko ang aking paningin at pansin kong mas marami na ang tao ngayon dito. May magkakapamilya. May magkakabarkada. Meron din magkakarelasyon. Pinagsaluhan namin ang inorder naming pork sisig at beef bulalo. Nag-order din kami ng beer para pang partner sa dinner namin. 

"Kumusta mom mo?" Wala pa siyang nababanggit tungkol sa kanyang ina.

"She's doing ok. I heard na-ospital siya a few months back dahil sa heart problems niya pero ok naman na siya ngayon. She lives with my dad since yung dalawa kong ate ay pareho ng may asawa't anak." Kwento niya. "

Ah ganon ba. Pilipino din siya gaya ng Dad mo?" Tanong ko kay Baste habang itinataktak niya ang buto ng baka para makuha ang bone marrow sa loob nito.

"No. She is technically American. She was born in the US although both of her parents are from Puerto Rico." Paliwanag niya. Pareho palang iba ang lahi ng mga mommy namin. American/Puerto Rican ang mom niya samantalang Brazilian naman ang sa akin.

"Kaya pala may Latino features ka. So, kaya ba 'Papi' ang tawagan natin? Dahil sa Puerto Rican heritage mo?" 

"Kinda. Cute naman di ba?  Ayaw mo ba? Kung ayaw mo pwede naman nating baguhin." Sambit niya. Akala ko ba the decision is final. Bakit ngayon ay open na siya para baguhin ito?

"No. It's ok. It's kinda growing on me." Kinindatan ko siya. Ngumiti lang siya. Ipinagpatuloy na namin ang aming dinner.

"Sir, may fire show po mamayang alas nueve sa tabi ng beach. Nood po kayo." Sabi ng waiter namin ng bayaran namin ang bill. 

"Sure. We'll be there." Saad ni Baste bago kami lumabas ng restaurant. 

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bar ni Baste. Kanta ni Jason Derulo na Savage Love ang ngayong malakas na naririnig sa buong resort. 

🎶 Savage love
Did somebody, did somebody
Break your heart?
Lookin' like an angel
But your savage love
When you kiss me
I know you don't give two fucks
But I still want that

Your savage love
Your savage love-love-love
Your savage love-love-love
You could use me
'Cause I still want that (Your savage) 
🎶

Biglang tumayo ang katabi ko at biglang iginalaw ang kanyang kanang kamay habang nakaharap sa akin. Kasabay ng melody ng kanta, nakangiti niyang hinawakan ng kanyang kamay ang kaliwa niyang balikat, tapos hinawakan niya ang kanang balikat then itinaas ang kamay sa ere. Tulad ito ng dance step na napapanood sa Tiktok. 

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinilit niya akong tumayo rin para sabayan siya sa pagsayaw. Ayaw ko sana kaso mapilit siya kaya pinagbigyan ko na. Sabay naming ginawa ang dance steps ng kanta. Kulang na lang i-record namin ang aming paggiling tapos i-post online. Iniisip siguro ng ibang nakakita sa amin na sobrang weird namin. Pagkatapos ng nakakahiyang impromptu performance namin ni Baste, hiyang hiya akong bumalik sa pagkakaupo at tinungga ang martini na nasa harapan ko. May ilang nagpalakpakan sa kabilang dulo ng swimming pool area. Kinayawan pa sila ni Mr. Congeniality kong boyfriend at nag-bow pa ang lintek. 

Nagpaalam si Baste na magbabanyo muna kaya naiwan akong mag isa sa bar. 

"Can I order you another drink?" Tanong ng lalaking tumabi sa akin pagkatapos kong maubos ang aking inumin. Nilingon ko siya at nagulat na makita ang pamilyar niyang mukha dito. 




Itutuloy...

 

1 comment:

  1. Ano kaya mangyayari sa kanila if malaman nila na anak ni Martin si Baste?

    ReplyDelete