Wednesday, December 9, 2020

TOTDGA - CHAPTER 8


WEDDING

  

Kakabalik ko lang galing sa lunch break. Napagkasunduan kasi ng mga katrabaho ko na kumain kami sa labas for lunch para maiba naman. Nakakasawa na rin kasi minsan ang pagkain sa cafeteria dito sa ospital. Bago bumalik ay dumaan din muna kami sa paborito naming milk tea place. Dalawa ang binili ko.

Dala-dala ko ngayon ang isang marble pearl milk tea habang papunta sa ICU nurse station na nasa third floor ng ospital para ibigay ito sa isang multo. Ang multo na ilang araw ko nang hinihintay magparamdam. Kahapon ko sana ito balak sorpresahin kaso dahil hindi ako nakapasok kaya hindi ko nagawa.

"Ate, alam mo ba kung nasaan si Caleb?" Tanong ko kay Ate Linda, isa sa mga senior nurse na naka-assign dito sa ICU.

"Ah, naka-break siya ngayon Theo. Pero pabalik na yun siguro." Sagot nito. Naka-break din pala ang gago. Di sana nagsabay na kami kumain.

Abala ako sa pakikipagtawanan sa mga nurses dito ng lumitaw ang multong aking hinihintay. Nagulat pa ito ng makita ako na parang siya ang nakakita ng multo.

"Hey stranger! Still remember me?" Bati ko sa bestfriend kong nakasuot ngayon ng kulay berde na scrubs. Baka kasi nagka-amnesia na siya at hindi na niya ako kilala.

"Sorry bro. Busy lang. Kumusta?" Casual na sagot nito habang sinusundan ko siya papuntang locker room. Hindi ito makatingin sa akin. Mukhang guilty.

"I was worried about you. I thought baka nagka-internal hemorrhage ka na sa pakikipag sex mo with Jordan at di ka na nakatayo. Muntik na akong tumawag ng ambulansya para masundo ka. Hahaha Next time answer my texts and calls para hindi ako nag-aalala sa iyo okay?" Pang-aasar ko sa kanya habang magka-cross ang mga bisig ko sa aking dibdib at naka-sandal sa gilid ng pinto. Pinapanood ko lang siya habang inilalagay ang lunch bag niya sa kanyang locker.

"Yes, Dad!" Halata sa mukha niya ang pagka-asar sa sinabi ko. 

"Hey, nagbibiro lang ako bro! You look so serious. Tatanda ka niyan agad. Oh, I almost forgot, binilihan nga pala kita nito. Heto o! Hope you like marble pearl milk tea." Iniaabot ko sa kanya ang milk tea at tinanggap naman niya ito. Medyo nagliwanag ang mukha niya dahil dito. "Pero seriously bro, kumusta na puwet mo? Hahaha"

"Ulol! Pasalamat ka masarap ang milk tea na dala mo... So, what time tayo alis sa Sabado?" Paalala niya sa akin para maiba ang usapan at itigil ang pang-aasar ko sa kanya.

"Oo nga pala. About that! I'll pick you up at 6 A.M.? Okay lang? Gusto kasi ni Dad na dumating tayo dun ng maaga eh." Sabi ko sa kanya.

"Yeah, okay lang. Text mo na lang ako pag nasa condo ka na." Sagot niya habang iniinom ang milk tea na binigay ko.

"Sure. Kumusta ang work mo so far?" Pangungumusta ko sa kanya.

"Ayos naman. Madali lang. Tapos everybody is nice and helpful." Buti naman. Lahat naman ng nurse dito sa ospital especially sa unit na ito ay mababait. Naging close ko na rin ang karamihan sa kanila. Kaya kampante ako na magiging maayos ang pagtatrabaho ni Caleb dito.

Konting kwentuhan at asaran pa bago ako nagpaalam para bumalik sa aking trabaho. Buti na lang medyo hindi busy ang caseload ko today kaya may oras akong pumetiks.

After work ay nakipag-dinner ulit ako kay Alex. Mukhang naka-recover na talaga siya sa break-up nila Tom. In good spirits na ulit ang bestfriend ko.

Mabilis naman lumipas ang mga araw. Na-prepare ko na ang mga kailangan kong dalhin para sa event this weekend. Pati mga pagkain at litter box ni Bangky ay inihanda ko na rin para maayos ang lagay niya habang wala ako. Ito ang isa sa mga benefits gusto ko sa pusa kesa sa aso. They require less maintenance.

"Dito na ako. Baba ka na." Text ko kay Caleb nang makarating sa kanyang condo.

"K" Maikling sagot niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ko na si Caleb palabas ng lobby. Inilagay niya ang kanyang malaking bag sa backseat katabi ng mga box ng Krispy kreme doughnuts na binili ko kagabi as per request nang aking pasaway na ama.

"You know, overnight lang tayo dun right? Hindi one week?" Bati ko sa kanya habang inaayos niya ang seatbelt niya.

"Good morning din sa yo!" Sarkastikong sagot niya.

Inumpisahan na namin binagtas ang pagbiyahe papuntang Anilao kung saan nakatira si Daddy.

"Ikaw na mamili ng music kung ano gusto mong pakinggan." Kinonect niya sa kotse ko via Bluetooth ang kanyang phone at nagpatugtog ng mga hugot songs galing sa kanyang Spotify account. Sakto ang mood sa maulan na umaga.

Habang nagmamaneho ay kwinento ko sa kanya ang mga na-miss nila ng boyfriend niya after sila umalis sa party ni Alex. Ibinalita ko na rin sa kanya nag nangyari kina Alex at Tom. Pati ang encounter ko with Brett.

"So, how are you and Jordan?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ito sa malayo at kasalukuyang pinapakinggan ang kanta ng mag-asawang Moira at Jason.

"We're okay." Maikling sagot nito. Hindi na ako nag-follow-up question dahil napansin kong ipinikit niya ang kanyang mga mata at isinandal ang ulo sa bintana. Antok pa siguro ang gago. Driver talaga ang bagsak ko ngayon. Salamat na lang sa kape at hindi ako inantok.

Natulog lang si Caleb habang nasa biyahe. Buti na lang walang traffic dahil maaga pa kaya maluwag ang mga kalsada sa EDSA at SLEX at maaga kami nakarating sa bahay ni Dad.

"Dude! Gising na! Andito na tayo." Sabi ko kay Caleb habang tinatapik ang kanyang kaliwang balikat. Nagising naman ito agad.

Langhap ko ang malinis na simoy ng hangin nang lumabas ako ng kotse. Amoy probinsiya. Rinig ko rin ang malakas na alon na galing sa dagat dahil tahimik pa ang paligid.

Kinuha na namin ang aming mga gamit at nagtungo na sa bahay. May susi naman ako pero mas pinili naming mag door bell na lang. Agad din namang binuksan ang pinto ni Manang Auring, isa sa mga kasambahay ni Daddy. Tinulungan ako nito at kinuha niya ang limang box ng Krispy Kreme na bitbit ko. Inilapag lang muna namin ni Caleb ang mga gamit namin sa sofa sa sala at sinundan si Manang sa kusina kung nasaan din si Daddy.

"Timotheo! Hijo!" Bati niya sa amin ng lumingon siya sa pintuan kung nasaan kami. Kasalukuyan siyang tumutulong sa pagluluto ng breakfast. Nilapitan namin siya at nagmano. Pagkatapos ay nagyakapan kami ng mahigpit.

"You must be Caleb! Kumusta ka na hijo? Welcome back! Ang laki mo na!" Banggit niya ng makita niya ang lalaking nakasunod sa akin.

"Kumusta po, Tito David?" Nagmano rin ito at niyakap din ng aking ama pagkatapos.

"Ayos naman. Eto tumatanda na. Kumusta na parents mo? Andito rin ba sila sa Pilipinas ngayon?" Tanong ng aking ama pagkatapos nila naghiwalay.

"They're doing good naman po. Nasa California po sila. They're sending their regards." Sagot ni Caleb.

"A ganun ba? Ikumusta mo rin ako sa kanila. Sabihin mo bumisita sila dito at dito na sila magstay sa bahay ko." Paanyaya ni Dad dito.

Mag-isa lang kasi si Dad dito kasama ang dalawang kasambahay, sina Manang Auring at anak nito na si Carla. Malaki itong bahay niya para sa kanila. 2-story beach house ito na may tatlong kuwarto sa ikalawang palapag at isang kuwarto sa ground floor para kina Manang. Sa baba rin ang kanyang home office. Medyo mga luma na ang mga furniture niya dahil galing pa ang mga ito sa bahay namin dati sa Quezon City. Pero maayos pa naman at maganda pa rin tingnan. Sa likod ng bahay ay matatanaw na ang dagat.

"Anyway, we're preparing breakfast. Hopefully hindi pa kayo nag-aagahan. Lapit na ito matapos. Umakyat na muna kayo sa kuwarto at ilagay niyo na mga gamit n'yo dun. Ipapatawag ko na lang kayo mamaya kapag handa na. Okay lang ba sa inyo na magkasama kayo sa iisang kuwarto? Gamit kasi ni Cheska yung isang kuwarto eh." Tumango lang kami ni Caleb bilang pagsang ayon na ayos lang na magtabi kami sa kama sa pagtulog.

"Caleb, feel at home ka lang hijo ha. Kung may kelangan ka, huwag kang mahiyang magsabi." Dagdag pa ng aking ama bago kami umalis at dinala ang aming mga gamit sa kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

"Sure ka bang okay lang sa iyo na tabi tayo sa kama? Malaki naman ito kaya kasya tayo. Kung hindi, meron namang inflatable bed. Ikaw, kung ano gusto mo." Tanong ko kay Caleb pagkarating namin sa kuwarto ko.

"Ano ka ba bro? Ayos lang ako na magkatabi tayo matulog. Hindi na natin kailangan ang inflatable bed. Just like high school days." Sabi niya habang naglalakad siya papunta sa bintana sa kuwarto para tanawin ang magandang view ng dagat.

"Okay. Basta huwag mo ako gagapangin ha!" Pang-aasar ko dito at binigyan lang niya ako ng kanyang middle finger.

"Ulol! Ako pa? E ikaw nga diyan ang sobrang libog. Baka ako gapangin mo!" Balik na sagot nito sa akin. Hindi talaga ito papatalo sa pakikipag-asaran. Pero lagi namang siya ang unang napipikon.

Humiga lang kami sa kama at umidlip ng mga halos tatlumpung minuto. Nagising na lang ako ng marinig kong kumakatok si Manang at pinabababa na kami para kumain ng almusal. Ginising ko na rin si Caleb.

"Hijo, puntahan mo ang pinsan mo at pababain na rin para sumabay na siya sa atin sa almusal." Utos ni Dad sa akin ng makita niya ako papalapit sa dining table.

Umakyat na akong muli habang umupo na si Caleb sa harap ng hapag kainan. Naka-ilang katok pa ako bago nito binuksan ang pinto.

"Baaakkkkklllllaaaaaaa!!!!! Na-miss kita!!!!" Pagtili nito ng makita ako sabay yakap sa akin. Tangina neto. Eskandalosa pa rin ang gaga. Ang taas taas ng energy level kahit kagigising lang.

Sanay na rin akong tinatawag niyang 'bakla'. I don't find it offensive. E bakla naman talaga ako eh. Kahit lalaking lalaki ako kumilos at magsalita ay lalaki pa rin ang hanap ko. I am proud of it.

"Bitch, umayos ka nga! Agang-aga ang ingay-ingay mo na! Balak mo pa yatang agawan ng role ang mga tandang ng kapitbahay sa paggising sa kanila." Sabi ko dito.

"In fairness, fresh na fresh ka pa rin ha! Mukhang saganang-sagana ka pa rin sa pagdilig." Papuri nito pagkatapos ako paikutin at pagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi niya pinansin ang pang iinsulto ko sa kanya.

"I wish I can say the same thing for you." Bigla niya akong hinampas pagkasabi ko nito. Actually, nagbibiro lang ako. Maganda itong pinsan ko na ito. Maputi, makinis, mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan. Matalino rin. Isa siyang SpEd teacher sa Manila.

"Bumaba ka na raw sabi ni Daddy. Handa na ang almusal mo mahal na prinsesa." Na-miss ko itong gagang ito. Close rin naman kami nito kasi halos magkasing edad lang kami. Mas matanda lang ako sa kanya ng isang taon. Lagi siyang bumibisita dati sa bahay namin nung mga bata pa kami, lalo na kapag bakasyon. Kaso ilang buwan na rin nang huli kaming nagkikita at gumimik nito. Naging busy na rin kasi siya sa work at sa boyfriend n'ya.

Nagpunta siya sa banyo at nag-ayos bago kami sabay na bumaba. Kagabi raw siya dumating dito at hindi niya kasama boyfriend niya kasi may pasok ito sa trabaho.

"Uy may pogi!" Sabi nito ng makita si Caleb na nag-umpisa ng kumakain kasama si Dad. Umupo siya sa tabi nito at ako naman sa katapat nilang upuan.

"Sira! Si Caleb yan! You remember him from our high school days, right?" Sabi ko dito. Hindi pala niya namukhaan ang nakangising si Caleb. Binati siya nito.

"Ow. Em. Gee! Ikaw na ba talaga yan? Ang guwapo mo na ha! At ang laki pa ng katawan mo. Pa-yummy ka masyado." Pinisil pa niya ang biceps nito. Ang landi lang talaga! Si Caleb naman ay parang nag eenjoy kaya todo ang ngiti nito.

"Hoy! Umayos ka nga Francesca! Huwag mo ngang manyakin yan!" Pagsuway ko sa malandi kong pinsan.

"Wow! Possessive! Bawal i-share? Bakit, kayo na ba?" Tanong nito habang medyo kinikilig pa. Pati si Daddy ay napatingin sa akin. Hinihintay ang aking isasagot.

"Kinikilig ka jan hindi naman kayo! At hindi rin kami. Actually, may boyfriend na yang si Caleb. Kaya off-limits yan. At may boyfriend ka rin. Kaya mag-behave ka kung ayaw mong isumbong kita sa kanya." Pananakot ko sa pinsan ko. "Teka, hindi ba crush mo siya dati?"

"Hmmm... Pwede namang crush pa rin hangggang ngayon. Hindi ba baby?" Malandi niyang sagot at pinisil pa niya ang pisngi ng bestfriend ko.

Nagtawanan na lang kami. Inabot yata kami ng isang oras sa pagkain ng almusal. Ang daldal kasi ng pinsan ko tapos andami pang niluto at inihain nina Dad. Merong fried rice, itlog, longganisa, fried danggit, corned beef at iba't ibang prutas tulad ng papaya, melon, mangga at ubas. Naparami tuloy ang aming nakain. Mukhang mapapababad ako sa gym pag uwi ko nito.

Pagkatapos ng almusal ay umakyat na ulit sa kuwarto si Cheska. Si Dad naman ay may tinawagan sa telepono. Nagyayang maglakad si Caleb sa likod bahay para pumunta sa dagat.

Nang makarating kami dito ay hinubad niya ang kanyang mga sapatos at medyas at naglakad papunta sa tubig. Medyo malakas ang mga alon ngayon. Ma-ulap din ang kalangitan.

"May pasok ka next Saturday? May pa-yacht party kasi si Alex. Punta ka raw." Tanong ko sa kanyang habang nakatayo sa tabing dagat at nababasa ang aming mga paa ng mga alon.

"Oh. Sayang. I have work. Every other weekend at every other Wednesday/Thursday kasi ang off ko." Paliwanag nito.

"A ok. Sayang nga. Don't worry I'll drink for you. Hahaha" Sagot ko dito.

"Bro, bakit hindi kayo magkasama ni Tito sa bahay? Ikaw sa Manila tapos siya naman ay andito sa Batangas? Tsaka ano na nangyari sa dati niyong bahay sa QC?" Sunod sunod na tanong nito.

"Ah gusto talaga namin magkasama sana since kami na lang dalawa ang nandito. Pagka-graduate ko ng college, napag usapan namin ang kagustuhan niyang tumira sa isang beach house dito sa probinsiya. Yun kasi talaga ang gusto niya kahit dati pa. Since may mga relatives kami dito sa Anilao kaya dito na siya naghanap ng bahay at nag tayo ng sarili niyang clinic. Ako naman, nagpa iwan sa Manila since mas okay ang work dun. Binibisita ko na lang siya once in a while dito. Or minsan siya ang dumadalaw sa bahay ko. Okay naman so far. Yung bahay naman namin dati ay binenta na after mag move ni Dad dito." Paliwanag ko sa kanya.

"How about you? Okay ka lang ba dito sa Pilipinas? Di mo ba nami-miss ang America at ang family mo dun?" Curious na tanong ko dito.

"So far, I'm good bro. Of course, nami-miss ko sila at ang buhay ko dun pero ginusto ko 'to eh. Honestly, I'll try it here for a year or two. If nothing happens, I'll fly back there." Abala siya sa paglaro ng mga sea shells na napulot niya kanina.

"What are you waiting to happen? Bakit ka nga pala umuwi at nagustuhang dito magtrabaho? American citizen ka na di ba." Tanong ko.

"Uhhh... Wala. Uhmm.. I mean sa career ko. Na-miss ko kasi ang Pilipinas. At saka para sa ekonomiya ng Pilipinas!" Labas sa ilong na sagot niya.

"Pak! Maria Sofia Love, ikaw ba yan?" Lokong tanong ko sa kanya.

Dumakot siya ng buhangin at isinaboy niya sa akin ito. Asar talo na naman ang gago.

Bumalik na ako sa loob ng bahay habang si Caleb ay nagpa-iwan sa tabi ng dagat.

Nakita ko si Dad nakaupo sa sala nagbabasa ng diyaryo. Subalit napako ang mga mata ko sa pagtingin sa mga lumang litrato na naka display sa buong dingding. Lumang litrato nang aming pamilya. Litrato ko. Litrato ni Daddy. At litrato ni Mommy. Di ko maiwasang hindi maalala ang mga masasaya naming araw nung magkakasama pa kami.

"I miss her too." Sabi ni Dad na nasa tabi ko na pala nang hindi ko namamalayan. Nakatitig kasi ako sa picture naming tatlo na kuha nung Grade 6 graduation ko. Umakbay ito sa akin.

"I know. Minsan napapanaginipan ko siya at magkakasama pa rin tayong tatlo. Pero alam ko naman na masaya siya kung nasaan man siya ngayon. How about you Dad? Are you happy?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"I am. Plus I still have you. We still have each other. So what more can I ask for? Basta hijo, tandaan mo palagi na your Mom and I are very proud of you. We love you very much." Seryosong sagot nito.

"Thank you Dad. I love you too. Basta, if you find somebody else to love, I'll support you 100%." Totoo. I wish him to be happy. If that means may panibagong babae siyang mamahalin, hindi ko siya pipigilan.

"Oh I'm too old for that hijo. But you're not. You still have all the time to enjoy life, share it with a man you'll love and maybe build a family. I wouldn't mind having some grandchildren before I die, you kno—."

"Daaadddd!" Pag putol ko sa sinasabi niya. Hindi naman ito ang unang beses na sinabi niya ito. Iniintindi ko na lang siya. Ganun siguro talaga ang mga magulang pag nasa ganitong edad na. Naghahanap ng apo. Unfortunately, hindi ko kayang ibigay yun sa kanya.

Nakita ko si Caleb pumasok na ulit sa bahay. Matutulog daw muna siya. Pagkatapos ng ilang minutong pakikipag usap kay Daddy ay umakyat na rin ako para matulog din. Tinabihan ko ang kaibigan ko.

Nagising na lang ulit kami nang katukin ulit ni Manang ang pinto namin para mananghalian. Humigit kumulang dalawang oras din kami nakatulog ni Caleb. Nakaupo na sina Dad at Cheska sa tapat ng dining table ng kami'y makababa.

"Wow Tito! Na-miss ko itong luto niyo. Paborito namin ito ni Theo eh. Di ba bro?" Puri niya sa specialty ni Dad na bulalo. Kahit noong bata pa kami, kapag nalaman niyang ito ang ulam namin ay pupunta siya sa bahay namin para dun makikain.

Nanood lang kami ng palabas sa TV pagkatapos kumain. At pagkatapos ay nagyaya si Caleb mag-swimming sa dagat. Agad naman um-oo si Cheska. Kahit si Dad ay sumang-ayon din. Kaya umakyat lang kami sa kuwarto para magpalit ng damit at nagsuot ng board shorts bago nagtungo sa dagat. Si Cheska naman ay naka two-piece bikini na kulay pula. Medyo maulap pa rin pero hindi na malakas ang mga alon.

"Tito, meron ba kayong peanut butter? Meron kasi tayong isang dosenang pandesal. Gusto ko sanang palamanan." Isa sa mga hirit ni Cheska pagkatapos makita ang aming abs ni Caleb. Puro lang kami alaskahan at tawanan. Bumabangka pa rin si Cheska sa mga walang katapusan niyang mga kwento. Kwentong barbero nga lang ang ilan dito. Kahit si Dad ay sumasabay sa mga kuwelang kuwentuhan namin.

Habang nagpapahinga sa may dampa malapit sa dalampasigan ay dumating sina Manang at Carla na may dalang mga turon at sagot gulaman for merienda. Ipinatong nila ito sa lamesa at mabilis pa sa alas kuwatrong kumuha si Caleb ng isa dito. Tangina! Sarap ng buhay dito. Kaso sira ang diet!

Lampas alas tres na ng bumalik kami sa bahay para maglinis ng katawan at maghanda na rin para sa wedding naming dadaluhan. Pinauna ko nang maligo si Caleb. Nag-scroll lang ako sa Instagram at nanood ng ilang TikTok videos habang naghihintay. Pagkatapos maligo ni Caleb ay ako naman ang gumamit ng banyo.

Nakabihis na si Caleb ng matapos akong maligo. Guwapong gwapo ito sa suot niyang white dress shirt, purple tie, black suit pants at black leather shoes. Naamoy ko pa ang mabango niyang perfume. Nagsabi ito na sa baba na lang daw siya maghihintay bago umalis at bitbit ang kanyang suit jacket. Nagbihis na rin ako at isinuot ang aking white dress shirt with light blue stripes, gray suit pants, navy blue tie, brown belt at brown Oxford shoes. Nag-spray na rin ako ng aking pabango at sinuot ang aking relo. 

Nagtungo na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Sa kotse ko na lang kaming apat sumakay at ako na ang nagdrive.

Marami nang bisita nang dumating kami sa simbahan. Maliit lang ang simbahan na ito which I think is perfect sa dami ng tanong invited. Binati ko ang aking mga tito at tita at mga pinsan na narito ngayon. Ipinakilala ko rin sa kanila si Caleb.

Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto ay sinabihan na kaming umupo dahil mag-uumpisa na ang seremonya. Nakahiwalay kami kay Dad dahil isa siya sa mga kinuhang ninong ng ikakasal. Si Cheska naman ay tumabi sa iba naming mga pinsan.

Nag-umpisa nang maglakad si Richard, ang groom. Kasunod nito ang kanilang wedding entourage. Pagkatapos maglakad ng lahat ay isinara ang main door ng simbahan. Ramdam ang excitement ng lahat sa paglalakad ng bride. Pinatugtog ang kantang A Thousand Years ni Christina Perri at kumakanta sa harapan ang isa sa kaibigan ng ikinakasal. 

🎶  Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow
One step closer  
🎶


Manghang-mangha ang lahat ng pumasok na ang pinsan kong bride. Napakaganda at elegante niya sa suot niyang puting off-the-shoulder wedding gown with beadings and long train. Balita ko gawa ito ng sikat na designer na nag design ng gowns ng dating nanalong Miss Universe.

"Do you think you'll get married someday?" Tanong ko kay Caleb habang nakaupo kami at pinapanood ang pinsan ko at ang kanyang groom sa pagpapalitan nila ng kanilang wedding vows.

"I hope so." Sagot nito habang seryosong nakatingin sa harapan at nakikinig sa ikinakasal. Ako, I don't think so. I am not the marrying type.

"You may now kiss the bride."

Para sa akin, ito ang best part of the wedding ceremony. Hindi lang dahil sa halikan. Para sa akin kasi, dito pinapatunayan ng bagong kasal ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng paghahalikan nila habang nasa harap sila ng kanilang mga magulang, kapatid, tito ay tita, pinsan at mga kaibigan. Hindi sila nahihiyang ipakita sa lahat kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Sealing the deal with a kiss kumbaga.

Abala na ang bagong kasal at kanilang pamilya at entourage sa group photo sa harap ng altar . Ang ibang bisita ay umaalis na para magtungo sa lugar kung saan gaganapin ang reception. Nakaupo lang kami ni Caleb habang hinihintay sina Cheska at Dad. Tinawag din ako para sumali sa picture nang relatives ng bride ang kinukunan.

Habang nakatayo ako sa may altar ay napansin ko ang pamilyar na mukha ng lalaki sa may pintuan ng simbahan. Si Sebastian. Andito pala ito. Pero hindi ko siya nakita kanina during the ceremony. Ngayon ay palabas na ito habang kausap ang isang lalaki.

Anong ginagawa nitong lalaking ito dito? Kaibigan o kamag-anak ba siya ng bagong kasal?

Madilim na sa labas ng matapos ang kuhanan ng litrato. Pumunta na kami sa isa sa mga highly rated na beach resort dito sa Anilao kung saan gaganapin ang reception. Pagpasok pa lang ay ramdam na ang pagka-elegante at romantic ng ambience ng lugar. Maraming chandelier at string of lights ang nakabitin sa ere na nagsisilbing ilaw dito. Idagdag pa ang mga floating candies na parte ng disenyo sa lahat ng lamesa kasama ang iba't ibang klase ng bulaklak. Mukha talagang ginastusan ng husto ang kasalang ito. 

Mula sa venue ay kita rin ang dagat sa kalayuan. Bilog na bilog ang buwan ngayon at kita ang reflection nito sa tubig. Nakadagdag ito sa mood ng paligid.

Hinanap na namin ang upuan na naka-assign sa amin. Kasama namin sa table ang ilan kong pinsan at kanilang mga dates.

"Theo, hijo, long time no see! Ang guwapo guwapo mo pa rin. May girlfriend ka ba? Kelan ka ikakasal?" Tanong ng isa kong Tita na galing Amerika.

Isa ito sa mga kinaiinisan ko tuwing may mga family gatherings. Laging itinatanong ang aking relationship status at kung kailan ako ikakasal. Idagdag pa ang pagsasabi ng aking sexual preference ng paulit ulit.

"Bro! What's up? Good to see you!" Bati ng isa kong pinsan na binisita ko dati sa Miami, Florida. Nagyakapan kami.

"I'm good bro! Just enjoying life here. Btw, this is Caleb, one of my bestfriends. Caleb, pinsan ko si Jack." Pagpapakilala ko sa kanila. Sakto kasing dumating si Caleb pagkagaling nito sa banyo.

"When are you moving to the US? You know I can easily find you a job there bro!" Ilang beses na niya akong kinukulit tungkol dito.

"Yeah I know. But I can't leave Dad here. He doesn't want to leave the Philippines. Caleb was from the US too. He just moved back here." Sabi ko para medyo maalis ang focus sa topic na ito. Nag-usap na rin sila tungkol sa buhay Amerika.

Halos lahat ng kapatid ni Daddy ay nasa Amerika na. Ilan na lang ang naiwan dito. Marami na rin akong pinalagpas na opportunity na makapag trabaho dun. Hindi ko kasi kayang iwan si Dad dito ng mag-isa. Kami na nga lang dalawa ang magkasama, mag-iiwanan pa ba kami?

Tumayo ako at nagpunta sa bar para kumuha ng drinks. Nadatnan ko dito si Sebastian.

"Are you following me?" Pabiro kong tanong dito habang nakatayo sa tabi nito. Nagulat pa siya ng marinig ang boses ko.

"Hey! You're here too! Kumusta?" Excited na sagot nito.

"Okay naman. How did you know the newlyweds?" Curious kong tanong dito.

"Oh no, hindi ko sila kilala. Wedding crasher lang ako. Balita ko kasi masarap pagkain dito at may libreng alak. Alam mo na." Seryoso niyang sagot at ako naman ay nalilito. Di mawari kung nagbibiro lang ba ito. "Just kidding... May sinamahan lang ako dito."

"Boyfriend mo?"

"No. I don't have a boyfriend. He's my... uhmm... client." Pabulong niyang sinabi ang huling salita.

Napa-'Oh' na lang ako dahil sa sinabi niya. Sa pagkakasabi niya, I don't think client niya ito sa pagiging interior designer. Wait! Is he an escort too? Tatanungin ko sana siya tungkol dito pero nagpaalam na siya.

"Anyway, gotta go. He's waiting for me. Talk to you later." Kumindat pa ito at tinapik ang aking balikat bago umalis at bumalik sa table nila.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang maka-upo katabi ng 'client' niya. Inabot niya dito ang isang drink. This is guy is full of surprises. Ano pa kayang sikreto meron ito? Isip ko.

Bumalik na ako sa table namin at ibinigay kay Caleb ang rum and coke na inorder ko para sa kanya.

Pumasok na ang bagong kasal at ang entourage nito. Nag-umpisa na ang party.

"May nakita ka nang type mo?" Tanong ko Caleb habang kumakain.

Hindi ako sinagot nito at nagpatuloy lang sa pagnguya ng chicken marsala.

"Ipakilala kita mamaya sa pinsan ko. Guwapo yun!" Patuloy kong pang-iistorbo sa kanya.

"Shut up Theo! Eat your food!" Iritableng sagot nito.

Kasalukuyan nang nagkakasayahan ang lahat. Pumunta ako ng bar para kumuha ulit ng inumin. Nadatnan ko dito ang apat kong mga pinsan. Binigyan nila ako ng shot glass at sabay sabay namin tinungga ang laman nito.

"Theo, what do you think of gay marriage?" Tanong ni Ryan, pinsan ko na galing Chicago.

"I believe gay marriage should be legalized to provide equality, diversity, tolerance, respect and freedom for the LGBTQ+ community." Sagot ko dito.

"I agree. But you don't do relationships cousin. Do you have a boyfriend now?" Tanong ni Angela, kapatid ni Ryan, na parehong hindi marunong mag-Tagalog.

"No. I don't. But it doesn't mean all gays or lesbians or trans should be deprived of the right to marry. Aren't there heterosexuals who don't do relationships too and yet marriage for them is allowed? Don't you want to marry your girlfriend? Balik na tanong ko dito.

"Oh! I'm not a lesbian. I'm straight and I have a boyfriend." Sagot nito. Alam ko naman yun.

"When did you come out as straight?" Tanong ko ulit dito.

"Huh? Why would I come out? I'm straight." Naguguluhang sagot nito.

"Why not? Why do members of LGBTQ+ are the only ones who need to come out? Why don't heterosexuals go through that process too? I think everybody should do it at some point in their lives and not make heterosexuality the default. And by the way, Angela, you just came out to us." Tahimik lang sila sa sinabi ko. Shit! Did I just killed the mood of the party? "Cheers to Angela for coming out!" Pagbibiro ko habang tumatawa in my attempt to lighten up the mood again. Itinaas din nila ang kanilang inumin at tumawa na rin. Naiba na rin ang topic namin.

Lumalalim na ang gabi pero tuloy ang kasiyahan. Medyo madami na rin kaming naiinom ni Caleb. Actually mukhang lasing na ang gago. Mukhang hindi pala ganun kataas ang tolerance nito sa alcohol.

Hinila ko siya sa dance floor at isinali sa grupo ng aking mga pinsan. Naipakilala ko na siya kanina sa halos lahat sa kanila.

"Hey! Congratulations! I am so happy for you!" Sabi ko Grace, ang pinsan ko na ikinasal, habang nasa dance floor. Niyakap ko ito.

"Thank you Theo! I'm glad you made it." Sagot nito.

Nagtagal pa kami sa dance floor. Nakita ko rin si Sebastian at ang client nito na sumasayaw. Tinanguan ko ito. Umalis lang ako ng napalitan ang tugtog ng slow romantic music.

Nagpunta ako sa banyo then bumalik ulit sa bar para kumuha lang ng alak bago ako lumabas sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.

"The party is inside." Rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Sebastian palapit sa akin. Inabutan niya ako ng bottled water.

"Salamat!" Sabi ko dito pagkatapos tanggapin ang tubig na bigay nito. "No. Nagpapahangin lang."

"Seriously thinking about getting married too?" Tanong nito sa akin.

"Nope! Are you?"

"Hmmm... I need to find a boyfriend first." Sagot ni Sebastian.

"How about yung client mo sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Nah." Maikling sagot nito habang umiiling ang ulo.

"Baste... oh can I call you Baste?" Tumango ito. "Hindi kita hinuhusgahan pero curious lang ako. Are you an escort?" Prangkang tanong ko dito.

"Oo. Pero I —" Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil tinawag na siya ng "client" niya. Nagpaalam na ito.

"Hindi kita binabayaran ng mahal para lang lumandi sa ibang lalaki..." Dinig kong sabi ng kliyente niya habang pabalik sa loob. Napailing na lang ako. I kinda felt bad for him.

Bumalik na rin ako pagkatapos ng ilang sandali. Nilapitan ko si Dad na kasalukuyang nakaupo at pinapanood ang mga nagsasayaw.

"Dad, okay ka lang? Gusto mo na umuwi?" Tanong ko dito. Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas onse na pala.

"Sige, kung ok lang sa yo." Sagot nito.

"Of course! Sige, hanapin ko lang si Cheska at si Caleb." Iniwan ko ito para puntahan ang pinsan at bestfriend ko.

Madali ko naman nakita ang mga ito. Nagpaalam na kami sa halos lahat na makita naming kilala habang lumalabas ng venue.

Si Cheska na ang nag drive ng kotse ko pabalik ng bahay ni Dad. Lasing na kasi Caleb at medyo may tama na rin ako.

Dumiretso na kami sa aming mga kuwarto ng makarating sa bahay. Inalalayan ko pa si Caleb habang umaakyat sa hagdanan para hindi ito matumba at mahulog. Inihiga ko siya sa kama. Tinulungan ko na rin siyang hubarin ang kanyang mga sapatos at damit. Iniwan ko itong nakasuot na lang ng kanyang Calvin Klein briefs.

Nagpunta ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Nagdebate pa ako kung maliligo ako pero dahil sa tama ng alcohol at sa pagod, hindi ko na ginawa.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong nakaupo sa gilid ng kama si Caleb. Nakaharap ito sa pinto ng banyo habang nakatuon ang kanyang mga siko sa kanya mga hita at nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Umupo ako sa tabi nito.

"Bro, okay ka lang?" Pag aalala ko dito at hinawakan siya sa kanyang balikat. Isip ko baka gusto niyang sumuka.

"Hiwalay na kami ni Jordan." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What? Sabi mo kanina okay pa kayo." Naguguluhang sagot ko sa kanya.

"I lied. Sorry... Wala na kami. We broke up pag-uwi namin galing sa party ni Alex. Nahuli ko kasi siyang nakikipaghalikan sa banyo during the party." Kwento nito.

"Tanginang gagong yun! Pag nakita ko yun, uupakan ko talaga yung hayop na yun!" Inis kong sabi dito.

"Hayaan mo na siya." Malungkot na sabi niya.

Niyakap ko siya para pagaanin ang loob niya. Kaya siguro hindi nagpaparamdam itong kaibigan kong ito nitong mga nakaraang araw dahil sinasarili niya itong pinagdadaanan niya. Sa pagkakaalam ko ay wala siyang masyado support system dito bukod sa akin dahil bago pa lang siyang balik dito galing America. I feel bad for him. I feel the responsibility na alagaan siya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Jordan bago ito umalis ng party. Please take care of Caleb.

Nasa ganito akong pag-iisip ng humiwalay si Caleb sa aking mga yakap. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako.

Shit!






Itutuloy...

 

 

No comments:

Post a Comment