Tuesday, December 15, 2020

TOTDGA - CHAPTER 19


TRUST AND JEALOUSY

 

"Can I order you another drink?" Tanong ng lalaking tumabi sa akin pagkatapos kong maubos ang aking inumin. Nilingon ko siya at nagulat na makita ang pamilyar niyang mukha dito.

"Hey! Kumusta? What are you doing here?" Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaking nasa kaliwa ko. Nakasuot ito ng puting polo shirt at itim na baseball cap.

"Nagbabakasyon lang kasama ng barkada. Ikaw, kumusta? Galing mo palang magsayaw ha. TikTok TikTok din kapag may time!" Nakangiting tugon niya. Nag order siya ng beer samantalang ako naman ay ang order ulit ng martini with green olives.

"Baliw! Nakita mo kami. Fuck!" Sambit ko sa kanya. "Anyway, kumusta ka na? How's your work?" Lumingon lingon pa ako pero di ko makita si Baste. Tagal naman yata nun sa banyo. Di kaya na-flush na yun?

"Medyo busy sa work. Kaya wala masyadong ganap. Miss ko na nga burat mo eh." Nakangising sambit nito. Tinawanan ko lang ito. Naaalala ko pa kung paano siya malugod na nagparaya sa akin pagkatapos niya ako pagnasaan ng ilang oras.

"You still have my underwear?" Pilyo kong tanong sa kanya.

"Oh yeaaahhhh! At hindi ko pa rin siya nilalabhan." Tumawa siyang malakas na para bang proud na proud pa siyang pine-preserve ang amoy ng underwear kong ibinigay sa kanya bilang souvenir sa aming ginawa.

"Potek. Labahan mo na yun gago! Kadiri ka!" Tumatawa kong sagot sa kanya.

"Sige. Lalabhan ko na siya kung ibibigay mo sa akin ang suot mo ngayong underwear." Loko niyang hirit sa akin. Balak pa yata niyang ubusin lahat ng underwear ko ah.

"Sira. Di pwede. At tsaka hindi na ako nagsusuot ng underwear." Pagsisinungaling ko sa kanya para tantanan na niya ang paghingi ng underwear sa akin.

"Weh! Di ako naniniwala. Patunayan mo nga. Pahawak ako!" Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makasagot. Inilapat na niya agad agad ang kanyang kanang kamay sa aking harapan at pinisil pisil ang aking tulog pang ari. Nakasuot lang ako ng boxer shorts sa loob ng pantalon ko ngayon kaya malamang maniwala na siya na wala akong suot na underwear.

Kasalukuyan kaming nasa posisyon na ito kung saan nasa harapan ko pa rin ang kamay niya ng may marinig kaming gumawa ng ingay. "AHEM! AHEM!" Potek! Nalintikan na!

Sabay kaming lumingon kay Baste na ngayon ay nakatayo sa aking kanan. Nakakunot ang noo at mukhang tense ang mga muscles sa bandang panga niya. Nakatingin ito sa kamay na nakapatong sa aking harapan.

Dali-daling binawi ng katabi ko ang kanyang kamay. Tumayo ako at hinawakan si Baste sa kanyang kaliwang braso. Matalim lang siyang nakatingin sa amin.

"Baste, this is John Cabrera. John, this is Baste...." Kalmado kong pagpapakilala sa kanila. Hindi alintana ang tensyon ngayon dito.

"...His boyfriend!" Seryoso at ma otoridad niyang dugtog sa aking pagpapakilala sa kanila.

"Cool! Kumusta pre? Nice to meet you!" Inilahad ni John ang kanyang kanang kamay kay Baste. Tinitigan lang ng aking boyfriend ang kamay na kanina ay pumipisil sa titi ko kanina at hindi siya nito sinagot. Hinihintay ko na lang na suntukin siya ni Baste dahil sa tindi ng inis na obvious na obvious niyang nararamdaman ngayon.

Binawi na ni John ang kanyang kamay at ipinatong niya ito sa aking kaliwang braso. Potek! Ginagatungan pa yata nito ang apoy at galit na nararamdaman ni Baste. Kita kong sinundan ng tingin ng aking boyfriend nag kamay ni John at masama ang titig niya dito. Nakataas pa ang isa niyang kilay. Diyos ko po! Wala naman sanang maputulan ng kamay ngayong gabing ito. "Theo, mauna na ako. Good to see you again. And pre, good to meet you." Tinanguan at nginitian ko ito bago niya kami iniwan dito sa bar.

Umupo na ulit ako sa bar stool at itinuon ang atensyon ko sa aking martini. Pilit iniiwasan ang tensyon at init ng ulo ng lalaking nakatayo pa rin sa aking kanan.

"So, tatahimik ka lang jan? Wala kang sasabihin?" Iritableng tanong ni Baste. Potek! Ito na yata ang magiging first fight namin.

"What do you want me to say?" Kalmado kong sagot sa kanya. Wala akong balak sabayan ang galit niya.

"Who the fuck is that asshole and why is his hand touching your fucking cock?" Galit at pasigaw niyang tanong sa akin. Ang OA naman nito. Hindi naman niya hinahawakan ang aking "cock". Pantalon ko naman ang hawak niya. Pilosopo kong sabi sa aking isipan.

"Hinaan mo nga boses mo! Naririnig ka ng ibang tao. Relax ka lang."Reklamo ko sa kanya. 

"Sige nga. Sabihin mo sa akin. Paano ako magrerelax kung nakikita ko ang boyfriend ko na ipinapahawak ang titi niya sa ibang lalaki?" Inis na tugon niya. Medyo sinunod naman niya ang sinabi ko at hinayaan niya ng kaunti ang boses niya.

"Wag ka ngang OA. It's not what you think it is. Nakita mo bang nakalabas ang titi ko? Hindi naman di ba? Nagbibiruan lang kami ni John. At saka, kaibigan ko lang yun. Wala kang dapat ipag-worry." Lintek naman kasi yung si John eh. Bigla bigla na lang nangdadakma. At hindi ko naman masisisi itong boyfriend ko. Kung ako rin siguro nasa sitwasyon, magagalit din ako at baka naitulak ko pa si John dito sa pool. 

"Tapatin mo nga ako Theo. Seryoso ka ba sa relasyon natin? Boyfriend mo ba talaga ako o laro laro lang lahat ng ito sa yo?" 

"Ano ka ba papi?! Seryoso ako. Alam mo naman kahit mahirap sa akin ang makipagrelasyon, sinubukan ko ito with you dahil importante ka sa akin. Ikaw lang ang boyfriend ko. Simula kanina, sa yo na lang din ako. Wala ng iba pa." Pagpapakalma ko sa kanya. 

"E bakit nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki kung ganun?" Mabilis na tanong ni Baste. 

"Nagbibiruan nga lang kami nun. Sorry na. Huwag ka ng magalit." Ako na ang nagpakumbaba at humingi ng tawad. 

"Tangina naman kasi Papi eh. Umalis lang ako saglit para mag banyo tapos iyon na agad ang madadatnan ko. Paano pa pag umalis ako ng dalawang linggo? Please naman Theo. Kung di mo kaya, sabihin mo lang." Reklamo ng boyfriend ko. Bakas pa rin ang inis sa kanyang mukha. 

"Sorry na nga. Promise. Magbebehave na ako. Forgive me na please?!" Paglalambing ko sa kanya. 

"Okay fine. Alam mo namang hindi kita matitiis eh. Basta lang huwag mo na ipapahawak yang katawan mo lalung lalo na yang burat mo sa iba. Baka makapatay ako. Tsaka baka mapanis." Potek! Akala ko seryoso pa rin siya. 

"Baliw! Paanong hindi mapapanis eh lagi mong nilalawayan."Pagsakay ko sa trip niya. Pareho kami nagtawanan." Pero seriously, you need to trust me. I'll behave na. Kaya bawasan mo yang pagseselos mo. Okay papi?" 

"I'll try." Hinawakan niya ang aking kaliwang pisngi tapos binigyan ng matamis na halik sa labi. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay in-announce na nila na mag-uumpisa na ang kanilang fire show na palabas. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa dalampasigan habang bitbit ang aming inumin. 

Madaming tao na ang naghihintay sa may dalampasigan ng dumating kami dito. Busy ang lahat sa pagkukwentuhan at pakikipagtawanan. Naghahanda na rin ang isang lalaking walang suot na pang itaas sa kanyang pagtatanghal.

Makalipas ang ilang sandali ay nag-umpisa na ang palabas. Isang electronic music ang maririnig. Na-curious ako kung anong kanta ito kaya binuksan ko ang Shazam app sa aking cellphone at nalaman ko na Beyond the Senses pala ni Astrix ang title at artist nito.

Hawak hawak ng performer ang isang mahabang kahoy na may apoy sa halos buong kahabaan ng magkabilang dulo nito. Ang tanging parte lang na walang apoy ay sa gitna kung saan siya humahawak. Eksperto niyang ipinaikot ikot ito palipat lipat sa kanyang mga kamay. Minsan sa harapan, minsan naman sa likod at minsan din sa taas ng ulo niya niya ito pinapaikot. May ilang beses pa niya itong inihagis ng mataas sa ere at sinalo niya ito pagkatapos. Kumuha pa siya ng isa pang katulad nito at sabay niyang mabilis na pinapaikot ang mga ito. Nakaka-amaze lang na di siya napapaso sa kanyang ginagawa.

Napansin ko ang grupo ni John sa di kalayuan. Napatingin pa ito sa akin at itinaas ang kanyang hawak na bote ng beer sa akin. Itinaas ko rin ang aking drink sa kanya. Pansin ko na napalingon ang katabi ko sa akin dahil sa aking ginawa kaya hinila niya at pinisil ang aking kamay na hawak hawak niya. Ibinalik ko na ang aking atensyon sa palabas. Iniwasan ko ng lumingon lingon dahil baka magka-part 2 pa ang galit niya kanina. 

Hawak ngayon ng lalaking pinapanood namin sa magkabilang niyang kamay ang dalawang mahabang kadena na may bolang apoy sa dulo habang kanta naman ni Pitbull na Fireball ang umaalingawngaw sa kapaligiran. Ipinaikot ikot ng lalaki ang mga ito sa iba't ibang direksyon. Gumagawa siya ng dalawang rings of fire. Minsan ay pinagsasama niya ito at nagiging isa lamang ang ring ng apoy. Tumatalon talon, umiikot ikot at sumasayaw pa ang lalaki kasabay ng melody ng kanta habang patuloy na iwinawagayway sa ere ang mga nakakadenang apoy. Ilang minuto rin niya itong ginawa.

Natapos na ang kanta at napalitan ito ng isang kpop song. Hindi ko alam ang kanta pero ang mga katabi naming mga bagets na dumating kaninang hapon nung nasa infinity pool kami ni Baste ay sinasabayan at kinakanta ito. Tinanong ko pa yung isa sa kanila na nasa kanan ko at sinabing ang grupo ng BTS pala ang kumanta nito. Kaya pala. Sobra kasing sikat sila ngayon.

🎶 Bultaoreune
Fire Fire Fire Fire

When I wake up in my room
Nan mwosdo eopsji
Haega jigo nan hu biteuldaemyeo geotji
Da mansinchangiro chwihaesseo chwihaesseo
Mak yokhae gireseo gireseo
Na masi gassji michinnom gatji
Da eongmangjinchang livin' like beep
🎶

Kinuha ng lalaki ang isang mahabang tubo na may apoy pa rin sa dulo. Marahan niya itong iginalaw sa ere sa saliw ng musika. Ibinato pa niya ito pataas at sinalo pagkatapos. Saglit na may ininom ang lalaki at ilang segundo lang ay ibinuga niya ito sa apoy. Nagliyab ang apoy sa ere dahil sa kanyang ginawa. Naghiwayan ang lahat ng taong nanonood. Ilang beses pa niya itong inulit at palaging lumalaki at nagliliyab ang apoy. Para lang siyang nagiging isa sa mga nagbubuga ng apoy na dragons ni Daenerys sa Game of Thrones tuwing ginagawa niya ito.

Inilapag niya ito pagkatapos at kinuha ang isang mahabang kadena na may apoy ulit sa dulo. Mapwersa niya itong iniikot at gumawa ng malaking ring of fire. Habang tumatama sa buhangin at umiikot sa ere, nagtatalsikan ang maraming sparks mula rito. Parang biglang naging Bagong taon sa harapan namin at may fountain na paputok na umiikot ikot sa ere. Nakakamanghang tingnan ito. Malakas ang hiyawan at palakapakan ang lahat ng naririto kabilang na kami ni Baste. Ipinagpatuloy ito ng lalaki hanggang matapos ang kanta at maubos ang sparks na nanggagaling sa hawak nito. Masigabong palakpakan at hiyawan ang ibinigay ng mga manonood. 

Akala namin ay tapos na kanilang palabas pero meron pa pala silang pakulo. Nag set up ang ilang empleyado at nagpatong ng mahabang tubo na may apoy sa gitnang kahabaan nito. Ipinatong nila ang magkabilang dulo nito sa dalawang poste. Nagsalita ang isa sa kanila at sinabing may palaro pala sila na Fire Limbo Rock. Binigyan nila ng twist ang pangkaraniwang Limbo Rock dahil imbes na sa simpleng mahabang kahoy o tubo lang dadaan ang mga kalahok, itong nag aapoy na tubo ang kailangan iwasan. 

After mag set up at tinawag nila sa harapan ang lahat ng gustong sumali sa laro. Maraming nanatili lang sa kanilang pwesto para manood lamang. Pero marami rin naman ang mas piniling sumali sa palaro, kabilang na rito kami ni Baste. Pinapatugtog ang isa na namang kpop song ng mag umpisa ang mga kasali na dumaan sa ilalim ng nag-aapoy na tubo. Narinig ko sa isang bagets na Fire daw pala ang title nito at kinanta ito ng 2ne1. 

Maraming mas nauna sa amin na maglaro. Pinauna ko si Baste at pagkatapos ay sumunod ako sa kanyang lumiyad sa ilalim ng tubo. Madali lang naman namin ito nagawa dahil mataas pa ito. Siguro kapantay ito ng aming balikat. Pagkatapos ng lahat ay ibinaba nila ito. May ilan-ilan lang na natumba pero halos lahat ay maayos na nakaraan pa rin. Patuloy na in-adjust ang taas ng nag aapoy na tubo. Kasing taas ito ng aking baywang ng matumba ako samantalang si Baste ay parang walang kahirap hirap na nakadaan sa ilalim nito. Siguro dahil mas malambot ang katawan niya kaysa sa akin. 

Dalawang beses pa nilang ibinaba ito hanggang dalawa na lang ang natirang mga kalahok. Nagkataon pa na ang mga ito ay si John at Baste. Tinawag sila ng staff na may hawak ng microphone at tinanong ang kanilang mga pangalan. Medyo kinilig pa ang babaeng staff dahil dalawang borta at guwapong lalaki ang katabi niya. Pagkatapos magpakilala ay tinanong pa ng staff ang lahat ng mga manonood sa pamamagitan ng pagpalakpak kung sino sa tingin nila ang mananalo sa dalawa maskuladong lalaki. Halos pantay naman ang palakpakan sa dalawa. Syempre, sa boyfriend ko lang ako pumalakpak. 

Nauna si John dumaan sa sa ilalim ng tubong nag-aapoy. Nasa kalagitnaan na ito ng siya ay natumba sa buhangin. May ilang nadismaya pero binigyan naman siya ng malakas na palakpakan ng makatayo ito. 

Tiningnan ko si Baste mula sa aking puwesto at nakitang seryoso ito at mukhang desidido siya na hindi siya magpapatalo sa kalaban. Humarap pa ito sa akin at binigyan ako ng flying kiss bago ito naglakad. Dahan dahan siyang umabante palapit sa tubo. Para bang tinatantya ang taas nito, which is nasa gitna ng kahabaan ng kanyang hita. Lumiyad na siya at metikulosong puwesto sa ilalim. Halos pigil ang aking paghinga habang marahan siyang umuusad sa ilalim ng nag aapoy na tubo habang nakaliyad. Marami naman ang nag-chicheer sa kanya. Ng balikat at ulo na lang niya ang nasa ilalim ay hindi ko na napigilang sumigaw ng "Kaya mo yan, papi!" bilang pagsuporta sa kanya. Alam kong narinig niya ako dahil medyo napangiti siya. Ilang segundo pa at matagumpay niyang nalusutan ang nagbabagang tubo. Hiyawan at palakpakan ang lahat. Sumigaw pa si Baste ng malakas na "Yes!" ng makatapos ito. Para lang siyang nanalo ng gold medal sa Olympics. 

Lumapit si John sa kanya para makipagkamay pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman ito pinansin ng aking boyfriend. Sa halip, iniwan siya nito at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan. Madali ko naman siyang itinulak dahil alam kong may mga bata sa paligid. 

Ng matapos ang palaro ay isa-isa ng naghiwa-hiwalay ang mga bisita at manonood. Karamihan sa amin ay bumalik na sa resort pero may ilan ding nanatili sa dalampasigan. Marami ring nag-approach kay Baste para i-congratulate siya sa pagkakapanalo sa laro kanina. Feeling celebrity ang boyfriend ko. Ibinigay na rin kay Baste ang kanyang premyo na bote ng champagne.

Ng makarating sa bar at humingi kami ng dalawang champagne glass. Ng buksan namin ang napanalunang champagne ni Baste at sinalinan ang aming mga baso ay tiyempo namang tumugtog ang kanta ni Ava Max na Kings and Queens

🎶 If all of the kings had their queens on the throne
We would pop champagne and raise a toast
To all of the queens who are fighting alone
Baby, you're not dancin' on your own
🎶

Buhay na buhay ngayon ang lugar na ito. Lahat ay nagkakasiyahan. Merong ilang sumasayaw sa saliw ng musikang naririnig. Nakita ko ang performer kanina sa fire show at nilapitan ko ito. Pinuri ko siya sa galing ng kanyang performance. Inabutan ko na rin siya ng tip na tinanggap naman niya at nagpasalamat. 

Lumalim ang gabi at marami na rin ang aming nainom. Kanina pa namin naubos ang champagne at naka ilang rounds ng order na kami ng drinks. Marami na rin kaming nakilalang ibang guests dito sa resort. Dalawa rito ay sina Grayson at Hayden, isang gay couple from Canada, na naririto para sa kanilang honeymoon. Kinuwento nila ang kanilang love story at binigyan na rin nila kami ng tips ni Baste para tumagal ang aming relasyon. Hinikayat pa nila kami na bisitahin sila sa Canada pag may pagkakataon. Sumang ayon kami at finallow namin ang isa't isa sa Instagram.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa mga chaise lounges sa tabi ng pool at nakikipagkwentuhan sa mga bago naming kaibigan from Canada ng lumapit si John sa amin. 

"Sorry bro, napag utusan lang. Dare lang ito." Sambit niya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Ilang segundo rin tumagal ang kanyang paghalik. 

Habang ginagawa niya ito ay bigla siyang hinila ni Baste at sinuntok siya nito sa mukha at pagkatapos ay itinulak pa siya nito sa pool. Wala ng nagawa si John sa bilis ng mga pangyayari. Kahit ako ay sobrang nagulat. Nakita ko na lang si John na basa ang buong katawan at nakatayo sa pool. Buti na lang at hindi sa malalim na parte ang ikinilaglagan niya. Bigla na lang naglapitan ang kanyang mga kaibigan para tulungan siyang makaahon mula sa pool. 

"Stay away from my boyfriend, you fucking asshole!!!" Sigaw ni Baste habang umaahon si John sa pool. Nanggigigil pa rin si Baste kaya niyaya ko na itong umalis. Humingi na rin ako ng paumanhin sa kanila bago kami lumayo at hinila ang aking boyfriend pabalik sa aming kuwarto. 

"Masaya ka sa ginawa mo?" Sarkastiko kong tanong kay Baste pagkapasok namin sa kuwarto. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakapatong ang kanyang mukha sa kanyang mga palad habang nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita. Halatang lasing na ito. Ako naman ay nagpunta sa maliit na refrigerator para kumuha ng tubig na inabot ko sa kanya.

"Sorry papi. I shouldn't have done that. Banas lang talaga ako sa lalaking yun. Alam ko kasi na may pagnanasa sa 'yo yung hayop na yun eh." Sambit niya habang iniinom ang tubig na binigay ko sa kanya. 

"Kung gusto mong magtagal tayo, you need to control your anger. Bawasan mo yang pagseselos mo ok? Walang maidudulot na mabuti yan. Sabi nga nina Grayson at Hayden, we should trust each other kung gusto nating matulad sa kanila. Di mo kailangan suntukin lahat ng lalaking lalapit sa akin. I can take of myself." Pangaral ko sa boyfriend ko. Dati naman hindi ito seloso. Bakit kung kelan naging kami saka pa siya naging ganito?

"Alam ko naman yun. And I trust you. Wala lang talaga akong tiwala sa hayop na yun. Iba kasi kung makatingin siya sa 'yo eh. At saka ayaw ko lang talagang makitang may ibang humahalik o humahawak sa 'yo. Di ko mapigilan ang sarili ko. Dapat ako lang ang gagawa sa 'yo nun dahil akin ka lang." Paliwanag niya. Ano ako, isang bagay na pag-aari niya? Sabi ko sa sarili ko pero hindi ko na ito binigkas. Naiitindihan ko naman ang pinanggagalingan niya pero hindi pa rin niya dapat sinuntok si John. 

"Sinabi ko naman sa 'yo na sa 'yo lang ako di ba? I'll be loyal to you. Pwede bang paniwalaan mo naman ang sinasabi ko? Stop being a jealous boyfriend."

"OK. I'm sorry papi. I'll do better next time. I promise. Mahal na mahal lang kasi talaga kita kaya nagagawa ko ito." Sinsero niyang sagot. Medyo kinilig naman ako sa sinabi niya pero di ko ito ipinahalata. Niyakap ko na lang siya. Naniniwala naman ako na mahal niya talaga ako.

Naalala ko pa ang discussion namin ni Alex tungkol dito. Sabi niya kasi na jealousy is just another term for love which hindi ako nag aagree. Gets ko naman na paminsan minsan magseselos ka pero hindi ibig sabihin na kapag nagseselos ka ay nagmamahal ka na. Maraming pwedeng dahilan ang pagseselos at maaaring isa dito ay ang love pero hindi ako naniniwala na synonymous ang love sa jealousy. At saka, dapat kapag magseselos, nasa lugar at hindi malala na tipong aabot ito na makasakit ng ibang tao. Sabi nga di ba, lahat ng sobra ay masama. Pero naniniwala ako na as long as buo ang tiwala mo sa partner mo at secured ka sa sarili mo na sapat ka na para sa kanya, pwede kang magmahal ng walang jealousy sa relasyon. 

Siguro kasalanan ko rin kaya siya nagseselos. Siguro dahil hindi ko pa masabi sa kanya na mahal ko siya kaya umaatake pa ang mga insecurities niya sa katawan.  Siguro hindi pa niya nararamdam ang security sa aming relasyon. Siguro kapag sinabi ko na ang 'I love you' sa kanya ay magbabago na siya at hindi na siya magseselos tulad ngayon. Kaya siguro hindi lang siya ang dapat maging better next time. Dapat ako rin. Dapat mas ma assure ko sa kanya na hindi ko na kailangan ng iba pa, na siya lang ay sapat na. Dapat maiparamdam ko sa kanya ang aking nararamdaman para mabawasan ang insecurities niya. 

Naghiwalay kami sa aming pagyayakapan. Nagpunta ako sa banyo para umihi. Narinig kong in-on ni Baste ang TV habang nasa banyo ako. Nanatili na ako rito at naglinis na ako ng katawan para maghanda na matulog. Hinubad ko na ang aking mga t-shirt at jeans at iniwan lang na suot ang aking boxer shorts. 

Pagbalik ko ng kuwarto ay nakita ko si Baste na nakahiga sa kama at nakatulugan na niya ang panonood ng palabas. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga. Tinulungan ko na rin siyang mahubad ang kanyang suot ng polo at pantalon para kumportable siya sa kanyang pagtulog. Pagkatapos maayos ang lahat ay tinabihan ko na si Baste sa kama. Yumakap ako sa kanya at natulog na rin. 

Nagising ako na maliwanag na sa labas. Napansin ko na wala sa tabi ko ang boyfriend ko. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya in-assume ko na andun siya. At hindi naman ako nagkamali dahil ng pumasok ako ng banyo ay nakita ko siya na naliligo. Nakapikit ito at ineenjoy ang tubig na lumalabas sa rainshower head. Hinubad ko ang aking boxer shorts at dahan dahan kong binuksan ang shower door. Niyakap ko mula sa likod ang sexy na lalaking naliligo at nagulat pa siya ng ma-realize niya na nasa likuran na niya ako. 

"Good morning papi!" Naka-ngiti niyang bati sa akin ng umikot siya at hinarap ako. Sinagot ko rin siya ng 'Good morning'. 

Naghalikan kami ng maalab habang umaagos ang tubig mula sa aming ulunan. Humahaplos ang aming mga kamay sa iba't ibang parte ng aming katawan. Nagpapalitan kami ng laway kahit ilan sa tubig na galing sa showerhead ay pumapasok sa aming mga bibig. 

Lumipat ang aking mga halik papunta sa kanyang tainga at leeg. Pagkatapos ay bumalik ako sa kanyang bibig at muli kaming naghalikan. Inilalabas pa namin ang aming mga dila at nag eespadahan ang mga ito. Sinusupsup din namin ang dila ng isa't isa. Ng pakiramdam namin ay nalulunod na kami dahil sa dami ng tubig na bumabagsak sa aming mga mukha ay naghiwalay kami para humigop ng hangin. 

Bumaba si Baste at pinagtuunan ng pansin ang aking mga nipples. Inuna muna niya ang aking kanan bago siya lumipat sa kaliwa. Dinila-dilaan at kinagat kagat niya ang mga ito.

Ng magsawa ay pumaibaba pa siya lalo at pinasadahan ng kanyang dila ang aking mga abs. Mukhang ginagawa niyang agahan ang aking mga pandesal. Kulang na lang kape. 

Sinundot sundot pa ng kanyang dila ang aking pusod. Pagkatapos ng ilang sandali ay tuluyan na siyang lumuhod at hinalik halikan ang aking trimmed na pubic hair. Ramdam ko ang malalambot niyang labi na naglakbay mula sa aking puson, papunta sa aking mga singit at humantong sa aking titi. Biglaan niyang sinubo ang ulo nito at dahan dahang ibinaon sa kanyang bibig ang kahabaan ng aking ari. Idiniin niya ang kanyang mukha ng maisagad niya sa kanyang lalamunan ang kabuuan nito. Nakadikit na ang kanyang ilong sa aking bulbol. Di ko maiwasang mapaungol ng malakas habang ang kanan kong kamay ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo habang ang isa naman ay nakahawak sa pader ng shower. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay inuluwa niya ito. Humihingal siya at kalat na kalat ang laway niya sa kanyang baba at sa aking titi. Nahugasan ito ng bumabagsak na tubig. Hinawakan ng kanyang kanang kamay ang ang aking burat at sinalsal salsal niya ito. 

Habang abala ang kanyang kamay, dinilaan naman niya ng salitan ang aking dalawang itlog. Marahan niyang sinubo ang mga ito isa isa ng buo sa kanyang bibig. Pagkatapos ay muli niyang pinagtuunan ng pansin ang aking ari.

Habang hawak pa rin ng kanyang kamay ang katawan nito, dinila-dilaan niya ang ulo nito. Pagkatapos ay dahan dahan na niya muling isinubo ang aking burat. Nagtaas baba ang kanyang ulo rito habang patuloy niyang jinajakol ito gamit ang kanyang kamay. 

"Gwark! Gwark! Gwark!" Ito at ang aking ungol ang malakas na sabay na maririnig dito sa aming banyo. Binatawan na niya ang aking ari at tanging malalambot niyang labi ang bumabalot at nagpapaligaya sa aking burat. Sinasalubong na rin ng aking balakang ang pag atras abante ng kanyang ulo. Nagtagal pa kami sa ganitong posisyon ng ilang minuto bago ko maramdaman ang nagbabadya kong pagsabog. 

"Please don't stop. Lapit na ako." Pakiusap ko kay Baste. Malugod naman niyang ipinaubaya ang kanyang mainit na bibig para maglabas pasok dito ang aking ari. Mas bumilis na ang pagkadyot ko sa kanyang bibig. Nagtama ang aming mga mata na nakadagdag sa libog na aking nadarama. 

"Aaaaahhhhhhhhhhhhh" Ungol ko ng sumabog ang aking mainit na tamod sa loob ng kanyang bibig. Nanatili rito ang aking burat habang sinasalo niya lahat ng sariwang gatas mula sa aking ari.

Ng mahigop na niya lahat ng aking katas ay inuluwa na niya ang aking burat. Para akong nabawasan ng 10 kilo pagkatapos kong magpaputok dahil sa gaan na aking nararamdaman. 

Hinila ko si Baste patayo at muli kaming naghalikan sa ilalim ng shower. Nalasahan ko pa ng konti ang aking tamod pero wala na akong pakialam. 

"Ikaw naman." Bababa na sana ako ng pinigilan niya ako. 

"Just keep kissing me." Sambit niya.

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Muli ko siyang marubdob na hinalikan. Salitan kong inipit sa aking mga labi ang kanyang mga mapupula at malalambot na labi. Habang ginagawa ko ito ay hawak hawak niya ang kanyang matigas na titi at jinajakol niya ito. 

Kusang bumuka ang aming mga bibig at naghinang ang mga ito. Ipinasok ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig at sinalubong ng kanyang dila ito. Naglaban ang mga ito na parang nasa paligsahan ng fencing. Walang gustong magpatalo. Samantala, pinaglaruan na rin ng aking mga hintuturo at hinlalaki ang kanyang dalawang utong.Ng mapagod ang aming mga dila ay muling naglapat ang aming mga labi. Muling kaming nagpalitan ng laway. Idagdag pa ang tubig mula sa shower na pumapasok sa aming mga bibig.

Humiwalay ako at hinalikan ko ang kanyang baba. Sinundan ng dila ko ang kahabaan ng kanyang panga hanggang makarating ang aking dila sa kanyang tainga. Sinupsup ko ito at dinila dilaan. Ipinasok pasok ko pa ang aking dila sa loob nito. Pagtapos ay muli ko siyang hinalikan sa kanyang malalambot na labi. 

"I'm cumming!" Sabi ni Baste. Mas pinagbuti ko pa ang paghalik sa kanya. 

Bigla siyang umungol habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Naramdaman ko ang mainit na tamod na tumalsik sa aking kanang hita. Patuloy pa rin kaming naghahalikan hanggang si Baste na ang kusang humiwalay. Kinuha ko ang kanyang kamay na ginamit sa pagjajakol at dinilaan ko ang natirang tamod niya sa kanyang mga daliri. Sinupsop ko na parang lollipop ang mga ito. 

"I love you Papi!" Sabi ni Baste pagkatapos ng aking ginawa at magkayakap kami. 

Tinapos na namin ang aming pagligo. Sabay na rin kaming nagsipilyo at nag-ayos para sa araw na ito. Excited na ako sa mga inihanda naming activities. Susulitin na namin ang huling buong araw namin dito since babalik na kami ng Maynila bukas. 





Itutuloy..

 

4 comments:

  1. nakakaloka ka naman kasi Theo..Kaya todo selos si Baste. Hahaha

    ReplyDelete
  2. Thank you author sa update. Dito ko binabasa gawa mo kc ayaw ko mahuli sa titillating scene. Love your work talaga. Hay kung ako si Baste di lang sapak gagawin ko hahaha...pinapainit nya ulo ko hahaha

    ReplyDelete
  3. Well, we really can't blame baste. Kahit naman sino pag nakita nilang may kahalikan yung taong mahal nila eh mandidilim ang paningin kahit pa may tiwala sila sa karelasyon nila.

    ReplyDelete
  4. Di ko gets kung bakit parang kasalanan pa ni Baste yun eh tama naman yung ginawa nya.

    ReplyDelete