Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - CHAPTER 15


EMERGENCY

 

"So ano balak mo sa birthday mo?" Pag-usisa ko sa katabi ko.

"Wala. Dalawin ko lang si Lola sa Friday. Uhmm... may gagawin ka ba this weekend?" Tanong ni Baste habang nakaunan sa aking braso at nakayakap sa aking dibdib. Nakadantay ang kanyang binti sa aking hita habang nilalaro laro niya ang buhok sa aking dibdib.

Kakatapos lang namin mag-sex. Naka-dalawang round na naman kami after mag-dinner. 

"Punta kami sa club ni Alex Friday night. Sama ka! Dun na rin natin i-celebrate birthday mo. Tapos this weekend, wala pa akong plano. Why, kelangan mo ng kasama? Samahan kita." Alok ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga glow-in-the-dark na buwan at mga bituin na nakadikit sa kanyang kisame.

"Okay. Sige. What time kayo mag-meet? Try ko sumunod." Sabi niya.

"11 P.M. pa pero pwede tayo magdinner bago pumunta dun." Sagot ko.

"Ok. Sige. Sana matapos meeting ko ng maaga. I-text kita." Aniya.

Nanatili pa kami sa posisyon na ito ng ilang minuto bago ako bumangon na para magbihis. Alas diez y media na ng gabi kaya kelangan ko ng umuwi. Kanina pa ako rito. Dumiretso na ako rito pagkagaling sa trabaho. 

Nagpunta ako sa banyo para magbihis at pagkatapos ay pinulot ang aking mga damit na nakakalat sa sahig sa sala ng condo niya. 

Bumangon na rin si Baste at hindi na siya nag-abalang magdamit kahit underwear.

"Una na ako. Medyo late na eh." Paalam ko sa kanya pagkatapos ko magbihis at isuot ang aking mga sapatos. Naglakad na ako papunta sa pinto. 

"Okay. Ingat ka sa pag-uwi." Binigyan pa niya ako ng mariin na halik sa labi bago ako umalis. 

Pagdating ko sa parking lot ay napansin ko ang papel na nakalagay sa windshield ng aking kotse. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat dito.

For your safety, layuan mo si Baste. 

Lumingon-lingon ako pero wala akong nakitang ibang tao. Pumasok na ako sa aking kotse at umalis na. 

"I hope naka-uwi ka ng maayos. I had fun again tonight, as always." Mensahe ni Baste habang nakahiga ako sa kama at hinahaplos ang balahibo ni Bangky na nasa tabi ko. 

"Yup. Same here. Good night." Sagot ko. 

"Good night. See you in my dreams!" Text niya. 

Di kalaunan ay nakatulog na rin ako. 

Muli na namang magkahinang ang mga labi namin ni Baste. Nag-eespadahan ang aming mga dila. Nagpapalitan ng laway. Nakahiga kami sa kama niya. 

Pareho na kaming walang saplot sa katawan. Habang naghahalikan ay humahaplos ang aking mga kamay sa kanyang ulo at likod. Ganoon din ang ginagawa ng kanyang mga kamay. Ginugulo niya ang aking kulot na buhok. 

Naghiwalay ang aming labi at nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko maiwasang i-appreciate ang kanyang mukha. Ang kanyang magagandang mga mata na ngayon ay puno ng libog. Ang kanyang mga labi na mapupula. Ang kanyang mukha na maaliwalas. 

Hinaplos ng aking mga kamay ang kanyang mukha mula sa kanyang labi, papunta sa kanyang pisngi at mga maya. Hinawi ko ang kanyang buhok. 

Hinila ko ang kanyang mukha at muli itong inilapit sa akin. Muling naglapat ang aming mga labi. Kusang bumuka ang aming mga bibig at marubdob kaming naghalikan. Ilang minuto ring patuloy na pinagsaluhan namin ang aming mga mainit na halik. Naghiwalay lang kami ng pakiramdam namin ay naubusan na kami ng hangin sa aming mga baga. 

Dito ko na-realize na hindi nga pala kami nag-iisa. May kasama kami rito sa kanyang kuwarto. 

Kasalukuyan nitong subo ang aking sandata. Itinataas baba niya ang kanyang ulo habang sinasakal ng kanyang bibig ang aking matigas at matabang burat. Pilit niya itong sinubo hanggang sa pinakapuno nito pero naduduwal siya ng gawin ito. Iniluwa niya ito at tumingala sa akin. Nagtama ang aming mga paningin. 

Ngumisi ang lalaking ito sa akin ng nakakaloko. Noon ko napagtanto kung sino ang tsumutsupa sa akin. Si Eric, ang ex ni Baste!

Tangina! Paano kami napunta sa sitwasyong ito? Ito ang tanong sa aking isipan ng magising ako sa aking panaginip. 

Bumangon ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Napatingin ako sa orasan at alas quatro quinse palang pala ng umaga. 

Naglakad ako palabas sa likod bahay dahil hindi na ako makatulog. Umupo ako sa sa sahig sa tabi ng pool at inilubog ang aking mga paa at binti sa malamig na tubig. Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa sahig. Iginalaw galaw ko ang aking mga binti at pinaglaruan ang tubig. Hindi pa rin ako makapaniwalang napanaginipan ko si Baste at ang ex niya. 

Napatingala ako at madilim pa rin ang kalangitan. Madami pa rin ang mga tala at kapansin-pansin ang crescent moon sa kalayuan. Muli ko na naman naalala ang lalaking aking napanaginipan kanina dahil mahilig iyon sa mga ito. 

Mula noong Lunes, tatlong araw na sunod sunod kaming magkasama after ng trabaho ko at laging humahantong ang aming pagkikita sa sex. Pakiramdam ko may kakaiba sa kanya. Oo nga, guwapo ito at malinis sa katawan. Mabait at maayos makisama. Confident at friendly. Masarap magluto at maasikaso. Tapos compatible pa kami sa kama. Siguro kung naging si Alex ako, malamang naging kami na. Mukha naman kasing hindi siya mahirap mahalin. 

Bumalik na ako sa loob ng bahay. Hindi pa rin ako inaantok pero humiga na lang ulit ako sa aking kama. Tulog na tulog si Bangky sa aking tabi at naghihilik pa ito. Kinuha ko ang aking cellphone sa side table at nag-scroll na lang ako sa aking mga social media accounts. Tiningnan ko ang Instagram account ni Baste at nakita ang picture ng aking mga sapatos nung hinubad ko ito kagabi sa kanyang condo. May caption itong "Can I tie your shoes? Because I don't want you falling for anyone else." 

Napangiti ako ng mabasa ko ito. Siya na yata ang hari ng mga pick up lines. Hindi ko sinasadya pero napusuan ko ang picture niya na ito. Fuck! 

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil sa pagdila ni Bangky sa aking mukha. Potek! Tinanghali ako ng gising! Late na ako sa trabaho! Tinext ko na lang aking boss na male-late ako sa pagpasok. 

Mabilis naman natapos at lumipas ang mga oras at araw. Sabado na ngayon. October 31. 

"Happy birthday!" Bati ko kay Baste with balloons effect sa mensahe.

"Thank you!" Pasasalamat niya. 

"I'll see you tonight?" Tanong ko sa kanya. 

"Sige. Saan tayo meet at what time?" Sagot niya.

"Kita tayo ng 7pm sa Mireio restaurant diyan sa Makati." Sabi ko.

"Okay. I know where it is. I'll be there. See you tonight."

Maaga ko natapos ang aking trabaho kaya nagpaalam ako sa aking boss na uuwi ako ng maaga. Medyo masakit ang aking tiyan at balak ko na ring dumaan sa mall para bumili ng regalo para kay Baste. 

Subalit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko sa parking lot. Flat ang lahat ng gulong ng aking kotse. Mukhang may bumutas dito. "Fuck!" Nanggagalaiti kong sabi. Lumingon lingon ako sa paligid pero walang tao. 

Kinausap ko ang guwardiya pero wala raw silang napansin. Wala ring CCTV sa area kung saan ako nangpark. Tangina talaga! Wala na akong magagawa. Tinawagan ko na lang aking kaibigan na may talyer para humingi ng tulong para maayos ang aking kotse. Pumayag naman silang pick-upin ito para dalhin sa kanilang talyer. Hinintay ko na lang sila dumating at umupo sa loob ng aking kotse. 

"I'm sorry pero male-late ako sa reservation natin. May konting emergency lang." Tumawag siya ilang segundo pagkatapos kong ipadala ang aking text message. 

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Bungad sa akin ng birthday boy. 

"Ayos lang. May nag-trip lang na butasin ang mga gulong ko. Okay lang ako." Sabi ko kay Baste.

"What?!?! Kailangan mo ng tulong? Do you need a ride?" Mukhang mas stressed pa siya kaysa sa akin. 

"I got it covered. Relax ka lang. May magpi-pick up na sa kotse ko. Mag-Grab na lang ako pauwi at papunta sa restaurant mamaya." Sagot ko. 

"No. Sunduin na kita diyan at ihatid na kita sa bahay mo tapos para sabay na rin tayo pumunta sa restraurant mamaya." Aniya.

"Sure ka ba? Kaya ko naman mag-Grab na lang." 

"Sure na sure. I'll be there in maybe 30-45 minutes. Magbihis lang ako."

"OK. Text me na lang pag malapit ka na. Meet na lang ulit kita sa lobby. Ingat ka." Nagpaalam na kami. 

Nanatili na lang ako sa loob ng kotse habang hinihintay ang mga susundo ng aking sasakyan. Tinawagan ko na rin si Dad at sinabing nakabili na ako ng plane tickets namin papuntang America. Pati ang restaurant na pupuntahan namin ay tinawagan ko na rin para i-adjust ang aking reservation.

Kasalukuyang inilalagay sa truck ang aking kotse ng mag-text si Baste na twenty minutes away pa raw siya. Pumasok na lang ako sa lobby ng ospital para dito tumambay after makuha ang kotse ko. Nakipagkwentuhan na lang ako sa mga receptionist na naka-duty today para i-distract ang sarili sa kamalasang nangyari sa akin kanina. Di kalaunan ay dumating na rin si Baste at hinatid na niya ako sa bahay. Naamoy ko na naman ang kanyang pabango ng sumakay ako sa kanyang kotse. 

"Pasok ka. Do you want anything? Wine? Beer?" Alok ko sa kanya. Sinalubong kami ni Bangky. 

"Sige, wine na lang." Sumunod siya sa akin sa kusina. "Nice place. Sino nag-decorate nitong bahay mo?" 

"I forgot her name pero ka-partner siya ng architect na gumawa nito." Sagot ko. 

One-story ang bahay ko at may tatlo itong kuwarto. Pagpasok sa main door ay bubungad agad ang aking sunken living room. Ni-request ko ito sa architect nung ginawa ang bahay na ito. Nagandahan kasi ako sa concept na ito ng makita ko minsan ang ganito sa isang magazine. Nag-consult din kami ng feng shui expert para masiguradong hindi mabawasan ang swerte na papasok sa bahay ko. Sabi kasi ng iba ay kapag may mababang parte ang bahay tulad nga ng sunken living room o kaya ng pool, ay hindi raw maganda sa energy ng bahay. Dito sa living room ay may isang mahabang couch at dalawang love seats. Sa harap ng couch ay nakakabit ang isang 65" flat screen TV. 

Kasunod ng living room ay ang kitchen area na may puting marble countertop at puti ring cabinets. Katabi naman nito ang aking dining room na may mahabang dining table na good for 8 people. Merong isang powder room o maliit na banyo sa gilid nito. 

Sa pagitan ng dining area at master bedroom ay may another seating area. Madalas ako dito tumatambay dahil kita rito ang view ng aking swimming pool. Narito ang sliding door na daanan papunta sa backyard kung saan may gazebo at shower area sa isang gilid at mahabang swimming pool sa majority ng area na ito. 

Lahat ng kuwarto ay nakahilera sa isang side ng bahay. Isa ay ang master's bedroom na may sariling bathroom tapos guest bedrooms naman ang alawa. Actually, ginagamit kong storage room ang isang kuwarto. Nakakabit o may daanan ang mga ito papunta sa isang "jack-and-jill type" na banyo.

"Shower lang ako. Feel at home ka lang. I'll be back." Sabi ko kay Baste na ngayon ay nakaupo sa sofa sa living room. Binuksan ko ang TV para may mapanood ito habang hinihintay ako matapos. Napansin kong inaamoy amoy pa ni Bangky ang paa at binti ni Baste.

Alas siyete y media na ng matapos akong mag-ayos. Nagsuot lang ako ng black long sleeve shirt, dark blue jeans at black suede chukka shoes. Nadatnan ko si Baste na nanonood ng show sa HGTV channel habang katabi si Bangky sa sofa. Mukhang magkasundo ang dalawa. Nakasuot ito ng dark blue long-sleeves shirt na may maliliit na bulaklak ang design at nakatupi ang manggas hanggang sa kanyang siko, black jeans at black loafers. Napansin ko na parehong nakabukas ang tatlong butones ng aming shirt.

"Sorry, medyo natagalan. Gusto mo pa ng wine?" Pansin kong wala ng laman ang kanyang wine glass.

"Nilalasing mo ba ako? Sabi nila kapag may alak, may balak." Tumatawa siya habang nakatingin sa akin. "Lambing ng pusa mo ha. Crush yata ako." Dagdag niya.

Natawa ako sa sinabi niya. Likas namang malambing ito. "His name is Bangky. Anyway, ready na ako. Tayo na!" Pagyaya ko sa kanya.

"Sinasagot mo na ko? Sige! Tayo na!" Pansin ko iba ang ibig sabihin niya. 

"I meant tara na! Halika na!" Paglilinaw ko. 

"Halikan agad? Sige. Ready na ako." Pumikit ito at inginuso ang kanyang mga labi. Kumuha ako ng throw pillow at literal na naging throw pillow ito ng ibinato ko sa mukha niya habang nakapikit pa rin ito. Umarte siya ng nasaktan pero hindi ko na pinansin. Nagpunta na ako sa kusina para magsalin ng wine para sa akin. Sumunod pala ang loko sa akin at humingi rin ng alak. Sinalinan ko naman ang kanyang wine glass. 

"Pasensya ka na. Wala akong regalo sa iyo. Dadaan sana ako ng mall after work para bumili kaso nabulilyaso ang plano ko dahil sa kotse ko." Paliwanag ko sa kanya. 

"Baliw! Ayos lang. Hindi mo naman ako kailangang regaluhan. Ikaw lang sapat na. Pero kung mapilit ka, kahit kiss sabay hug na lang." Nakangisi niyang sabi. Potek! Mukhang kiss ang lalaking ito. 

"Mamaya na." Isinalin ko na lahat ng wine sa aking baso. Inilagay ko na rin ang bote sa basurahan pagkatapos. 

"Ano nga pala nangyari sa kotse mo?" Pag-usisa niya. 

"May nag-trip na bumutas ng lahat ng gulong ko. Kaya pagdating ko sa kotse ko sa parking lot kanina ay flat na lahat. Wala naman nakita ang guard namin sa ospital." Kwento ko sa kanya. 

"Ah.. Ganun ba? Dami talagang gago sa panahon ngayon. Buti na lang di ka napahamak." Wika ni Baste bago uminom ng wine niya. 

Inubos na namin ang aming mga inumin at umalis na para mag-dinner. Si Baste na ang nag-drive papunta sa restaurant sa Makati kung saan nagpa-reserve ako ng table para sa amin. French continental ang theme ng restaurant na ito.

"Bonsoir messieurs!" Bati ng may edad na lalaki sa amin. 

"Bonsoir! We have a reservation for two under Theo Olivarez." Tiningnan niya ang tablet na nasa harapan niya at kinumpirma ang aming reservation.

"Are we celebrating anything tonight?" Tanong ng host sa amin. 

"Yes. It's his birthday." Sagot ko sa kanya habang tinuro si Baste.

"Very well. Happy birthday sir. Please follow me." Sinundan namin ang lalaki at dinala niya kami sa aming table. 

"Enjoy your dinner gentlemen." Sabi ng host bago ito bumalik sa puwesto niya.

"Ang sosyal naman dito. Ako, sa karinderiya lang kita dinala. Ikaw naman sa fine dining! Ibang level!" Sambit ni Baste pagkatapos namin umupo. 

Nasa tabi kami ng glass wall kaya kita namin mula sa aming puwesto ang mga nagtataasang buildings sa Makati Business District. 

"Iba naman yun. At saka birthday mo ngayon eh. Kaya kelangan special." Sagot ko rito. 

"Special ako para sa yo?" Tanong niya. 

Dumating na ang aming waiter kaya hindi ko na sinagot ang tanong niya. Kinuha niya ang order naming appetizers. Nag-order din kami ng isang bote ng Pinot Noir. Nagdagdag pa ako ng Bacardi and coke. Dahil hindi ako magda-drive kaya malakas ang loob kong uminom ng alak. Minsan lang mangyari ito kaya susulitin ko na. 

"I-spell mo nga yung inorder mong appetizer." Panghahamon niya sa akin. 

"Binasa ko ito sa kanya. Foie Gras and Chocolat Terrine... Capital F-o-... uhmmm... Palitan ko na lang pala yung order ko. Salad na lang." Sabay kaming nagtawanan. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ang aming waiter dala-dala ang mga inumin na inorder namin. Kinuha na rin niya ang aming order para sa main course.

"Saan ka mag-Pasko at Bagong taon? Punta kami ni Dad sa kapatid niya sa Miami bago mag-Pasko tapos balik kami rito after New Year." Sabi ko sa katapat ko.

"Oh really? I am not sure yet. Baka dito lang. I might go to the US for Thanksgiving. Tumawag kasi si Ate kanina, pinapauwi ako. Tapos hindi ko pa alam kung kelan balik ko. Baka early December na." Kwento ng birthday boy.

"That's good. Family reunion since tagal mo na rin silang hindi nakikita. Baka maayos niyo na yung issues niyo." Sagot ko sa kanya. 

"I doubt it. Di ko alam kung andun si Dad pagpunta ko. Sabi kasi ni Ate, andito na siya ngayon sa Pinas." Saad ni Baste. 

"Wala kang balak kitain Daddy mo habang nandito siya sa Pinas?" Pag-usisa ko sa kanya. 

"Nope! Tsaka hindi naman niya ako kinokontak pa." Aniya. 

Natigil ang usapan namin ng dumating na ang aming main course meals. Tahimik naming kinain ang mga ito. Dahil siguro gutom na kami pareho. Lobster and Asparagus Penne Pasta ang inorder ko samantalang Pan-seared Beef Tenderloin naman ang kay Baste. 

"Dinalaw ko nga pala si Lola kanina. Yayayain sana kita kaso alam kong may pasok ka. Daming tao sa sementeryo. Grabe!" Kwento ni Baste pagkatapos nguyain ang kanyang inorder na karne. 

"Balik na lang tayo sa ibang araw." Sabi ko sa kanya.

"Sige."

Nagpatuloy kami sa pagkwentuhan habang kinakain ang aming dinner. Di katagalan ay natapos din namin ito. Halos ubos na rin namin ang bote ng wine. 

"Would you like any dessert? How about more wine?" Tanong ng waiter sa amin. Ibinigay niya sa aming dessert menu. 

"Ano gusto mo?" Tanong ko sa may kaarawan.

"Siguro yung Tarte Chocolat Praline na lang. Share na lang tayo. Medyo busog na ako eh." Sabi niya.

"Okay. Isa noon please. And okay na kami sa wine. Thank you!" Sabi ko sa aming waiter. 

Nag-ring ang aking telepono ilang minuto pagkaalis ng waiter. 

[Bestie, what time kayo darating dito sa club?] 

Tumingin ako sa aking relo at nakitang halos alas diez na pala. 

"Alas onse siguro. Nariyan na ba si Caleb?" Tanong ko sa kanya. 

[Oo. Kaya hurry up and let's start the party.]

Dumating na ang inorder na dessert ni Baste. Meron itong kandila at may nakasulat na 'Happy birthday' gamit ang syrup sa plato nito. That's nice.

"Make a wish!" Sambit ko kay Baste.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago hinipan ang kandila. 

"What did you wish for?" Pag-usisa ko sa kaniya. 

"Someday, malalaman mo rin." Sabi nito. Pero bakit parang may lungkot sa mata niya?

Pinagsaluhan na namin ang panghimagas na inorder namin. Masarap ito. Ilang minuto lang at naubos na namin ito. Kinuha na namin ang bill pagkatapos. Kinukulit na kasi ako nina Alex sa text message. 

Gaya ng dati, nagtalo pa kami kung sino ang magbabayad pero ako ang nanalo this time. Sinabi kong libre ko na sa kanya yun at at iyon na rin ang birthday gift ko sa kanya.

Nagtungo na kami sa club ni Alex. 

"Happy birthday Sebastian!" Niyakap ni Alex ang kasama ko pag dating namin sa VIP booth na ni-reserve ng bestfriend ko for us. 

"Happy birthday!" Bati ni Caleb at nakipagkamay ito kay Baste. 

Bumati na rin ang ibang kasama nina Alex sa booth – sina Red and Adrian. Umupo na kami at nakipagkwentuhan sa mga ito. Nagsalin na rin kami ng alak sa aming baso. Iba't ibang brand ng alak ang inilagay ni Alex sa aming table. May bote ng rum, whiskey, gin at vodka. Meron din ilang beer.

"Are you feeling okay?" Pasigaw na tanong sa akin ni Caleb. Ang lakas kasi ng tugtog dito. Napansin niya siguro na hinahawakan ko ang aking tiyan. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Nagpunta na silang lahat sa dance floor.

"Di ko alam. Medyo sumasakit tiyan at tagiliran ko today eh. Regular naman ako tumae at hindi ako constipated. Ang alam ko wala rin akong stomach ulcer." 

"Saan banda masakit?" Lumalabas ang pagka-nurse ng kaibigan kong ito. 

Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking tiyan at pinisil niya ito. "How about here?" Tumango lang ako. 

"Here?" Ibinaba niya ang kanyang kamay sa bandang pusod.

"Same."

"And here?" Pinisil niya ang bandang kanang tagiliran ko.

"Yeah."

"Kelan pa nagstart ang nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin.

"Kaninang umaga pa. Then progressively during the day, mas lumalala ang sakit." Sagot ko. 

"In a scale of 1 to 10, gaano kasakit ngayon?" Pag-usisa niya. 

"6" 

"Did you take anything medications?"

"No."

"I am not a doctor but I think you should go to the ER. Tsaka wag ka ng uminom. Mag-tubig ka na lang." Kinuha niya ang rum na hawak ko at binigyan niya ako ng bottled water. 

"OK."

Bumalik si Alex sa table namin at hinila kami ni Caleb para pumunta sa dance floor. Sumama naman kami. 

🎶 We are the lovesick girls
Ne meottaero nae salangeul kkeunnael sun eopseo
We are the lovesick girls
Lapeum eobsin nan amu uimiga eopseo

But we were born to be alone
Yeah, we were born to be alone
Yeah, we were born to be alone
But why we still looking for love? 
🎶

Sinasabayan pa ng ibang tao dito sa dance floor ang kanta. Bakit nga ba people still look for love?

Nagtagal pa kami na magsayaw dito ng biglang nagsalita ang DJ.

"Are you all having fun?" Puno ng energy na sabi ng DJ.

"Yeah!" Nagsigawan ang lahat.

"Just want to give a shout out to our birthday celebrant for tonight... Sebastian!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang ibang tao dito sa dance floor. Bigla naman lumitaw ang bestfriend ko na may dala-dalang cake at may mga nakasinding kandila. Plinano na namin ito ni Alex nung isang araw. Napatingin ako kay Baste na nakatayo ngayon sa harapan ko at halata sa mukha niya ang pagkabigla at kasiyahan. Marahil ay hindi niya inaasahan ito.

Pinatugtog ng DJ ang Happy birthday song at lahat ay sumabay sa pagkanta para kay Baste. 

🎶 Happy birthday to you,
Happy birthday to you,
Happy birthday, happy birthday,
Happy birthday to you! 
🎶

Muling nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat. Napatingin sa akin si Baste bago ito nagbuga ng hangin para hipan ang maraming kandila na nakasindi sa kanyang cake. 

Puro pasasalamat lang ang nasabi ni Baste habang nakikipagkamay at nakikipagyakapan siya sa mga taong bumabati sa kanya. Instant celebrity! Hahaha

Nanatili pa kami ng kaunti rito sa dance floor para magsayaw bago bumalik sa aming table. Nagsabi si Caleb na uuwi na siya dahil may pasok pa siya mamaya. Lampas alas dose na pala. 

"Tulad ng sabi ko kapag hindi nawala ang sakit ng tiyan mo, magpunta ka na sa ER. Tapos update me. Okay?" Habilin nitong bestfriend ko na ito bago siya umalis. Actually, mas masakit na ang tiyan ko ngayon. 

"I will. Salamat. Ingat ka. Text mo ko pag naka-uwi ka na. Good night!" Niyakap ko na siya.

"May sakit ka?" Tanong ni Baste sa akin. Narinig pala niya ang sinabi ni Caleb. 

"Masakit lang ang tiyan ko." Sai ko rito. 

"Buntis ka?" Pabirong sabi nito.

"Baliw!" Nagtawanan lang kami. 

Kasalukuyan kaming nagku-kwentuhan nina Baste, Red at Adrian ng biglang may lumapit sa aming booth. 

"Happy birthday Sebastian!" Bati ni Eric. Nag-iba ang itsura ng katabi ko at nawala ang saya sa kanyang mukha. 

"Anong ginagawa mo rito siraulo ka? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na tantanan mo na ako?" Galit na sa sabi nito habang nakatayo at kaharap ang ex niya. Medyo may tama na ng alak ito. Nagulat sina Red at Adrian sa kanilang narinig.

"Relax birthday boy. I just came here to greet you." Nakangiting sambit nito wari'y hindi apektado sa galit ni Baste. 

"OK. Makakaalis ka na. At layuan mo kami ni Theo. Kapag napatunayan ko na may kinalaman ka sa nangyari sa kotse niya, humanda ka sa akin." Ha? Anong sinasabi nito na may kinalaman ang ex niya sa nangyari sa kotse ko?

"Hindi ko alam pinagsasabi mo." Sagot nito at hinawakan niya ang kaliwang braso ni Baste.

"Huwag mo akong hawakan!" Huling sabi nito bago niya sinuntok ang mukha ni Eric. Hindi nito inaasahan ang ginawa ni Baste kaya nawalan siya ng balanse sa lakas ng suntok sa kanya at natumba siya sa sahig. Fuck!

Biglang lumapit ang mga bodyguards niya at tinulungan nilang makabangon si Eric. Tumayo na rin kami nina Red para awatin si Baste. 

"Gago ka ah. Pagsisihan mo ito Sebastian! Humanda ka!" Pagbabanta ni Congressman bago ito naglakad palayo.

"Okay ka lang bro? Relax ka lang. Uminom ka muna." Pag-aalo ni Adrian sa katabi ko. Binigyan niya ito ng tubig. 

"Anong nangyari dito?" Bumalik na si Alex sa table namin pagakaalis nina Eric. Dala dala nito ang cake na ngayon ay pira-piraso na. 

"Abugbug berna!" Sabi ni Red. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko agad na na-gets. 

"What? Sino nabugbog?" Gulat na pag-usisa ng bestfriend ko. 

"Shhhh.. Wag ka ng maingay. Yung ex niya. Nagpunta rito. Ayun, sinuntok niya." Maiksing kwento ko kay Alex ng umupo ito sa tabi ko. 

"Ahhh. Are you okay Sebastian?" Tanong niya sa isa pang katabi ko. 

"Yes. Pasensya na Alex." Nahihiyang sabi ni Baste. 

"Don't worry about it. This is not the first time na may nagsuntukan dito sa club ko." Tumingin siya sa akin ng makahulugan ng sabihin niya ito. Siniko ko na lang siya. Minsan na kasi akong may nakaaway dito. Tapos isang beses ay meron ding isang ex ni Alex na nasuntok ko ng mahuli kong sinasaktan ang bestfriend ko.

Kinain na namin ang ilang piraso ng cake na dinala ni Alex at nag-usap ng kung anu-ano. Pilit namin iniiwasan banggitin ang nangyari kanina. Naubos na nila ang laman ng bote ng alak dito sa lamesa namin. Ako naman ay tubig na lang ang iniinom ko, tulad ng payo ni Caleb. Tinawag ni Alex ang isa niyang empleyado at nagpakuha pa ng ilang alak. Mukhang matindi na ang tama ng mga ito. Sino kaya kina Red at Adrian ang iuuwi ni Bestie tonight? 

"I think mauna na ako. Medyo lasing na ako eh." Sabi ni Baste. 

"Naku, tapos mag-drive ka pa ng ganyan. Bestie, hindi ka naman lasing di ba? Ihatid mo na siya or better yet, iuwi mo na lang muna." Nakangising sabi ni Alex. 

"Oo nga. Ihatid na kita." Eto naman kasi talaga ang balak ko kaso medyo sumasakit lang talaga ang tiyan ko. Tumayo na kami at nagpaalam kina Alex at mga kaibigan nito.

"I'm happy for you Bestie." Sabi ni Alex sa akin habang kayakap niya ako. Potek! Lasing na nga ito. 

"Baliw. Ikaw naman, DP ka tonight ha! Good luck!" Sambit ko rito. Hinampas pa ako ng pota. 

Lumabas na kami at inalalayan ko si Baste. Ramdam ko na talaga ang tindi ng sakit ng tiyan ko. Kinuha ko na ang susi at ako na ang nagmaneho. 

"Relax ka na lang muna diyan. Ako na ang mag-drive." Kinuha ko ang susi sa kanya pagkatapos kong tulungan siyang i-secure ang kanyang seatbelt habang nakaupo sa passenger seat. 

"Ihatid na muna kita sa condo mo. Then pwede bang hiramin ang kotse mo? Punta lang ako ng hospital pagkatapos." Sabi ko sa kanya habang nagmamaneho. 

"Did you water bag break yet?" Potek! 

"Gago! Matulog ka na lang diyan." Utos ko sa katabi ko. 

"Sama na lang ako sa iyo sa hospital. Okay lang ako." Aniya. 

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya. 

"Oo. Promise!" Sabi niya. Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay.

"OK." Iniba ko na ang ruta na aming tinatahak. Imbes ay pinuntahan ko na lang ang hospital kung saan ko nagtatrabaho dahil tiwala ako na maasikaso ako rito ng maayos, bukod pa sa ito ang best hospital rito. 

Ipinark ko na ang sasakyan sa parking lot at pumasok na kami sa emergency room. Pansin kong hindi masyadong busy ngayon. Konti lang ang mga pasyenteng naghihintay rito. 

Sinabi ko sa nurse on duty ang aking nararamdaman. Inutusan niya akong magfill-out na ako ng form at kinuha niya ang aking blood pressure, heart rate, temperature at iba pa. Pinaupo niya ako pagkatapos para maghintay. Tahimik lang kami at nakapikit si Baste sa aking tabi. Pumunta ako sa vending machine at kumuha ng dalawang mineral water. Ibinigay ko ang isa sa katabi ko. 

Di katagalan ay tinawag na ako ng nurse para matingnan ng doctor. Sumunod sa akin si Baste. Pinahiga ako sa kama at sinabi ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko at kung kelan ito nag-umpisa. In-assess niya ang aking tiyan at pinisil-pisil ito. 

"I think you have appendicitis. Pero we'll run some blood work at CT scan na rin to confirm."

Umalis na siya at pumasok ang nurse pagkatapos ng ilang minuto. Kinunan niya ako ng dugo. Nilingon ko si Baste at nakapikit lang ito. Itetext ko sana sina Alex at Caleb pero napagdesisyunan kong mamayang umaga na lang. Pumikit na lang rin ako. 

After 10-15 minutes ay bumalik ang nurse at sinabing dadalhin ako for CT scan. Nagtagal pa ako rito. Pagkatapos ay ibinalik na nila ako sa ER kung saan iniwan namin si Baste. Nakapikit pa rin ito habang nakaupo sa silya. Sinabihan ako na ng nurse na maghintay for the results pero for the meantime ay binigyan nila ako ng gamot para mawasan ang sakit. 

Inabot yata ng tatlumpung minuto o isang oras bago bumalik ang doctor at nurse. 

"We got the results of your tests. I have good news and bad news. Confirmed nga na appendicitis ang cause ng pain mo. Pero luckily, intact pa ang appendix mo kaya hindi malala. We'll have to admit you and schedule a surgery later today para alisin ang namamaga mong appendix." Salaysay ng doctor. Sumang-ayon na lang ako. In-expect ko na ito kasi ito nga ang isa kong kutob kung bakit sumasakit ang tiyan at tagiliran ko. 

Ginising ko na si Baste para lumipat sa room na pagdadalhan sa akin. Pinaupo ako sa isang wheelchair at itinulak ako ng isang empleyado paalis ng ER. Nakasunod lang si Baste sa amin. 

"I think you're suffering from a lack of vitamin ME." Sabi ni Baste after kong humiga sa kama. Buti na lang at private room ang naibigay sa akin. Hay... This is going to be a not-so fun Sunday. 






Itutuloy...

 

No comments:

Post a Comment